NAKAKAILANG sulyap na si tristan sa suot na relo nang di maiwasang silipin sa cr si nicky..pero saktong natanaw niya itong nag nagmamadaling lumabas ng restaurant.
"nicky.....!!nag mamadali niya itong hinabol na hindi pinansin ang pag tunog nang cellphone.
mabilis na sumakay sa bullet proof niyang sasakyan saka pinaharorot..alam niya kung saan ito pupunta kaya kailangang maunahan niya ito, saktong pag parada niya nang kotse sa tapat nang squater na tinitirhan nang dalaga muling tumunog ang cellphone niya.
"bibigyan kita nang isang araw para ibalik sakin si nicky..kung hindi ako mismo ang kuhuha sayo..isang di kilalang nomero ang nasa screen niya ngayon pero kilala niya ang boses neto ng mag salita.
"kunin mo kung kaya mo mr dallas puro ka satsat.. galit niyang pinatayan ng cellphone ang kausap at nag tuloy sa bahay na tinutuluyan ng dalaga.. agad kumatok.
"buti naman at dumating kana..!!!!bulyaw nang matabang babaeng naka amba ang mga kamay para sabunutan sana ang inakalang si nicky.. pero natigilan ito nang makita siya.
so ito pala ang madrasta nang dalaga kaya ganun nalang ang takot ni nicky reto..
nginitian niya ang babae upang kuhanin ang luob neto kung sakali man.
"sino ka? biglang mag bago ang reaksiyon nito. mula sa paginging masungit naging mabait agad sa kanya.
"si nicky ang kailangan ko..walang utal niyang tugon.
"may pera kaba? bakit mo siya hinahanap? magkasunod nitong tanong na hindi maikakailang mukang pera.
"boyfriend niya ako.. at nandito ako para ilayo siya sayo.. magkano kailangan mo para pakawalan siya? gusto niyang magalit sa sinabi nito pero nag timpi siya.
mula ulo hanggang paa siya nitong sinipat at ngumisi.
"talaga boyfriend ka nang anak ko? naku bakit hindi mo naman sinabi kaagad. halika ijo pumasok ka..sabay hila nito sa kanya sa luob nang makalat na bahay.
mag mamadali pa nitong pinulot ang mga nag kalat na mga abubot sa pinakasala nang mailiit na bahay at inilipat sa luob ng kwarto.."lavenia mag ligpit ka nga anak bilisan mo mag timpla ka ng juice, may bisita tayo
.mabait nitong utos sa anak na naroon.
"wag na ho kayong mag alala hinihintay lo lang si nicky..aalis din agad kami pag dating niya. himig niyang paliwanag..dahil halatang wala pa si nicky.
"saan mo naman dadalhin ang anak ko? agad ay tanong nang babae.
"saan niyo po dadalhim si ate nicky sir? nag aalalang tanong nang nag ngangalang lavenia matapos marinig ang sinabi niya.
"magpapakasal na kami..walang utal niyang tugon..iyon lang ang alam niyang paraan para walang dudang mailalayo si nicky sa poder nang hindi tunay na pamilya.
"ano ho? nagulat ang dalagita.
"teka-teka...wala sa usapan ang ganito.. si nicky ay hindi pa pweding....
natigilan ito nang mag abot siya nang tsekeng nag lalaman ng singwenta mil.. binasa ang halagang nakasulat duon."kulang ito..hirit pa.
"inay..para niyo nang ipinag bili si ate nicky sa ginagawa niyo..galit ang isa pang babaeng mas matanda kay lavenia nang halos limang taon. galing ito ng kwarto at alam niyang kagigising lang.
"wag kang makialam dito faye ha..ilalayo niya si nicky at hindi ako papayag nang ganon.. bulyaw ng ginang.
"hayaan niyo ng lumagay sa tahimik ang kapatid ko kung gusto niya ng mag asawa. mas gugustunin ko pa iyon kesa sa ginagawa niyo sa kanya.. galit sa sita nito sa ina. walang sabing pinunit nito ang tsekeng hawak ng ina saka humarap sa kanya.. hindi alintana ang pag salubong ng kilay nang ina nito.
nakikini-kinita niya na kung gaano kagulo ang buhay meron ang dalaga.. damang dama niya sa bigat ng kaluoban nito sa piling nang ikalawang pamilya.
"sir...wag niyong pababayaan ang kapatid ko. kayo na ho ang bahala sa kanya..sabi nang nag ngangalang faye sa kanya.." kung pwedi kahit papano hayaan mong magkita kita parin kaming mag kakapatid..madamdaming dagdag pa nito.
"siya nga po sir.. singit nang nakikinig lamang nasi lavenia.
na hindi nakatiis ang ina nito na kanina pa galit na galit.
"mag si alis mga kayo reto ako ang makikipag usap sa magiging manugang ko..singhal nito sa dalawang anak."anu kamo ang pangalan mo?
"tristan gonzales..tipid niyang tugon na panay tingin sa pinto. mukang ang tagal naman yata dumating ni nicky.
"tutal eh mukha ka namang mayaman tristan baka pwedi natin pag usapan nang maayos amg halagang gusto ko bago ko ipag katiwala sayo si nicky..alam mo kasi mahal na mahal ko amg anak ko at hindi ko pa kayang malayo siya sa amin. mahabang litanya nito na may halong pag dadrama.
"inay mahiya nga kayo kay sir tristan..sabi naman ni faye.. na di makapaniwala.
"wala po problema m'am. sabihin niyo na. ibibigay ko kaagad sa inyo. tanging naitigon niya nalang niya.
"baka pwedi five hundred thousand cash nalang..nakangisi nitong sabi.
"ano kamo inay..pigil hiningang sabi ni faye na natoptop ang dibdib sa pag ka gulantang. na hindi pinansin ng ginang.
"wala akong dalang ganun kalaking halaga pero bukas maibibigay ko,,,aniya.
napangisi na ito sa sinabi niya..
"kung ganun eh pumapayag na akong pakasalan mo ang anak ko..sabi nito sa kanya.
nakahinga siya ng maluwag matapos marinig iyon..mailalayo niya na mula reto si nicky.. lalo pa siyang nasiyahan nang makarinig nang katok mula sa pinto.
dumating na si nicky..
.
***
KINAKABAHAN si nicky habang kumakatok sa pinto nang bahay upang pag buksan nang madrasta. anong sasabihin niya ngayon kapag hiningan siya nito ng pera. para bang inihanda nalang ang katawan sa mga sampal nito.
marahan iyong bumukas at tumambad sa kanya ang makangiting mukha nang madrasta.
"nandito kana pala anak kanina kapa hinihintay nang boyfriend mo, nakangiti at mabait na turan ng ina inahan niya.
" boyfriend?di siya makapaniwala.
wala pa siya nagiging boyfriend sa tanang buhay niya.sino ngabang mag kakagusto sa isang babaeng mababa ang lipad. isang bayarang babaeng walang kahihiyan sa sarili. sa naisip niya gusto nanamang lumuha ang kanyang mga mata.
pero naudlot iyon nang hilain siya nang ina sa luob ng bahay dahil wala pa siyang balak pumasok.. at nanlaki ang mata nang makita si tristan na naka upo sa kahoy nilang silya.
magkahalong hiya at takot ang maramdaman niya..takot na baka anu ang sabihin nito sa kanyang madrasta at hiya dahil nakita nito ang magulo niyang mundo.
pero lahat nang naramdaman niya iyon ay nag laho nang tumayo ito at marahan siyang nilapitan at niyakap.. napalitan nang kakaibang kaba ang takot at hiya niya.
"anak pumapayag na akong mag pakasal ka..panimula nang kanyang ina inahan na isa pang ikinagulat niya.
"dimo sinabi samin na mag aasawa ka na pala nicky..gustong mag tampo ang boses ni ate faye niya habang mapanudyong naka tingin sa kanilang dalawa ni tristan na nuoy nanatiling yakap siya.
"plesae nicky sumakay ka nalang..mahinang bilong nito sa may tinga niya bago siya dinampian nang halik sa pisnge para kilabutan siya..
mas hindi niya maintindihan ang nangyayari sa paligid niya..kundi pa may kumatok sa may pinto.
"tao po,,,,tao po.. tita flor, faye, lavenia andyan ba si nicky si jeffrey to buksan niyo ang pinto. halos gibain ng lalaki sa labas ang pinto.
nahintakutan siya na sumiksik kay tristan. nanginig ang katawan..ang ina naman niya ay pinuntahan ang pinto..
"ate faye itago mo kami..ani nicky sa kapatid na takot na takot.
"ha..bakit?
"basta?
dahil sa takot na nakita nito sa mga mata niya ay hinila sila sa kwarto at ipinasok sa luob nang malaking aparador.
"ate wag mong sabihing nandito kami. mamaya ko na ipapaliwanag..aniya sa kapatid.
"sige..nag tataka may sagot neto.
napapikit siya nang isara nito ang pinto at makulong sila ni tristan sa luob.
"heeyy open your eyes..pabulong ni tristan sa kanya..para magtama ang mga mata nila.
"dika galit sakin? tinakasan kita kanina? tanong niya na inignora ang kaba dahil halos mag kadikit lang ang mukha nilang dalawa.
"hindi mo ako matatakasan nicky..hahanapin at hahanapin parin kita. tugon nito na ngumiti.
"sorry dina mauulit..pero bakit kailangan mo sabihin kina inay na magpapakasal na tayo?
"dahil alam kung pagkatapos nito hindi ka niya guguluhin pa..ang galing ko diba? pagyayabang nito na parang close lang sila.
"mukhang pera ang madrasta ko buti dika hiningan ng pera.
"tapos na..actually parang binili na kita sa kanya..nakangiti nanaman ito sa kanya.
"anu??
"ssshhhh..wag kang maingay baka marinig tayo ni jeff dito,,tinakpan nito nang daliri ang mga labi niya.
natahimik naman siya habang nakatitig dito sa dilim..pinagpapawisan na siya at ang init ng pakiramdam niya na parang nasa luob sila ni tristan ng pugon. di niya alam kung dahil iyun sa presinsya ni tristan.
napa ngiti naman ang lalaki habang nakatingin sa dalaga..hindi naman talaga siya takot kay jeff..or kahit kay gabriel pa pero ang sarap nang pakiramdam niya na kasama ito sa ganung sitwasyon.. pero bigla siyang napatitig dito nang seryuso matapos nitong gumalaw sa masakip na lugar na kinalalagyan nila ng mapahawak ito sa braso niya marahil dahil nangangalay na ito.
parang bang hindi niya na makalimutan ang matamis nitong labi matapos siyang siilin ng halik kagabi..maging ang hubad nitong katawan ay pabalik balik sa isipan niya para mapuyat siya.. at mag pahanggang ngayon ay naalala niya pa iyun.
pero anumang init ng katawan niya ay kailangan niyang isantabi iyon dahil ayaw niyang isipin ng dalaga na nananamantala siya sa sitwasyun nito.lalo ngayon, pero hindi ngaba? halos nakayakap na siya dito at kunting kunti nalang sasakmalin na niya ang labi nito ng biglang bumukas ang pinto.
"ate nicky..sir tristan wala na po si kuya jeff sa labas pwedi na daw kayo lumabas sabi ni ate faye..si lavenia iyon.
mabilis siyang naitulak ni nicky palayo sa pag kagulat. saka kumuha ng towel.
"m-maliligo lang ako lumabas kana nang kwarto ko. utal nitong sabi na di makatingin ng deritso sa kanya.
"okay baby..sweet niyang tugon na napa ngiwi. bakit ang baduy niya ata ngayon. may pa baby na kaagad siyang nalalaman..
nakangiti tuloy si lavenia ng sulyapan niya.
"bagay kayo ni ate nicky sir.. sabi pa nito.
"hmm....pwedi bang kuya nalang itawag mo sakin..kamot niya sa ulo..pero seryuso ba yan bagay talaga kami?di makapaniwala niyang tanong na inakbayan ito palabas ng pinto.
"upo.. sige po kuya tristan nalang..pwedi ko bang dalawin si ate kapag naikasal na kayo? ma mimiss ko siya. pag kuway tanong sa kanya.
"uo naman,welcome ka sa bahay namin ni nicky..tawagan mo lang ako at susunduin kita..okay ba iyon?
"salamat kuya tristan..masayang masaya ako ngayon dahil hindi na siya mag tatrabaho sa kabaret..parang naiiyak ito.
"ngayon naba kayo aalis agad ni nicky? si faye iyon na nagtanong pag ka upo niya sa silya halatang wala ang madrasta ng dalaga.
"dilikado siya dito kung iiwanan ko siya. tugon niya.
"bakit dilikado kuya? takang tanong ni lavenia.
"ahm may taong gustong kumidnap sa kanya..yung si jeef kanina..
"ha???magkapanabay nang dalawa.
"may malaking utang si jeff sa isang mag ngangalang gabriel..kaya mag iingat kayong dalawa at wag kayong lalapit sa taong iyun
basta kapag kailangan niyo ng tulong pwedi niyo akong tawagan. aniyang nag abot ng cellphone number.
parang mahintakutan ang dalawa.
saktong lumabas nang kwarto si nicky at naka impaki na..hindi niya tuloy maibaling ang pag kakatitig niya sa babae. naka suot lang ito nang simpling bestida ni wala ngang make up pero ang ganda nito..
"ate faye..ikaw na bahala kay lavenia..pag hahabilin nito sa itinurin ng tunay na kapatid.
niyakap nito si lavenia ganon din si faye. nag iyakan pa ang tatlo na para bang hindi na magkikita kita..dama niyang mahal nang mga ito si nicky, at natutuwa siya sa bagay na iyon. kahit papano may nag bibigay halaga sa dalaga.
tahimik itong lumabas ng bahay kasama siya habang bitbit ang bag na may lamang gamit ni nicky at sa huli ay nagawa pang kawayan ang dalawang kapatid na nasa pinto at malongkot na tinatanaw sila papalayo.
hanggang sa marating nila ang kanto ay panaka naka padin itong lumilingon.
"mag kikita-kita padin kayo, dont worry. pag papalubag niya nang luob dito. para lang ngumiti na ito..
"alam ko..buntong hininga ng dalaga.. na hindi siya sinulyapan. pero nagulat siya nang bigla itong lumapit sa kanya at mabilis na nagtago sa kanyang likuran na parang may kinatatakutan.
si jeff ang dahilan dahil nasa harapan pala nila ito at may hawak na baril at naka tutok sa kanila.
"akala niyo malulusutan niyo ako. nakangisi ito.
"wag kang mag alala poprotektahan kita.. aniya sa dalaga na iniharang ang katawan dito.
"tristan si nicky lang ang kailangan ko..kaya ibigay mo siya sakin ng tahimik..ayaw ko nang maraming sinasabi kaya mabuti pa.....
hindi niya na hinintay na matapos ni jeff ang sasabihin na tinalon ito nang sipa..matapos tumalsik ang baril na hawak ng lalaki saka niya siniko ang panga nito patalikod.. napaluhod si jeff sa sakit na hindi naka piyok sa pagkagulat dahil sa bilis nang pangyayari..tuluyan ng nawalan nang malay ang lalaki ng tumama ang tuhod niya sa dibdib nito.
"ako din ayaw ko nang maraming satsat..bulong niya ng makasigurong tulog na ito.. saka niya isinakay sa kotse ang tulalang babae.
"tristan okay kalang ba talaga? bakit mo ba to ginagawa? bakit mo ba ako pinoprotektahan? tanong ni nicky nang makabawi sa nangyari. pero di niya maiwasang mapahanga nito kanina. at nuong isang araw. para itong kidlat gumalaw sa bilis.
"nag aalala kaba sakin?seryusong tanong nito sa kanya habang binubuhay ang makina nang sasakyan..
napatingin muna siya sa gawi nito bago nag isip nang isasagot. mukha naman itong okay.. si jeff pa nga ang mukang kawawa kanina matapos mahimatay. pero bakit parang kay tristan pa siya nag aalala.
"uo, mejo, pero bakit mo nga kasi ako pinoprotektahan.? bigla ka nalang dumating para iligtas ako nuong isang araw bakit?
hindi makatugon si tristan sa tanong na iyun ni nicky, hindi niya pweding pangunahan ang desisyon nang ina nito. kaya sa ngayon ililihim muna niya ang tungkol sa pag hahanap ng ina ng dalaga.
"ginagawa ko to kasi mahal kita.. hindi niya alam kung anung nag tulak sa kanyang sabihin ang bagay na iyon. ni hindi nga niya sigurado kung tutuo ngang mahal ito. para bang mas okay na dahilan yun para iligtas niya mula sa kapahamakan ang dalaga. at isa pa hindi na ulit pa mag tanong ang babae tungkol sa bagay na iyon.