CHAPTER 9

1356 Words
MAAGANG nagising si Nicky sa umagang iyon kaya nag luto na siya..sabay na din silang nag almusal ni tristan..kahit papano unti-unti nang nag hihilom ang mga sugat at gasgas niya dahil sa pag kaka kidnap sa kanya.. siguro hindi na siya lalayo sa tabi nang binata para safe siya dahil pati si tristan ay nadadamay, nalalagay din sa piligro ang buhay neto, malaki na ang utang na luob niya reto at di alam kung pano ito ma babayaran sa malaking utang na luob na iyon. "anong iniisip mo? nakatitig nitong tanong sa kanya. "diko alam kung pano ko mababayaran ang utang na luob ko sayo.. simula ng makilala mo ako nalagay na sa panganib ang buhay mo.. madamdamin niyang saad. "so simple.. mahalin mo lang ako sapat na.. walang gatol nitong tugon. napatingin siya sa binata.. hindi naman ito mahirap mahalin kung tutuusin.. ang tutuo mahalaga ito sa kanya at baka nga mahal narin niya ang lalaki..pero natatakot siya. tiyak hindi siya tatanggapin nang pamilya ng lalaki.. langit at lupa ang agwat nila. ganun man gusto niya padin siguruhin ang nararamdaman niya para reto, dama niyang ginanap nang lalaki ang palad niya. "hindi kita minamadali nicky....maghihintay ako..okay.. marahan nitong pinisil ang kamay niya bago binitiwan at itinuloy ang pag kain. "salamat tristan.. nakangiti niyang tugon matapos kalmahin ang sarili sa matinding kabang naramdaman. pag katapos niyang kumain nag paalam siya sa lalaki na uuwi ng bahay dahil kaarawan ni lavenia.. ipag luluto niya ito ng pansit kahit papano. agad namang pumayag si tristan na sinamahan pa siyang mamili. bumili din ito ng cake para sa kapatid niya na labis niyang ipinag pasalamat. pagdating sa bahay nadatnan niya ang kanyang ate faye at ng isang lalaki na agad ipinakilala sa kanya. madami din itong pinamili para kay lavenia. ipinakilala nang ate niya si andrew sa kanila ni tristan bilang boyfriend neto. mukha namang mabait ang lalaki dahil katuwang pa nga nito iyong mag luto sa kusina ng dumating sila. tanging ang kanyang madrasta lamang ang wala duon. "kumusta kayo ni tristan? nakangiting tanong nito. "okay kami..eh kayo nong andrew mo? kuya ko nadin ba siya ate? na nunudyo niyang tanong. ikinu wento nito sa kanya kung paano neto naging boyfriend si andrew kaya natawa siya. sa huli ay nakadama ng pangamba dahil kay jeff. "ibig sabihin ate dimo siya mahal napilitan kalang. naitanong niya dala ng curiosity. "passst..hinaan mo yang boses mo marinig ka ni andrew..saway nito sa kanya. naiwan kasi ang dalawa sa sala at nag kukwentuhan.. mukang nag kapalagayan na kaagad ng luob ang dalawang lalaki. "yung tanong ko.. "mahal ko na siya nicky..uo dati hindi nabigla kasi ako sa nangyari pero alam mo ang bait niya kasi, matalino, masipag din siyang mag aral tulad ko, subrang mahal niya ako, bonus nalang yong pagiging gwapo niya.. kinikilig nitong sabi. napangiti siya. "hay salamat sa wakas nakatagpo ka nang mabait na boyfriend.. "eh ikaw nicky..kilan ang kasal niyo ni tristan. "ha?ayaw ko pa sana. "kaylan pa kapag buntis kana? bigla siyang nasamid sa sinabi ng ate faye niya. "ate nmn eh..wala pa nmn nangyayari samin. tugon niya. hindi niya masabi na wala nmn talaga silang relasyon ni tristan. "anu?ilang gabi na kayong mag kasama.. nag tititigan lang kayo ganun,nakangiting sabi nito. "magkahiwalay kami nang kwarto noh.. hanggat walang kasal..bawal muna. "well tama naman iyan.. kasal muna bago ganun. sabay tawa. itinuloy nila ang pag luluto. namg matapos ay katuwang nila sina andrew at tristan gumawa mamg mga balloon para ipapalibot sa banner. ang balak nila surpresahin ang kapatid pagdating sa bahay..kaya maaga silang nag handa. iyon ang magihing kauna unahan nitong birthday na nakapag handa sila nang bungga. salamat kay andrew at tristan na tinulingan sila. ****** . PAG kalipas nang isang linggo natagpuan ni jeff ang sarili sa labas ng school ni lavenia. ewan pero na mimiss niya ito hindi dahil matagal na siyang walang na kaniig sa kama kundi gusto niya itong kumustahin..at nakakatawa bumili pa siya nang bagong polo para lang maging presintable sa paningin nito. alam naman niyang gwapo siya pero ano namang laban niya sa mga kaidad nito. saktong kalalabas lang nito sa school..at may dalawang kasamang mga kaklase,puro iyon babae at mukang masayang nag uusap-usap ang tatlo. "hi lavenia...hatid na kita.. singit niya sa tatlo na nag plastar nang ngiti sa labi. naagaw niya ang attention nito.. unang nakita niyang reaksyon ng dalaga ay ang pag kagulat..kasunod ay may longkot na bumalatay sa mga mata nito. walang imik na sumakay sa motor niya.. dinala niya sa isang fast food chain ang babae nakangiti na ito nang ihain sa kanila nang isang service crew ang fried chicken. "wow kuya jeff sakin lahat to? napapalatak ito sa isang bucket na fried chicken. "anu ka sinuswerte sating dalawa yan noh.. natatawa siya. tintigan siya nito..titig na nakadama siya nang pag kailang para kasing tumatagos iyon sa kalamnan niya na nag bibigay nanaman nang kakaibang init sa katawan niya.. "salamat kuya jeff..alam mo bang birthday ko ngayon..kauna unahang birthday ko na may ganito.. naluluha nitong pagtatapat. "talaga birthday mo? di makapaniwalang tanong..happy birthday nga pala. "uo,kaya salamat. "kung ganun, bilisan mong kumain ibibili kita nang regalo.. sa sinabi niya sumilay ang kakaibang ngiti sa labi nito, ngiting nag pa arko ng puso niya. "salamat kuya ha? sinasabi ko na ngabang mabait ka.. anitong hinawakan ang kamay niya. natawa siya.pilit nilalabanan ang kabang bumundol sa puso niya. "salamat ikaw palang ang kauna-unahang nag sabi saking mabait ako.. ang sarap pakinggan. ngumiti lang ito. pagkatapos nilang kumain pumasok sila sa isang mall..at pinapili niya kung anong gustong iregalo niya dito...hinila siya nito papasok sa isang book store at may kinuha itong makapal na libro. "okay lang ba kuya jeff kung ito ang hingin kung regalo sayo kailangan ko kasi to sa school .? nakangiting tanong nito. "matatangihan ko ba ang mga ngiting yan? napapakamot siya sa ulo. mejo may kamahalan kasi ang librong iyon. "salamat kuya jeff..malambing sabi nito na sa pag lagulat niya ay yumakap sa kanya.. "walang anuman basta mangako ka sakin na hindi ka pa mag bo-boyfriend, pag aaral muna ha? di niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig dahil kapag mangyaring mag ka boyfriend ito dadaan muna sa kamay niya. sinilip nito ang mukha niya na para bang gustong may makita duon.. hanggang sa hinawakan na nito iyon.na lalo pang pinaka busisi. "lavenia..bulong niya sa pangalan nito matapos siyang halikan sa pisnge na agad din naman siyang binitiwan at patakbong lumapit sa counter..saglit siyang nabato sa kinatatayuan niya kundi pa siya nito tinawag. na mimis niya talagang halikan ang mga labi nito. inihatid niya na ito pauwi sa bahay pag kagaling nila sa mall kahit gusto niya pa itong makasama. anu bang nangyayari sa kanya..ngayon niya lang naramdaman ang ganong pakiramdam.. sa dami ng nag daang babae sa buhay niya. "bye kuya ingat..kaway nito sa kanya pag kababa sa motor niya. nakangiti niya itong sinundan nang tingin hanggang sa mawala ito sa paningin niya.. sumakay siya sa motor upang umuwi na ng biglang tumunog ang phone niya. "magkita tayo..galit na boses ni gabriel sa kabilang linya. "yes boss, tugon niya... bwes*t bulong niya matapos patayin ang linya at pinaharorot ang motor na sinasakyan. pagdating galit na mukha ni gabriel ang sumalubong sa kanya na inundayan siya nang mag kakasunod na suntok sa mukha. wala naman siyang laban dahil nakapalibot ang armado nitong tauhan. duguan siya bago nito tantanan. "inutil ka wala kang ginagawang hakbang.. ilang araw na hanggang ngayon wala ka parin ginagawa.!! malakas nitong sigaw sa kanya. walang tugon mula sa kanya. "kung di mo kayang gawin ang mga utos ko bayaran mo ang utang mo sakin.. bibigyan kita nang isang linggo.. anitong nag iwan pa ng isang malakas na suntok na tumama sa mukha niya. napa unggol nalang siya sa sakit. papatayin kita gabriel mag karoon lang ako ng pagkakataon. bulong ng isip niya sa kabila ng kalagayan niya. "itapon niyo sa labas ang lalaking yan.. bigyan niyo ng liksyon..mando nito sa mga tauhan bago tuluyang makalayo. naramdaman nalang niya ang pag haklit sa braso niya at pag palo ng baril sa ulo bago siya nawalan ng ulirat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD