CHAPTER 6

2519 Words
HINDI makapaniwala si nicky sa narinig mula sa kanyang katabi. sinabi nitong mahal siya nang lalaki..bakit? sa dinami dami nang malinis na babae bakit siya pa..? hindi manlang ba ito nandidiri sa kanya.. sa halip na sumagot ay nanatili siyang tulalang naka tingin sa gawi nito.. habang pina ulit ulit sa pandinig niya ang masarap sa pakiramdam mula sa katagang iyon. nang di siya tumugon ay inihimpil nito ang sasakyan sa tabi ng daan at binalingan siya.. "narinig mo ba ako nicky?sabi ko mahal kita..pag uulit nito sa sinabing iyon na hinawakan ang kamay niya at inilagay sa tapat nang dibdib nito, lalo siyang na statwa sa kinalalgyan ng maramdaman ang init ng palad nito at sa matipinong dibdib ni tristan. "ayan ikaw ang isinisigaw niyan..damhin mo.. himig pag bibiro nito dahil nakita niya ang ngiti nito sa mga labi na lalong nag bigay ng kaba sa dibdib niya. habang lalo pang idiniin ang palad niya sa dibdib nito. "diyos ko anong gagawin ko? nagawa niya pang ibulong sa isip niya sa kawalang masabi na agad hinaltak ang kamay na hawak nito pero hindi naman siya nag tagumpay dahil mahigpit nitong hawak iyun. "tristan salamat sa pagmamahal mo pero... anu kase..hindi ako karapat dapat sayo. isa lang akong babaeng mababa..samantalang ikaw.. bigla siyang nakadama nanaman ng pang liliit sa sarili.. "hindi mahalaga sakin kung anung nakaraan mo..basta mahal kita sa ayaw at sa gusto mo..di naman kita pipiliting mahalin ako..pero hayaan mo akong mahalin ka..panapos nitong sabi na binitiwan ang kamay niya at umayos nang upo bago muling pinagana ang sasakyan. unti-unti naman niyang inalis ang pagkakatitig dito na tinuon ang pansin sa labas nang kotse. gusto niyang kiligin sa isipang sa kabila ng lahat may tao din palang darating sa buhay niya at mamahalin siya..napaka imposibli, wala naman siya sa lugar mamili nang taong mamahalin yun ngalang over qualified ito. pagdating nila sa bahay inihatid pa siya nito sa kwarto kung saan siya natulog sa nag daang gabi..inilapag ni tristan ang bitbit nitong bag sa ibabaw ng kama bago siya sulyapan. "maiwan muna kita para makapag ayos ka nang gamit mo..simula ngayon ito na ang magiging kwarto mo,,ahm.. puntahan mo lang ako sa labas pag na miss mo ako at gusto mo ng kausap.. nakakalukong sabi nito bago lumabas ng kwarto na hindi na hinintay pa ang tugon niya.. naiwan siyang sinusundan ito nang tingin..dinadaan siya nito sa biro, tutuo nga kayang mahal siya nito,akala niya dati seryusong tao si tristan pero habang nakikilala niya ang lalaki napapansin niyang maliban sa pagiging gwapo at matcho nito ay kwela din pala ang lalaki. lihim siyang napangiti habang isinasalansan ang mga damit sa cabinet na naroon. iba na to, ngumingiti na siyang mag isa. napapabuntong hininga siyang imuling iling. *** "TRISTAN gonzalez right? nasa tuno nang pagtatanong ang lalaking kalalapit lamang nuon sa kanya.. nasa isang restaurant siya at hinihintay ang kanyang bagong client. tumayo siya at inilahad ang kamay matapos tanggalin ang suot na dark sunglasses upang matitigan ito nang maayos.. nasa late fourty ang lalaki pero matikas ang pangangatawan at halatang may mataas na katungkulan sa lipunan lalo pa at naka business suit ang lalaki at may hawak na attache case.. "ako nga sir..and you are mr rosales.? tanong niya dito.. iyon ang pangalang binanggit nito kanina sa telepono nang maka usap niya. nakangiti na itong tumango. at itinuro ang upuan na para bang sinasabing umupo siya.kaya iyun ang kanyang ginawa. "anong kailangan niyo? diretsahan niyang tanong? naiwan si nicky sa bahay kaya nag aalala siya reto at gusto niya nang umuwi. pasado alas sais palang naman iyon ng hapon at ilang minuto palang naman ang nakakalipas mula ng umalis siya nang bahay. hindi lang siya koportableng wala ito sa kanyang tabi.. binuksan nito ang attache case at iniharap sa kanya.. nag hello sa kanya ang lilibuhing naka salansan sa luob ng bagay na iyon. kaya kinutuban na siya. "limang milyon kapalit ng buhay ni gabriel gallas..patayin mo siya..seryosong turan nito sa kanya. sa tutuo lang hindi niya na kailangang mag trabaho pa dahil marami na siyang salapi at tagapag mana siya nang kompanya nang kanyang ama mula sa ibang bansa.. maliban duon suportado din siya nang ina at buwan buwan pinapadalhan ng pera kahit na hiwalay na ang magulang niya, kaya mabilis niyang tinanggihan ang limang milyon. "hindi ako kriminal..matigas niyang sabi na iniwan ito. "tristan..mabilis nitong pigil sa kanya.. himinto naman siya sa pag lalakad. "sinusubukan lang kita.. please i need your help.. maaring hindi mo ako kilala,pero ikaw kilala kita..alam kung magaling ka mag trabaho, gusto kung pabagsakin si gabriel. nasa tuno ni mr. rosales ang pag mamakaawa. hindi na siya nag tataka kung bakit maraming galit kay gabreil dallas. halang ang kaluluwa neto at halos binibili ng lalaki ang batas kaya walang police na mapag kakatiwalaan at iyon ang dahilan kung bakit siya nag bitiw sa serbisyon niyang iyon.. muli siyang bumalik sa kina uupuan. "kailangan ko nang taong tapat na katulad mo. "ayaw ko nang may amo..dahil ayaw ko ng minamanduhan ako. "kailangan mo lang naman e report sakin kung anong ginagawa nang lalaking iyon, alam kung hindi ko siya kayang ipakulong dahil marami siyang koneksyon. pero malaki ang kasalanan niya sakin dahil binaboy niya ang anak kung si maureen nasa hospital siya ngayon walang malay hanggang ngayon. gusto ko siyang patayin. pero diko magawa.. magkahalong galit at paki-usap ang nasa tuno nang kaharap niya ngayon. "kayo narin ang may sabi na marami siyang koneksyon.. pag tinaggap ko ang trabahong to para narin akong nag sugal nang buhay.. makahulugan niyang tugon.. alam naman niyang ganid ito sa babae kaya nga siya nasangkot kay gabriel dallas dahil kay nicky. "sampong milyon tristan..tulungan mo ako.. bibigyan kita nang proteksyon.. muli ay nag makaawa ito.. naiinip na tiningnan niya ang relo..saka tumayo na..at may napapansin siyang may nakatingin sa kanilang tao simula pa kanina. maaring taihan iuon ni gabriel dallas. at hindi nga siya nag kamali nang bigla itong bimunot ng baril at pinapitukan sila.. "dapa..!!sigaw niya kay mr rosales na agad ding naka kuble. nabulabog ang mga tao sa luob nang restaurant kaya sinamantala nilang mabilis na umalis habang nag kakagulo. "bwesit...galit na sabi ni mr rosales.. may dala nga itong baril pero hindi naman nagamit.. "di ka ligtas dito saan kita ihahatid.? tanong niya.. halatang nag-iisip ito ng di makasagot. "mautak talaga ang gabriel na iyon..akalain kong matunugan niyang lalapit ako sayo.. bwesit.. papatayin ko siya..punong puno ng emosyon ang boses nito. ilang sandali pa siyang nag drive nang utusan siyang ihatid sa upisina nito.. "tatawagan kita tristan..pag baba nitoy sabi. tinanaw niya muna ang lalaki bago umalis. nang masigurong ligtas ay pinaharorot niya ang sasakyan. wala siyang planong tanggapin ang alok nitong trabaho, gusto niyang tahimik na buhay kasama si nicky. ayaw niyang lalo pang mapahamak ang dalaga.. mas gusto niyang ilayo ito sa magulong mundo. tumuloy siya sa isang mall at balak niyang bumili nang isa pang cellphone para sa babae..mas madali niya itong makokontak kapag wala siya sa bahay para kumustahin.. "miss patingin nga ako nang cellphone niyo yung pinaka latest model, yung magugustuhan ng girlfriend ko.. nakangiting inabutan siya nito nang simple pero magandang cellphone mula sa isang box. "sir im sure magugustuhan po ito nang girlfriend niyo. nakangiting sabi nito habang inaabot sa kanya. "okay..kukunin ko na.. matapos ma check ay ibinalik sa box. binayaran kaagad at umalis na. excited siyang umuwi at makita ang reaksiyon ng dalaga. pag dating niya ng bahay nadatnan niyang nag luluto ang babae..feeling niya tuloy asawa niya ito. at sa halip na magsalita mula sa likuran nito ay walang ingay niyang pinag masdan ang bawat swabe nitong galaw. ni wala itong kamalay malay na nasa likod siyat pina nunuod ito sa ginagawa ng bigla itong. "tristan...!!!gulat na gulat ito ng malingunan siyang nakatayo sa likuran nito at walang ingay na pinag mamasdan niya. namimilog ang mga mata nito sa pag kagulat habang saglit na statwa sa kinatatayuan habang hawak ang sandok at nakatingin sa kanya. napangiti siya sa reaksyon nito. "kadarating ko lang..diko intensyon gulatin ka..sorry..hinging paumanhin niya. nakita niya itong ilang bises huminga ng malalim. "pasinsya kana pinakialam ko ang kusina mo..sa halip ay tugon nito. "sa labas nalang sana tayo kakain pero parang gusto kung tikman ang luto nang magiging asawa ko.. biro niya na lumapit dito at inignora ang matagal nitong titig sa kanya.. nakita din niyang nag punas ito nang pawis sa nuo. "ang bango..amoy palang ulam na..aniya sa dalaga nang tuluyang makalapit sa dalaga matapos masamyo ang natural nitong amoy. para pa ngang gusto niya itong yakapin at halikan pero syempre hindi niya kayang gawin iyon. "salamat sa pambobola.. hindi naman talaga ako marunong mag luto pero salamat tristan. tugon nito na parang nahihiya at di makatingin sa kanya. "hindi ako maarte sa pagkain..lahat kinakain ko..seryusong saad niya habang nakatitig sa namumula nitong pisnge. saka tinikman ang luto nitong nilaga."ang sarap pwedi ka ng mag asawa..nakangiting sabi niyang ginaya ang isang kasabihan.. lalo itong namula sa sinabi niya. "halika may ibibigay ako sayo.. hinawakan niya ito sa kamay matapos nitong patayin ang kalan.. para kasing lalo itong naiilang sa mga pinag sasabi niya. bakit ba kasi di niya mapigilan ang sarili na sabihin ang mga bagay na iyon. maliban nuon kay scarlet wala na siyang ibang minahal.. ang babaeng ina nang kanyang anak. kung anuman ang nararamdan niyang kakatwa ngayon kay nicky gusto niya iyon siguraduhin.. siguro panahon na para mag mahal na ulit siya nang iba. "hindi ko naman birtday bakit kailangan mo akong regaluhan? palatak nito nang makita ang isang set nang cellphone na nasa harapan.. "hindi regalo yan..binigay ko sayo para kahit malayo ako pwedi kitang tawagan. "salamat..parang subra naman na yata tong tulong na ginagawa mo para sakin. diko alam kung pano kita mababayaran.. ".inisip mo bang sisingilin kita sa ginagawa ko sayo.? tanong niya. hindi ito kumibo..parang naluluha nanaman ito nang tumingin sa kanya. "uhm..hanggang kilan ba ako magtatago dito? baka anung isipin nang pamilya mo na nandito ako..sa halip ay tanong nanan nito. huminga siya nang malalim saka sumandal sa sofang kina uupuan bago ito sinagot. "hanggang sa matutunan mo akong mahalin.. seryusong saad niya. "hindi mo nga ako pweding mahalin tristan..hindi ako bagay sayo..alam kung hindi ako matatanggap nang parents mo..tinggnan mo nga kung anung klase akong tao. "wala akong masamang nakikita sayo nicky.. you are beautiful and perfect enough for me to make my wife.. dahilan mo lang siguro yang nakaraan mo para hindi mo ako magustuhan dahil ako ang hindi karapat dapat para sayo. pag dadrama niya sa huling tinuran. ang pagkaka alam niya mula kay kyle mayaman ang ina ni nicky sa korea.. ang inaalala niya na may anak din siyang hindi pa alam ng dalaga. kung sakaling mamahalin siya neto hanggad niyang matanggap din ni nicky ang nakaraan niya. hindi ito makapaniwalang tumingin sa kanya pero hindi umimik. "sige na nicky gamitin mo na pwedi mong tawagan ang mga kapatid mo.. pamimilit niya sa dalalga na ang tinutukoy ay ang cellphone. sa sinabi niya nag liwanag ang anyo nito at parang na amaze na tiningnan ang cellphone na nasa harap at nag hihintay nalang na pulutin.. "salamat tristan ha..! sa wakas ay nag salita ulit nito. "ayaw kung mag papasalamat ka sa maliit na bagay na matatanggap mo mula sakin.. dahil simula ngayon ibibigay ko lahat sayo.. pinulot niya ang phone at kinuha ang kamay nito saka inilagay sa kamay nito iyon.. wala itong ginawa kundi titigan iyon.. ilang sandali napapangiti na siyang makitang ginagalaw na ng dalaha ang inabot niya. tumayo na siya. "mag bibihis lang ako..para makakain na tayo.. sabi niyang iniwan na niya ang dalaga. pag dating sa kwarto sinubukan niya itong itext. ?i love you. na sinamahan niya ng smiley. walang reply kaya sinilip niya ito mula sa sala.. nakangiti ang dalaga kaya alam niyang nabasa na nito iyon ang messages niya. muli siyang nag text. ?textback asap. na exite siya nang tumunog ang cellphone lalo na nang makita ang number netong nag appear sa screen niya.. mabilis niyang na e save ang number neto na pinangalanan niyang my wife. ?nasa likod kalang ng pinto nag text kapa.. puro ka kalukuhan textback nito. napangiti siya.. saka nag bihis na.. oo nga naman bat naisipan niya pa itong itext.. ano bang nangyayari sa kanya.. daig pa niya ang teenager na ngayon lang nag ka crush. *** PAGKATAPOS nilang kumain ni tristan nag paalam siya sa lalaki na tatawagan ang mga kapatid. pumayag ito pero nanatili ito sa kanyang tabi na para bang gustong marinig ang pag uusapan nila. "hello sino to? takang tanong nang nasa kabilang linya na halatang boses nang ate faye niya. "si nicky to ate..kumusta kayo. exited niyang sabi.. nasulyapan niyang lumapit pa lalo si tristan sa kanya na ikinailang niya. "nicky kumusta kana?..lavenia si ate nicky mo halika nasa cellphone..tawag nito sa kapatid na parang maiiyak sa tuwa. "okay lang ako ate..tugon niya na nag init ang gilid nang kanyang mga mata. "ate nicky si lavenia to..pagpapakilala ng biglang sumingit na boses. "ohh..kumusta kana? nag aaral kabang mabuti? tanong niya na tuluyan nang naiyak ng marinig ang boses nito. "uo ate, kailan ka papasyal dito na mimis na kita malapit na ang birthday ko pupunta ka ha? "miss na din kita bunso..pupunta ako promised..aniyang nag pahid nang luha. "nicky..kumusta naman ang pakikitungo sayo ni tristan diyan? boses ulit iyon namg ate faye niya. "mabuti naman.. super bait niya sakin ang tutuo binili niya sakin tong fone..tugon niya na di maiwasang mapatingin sa gawi ni tristan na nakatitig lang din sa kanya. "salamat naman pwedi maka usap si tristan may sasabihin lang ako sa kanya..sabi pa nito. "ha?eeh sige, saka inabot sa katabi ang cp.."kakausapin ka daw ni ate faye..aniya na agad naman nitong inabot. "hello, medyo lang..wag kang mag alala hindi ko siya pababayaan..uo naman. hahaha..naku mukang mahirap ata yun..sige..sabi nito na ibinigay din agad sa kanya. "ate anong sinabi mo dun? pabulong niyang tanong. "sabi ko mahalin at alagaan ka..yun lang naman.. naputol amg sasabihin nito nang marinig niya ang boses nang kanyang ina. "nicky sabihin mo kay tristan maraming salamat sa perang ipinadala niya sakkin. eh sana naman kapag kayo ay ikinasal eh padalhan mo ako nang pera dito lalo na at mayaman yang napangasawa mo... mabilis niyang pinutol ang linya. ayaw niya nang marinig pa ang sasabihin nang kanyang madrasta. wala na itong makuha sa kanya kaya kay tristan nanaman ito mangugulo. hindi ba talaga siya nito tatantanan. "nagbigay ka kay inay nang pera..?galit niyang tanong sa lalaking katabi. naiinis siyang ginawa iyon ng lalaki dahil hindi na ito titigilan nang kanyang ina sa kakahinge. tiyak gagamitin parin siya neto para makakuha ng pera sa lalaki. "may usapan kami nicky tinupad ko lang.. "pero hindi mo dapat ginawa yun.. nag taas siya ng boses. "wag na natin pag talunan maliit na halaga lang yun.. sabi nitong hinawakan siya kamay. "pag binigyan mo ulit ng pera si inay..hindi mo na ulit ako makikita. aniyang galit itong iniwan. tulala namang naiwan si tristan habang sinusundan ito ng tingin..tama ba ang narinig niya marunong din pala magalit ang mahal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD