CHAPTER 7

1682 Words
INIS na hindi alam ni jeffrey kung sasagutin ba ang tumatawag sa kanya na si gabriel dallas. sawang sawa na siya sa mga mando nito. mag pa hanggang ngayon iniinda pa niya ang ginawa ni tristan sa kanya kahit ilang araw na ang nakalipas..halos abot kamay niya na si nicky nuon pero nabigo siya. "boss...mahina ang boses niya nang sagutin iyon dahil wala naman siyang choice kundi maging alipin nito kesa ipapatay siya nang hayop na si gabriel dallas. "anu na jeffrey bakit mag pa hanggang ngayon wala kapang magagawa..??? halos mag talsikan ang tutuli niya sa lakas ng hiyaw nito. "bwesit...mahina siyang napa mura. anu pa bang inaasahan niyang makukuha dito kundi sirmon. minsan napapaisip siya kung ito nalang kaya ang patayin niya nang matapos na ang kanyang problema. "boss pasinsya na madulas yung tristan eh..mahigpit ang hawak kay nicky..sa huli ay mabait niyang pakikipag usap dito dahil wala siyang kapang yarihan para itumba ang ganid at garapal na lalaki. "inutil...!!!!!! muli ay pang aalipusta nito sa kanya..''gawin mo ang pinagagawa ko dahil gigil na gigil akong patayin ka.. "boss kayo kaya gumawa...gustong gusto niyang sabihin iyon sa lalaki.. alam din naman niyang sa dami nang tauhan nitong nakapalibot dito hindi rin mahuli si tristan pero kung makapag salita sa kanya akala mo magaling. kaya lalo siyang naiinis sa taong ito. "sige boss..nasabi nalang niya. "puro ka sige..sige...walang nangyayari.. bibigyan kita nang tatlong araw ha..sa ngayon dalhan mo ako ng babae..yung bata sexy at maganda..ngayon na. saka nito pinutol ang linya. ihahampas nanaman sana niya ulit ang cellphone sa subrang galit ng maalalang kabibili palang niya nun. kaya pinag sisipa nalang niya ang upuang walang kasalanan sa kanya.. "bwesit ka dallas... problemado siyang tumayo. isang milyon ang utang niya kay gabriel pero parang habang buhay niya iyong pagbabayaran. galit siyang tumayo at kinuha ang baril.. mag patiwakal nalang kaya siya para matapos ang problema niya.. ganun din naman papatyin din siya nito kapag hindi niya ginawa ang gusto nang lalaki. alam niyang mahihirapan siyang kunin si nicky sa mga kamay ni tristan dahil parang may mamagitan na sa dalawa. kung hindi niya makukuha si nicky pwes si faye ang ibibigay niya kay gabriel dallas. bakit ngaba hindi niya naisip iyon. maganda rin naman si faye at sexy. nakangiti na siyang lumabas nang bahay at sumakay sa motor niyang nakaparada.. sa naisip niyang idea gumaan ang kanyang pakiramdam..aabangan niya sa school si faye saka niya sapilitang dadalhin ang dalaga sa hayok na si gabriel.. tingnan niya lang kung hindi mabaliw si nicky sa gagawin niya baka nga ito pa ang lumapit sa kanya. pinuntahan niya si faye sa school at ipinarada ang motor sa labas saka inabangan sa labas. samantala kasalukuyang palabas si faye nang makita si jeffrey sa labas nang school at halatang may inaabangan. at dahil duon kinutuban siya naalala niya ang sinabi ni tristan sa kanya na wag silang lalapit sa lalaking ito. pano siya nito ngayon uuwi.? "hi faye bat nandito kapa? takang tanong ni andrew.. nagulat pa siya sa pag sulpot nang manliligaw niya na ayaw niyang pansinin dahil mas priority niya ang pag aaral at ang pag bo-boyfriend ay sagabal lang. pero parang kailangan niya nang tulong nito sa pag kakataong iyon. "andrew may dala kabang sasakyan? friendly niyang tanong. tinitigan muna siya nito. "uo,bakit? nag papa cute nitong tanong na parang nahulaan na nito ang laman nang isip niya. "anu...pwedi mo ba akong ihatid sa bahay? nahihiya niyang tanong.. dati rati kasi hindi niya ito kinakausap manlang. "tutuo??di makapaniwalang tanong. "diba nakakahiya sayo?okay lang ba? "uo naman faye, matagal ko nang gustong ihatid ka sa inyo, at sa wakas pumayag ka rin..nangangahulugan ba nito na sinasagot mo na ako? halata sa boses nang lalaki ang kkaibang saya. "uo sinasagot na kita..wala sa sariling tugon na napatingin sa labas at nanduon parin si jeff..halatang siya talaga ang inaabangan nito. anu kayang plano nang lalaki? "tutuo faye??as in uo,tayo na? di makapaniwalang tanong nito na animong nanalo sa lotto. "hayyyys..uo na nga sabi..nakukulitan niyang tugon.na di mapakali. para bang lalo pa siyang kinabahan. sa pag kagulat niya kinabig siya nito para yakapin. anu ba to nag ka boyfriend ako ng wala sa uras? bulong niya sa sarili na gustong pamulahan sa hiya dahil pinag titinginan sila nang mga school mate nila. tinulak niya ang lalaki. "pwedi ba sa kotse mo na gawin yan nakakahiya..saway niya sa nobyo. mabilis siya nitong hinila palabas ng school at dinala sa nakaparadang sasakyan. habang siya nama'y nag takip nang bag sa kanyang mukha upang hindi makita ni jeff, nag koble pa siya sa lalaki na animong takot. kutob niya talagang may masamang plano si jeff..tuloy nag alala siya kay lavenia. "kanina kapa balisa? sino bang tinitingnan mo sa labas? hinawakan siya nito sa mukha at iniharap dito, nasa luob na pala sila nang kotse nito na di niya halos namalayan. "wala..ihatid mo na ako...okay lang ba? "wait lang ha..gusto ko lang linawin ang sinabi mo kanina. siryuso ba yun? mahal mo rin ako. "anu..kasi hindi niya maituloy ang sasabihin nang makita si jeff na lumapit sa guard house. natanranta na siya."andrew please ihatid mo na ako. nakiki usap niyang sabi. "sagutin mo muna ang tanong ko?siryuso kaba sa sinabi mo?sabihin mong mahal mo ako..pangungulit nito. "uo andrew mahal din kita..nagmamadaling tugon niya ng matapos na ang lahat. "thank you faye.. mabilis siya nitong niyakap ilang saglit pa ay sakop na nito ang labi niya. sapagka gulat niya naitulak niya ang lalaki. kanina lang virgin pa ang labi niya tapos ngayon heto may naka halik na sa kanya na hindi inaasahang magiging boyfriend niya..kasalanan talaga ito ng ina niya.. napaka ganid nito sa pera. "bakit? tanong nito. nagtataka. "ha? may dumaan kasi nakakahiya.. palusot niya. pilyong ngumiti ang lalaki saka masuyong hinawakan ang kanyang kamay. "i love you faye..promise mamahalin at hindi kita sasaktan..nag bitaw pa ito nang pangako. bago binuhay ang makina nnag sasakyan..nakahinga lang siya ng maluwang matapos silang maka alis sa school.. bagaman ay kabado parin. safe siyang naka uwi matapos ihatid nito hanggang sa bahay dahil nag pumilit pa itong ipakilala niya sa ina at kapatid.. "salamat naman faye at hindi pipitsuging lalaki ang pinili mong maging nobyo..mabuti at ginaya mo si nicky.. nakangiting sabi ng kanyang ina matapos mag paalam ni andrew. galit na iniwan niya ang kanyang ina. wala parin itong pag pagbabago kahit na nagiging dilikado na ang buhay nilang mag kakapatid. puro pera padin ang iniisip nito. "ate faye akala ko ba ga-graduate ka muna bago ka mag boyfriend eh anu yun? bungad ni lavenia sa kanya..pero nakangiti. bumuntong hininga siya. "lavenia mangako ka sakin na kahit anong mangyari hindi ka lalapit kay jeff..alam mo bang pinuntahan niya ako sa school kanina. "anu?pero bakit? "diko alam basta kinituban ako kaya nagpahatid ako kay andrew..sinagot ko nalang siya para may mag hahatid sakin lagi..diba tama naman yumg naging desisiyon ko? "tama iyun ate..para narin may mag tanggol sayo. nakkatakot naman bakit ka kaya pinuntahan ni kuya jeffrey..akala ko pa naman mabait siya nuong nililigawan niya si ate nicky..sayang ang gwapo pa naman niya.. malongkot nitong sabi. "halang ang kaluluwa nun. wag mo siyang ma kuya-kuya ha..aniyang nagbihis nat iniwan ito sa kwarto upang mag luto sa kusina. **** MATAMANG nakatingin si tristan sa dalagang nag didilig nang halaman sa garden. mahilig pala ito sa halaman at dito ibinubuhos ng dalaga ang pag kainip sa bahay..ang mag alaga ng mga munting halaman.. siya namay naka upo sa bench habang nakatingin sa hawak na cellphone. aliw na aliw siyang pag masdan ang bawat galaw ni nicky na nag bibigay sa kanya nang ibang pakiramdam. ang inakala niyang hindi tutuong nararamdaman nuon sa dalaga ay parang tutuo na ngayon. hindi siya mapakali pag hindi ito nakikita. at kapag may lakad siya gustong gusto niya nang umuwi nang bahay para lang masigurong ligtas ito. mabilis niyang binawi ang tingin dito ng makitang sumulyap ito sa kanya.. saglit lang naman iyun kaya muli niyang binalik ang tingin dito..mukha tuloy itong na conscious na tumayo at lumipat sa likuran ng mataas na halaman kung saan hindi niya ito natatanaw. lihim siyang napangiti. ngiting napalis ng makitang tumatawag si kyle. "anong update sa anak ni mrs shin? tanong nito ng sagutin niya ang tawag ng kaibigan. "anu bang plano ni mrs shin sa anak niya kung sakaling makita ko siya? tanong niya. "ang alam ko dadalhin niya dito sa seoul ng kanyang ina. pag aaralin bibigyan ng magandang future. "kaya ko siyang bigyan ng magandang buhay kyle..wala sa sariling tugon niya dahil parang hindi niya nagustuhang ilalayo si nicky sa kanya. "anu kamo tristan? tanong ni kyle sa kabilang linya. "sabi ko kaya kung bigyan nang magandang buhay si zion..palusot niya na ang tinutukoy ay ang apat na taong gulang niyang anak na inaanak naman ni kyle. "pambihira ka naman bat biglang nauwi kay zion ang usapan.. kumusta naman ang inaanak ko diyan? natatawang tanong nalang nito. napakamot siya sa ulo. mabuti nalang at hindi niya kaharap ang lalaki.. "mabuti nmn siya.. madaldal.. aniya kahit na ang tutuo ilang buwan na siyang hindi nkakauwi sa bahay bakasyunan nila sa laguna kung saan nakatira ang kanyang anak.. tanging kasama lang nito duon ay ang yaya ng bata at ang katiwala na si manang ester..hindi naman niya pweding isama sa maynila ang anak dahil tiyak na pati buhay nito ay malalagay sa alanganin. "ikumusta mo nalang ako sa kanya tristan ha..miss ko narin yung inaanak ko..tugon nito. "maiba tayo about sa anak ni mrs shin. wala paba..?alam ko namang simple lang sayo ang kasong to.. "tatawagan nalang kita pag mayroon na.. ikukumusta nalang din kita kay zion..bye na. "sige..pakibilisan ayaw kung mapahiya kay mrs shin..matagal niya ng hinahanap ang anak niya. at gusto ko ako ang mag haharap nito sa kanya. "okay..tugon saka niya na pinatay ang linya. tumayo siya sa kina uupuan upang hanapin si nicky dahil wala na ito duon sa dating kinaruruonan..naaliw yata siya sa pakikipag usap kay kyle kaya hindi niya napansin ang dalaga. "bwesit...napamura na siya nang makitang bukas ang gate.. mukang nakidnap si nicky na hindi niya napansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD