CHAPTER 19

1558 Words
halos nakikisama na rin si tristan sa mga maralitang kinabibilangan nang mga mamamayang tinutuluyan ni mr santiago.. para bang kailangan niyang gawin iyon para lang makumbisi si mr santiago na sumama sa kanya pabalik ulit nang maynila ,lahat gagawin niya maibalik lang ito sa poder ng mga anak dahil nag aalala na ang mga ito sa sitenta anyos na matanda. maayos naman ang kalusugan ni mr santiago sa poder ng mag asawang kumupkop dito infact mas nakakapag exercise pa nga ang matanda araw-araw dahil sumasama sa pag tatanim nang gulay sa mag asawang berting at delfa na may pitong taong gulang na anak at ito ang katuwang ni mr santiago sa pag aabuno minsan nang malalagong gulay sa bukirin. "lolo kain na tayo...tawag ni aldren kay mr santiago na nasa gitna pa ng gulayan. lolo na ang tawag ng bata sa milyonaryong matanda. walang kaalam alam ang mag asawang berting at delfa na ubod nang yaman ang kinupkop na matanda at halatang bukal sa luob ang pag tulong dito,wala narin marahil planong bumalik ang matanda sa mga anak dahil wala manlang iyong nababanggit sa mag asawa. "aba'y napakabilis mo naman kasi apo..natatawa si mr santiago.. nakasuot ito nang kupas na damit at maong at naka sumbrero na yari lang sa pinatuyong dahon. sa hitsura nito ngayon sino ngabang mag sasabing isa itong napakayamang tao. nuong una nag kunwari siyang naliligaw lang sa lugar na iyon at kunwari nagustuhan ang baryo kalinsang kaya pabalik balik na siya duon..nang hinge pa nga siya ng pang inom na tila uhaw na uhaw sa pamilya ni mang berting. nakipag mabutihan maging kay aldren na anak nang mag asawa. at tumulong mag tanim nang gulay. ilang buwan naba siyang nanatili sa lugar na iyon at nililigawan si mr santiago para bumalik sa syodad..siya na rin ang nag open up sa mag asawa tungkol sa tunay na kalagayan nang matanda. hindi naman makapaniwala ang dalawa. sa tutuo lang napapagud na siyang kumbinsihin ito pero ayaw niyang sumuko. nakapangako na siya sa mga anak ni mr santiago na kahit anong mangyari isasama niya ito pabalik nang maynila. pagkatapos nilang kumain nag paalam na siya sa mag asawang berting at delfa pero babalik siya ulit bukas. "tristan..tawag sa kanya ni mr santiago na sinundan pa siya. natigil siya sa pag lalakad..at sinulyapan ito "hayaan mo na ako dito..pakisabi sa mga anak ko na hindi ko na sila kailangan kaya sa kanila na lahat nang yamang iniwan ko sa kanila.. tutal walang ibang mahalaga sa kanila kundi pera,mga negusyo sosyal life at kung anu anu pang mag papasaya sa kanila..wala silang hinangad kundi mag payaman..kinalimutan na nila ako. madamdaming saad nito. nababakas sa makulobot nitong mukha ang hirap nang kaluoban sa sinabi ng matanda. "gusto ko lang linawin sayo na hindi na ako babalik sa kanila kaya wag ka ng mag aksaya ng panahon dito..muli ay sabi nito. "mr santiago gusto ko lang din linawin sayo na hindi kita susukuan. gusto ko rin naman dito sa baryo kalinsang kaya matagal pa tayo mag kakasama..ngiti niya dito. "hindi ko alam kung anong gustong patunayan ng mga anak ko..nuong nasa poder pa nila ako wala silang ibang gustong gawin kundi magtalo-talo sa harap ko..wala silang ibang alam gawin kundi pag talunan ang mga walang kabuluhang bagay..ngayong iniwan ko na sa kanila lahat ng kayamanan ko gusto nila ako pabalikin.. panay ang iling nito habang nag sasalita. "mananatili niyo silang pamilya sir..minsan talaga saka lang natin ma re-realize ang isang bagay na mahalaga satin kung kilan wala na. ganun paman hindi pa huli ang lahat..himig paliwanag niya. "magkano ba ang kailangan mo? diritsang tanong nito sa kanya. sandali niyang kinuha ang cellphone at pinakita ang picture ni nicky..dahilan para mapakunot nuo ito. " siya si nicky ang babaeng mahal ko..nasa seoul siya ngayon at nag aaral para sa future niya,.naming dalawa.. alam mo bang pitong buwan ko na siyang hindi nakikita? at miss na miss ko na siya.. malongkot niyang saad na tila gustong umiyak sa harap ni mr santiago. lalong napakunot ang nuo nitong di makuha ang ibig niyang sabihin. "kung ganon bakit dimo siya puntahan?anu naman ang kinalaman ko sa kanya? "yun na nga sir..balak ko siyang sundan pag naresulba ko ang kasong to..tugon niya. "sinasabi mo bang ako ang dahilan kung bakit di kayo nagkikita? kinukunsinsya mo ba ako? waring nauunawaan na nitong tanong. sa sinabi nito lihim siyang napangiti. "bahala kayo sir kung anu ang gusto niyong isipin pero kapag naisama kita ngayon sa maynila bukas na bukas lilipad ako ng seoul.. aniyang nag iwan nang ngiti dito. nalingunan niya nalang na parang nag iisip ang matanda.. "kahit anupa ang sabihin mo hindi magbabago ang isip ko tristan...pahabol nitong sabi sa kanya na hindi nalang niya nilingon. pero napa buntong hininga siya.. duro-diritso sa hotel na tinutuluyan agad tinawagan ang na miss na anak pag dating. alam niyang labis itong naapiktuhan sa pag alis ni nicky dahil simula nuon naging malongkot na ito.. na mimis ni zion ang babae tulad kung paano higit niyang na mimis ang asawa..pero ayaw niyang ipakita iyun sa anak. "hi baby..bati niya sa anak sa kabilang linya.. "hello dad..have you seen mom..can i talk to her na?. excited ang boses nito. tila mas na miss pa nito ang kinilala nang ina kesa sa kanya.. "not yet baby..your mom still busy.. "aren't she came home dad just to see me even for once? nagtatampo nitong tanong na humuhikbi. "of course she wanted too baby but she's busy right now in her study..himig paliwanag niya. hindi ito kumibo bagkos narinig niya itong humikbi sa kabilang linya. napabuntong hininga siya.. "why did you let her go dad..?i miss her so much..i wanna see her na please daddy..just do something to make her back..hagulhol na nito. naawa siya bigla na di alam ang sasabihin sa anak.. "okay..baby i promise we will visit your mom soon..stop crying na okay..??pag papagaan ng luob niya dito. ilang sandali niya pa itong narinig na humihikbi bago nag salita. "really dad..?you promise? "yes baby..aniya. "yeheeyyyyy!!tuluyan na itong tumahan at napalitan ng sigla ang boses. tila nabunutan naman siya ng tinik sa dibdib habang naririnig ang masayang boses ng anak, hindi lang naman si zion ang nakaka miss kay nicky kundi higit siya. matapos putulin ang linya nila ng anak ay si kyle naman ang sunod niyang tinawagan.. gusto niya kumustahin mula dito ang kalagayan ng asawa. "hello.... natigilan siya nang marininig ang boses ni nicky na siyang sumagot sa cellphone ni kyle.. tila umurong ang dila niya. "tristan alam kung ikaw yan..magsalita ka..kausapin mo ako..nakikiusap ang boses nito. "god i miss her so much..hiyaw nang utak niya. "tristan please kausapin mo naman ako ohh..bakit ba ganyan ka?umiiyak na ang boses nito sa kabilang linya. naramdaman niyang panginig ng mga kamay na naka hawak na mahigpit sa phone na agad pinutol ang linya.. gusto niyang maka usap si nicky pero natatakot siyang kausapin ito.. ayaw niyang masayang ang sakripisyo na ginawa niya.. kailangan niyang maging matapang sa ngayon kahit nasasaktan siyang malayo ito sa kanya..alam niya pagkatapos nito magsasama din sila ni nicky nang masaya. "miss na miss na kita nicky..naibulong nalamang niya. NAG aya si kyle na kumain sila ng ramen sa labas kaya nag pa unlak si nicky..malaki ang tiwala nang kanyang ina sa binata kaya agad itong pumayag..kahit naman papano hindi na siya maliligaw sa jongno. nakarating narin siya kung saan-saan dahil halos araw araw siyang ipasyal ng ina. habang kumakain sila naisip ni kyle na bumili nang soju..masarap daw yun partner sa ramen. naiwan nitong nakapatong sa table nila ang cellphone ni kyle kaya nakita niyang tumatawag si tristan. mabilis niya iyong sinagot na abot abot ang kaba subalit walang tugon mula rito kahit nag makaawa na siya kay tristan. subrang miss niya na ang asawa at wala siyang ibang inisip kung hindi ito.. talagang iniiwasan siya nito at ayaw siyang kausapin kaya sumama ang luob niya. "may problema ba? napansin ni kyle na umiyak siya pag balik nito. "pasinsya kana sinagot ko yung tumatawag diyan sa cellphone mo..mapait niyang turan. sinipat nito ang phone..saka palang naunawaan ni kyle kung bakit hilam sa luha ang mga mata ni nicky dahil si tristan ang tumawag. "kain na tayo..hayaan mo na yun..aniya dito. walang kibo na nagpatuloy sa pag kain si nicky na sinasabayan ng pag inom nang soju. panay ang pahid nito nang luha. ni hindi niya namalayang naubos na pala nito ang tatlong bote. "mahal paba kaya ako ni tristan kyle? malongkot na tanong ni nicky sa kanya. kasalukuyan niya itong kinakabitan nang seatbelt. bakit ngaba hindi niya siraan si tristan kay nicky para makalimutan na ito nang dalaga at siya ang mahalin nito. tutal hindi naman ito kayang ipag laban ni tristan.. isa itong duwag na ipinag tulukan ang asawa sa malayo sa mababaw na dahilan. ilang sandali pay tulog na si nicky sa kanyang tabi. at sa halip na iuwi ay sa sariling bahay niya ito dinala. magdadahilan na lamang siya sa ina nito kung bakit hindi niya naiuwi si nicky. marahan niyang binuhat ang dalaga pag karating saka dinala sa kwarto niya. "simula sa gabing to akin kana nicky..bulong niya habang marahang inilalapag sa ibabaw nang malambot na kama ang babae. sinisiguro niya makakalimutan din nito si Tristan sa piling niya at mamahalin niya ito higit pa sa pagmamahal na ipinadama nito kay nicky..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD