CHAPTER 17

1924 Words
PANG-LIMANG araw matapos dumating si nicky sa jongno subalit naninibago padin siya.. isang lugar na bago lahat sa paningin niya.. bagong pakikisama, at bagong pakiramdam. ayon kay kyle na siyang nag-iisa niyang kilala na isa palang police at naka base sa gangjin gun.. ang jongno daw na kanyang kinaruruonan ay city dynasty sa lugar na nagngangalang jeseon located in the center of seoul kung saan sa kauna-unahang pag kakataon ay nakita,nayakap,at nahalikan ang inang nag luwal sa kanya labing dalawam pong taon na ang nakakalipas. nag halo ang luha at sipon nila pareho ng kanyang ina sa una nilang pag kikita sa subrang kaligayahan. ni hinagip hindi niya akalaing makikita pa ito..kaya salamat kay tristan. tila pa nga nanaginip lamang siya sa mga sandaling iyun. bagaman walang nanulas na kahit anumang kataga mula sa ina dahil mag kaiba sila nang lengwahe ay dama niya mula sa init nang yakap nito ang pag mamahal nang isang ina.. pure na hangeul ang salita nito at mandarin lang din ang iba pang lengwahe nitong alam sabi ni kyle kaya di sila makapag usap. napakaganda ng kanyang ina na tila dalaga parin..siguro iyun ang nagustuhan nang kanyang ama dito..para itong anghel mula sa langit na bumaba sa lupa..at dito niya namana ang magandang ukit ng mukha. ipinakita nito sa kanya ang larawan nang kanyang ama na magkasama ang dalawa maging ang larawan niya nuong bata pa siya. kaya napatunayan niyang ito nga ang kanyang ina. ang tutuo marami siyang gustong sabihin dito.. gusto niyang itanong kung bakit siya nito iniwan..gusto niya din sabihin ang mapait at masaya niyang karanasan sa buhay pero alam niyang hindi siya nito maintindihan. at kapag nagsasalita ito ay hindi niya rin maintindihan.. walang araw na hindi siya nito ipinasyal at inilibot sa magagandang lugar..para bang gusto nitong punan ang mga taong nag kahiwalay sila..napakalaki nang bahay nito na tanging sila lamang ang nakatira at napakaraming maid.. dahil ang sabi ni kyle ay ulila na ang kanyang ina. ganito ba talaga dito? gusto niyang mainis dahil kahit pag papaligo ay sinasamahan pa siya nang dalawang personal maid sa luob nang banyo. isang banyo na tila kwarto sa ganda at laki na kanyang inuukupa. na malayong malayo nuong nasa squatter siya. ngayon naman ay binihisan siya nang dalawa na kahit pangalan ay di niya alam kung paano itatanong. ito din ang nag bibigay nang almusal,tanghalian at hapunan niya..ilang na ilang na siya dahil lumaki siyang independent at halos binubuhay ang sarili kaya di siya sanay na parang prinsesa pero di magawang mag reklamo sa mga ito. matapos lagyan nang alahas at koloreti sa mukha niya ay iginiya na siya sa labas nang kwarto deritso sa labas kung saan naghihintay ang nakangiti niyang ina sa tapat nang malaking sasakyan. may isa itong driver at dalawang lalaking laging naka buntot sa kanila kahit saan sila mag punta. dinala siya nang ina sa isang mall at tulad nang dati ay ipinag shopping nanaman siya nito nang damit,bag,sapatos at mga alahas na tanging card lang ang gamit ng kanyang ina, namamangha siya, hindi ba nauubusan nang pera ang kanyang ina..aanhin naman niya ang maraming bagay na iyun.. gusto niyang mag reklamo pero di alam kung paano ipaparating sa ina na mauunawaan siya.. pag kagaling sa mall ay nag biyahe nanaman sila sa di alam kung saan pupunta basta naaliw siyang tingnan ang mga matataas na building na may kakaibang desinyo. binuksan niya ang bintana ng kotse at lumanghap nang kakaibang simoy ng hangin. naramdaman niyang ginanap nang kanyang ina ang palad niya.. alam niyang may gusto din itong sabihin sa kanya ngalang hindi din nito maisatinig. tanging mga mata lang nila ang pweding mag usap. hinaplos nito ang mukha niya. may sinabi ito pero di niya naunawaan bagkos ay yumakap nalang siya.. kung anuman iyon hindi na mahalaga basta masaya siyang makita at mkasama ito.. humantong sila sa isang mataas na building kung saan simula entrance ay kilalang kilala ang kanyang ina dahil lahat nang makakasalubong nila ay tumatango at nag pupugay dito. marahil isa ang kanyang ina sa may ari nang building na iyun dahil pag pasok nila sa pinaka upisina nito ay nakita niya ang pangalan nito sa ibabaw nang lamesa..o di kaya isa itong butihing empleyada..di niya alam basta pinaupo lang siya nito sa isang sofa. may tinawagan ito sa telepono na ilang saglit lamang ay kumatok na nang upisina.. "kyle..na surprised siya..tuwang tuwa, ito lang kasi ang tagalog na kilala niya sa wakas may makaka usap na siya. binati nito ang kanyang ina bago siya binalingan. "from now on..ako ang magiging tutor mo..tuturuan kita magsalita nang korean language..anu ayos ba? nakangiting tanong sa kanya. sinulyapan niya ang ina.. "pakisabi kay inay salamat..aniya sa lalaki na agad din namang sinabi ni kyle sa kanyang ina. "sabi niya tawanagin mo daw siyang mama..or eomma in hangul..baling sa kanya nang lalaki.. tuloy naiinggit siya kay kyle..nakaka usap kasi nito nang dirikta ang ina. pero dahil tuturuan siya nito balang araw matutu din siyang magsalita nang lengwahe nang mga taga seoul. tatlong araw pa ang lumipas na sugsug siya sa pag aaral sa lengwahe nang kanyang ina. binili siya nito nang mga kung anu-anung tuturial books na makakatulong sa kanya para mapadali siyang matuto. "gansa haeyo..paulit-ulit niyang turan habang nakatayo sa harap ni kyle na mini memorya ang katangang iyun na "salamat" sa tagalog.. nangingiti lang sa kanya ang binata. habang nakatingin. "saranghae..muli ay usal niya na paulit-ulit para hindi niya makalimutan ang words na iyun dahil madalas iyun sabihin nang ina sa kanya na ang kahulugan sa tagalog ay "i love you. pigil naman ang ngiti ni kyle sa kanya na nakatitig. "annyeong haseyo.. eotteohge jinasaeyo..sabi niyang nag bow sa harap ni kyle dahil isa iyung pag bati sa korean. pinalakpakan siya ng lalaki matapos paulit ulit na gawin.. "ugh,..ayaw ko na..!! pagud na ako..reklamo niya kay kyle na sumubsub sa ibabaw nang librong hawak. maliban sa nahihirapan siyang bigkasin ang salitang hangul ay mabuburyo siyang araw-araw iyon ang ginagawa. subalit pinilit niya pading matuto.. kahit naman papano may natutunan naman na siya. yung iba nauunawaan niya pero nahihirapan siyang isatinig. mas mahirap pa iyun sa english. "fight...fight...!!itinaas ni kyle ang kamay niya. pilit nitong inangat ang ulo niya. "bukas naman please..muli ay pakiusap niya dito...na nag angat nang mukha. itinabi nito ang hawak niyang tuturial book at nginitian siya..buti nalang si kyle ang tutor niya mabait ito,dramahan niya lang naawa na agad ito sa kanya kaya nauubos ang uras nila sa pag kuwentuhan. "kumusta may balita kaba kay tristan? di siya nakatiis na tanong kay kyle. hindi niya kasi ito makuntak sa dating number, sinadya ata ng lalaki na di sila magkausap. napaka unfair nito sa kanya.. "okay naman sila,mag fucos ka muna dito nicky mas makabubuti kung dimo muna siya makaka usap..baka kasi dika makatiis na bumalik sa pinas. "ibig sabihin sinadya ni tristan na mag palit ng number? naluha siya na tila gustong mainis. "if you know gabriel,,he is the reason. intindihin mo nalang si tristan or better yet kalimutan mo na siya. napamulagat siya.. "hindi pwedi kyle..asawa ko siya.. iyak niya. "i understand..so what did you want me to do? "please gumawa ka ng paraan gusto ko siyang maka usap..pagmamakaawa niya. "okay..pero dipa ngayun..anitong tila umiiwas..saka tumayo na.."bukas ulit..bye. at iniwan na siya nito. "salamat kyle..pahabol niya na nag papahid ng luha nginitian siya ni kyle bago tuluyang umalis.. siya naman ay tinungo ang kwarto ng ina matapos kalmahin ang sarili sa pag iyak..hindi iyun pweding makita ng ina. niyakap siya nito pag pasok niya at kinumusta ang klase niya., simula nang dumating siya sa bahay bihira ito umalis kundi sa bahay nalang din nito ginagawa ang trabaho sa halip na sa upisina.. mas pinili nitong lagi siyang kasama. kahit papano di siya gaano nalulungkot. ilang sandali pay inutusan nang kanyang ina na bihisan siya ng dalawang maid niya para makapag pahinga na siya. sa tuwing ganung uras niya naalala ang asawa pag malapit na siyang matulog at nag iisa sa kwarto..namimis niya itong maka usap maging si zion na itinurin niya naring anak.. at ang mga kapatid niya kumusta na kaya ang mga ito. isa sa hindi pa alam ng kanyang ina na may asawa na siya. na gustong gusto niya nang bumalik sa pinas. may mga gabing umiiyak siya na hindi alam nang kanyang ina. uo masaya siyang nakita at nakasama ito pero si tristan ang higit na mas matimbang sa puso niya. gustong gusto niya itong makita,makausap, at mayakap.. pero anong gagawin niya tila ayaw siyang kausapin ng asawa..timitikis siya nito,mahal ngaba siya ng lalaki? nakatulugan nalang niya ang pag iisip sa asawa.. pag gising ay maaga siyang nag handa para sa lesson niya. "gusto nang mom mo na pumasok ka isang university dito sa jangno pag na master mo na ang language na hangeul..ani kyle sa kanya.. nagsisimula na sila sa kanilang lesson. pang isang linggo niya na iyun kaya kailangan niyang galingan. lihim siyang natuwa dahil isa iyun sa gusto niyang makamit.. ang deploma..ang makapag aral at makapag tapos.taon ang bibilangin pero kakayanin niya para sa pangarap niya. "alam mo bang isa sa pinakamayamang angkan dito ang lolo at lola mo,kaya mataas ang expectations ng mom mo sayo..balang araw ikaw lahat ang mag mamana nang mga properties ni mrs shin..dagdag paliwanag ni kyle sa kanya. ngayon niya lang nalaman at di makapaniwala kaya niya kayang gawin lahat tulad nang mom niya..siguro uo kapag kasama niya ito.pero gusto niyang ihanda ang sarili. after three months bago niya tuluyang na master ang salitang hangeul nag enroll agad tulad ng gusto ng kanyang ina sa jongno university.. pwedi na siya makipag sabayan sa lengwahe ng mga taga run at nakaka usap narin niya nang dirikta ang ina..sa simula lang pla mahirap tama si kyle. sinisikap niyang mas e fucos ang sarili sa pag aaral kesa isipin ang naiwang pamilya sa pinas. alam niyang iyun ang gusto ni tristan para sa kanya..mag pupursigi siya para sa pangarap niya kahit nahihirapan siya.. balang araw pag magkikita pa sila ipagpapasalamat niyang ipinag tulakan siya nito sa kanyang ina. kumusta siya??tanong ni tristan kay kyle isang gabi. kompleto siya sa balita mula sa kaibigan dahil araw araw niyang kinukumusta ang asawa. mula kay kyle nalaman niya na nag enroll na ito sa isang unebersidad. lihim siyang natutuwa kay nicky. isa sa pinaka mabigat na plano niya ang hayaan itong umalis higit sa lahat ang hindi ito kausapin manlang. natatakot siyang mag bago ang lahat nang plano niya para sa asawa.. baka kapag kina usap niya ito ay pilitin nitong bumalik nang pinas at sa muli ay mapahamak sa kamay ni gabriel. masaya siyang nasa malayo ito pero ligtas. "shes definitely gorgeous..tugon ni kyle at obvious naman sa pinapadala nitong picture sa kanya sa tuwing magkikita ang dalawa. ibang iba na ito sa nicky na nakilala niya..ganun man walang nag bago sa nararamdaman niya.. mahal na mahal niya padin ito at mananatiling mahal niya hanggang sa muli nilang pagkikita. "thank you kyle..nasabi nalang niya dahil sinunud nito ang gusto niya na ayon dito hindi lang bodyguard ni nicky ang kaibigan kundi naging tutor pa nito iyon. subalit gusto niyang mainggit na nakakasama ni kyle madalas ang asawa subalit wala siya sa lugar.. plano niya pagkatapos ng kaso niya kay mr santiago susunod siya kay nicky sa seoul para makita ito ng personal. "walang anuman basta ikaw..tugon nito. matapos putulin ang linya ay tinitigan niya ang imahe nang asawa..nahiga siya sa kama na yakap ang phone na tila dama niyang kasama ang asawa hanggang sa maka tulog siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD