tatlong buwan simula nang iwan ni jeff si lavenia sa poder ni asher subalit magpa hanggang ngayon ay dipa niya ito nababalikan upang sunduin..araw-araw naman niya itong dinadalaw duon di ngalang siya nag papakita. tiyak hindi siya nito lulubayan hanggat hindi siya pumayag na sumama sa kanya.
pinupuntahan niya din ito sa school at kay asher niya ipina aabot ang perang kailangan nito na tinatanggihan ng dalaga.. wala naman kaso sa magulang ni asher ang pananatili ni lavenia duon dahil napakabait daw nito na tumutulong sa gawaing bahay kaya pinapa sweldo pa ito nang pamilyang ponce.
hindi na siya magugulat kung isang araw makakalimutan nalang siya nito at masasanay na wala siya. mas mabuti na iyon kesa tuluyan itong mapahamak sa piling niya.
sa tatlong buwan na iyun pilit parin siyang nag a adjust na wala ito lalo pag uuwi na siya kaya tuluyan na siyang umalis sa apartment na tinitirhan niya at nag stay in nalang sa pinapasukan tutal nag iisa lang naman siya.
wala narin siyang balita kay gabriel sa tatlong buwan na iyon, mapapagud din ito kakahabol sa kanya or nag hahanap lang ito nang tiempo, hindi niya alam basta ang importante handa siya at anuman ang mangyari sa kanya walang madadamay..higit lalo ang mahal niya.
"kuya jeff..habol ni lavenia sa kanya isang gabing dinalaw niya ito sa mansyon ng mga ponce..wala siyang balak mag pakita dito pero saktong palabas ito kasama si asher..
mabilis niyang pinasibad ang motor na hindi ito pinansin. nakita na lamang niyang sa side mirror na hawak ito ni asher sa kamay at inaakbayan papasok ng bahay..nagseselos man wala siyang magawa.
hindi na siyang muling bumalik pa duon dahil baka makita nanaman siya nito..tiniis niya iyon ng halos dalawang buwan na di ito makita.
"bruh si lavenia nawawala..isang gabi natatarantang tumawag sa kanya si asher.
"panong nawawala? mahina pero madiin niyang tanong.. ipinag katiwala niya ito sa kaibigan kaya hindi niya ito mapapatawad kung may masamang mangyari dito.
"nag paalam siya samin kahapon na di siya uuwi dito at wag ko na daw siyang sunduin dahil na mimis na daw niya ang ate niya. pero hindi siya umuwi ng bahay ngayon heto gabing gabi na..galing ako sa school niya kanina pero ang sabi dalawang araw na daw di pumapasok si lavenia.. nag aalala din ang boses nito.
nag panting ang tenga niya sa sinabi nito sa pandinig niya na iniwan ang trabaho at tinungo ang nakaparadang motor. tinumbok niya ang daan papunta sa tinitirhan nang ate nito para makasiguro kung naruon ang dalaga,, mabuti nalang talaga at minsan niyang naitanong ang address na iyon. dasal niya lang na nasa maayos ang mahal niya.. kundi hindi niya mapapatawad ang sarili.
pero sarado ang bahay pag dating niya. marahil nasa school pa pareho si emerson at faye dahil walang nag bubukas sa pinto kahit halos gibain niya na sa lakas nang kalampag niya.
naiinip na nag hintay siya sa labas bago dumating ang dalawang mag kasintahan.. nginitian agad siya ni faye.
"jeff buti napasyal ka..kumusta na kayo?si lavenia kumusta?nasa tuno ang pag tatanong nito kaya sigurado siyang hindi umuwi duon ang dalaga.
mabilis siyang sumakay muli nang motor na di ito pinansin saka pinaharorot iyun.
"jeff anong nangyayari?.. narinig niyang habol na tanong ni faye na hindi niya na binigyan nang pansin.
tinumbok niya ang daan patungong squatter kung saan nakatira ang ina nito. baka duon ito umuwi.. pagdating niya nadatnan niya ang ina nitong sugarol na may kasamang mga kainuman. mukang nag kakasiyahan pa ang mga ito.
"ikaw??anong ginagawa mo dito? singhal nang ina ni lavenia matapos siyang pag buksan.
hindi niya ito pinansin na tumuloy sa luob nang bahay at hinalughog sa luob upang hanapin si lavenia.
"nasaan si lavenia?tanong niya sa ina nitong lasing ng hindi ito mahagilap sa luob.
humagalpak ito nang tawa maging ang mga kainuman nito.
"hindi ko sasabihin sayo na pinag trabaho ko sa kabaret ang anak ko kaya ang saya saya ko ngayon dahil mag kakapera na ako..
"bwesit...pagmumura niyang sinuntok ang pintuan ng bahay at parang kidlat na lumabas. kulang nalang tirisin niya ang walang kwenta nitong ina sa matinding galit..wala padin itong pagbabago.
ang ipinagtataka niya lang bakit pa nito naisipang bumalik sa ina ganong minsan na nito iyong tinakasan. di niya maintindihan ang babae. maganda na sana ang buhay nito sa poder ni asher.
"bakit lavenia?bakit??bakit??naghuhumiyaw ang isip niya sa katunangang iyun habang mabilis na tinutumbok ang daan patungong kabaret na dating pinapasukan ni nicky na alam niyang iyon ang tinutukoy nang ina ni lavenia..
walang amumang pumasok siya sa luob.
"jeff long time no see..but now see now.. salubong sa kanya nang baklang may ari nang kabaret. kilalang kilala parin siya nito dahil madalas siya nuon sa lugar na iyun kung saan nkilala niya din si nicky.
"mamita may lavenia ka bang bagong nag tatarabaho dito? siryoso niyang tanong. mamita ang tawag nang karamihan sa baklang may ari ng kabaret.
"uo..yung bago at batang batang si lavenia na tiyak kikita ako nang malaki pero dahil suki kita may ten percent discount ka..okay ba?
"nasaan siya.?
nasa dressing room pa at pinagbibihis ko bago erampa sa harap nang mga kalalakihan syempre kaya...
hindi niya na ito pinatapos nang sasabihin na pumasok sa dressing room.. nakita niya kaagad si lavenia na halos kakatapos lang mag bihis..gulat ito ng makita siya.
"ayyyy...anuvah.. excited lang...nagulat ang baklang nag aayos sa dalaga nang bigla niyang kaladkarin palabas ang babae sa lugar na iyun pero nag pumiglas ito sa pag kakahawak niya.
"jeff teka anu toh??gulat si mamita na humarang sa kanila.
"mamita girlfriend ko to kaya wag kang makialam samin kundi sasamain ka sakin.. pagbabanta nang boses niya na agad namang nahintakutan ang bakla at tumabi..kilala siya nito magalit.
"bitiwan mo nga ako jeff..di ako sasama sayo.. galit na sinampal siya ni lavenia na ikinagulat niya.. bukod padun hindi na siya nito tinawag na kuya. ang bilis nitong nag bago. sa ilang buwan lang hindi na siya nito halos kilala. nasaan na ang lavenia na minahal niya.. bakit parang ibang babae ang nasa haral niya.
walang anumang binuhat niya ito palabas mula sa lugar na iyon. kahit na nag pumiglas pa ito.
"ano bang nangyayari sayo lavenia? takang tanong niya dito na agad binalot nang jacket niya dahil nakaluwa sa paningin niya ang kayamang pag mamay ari niya.
"umalis kana jeff dahil hindi kita kailangan..isa pa wag ka ngang mag kunwaring nag aalala sakin dahil hindi yan tutuo..madiin nitong sabi sa kanya na mas malamig pa sa yelo ang boses.. pumihit ito pabalik sa luob nang kabaret pero mabilis niya itong napigilan sa kamay.
"lavenia makinig ka sakin ayaw kung mapariwara ang buhay mo..lahat ginagawa ko para sayo wag mong gawin to..bulyaw niya dito.
"sino kaba sa akala mo para diktahan ako sa dapat kung gawin ha??. anito sa kanya na pilit nag pupumiglas sa pagkakahawak niya sa kamay nito.
"kuya mo ako kaya sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sakin at gagawin mo lahat ng gusto ko..naiintindihan mo..galit na siyat nauubusan ng pasinsya dito.
"hindi kita kapatid at lalong hindi kita kaano-ano..simula ngayon wala na tayong pakialam sa isat isa.mag kalimutan na tayo.!galit siya nitong itinulak at nag paika ikang nag lakad dahil sa suot na mataas na takong.. hindi naman kasi ito sanay.
sinagad nito ang pasinsiya niya kaya naiinis siyang sinundan ito na kasalukuyang papasok na muli sa kabaret saka binuhat at isinakay sa motor. gusto niya itong makausap nang matino pero hindi niya iyon magagawa sa ngayon dahil galit pa ang babae sa kanya.. marahil na brainwash ito ng ina..hindi niya alam sa mabilis nitong pagbabago pero hindi niya ito hahayaan sa gusto nitong gawin, kung kinalailangan niyang itong igapos sa tabi niya gagawin niya.
nag renta siya ng isang kwarto na tutuluyan nila para sa gabing iyun at pilit kinaladkad ang babae sa luob dahil ayaw nitong sumama sa kanya..ganun man wala itong nagawa. okay lang kung isumapa siya nito pagkatapos nun.
"alam mo bang pinahirapan mo ako para makita lang kita ha??may kasamang sumbat ang galit niyang boses.
"wala akong sinabing hanapin mo ako, pakialam mo ba kung mapano ako. diba nga iniwan mo na ako..? galit din nitong hiyaw sa kanya.
natigilan siya sa sinabi nito.. sandaling kinalma ang sarili sa matinding galit.
"hindi kita iniwan lavenia alam mo yan..na pilit itong pina intindi.
"ows..talaga??kaya ba hindi kana nag pakita sakin nang maraming buwan alam mo din bang walang araw na di kita hinintay dahil nangako kang kukunino ako..nasaan ang sinasabi mong dimo ako iiwan sige nga??..pagtataray nito.
"kaya mo ba gustong sirain ang buhay mo ng dahil lang duin? muli nanamang umusbong ang galit niya sa di makatwiran nitong dahilan.
"wala ka ng pakialam dun..wala namang nagmamahal sakin eh. yung inay ko nga gusto akong pagkakitaan..isa pa matagal ng sira ang buhay ko..nakipag sigawan ito sa kanya.
pagud na naihilamos niya ang kamay sa mukha sa kawalang maisip sabihin dito saka umupo sa gilid nang kama..hindi lang katawan niya ang pagud kundi pati isip niya. buong akala niya kasi magiging okay na ang lahat pagkatapos nang pag sasakripisyo niya pero parang nag kamali siya..wala naman siyang ibang hinangad kundi mapa buti ito.
katahimikan ang namagitan sa kanila.
ilang sandali pay lumapit siya sa babae at tumayo sa harapan nito..saglit na di niya alam ang gagawin nasa huli ay ganapin ang palad ng dalaga.
"alam mo bang masama akong tao lavenia, hindi ako takot mamatay at pumatay dahil wala akong pamilya..ni walang nag aruga sakin simula pa nuong maliit ako..ang tutuo walang deriksyon ang buhay ko dahil walang nagmamahal sakin hanggang isang araw nakilala kita..inisip kung magbago para sayo dahil sa unang pag kakataon nag mahal ako nang tutuo.. litanya niya.
tahimik na sinalubong nito ang titig niya.
"ikaw lang ang pinakamasayang nangyari sa bihay ko lavenia..kaya kapag nawala kapa hindi ko alam ang gagawin ko..gusto kung ituwid ang buhay kung kasama ka hanggang sa pinakahuling yugto ng buhay ko ang kaso naisip ko na mapapahamak ka sa tabi ko..sana maintindihan mo kung bakit kailangan ko munang lumayo sayo..hirap niyang dagdag dito.
sa halip na tumugon ay yumakap ito sa kanya..
"kung mahal mo ako hahayaan mong makasama kita..wala naman akong ibang gusto kundi makita ka..alam kung hindi ka maniniwala pero mahal din kita jeff..matagal na..dimo ba nararamdaman??mahal kita higit pa sa isang kuya..gusto ko lang nmn lagi kang kasama mahirap ba yun?
nag init ang buong pakiramdam niya maging ang gilid ng mga mata sa narinig kay lavenia..tutuo ba ang naririnig niya. mahal din siya nang babaeng mahal niya..
tinitigan niya ito na tila di makapaniwala..
titig na sinalubong naman iyun nang dalaga..ilang sandali pay tinawid niya ang pagitan ng mga labi nila upang siniil ito nang maalab at sabik na halik, matagal niya nang gustong gawin iyun at hindi niya na kayang pigilin ang sarili..isa pa masyado itong maganda sa paningin niya ngayon na para bang inaakit siya kaya bahala na bukas..
tila nag deliryo ang pakiramdam niya nang tumugon ito sa halik at yumakap ng mahigpit sa kanya.. pareho sila bumagsak sa kama na lalo pa itong sinibasib ng halik sa labi pababa sa leeg nito habang tinatanggal ang mapang akit nitong suot..
kasunod nuon ay mahihinang usal nito sa pangalan niya na lalong nag pa sidhi sa damdamin niya..
pagkatapos nito hindi niya na hahayaan pang mag kalayo silang muli nang babaeng mahal. siguro kailangan nalang nilang mag ingat.. basta ayaw niya na itong malayo pa sa kanya.
"bruh si lavenia nakita mo naba? nag aalalang tanong ni asher sa kabilang linya...umaga na iyon.
"uo,kasama ko siya..mahinang tugon niya. dahil baka magising si lavenia sa tabi niya.
"salamat naman kung ganun..hihintayin kita mamaya sa bahay..kumusta siya may masama bang nangyari sa kanya?
"okay siya mamaya ko nalang ipaliliwanag sayo.. aniya sa kaibigan nang maramdamang gumalaw si lavenia sa tabi niya at mahigpit na yumakap sa kanya.
"sige..sige..bye
marahan niyang inilipag ang cellphone upang hindi makalikha nang ingay..pagkatapos ay pinakatitigan ang katabi.
sa ngayon hindi niya pa alam ang sunod na gagawin..ang mahalaga makasama niya ito, mahirap na at baka anu nanaman ang maisipang gawin ni lavenia.. panibagong simula ulit silang magsasama nang masaya lalo at alam niyang mahal din siya nang babaeng amhal niya.
marahang niyang hinawi ang buhok nitong nakatakip sa mukha dahilan para magising ito.
tumitig ito sa kanya..wala siyang masabi na sinalubong lang ang titig ng babae..pero tila may naalala ito na biglang sumimangot.
"kung dipa ako nag layas dipa kita kasama ngayon. may kasamang pamunumbat ang boses nito.
"ibig sabihin ginawa mo to para lang mapansin kita..gigil niyang tanong na naiinis.
"eh anu effective naman..pagmamalaki pa nitong tugon.
"dimo ba alam na tinakot mo ako??dagdag pa niya.
"wala akong choice noh..simangot nito.
"sa susunod wag na wag mo na tong gagawin ha..ayaw kong mapahamak ka..okay?? mahinahong sabi nalang niya.
"sa isang kondisyon mangako ka sakin na dimo na ako iiwan..at pag nangako ka tuparin mo..minsan kasi may pag ka sinungaling ka. may panunumbat paring sabi nito.
"para sa ikabubuti mo lahat ng ginagawa ko lavenia..sige pangako hindi na kita iiwan.
"sinabi mo yan ha?
"uo na..ang kulet..halikana, papasok ka ngayon sa school dahil dalawang araw kang absent.. pilit niya itong ibinangon..
"papasok lang ako pag ikaw ang naghatid sundo sakin..hirit nito.
napailing siya..
"wala na akong magagawa suko na ako..patay na patay ka kasi sa ka gwapuhan ko..sinamahan niya ng pagyayabang ang tuno.
"buti alam mo..ngiti nito bago nag lambitin sa leeg niya at inangkla sa bewang niya ang dalawang hita..dinala niya na ito sa banyo para sabay na silang maligo..
"saludo na talaga ako sayo bruh..ikaw na talaga? natatawa si asher matapos aminin ang nangyari sa kanila ni lavenia at sa plano niyang magsama uli sila.
naihatid niya na nuon ang babae sa school at panatag ang luob na dina gagawa pa ng kalukuhan ang dalaga..
"kaya nga di muna ako papasok ngayon kilangan kung humanap ulit ng mauupahan..
"may bahay si dad malapit sa bodega pwedi ko kayo ipakiusap..maliit ngalang pag tiyagaan mo nalang..
"salamat asher ha?dami mo na naitulong sakin..samin ni lavenia.
"bumawi ka pag big time kana..pag bibiro nito.
"malabo..pero hindi na mahalaga makalaya lang kami mula kay gabriel sapat na.
"wag kang mag alala mahuhuli din ang lalaking yan ng mga police..babalik ako sa casino para mag manman..
"dilikado mamaya makilala ka at malamang may connection tayo pag initan kapa..isama mo ako para dalawa tayo..
"yun oh..sige ba..pag usapan natin to sunod..sa ngayon maging alerto ka muna lalo at kasama mu nanaman si lavenia.
tumango siya bilang tugon.
pumayag si mr ponce na duon sila pansamantala sa bahay na tinutukoy ni asher..hindi iyun katulad nang sinasabi ni asher na maliit dahil may dalawa iyong kwarto at may malawak na harapan..ngalang tinubuan na nang mga matataas na damo ang paligid ng bahay ganun man masaya nilang pinag tulungan nila ni lavenia linisin ang buong bahay. panibagong buhay at pakikipag sapalaran.. aaminin niyang hindi madali ang mga susunod pa nilang araw ng nobya ang mahalaga kakayanin nilang magkasama.