Ang liwanag ng sinag ng araw ang sumalubong sa akin nang makalabas ako mula sa lagusan mula sa Jotunheim. Ako ang huling nakalabas at naabutan ko sina Jormungandr na isinasandal na si Master Loki sa isang malaking puno upang makapagpahinga ito sandali. “Nasaan tayo? Malapit lamang ba ito sa Sviarland? Kung oo ay maaari tayong pumunta na kaagad sa inn natin upang makapagpahinga si Master Loki.” Lumapit ako sa kanila habang sinasabi ang mga iyon. Tumingin sila sa akin bago tumango. “Pagpahingahin muna natin si ama ng ilang sandali bago tayo tumulak papunta ng inn. Sa tingin ko naman ay hindi kalayuan ang lugar na ito sa Sviarland base sa lamig ng hangin dito,” si Jormungandr bago ayusin ang benda ng sugat ni Master Loki. Tumango na lamang ako. Tumayo si Freyja sa pagkakaluhod niya sa gili

