"lavenia....!!
"ate faye..panu mo nalamang dito ako nakatira.?
napabuntong si jeff nang marinig ang sinabing iyon ni lavenia.dinig niya iyon mula sa sala.. wala na siyang magagawa kung susunduin ito ni faye..higit na may karapatan ito sa kapatid kaysa sa kanya.. gaano man niya kamahal ang dalaga hindi parin ito safe sa poder niya.
lumabas siya sa sala upang makinig sa usapan ng dalawa.
nakita ni faye na maayos naman ang kalagayan nang kapatid. mukhang masaya ito sa poder ni jeff at gusto niyang maniwalang mahal nga ito ng lalaki. kanina sinundan nila ni emerson sina lavenia at jeff para matuntun ang tinitirhan nito at makumusta narin.. wala na siyang balak kunin pa ito mula sa lalaki lalo na at nakikitira lang din siya sa nubyo..
"kukumustahin lang kita kung okay ka..aniya sa kapatid na niyakap at nginitian si jeff na palabas mula sa kwarto. hindi na siya galit dito bagkos gusto niyang mag pasalamat na inaalagaan nito si lavenia. masyado lamang magulo ang sitwasyun nila kaya siguro nag pabugso bugso siya sa mga pinag sasabi dito sa halip na alamin muna ang tutuo.
"ate..di kana galit kay kuya jeff? di makapaniwalang tanong ni lavenia.
maging siyay di makapaniwala matapos siyang nginitian ni faye.. parang may tinik nang kalayaan siyang nabunot mula sa dibdib. kalayaan para sa kanila ni lavenia na magsama.
kaya inanyayahan niyang umupo ang dalawa. simula sa araw na iyin welcome na ito sa tahanan nila..nakipag kamay pa siya kay emerson na kasama nito bilang simula narin nang pag kakaibigan nila.
"uo lavenia..alam mo bang nilayasan ku na si inay..magkasama kami ngayon ni kuya emerson mo sa isang bahay..
"ha?panu yan walang kasama si inay..parang nag alala ito bigla sa ina.
"galit ako sa kanya,pero ina padin natin siya.. wag kang mag alala dadalawin ko padin naman siya.aniya sa kapatid dahil sa kabila annag lahat pariho nila mahal ang kanilang ina, hindi ngalang nila alam kung paano ipapadama dahil ipinag tutulakan nito ang luob nila mula dito..
"salamat ate ang tutuo miss ko narin si inay pero natatakot ako sa kanya pag aamin nito.
ginanap niya ang palad nang kapatid.
"salamat jeff ha sa pag aasikaso mo sa kapatid ko.. at pagmamahal sa kanya,hindi ako makapaniwala, buong akala ko yalaga tinakot mo lang si lavenia. baling niya sa matamang nakikinig lamang na nubyo nang kapatid. iyon ang alam niya. na mag kasintahan ang dalawa..
walang tugon mula dito kundi tango.
"ate salamat sa pag dalaw mo,si aye nicky kumusta? tanong ni lavenia.
"buti naitanong mo, may good news ako sayo. si nicky nasa seoul na ngayon at kasama niya na ang tunay niyang ina.
"tutuo ate..?wow..sayang di manlang kami nakapag paalam sa isat isa pero masaya ako para kay ate nicky. sa wakas. nakita narin niya ang matagal niya nang gustong makita. mababago na ang buhay niya mula sa pagiging malupit ni inay sa kanya.sana di niya tayo makalimutan.
"wag mong alalahanin mahal tayo ni nicky..alam kung babalik siya.
"panu si kuya tristan?magkasama ba sila?
"hindi..may inaasikaso kasi siya reto..pero babalitaan kita kapag nakausap ko si nicky.
"sige ate salamat ha..
nag yakap ang mag kapatid bago nag paalam sa isat isa.. naiwang nakangiti si lavenia na tinatanaw ang papalayong sasakyan kung saan lulan ang kapatid nito at nubyo nito.
"kain na tayo..masuyo niyang aya dito.. mas higit siyang masaya ngayon dahil nakamit niya ma ang kalayaan para sa kanila ni lavenia..
"ang saya ko para kay ate nicky.. nakita niya narin sa wakas ang inay niya..sana makarating din ako sa seoul.. parang nangangarap pa itong pumikit na sabi.
kumakain na sila nuon.
"kung ganun mag aral kang mabuti?para makarating ka duon..
"paano?aber?
"dipa ngayon syempre..pero yaan mo pag iipunan ko..aniya na siniguradong tutuparin ang wish nito..or mas tamang sabihin na gusto niyang gawin lahat para reto.
"sinabi mo yan kuya ha..anito saka maganang kumain.
"maiba ako, si asher ang susundo sayo bukas sa school ha,..gagabihin ako kulang kasi ang tao sa bodega..may deliver kami sa pampangga..pansamantala duon ka muna sa kanya susunduin kita pagkarating ko.
"anong uras ka ba makakauwi? nakasimangot nitong tanong.
kilala na nito si asher dahil minsan niya na itong naipakilala sa dalaga..yun ngalang parang hindi mag kasundo ang dalawa.
"diko masabi basta susunduin kita kina asher wag kang aalis duon.
hindi ito tumugon na tumayo at nag hugas nang kamay saka nag banyo. narinig nalang niya ang lagaslas nang tubig mula sa luob nag huhugas na siya nang plato nang lumabas ito na nakabalabal lang nang tuwalya sa katawan.. padaskol niyang inalis ang tingin dito.. nang mag simula na itong pumasok sa kwarto.
alam niyang wala iyong malisya sa dalaga pero hindi man sinasadya nag iiba ang pakiramdam niya..
"kuya wag nalang kaya ako pumasok sa school bukas tas sumama nalang ako sayo sa deliver. narinig niyang sabi nito sa kanya.
pareho na sila nakahiga at nakapikit siya kahit dipa dalawin ng antok.
"hindi pwedi kaya matulog kana.. masungit niyang tugon.
"sige na kuya...nakakahiya kasi kina asher..baka andun yung daddy niya.. narinig niyang bumaba ito nang kama at lumapit sa kanya.
"wag matigas ang ulo..magagalit ako..pagbabanta ng boses niya.
"eh di magalit ka.. pangungulit nito na kiniliti siya.
mabilis siyang nag dilat nang mata at sinalag ang kamay nitong nakahawak sa tagiliran niya. ibang kiliti ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyun lalo pa at napakalapit nito sa kanya. para siyang sinisilaban sa tuwing dumadantay ang palad nito sa katawan niya.
hindi biro ang pinag dadaanan niya sa tuwing susupilin ang nararamdaman kapag nakikita itong naka balabal lang mula sa banyo tulad kanina..at nakalilis ang kumot nito kapag natutulog sila. hanggat maari ayaw niyang magkakadikit ang mga katawan nila.
"matulog na sabi bakit ba ang kulit mo..bulyaw niya dito na kunwari naiinis..mabilis itong tinalikuran at nag talukbong ng kumot.
"hmmmmp!!!eh di matulog..kainis..bulong nito na bumalik sa kama.. pero dinig niya iyun..nahiga ito sa kama na sinilip pa siya at inirapan bago humiga ng tuluyan.. hindi lang nito nalam na nakasilip siya. at lihim na nagingiti.
kinabukasan tulad ng usapan nila si asher ang sumundo dito pag kagaling sa school..pasado alas nuebe na siya naka uwi kaya inip na inip na ito marahil kaka antay sa kanya.
"pasinsya na bruh.ayaw sakin eh..ani asher sa kanya nang maramdamang hindi komportable si lavenia dito.
"ikaw kasi masyado kang presko..
"anong magagawa ko ikaw ang gusto.sabay tawa.
"kuya anu ba tara na..!nakasimangot na sabi ni lavenia habang inip na hinihintay siya sa labas nang gate nila asher.
"sibat na bruh badtrip na ohh..masyado mong eni spoiled kaya adik sayo..muli ay sabi nito.
natawa siya.
"bukas nalang..kaway niya.
"alright..babooo..!
walang imik ang mahal niya hanggang dumating sila sa bahay.. natulog kaagad ito pagkatapos gumawa nang school project..pag kakain nila.
ayaw siyang kausapin kaya hinayaan niya na baka may buwanang dalaw kaya maiinit ang ulo. maaga din itong nagising kinabukasan at nag prepare papuntang school.. pero hindi na mainit ang ulo dahil kinakausap na siya.
alam niyang nahihirapan din ito sa sitwasyun nila lalo at para lagi siyang may kinatatakutan na walang kalayaan..ayaw niya lang naman ito mapahamak dahil hindi niya alam kung nasa palihid niya lang si gabriel..
maaga niya itong hinatid.
"wag kang lalabas hanggat wala pa ako..pag papa alala niya dito habang tinatanggal ang helmet nito.
"anu pabang bago??anito s kanya.
"sige na sorry kung pinilit kitang iwan kay asher kahapon..dina mauulit..pag papagaan ng loob niya dito.
ngumiti ito sa sinabi niya kaya alam niyang okay na sila.
"sabi mo yan ha..? bye kuya..anito saka tumalikod na
napapailing siya saka umalis narin para pumasok sa trabaho.
tulad nang dati maaga niya itong sinundo pag dating ng hapon lalo sa araw na iyon dahil sa labas sila kakain ni lavenia dahil sahod niya.
pero may kotseng humarang sa dinadaan nila. kasabay ang biglang pag tunog ng cellphone niya mula sa di kilalang number..
nag atubili pa siyang sagutin iyun at baka si gabriel nanaman..pero sa huli ay sinagot narin ang ayaw mag paawat na caller niya.. kinutuban din siya na siyang may ari nang sasakyang naka harang sa daan nila na may apat na dipa ang layo mula sa kanila..
"kuya jeff sino sila?nag aalalang tanong ni lavenia. nahintakutan ito.
"lavenia kumapit kang mabuti sakin ha kahit anong mangyari wag kang bibitaw okay..? kausap niya sa kasama.. at mahigpit na inilagay ang dalawang braso nito sa bewang niya..
"type ko ang kasama mo jeff kapalit nang utang mong isang milyon, ibibigay mo sakin ang babaeng yan kundi sapilitan ko siyang kukunin sayo...boses ni gabriel ang nasa kabilang linya.. hindi nga siya nag kakamali.
walang pasubaling pinasibad ang motor pabalik para matakasan si gabriel. kahit anong gawin nito hindi niya ibibigay si lavenia,mag kakamatayan muna sila..sadyang ayaw siya nitong tatantanan para sa isang milyong matagal niya nang pinag bayaran sa mga mando nito.
nakita niyang agad silang sinundan nang humahagibis nitong sasakyan..pero mas madali silang nakapag tago ni lavenia dahil kung saan saan sila sumuot,kabisado niya lahat nang pasikot-sikot sa lugar na iyon kaya nailigaw niya ang humahabol sa kanila.
sandali niyang hinatid si lavenia kay asher dahil mas safe ito duon..siniguro niya ding hindi sila matutunugan nang lalaki..
"kuya saan ka pupunta?ayaw ko dito isama mo nalang ako..umiiyak na sabi ni lavenia.
"delikado hindi pwedi..tugon niya sa babae bago balingan ang kaibigan..."bruh kapag anumang mangyari sakin ipangako mong hindi mo pababayaan si lavenia..bulong niya kay asher.na hindi pinansin ang sinabi ng babae.
"nababaliw ka naba bat ka susugod mag isa sa kampon ni gabriel..talagang papatayin ka nuon. at hindi lang yun kapag napatay mo siya makukulong ka pano si lavenia..
natigilan siya may punto si asher.
"bruh habang buhay nalang ba kaming magtatago na parang isang kriminal pano kami magiging masaya ni lavenia sige nga.
"marami pang paraan..e set up natin si gabriel.. may batas tayo kaya wag kang mag alala.
napa buntong hininga siya saka sinulyapan ang nagtatakang si lavenia habang nakatingin sa kanila.. pansantala kailangan niyang lumayo muna sa babaeng mahal kundi madadamay ito.
"babalikan ko siya sayo kapag medyo malamig na ang sitwasyun.diko alam baka matuntun ako ni gabriel sa inuupahan kung apartment.. aniya kay asher.
"sige pero wag mong patagalin ha baka ma inlove ako sa kanya at sulutin ko siya mula sayo..pagbibiro nito.
mahinang batok ang iginawad niya dito.
"subukan mo at ililibing kita ng buhay..pagbabanta niya na siryuso ang boses.
"bruh naman di kana mabiro sibat na..pagtataboy nito sa kanya.
"kuya jeff wag mo akung iwan dito..sasama ako sayo..habol ni lavenia sa kanya na yumakap mula sa kanyang likuran..
tila naparalisa siya saglit sa kinatatayuan bago ito hinarap..at tinanggal ang naka yakap nitong kamay sa kanya.
"babalikan kita okay..delikado ka ngayon,tayo.. nakita mo ba yung humahabol satin papatayin niya tayo pareho..himig paliwanang niya.
natigilan ito na tumitig sa kanya habang umiiyak..
"wala akong pakialam basta kasama kita.. kung mahalaga ako sayo dimo ako iiwan dito..hikbi nito.
"hindi mo ako naiintindihan..hirap niyang daing dito, ayaw niya rin naman magkahiwalay sila pero kailangan.
"bakit ako ba naiintindihan mo? nangako ka sakin na dimo ko iiwan dito.
napabuntong hininga siya na di alam ang sasabihin nang muli siya nitong yakapin.. at sumubsob sa dibdib miya jabang umiiyak..
"bwesit..napamura na siya sa di maipaliwanag na nararamdaman sa ginawa nito sa kanya..nappasulyap siya sa kaibigan na nag kakamot nang ulo na tila hindi rin alam ang gagawin para matulongan siya.
"anu bang pinakain mo diyan ayaw humiwalay sayo?pabulong nitong tanong nang lumapit sa kanya at hinawakan si lavenia sa kamay para ilayo sa kanya.
nag pumiglas naman ito.
"bakit ba ang tigas nang ulo mo lavenia..hindi nga pwedi..!! pag sinabi kung hindi pwedi..bawal...!!bawal...!!hanggang sa maisipan nalang niya itong pagalitan.. para kasing gustong mag bago ang isip niya at gusto nalang itong isama.
natahimik ito na nakipag tagisan nang titig sa kanya.. ilang sandali pay nag pahid ito nang luha saka tumalikod..
muli masama nanaman ang luob nito sa kanya.. kapag hindi na ito nag salita lalo at galit na siya alam niyang masama na ang luob nito.
naiinis siya sa sitwasyon nila na galit na pinag sisipa ang malaking puno sa gilid nang gate nina asher nang tuluyan itong makapasok sa luob, at mawala sa paningin niya, ni hindi niya alam kung kilan ito pweding sunduin dahil ang tutuo hindi niya alam kung kilan sila magiging ligtas sa kamay ni gabriel dallas.. ang alam niya ngayon ligtas ito pag malayo sa kanya..