?SECRET DESIRE?
LEXIE ERA
?ELEVEN
ABALA SA pag iimpaki si jeff ng biglang may kumatok sa pintuan, bigla siyang napatingin sa gawing iyon,kung tauhan man ni gabriel yun hindi na siya mag papa kastigo ulit..lalaban siya hanggang p*****n. balak niyang lumipat nang bahay para hindi masundan mg mga tauhan ni gabriel subalit mukang natunugan siya ng halimaw..
mabilis niyang kinasa ang baril at tinungo ang pintuan. dahang dahang binuksan. nagulat pa siya nang mabungaran si lavenia na nkatayo sa labas. at umiiyak.
mabilis niya itong hinaltak papasok sa luob nang bahay dahil sa pag aalala..
"may baril ka? saka bakit ka may mga pasa??nanginginig ito sa takot habang nakatingin sa kanya matapos niyang haltakin sa luob.
"ginagamit ko to sa mga kaaway ko..bat kaba nandito?hindi mo ba alam ma dilikado dito..isa pa bat ka umiiyak may problema ba?galit niyang tanong sa babae upang takpan ang damdaming biglang umusbong para dito, mahigit isang linggo niya itong hindi nakita at na mimiss niya ang babae.. kulang na ngalang ay kuyumusin niya ito ng halik sa labi.
lalo nat pinaiinit nito ang katawan niya sa maiksing short nitong suot na luwa ang mapuputi nitong hita.. ilang araw narin siyang hindi nakakatikim nang babae simula nang matikman ito.. tama dahil hindi na siya nag ka interis sa iba pag katapos ng huling pakikipag niig niya dito. at ngayon nasasabik siya sa babae. ngalang kilangan niyang pigilan ang sarili.
"aalis kaba?saan ka pupunta? sa halip ay tanong nito matapos makita ang iniimpaki niyang damit.
"lilipat ako nang bahay..sagotin mo ako, bat nandito ka at umiiyak?kalmado na siya para maibsan ang takot nito, itinago niya rin sa likod ang baril.
"si inay kuya jeff..gusto niya akong pag trabahuin sa kabaret na pinapasukan ni ate nicky. hindi na kasi nakakapag bigay nang pera si ate kaya wala siyang pang sugal. buti natakasan ko siya. hagolhol nito habang nag kukwento.
"bwes*t.. napamura siya sa galit, saka lang niya napansing may mga pasa din ito sa braso."sino may gawa nito? galit niyang tanong na nilapitan ito at hinawakan sa isang braso kung saan may sugat din duon. pati ang leeg neto napansin niyang may kiss mark.
"gawa yan nung taong nag bayad kay inay gusto niya akong pagsamantalahan..
"nagalaw kaba niya? tanong niya kasabay ang pag sulak ng dugo,muli ay nag taas siya ng boses.
"hindi po nakatakas ako..kuya isama mo na ako ayaw kung umuwi sa bahay..please...!!! mahigpit itong yumakap sa kanya na umiiyak parin.
naikuyom niya ang kamao sa galit.. anu bang klaseng ina mayron ito at nagagawa lahat nito iyun sa anak.. napakawalang kwenta ang ina nito..
"tumahan kana..aniyang inalo ito at kumuha nang jacket at isinuot sa dalaga dahil manipis din ang suot nitong damit at tiyak ina nito ang may gawa nun.. kung hindi lang masamang pumat*y ibibilang niya sa mga listahan ng papatay*n niya ang ina nitong walang puso..
"ibig sabihin ba nito kuya isasama mo na ako? pumapayag kana? nakangiti na nitong tanong kahit may luha pa sa mga mata.
"may magagawa paba ako alanganan pabayaan kita, aniyang hinaplos ito sa buhok.
"salamat kuya..muli ay sabi nito na binibitbit palabas ang isang bag niyang may lamang damit..
"teka..pigil niya sa babae..di kaba natatakot sakin lalaki rin naman ako, panu kung gawin ko sayo yung ginawa ko sayo nuong una? pabalag niyang sabi.
natigilan ito habang nakatitig sa kanya.. maya maya ay nag baba ito nang tingin.
"alam kung hindi mo ako sasaktan sigurado ako dun..pag kuway tugon nito na tumuloy na sa labas.
pano naman nito iyon nalaman? kibit balikat niyang tanong sa sarili.
ayaw man niyang isama si lavenia dahil mapapahamak ito sa poder niya,pero hindi niya rin makayang babuy*n ito nang kung sino.. proprotektahan niya ang babae sa abot nang makakaya niya, walang ibang pweding mag may ari dito kung hindi siya lang.. papatayin niya ang kung sino mang manakit pa dito simula sa araw na iyun.
agad silang nakahanap nang isang apartment malayo sa dati niyang tinitirhan. siguro naman hindi na siya masusundan duon ni gabriel.
"panu yan kuya jeff wala kang kahit na anung gamit dito saka mainit..anitong hinubad ang suot na jacket..
nagpa lipat lipat sa kanilang dalawa ang tingin ng land lady..kasama nila ito na siyang nag bukas ng pintuan.
"anu kukunin niyo ba? maliit lang ito. libre tubig at kuryente 5k per month..kailangan niyo lang mag deposit ng 3months.? pag kuway tanong.
"kukunin ko..tipid niyang tugon na bumunot ng 15k sa wallet.
"salamat..malapad ang ngiting tugon ng kasera.."mag kaano-anu nga pala kayo? tanong pa nito na muling tiningnan si lavenia na nasa gawing bahagi nang kwarto.
"magkapatid..tipid niyang tugon na hindi magustuhan ang pag tatanong nito sa kanya.
"ahhh..okay..nasaan ba ang mga magulang niyo..?muli ay tanong nito sa kanya na bahagyang nag painit ng ulo niya..
"ulila na kami pareho...
"manang pwedi po ba makahiram nang walis at dustpan?singit ni lavenia nang mapansing umiinit na ang ulo niya..
"sige..anu nga uli ang pangalan mo? tanong nito sa kanya.
"anu po si v-via..may pag aalangan nitong tugon na nauutal pa.
"sige via sumunod ka sakin..agad namang tumalima ang tinawag.
napabuntong hininga siya nang mawala ito sa harapan niya..panibagong buhay meron siya na kasama ito, si lavenia na ngayon ang mahalaga sa kanya at wala nang iba, binago siya nito kahit mahirap para sa kanyang magsimula ulit..pero dahil kasama niya ang dalaga alam niyang magiging madali nalang sa kanya ang lahat..
pag balik nito may dala na itong pamunas at walis.
"babalikan ko lang ang mga iba kung gamit sa bahay .hintayin mo lang ako dito ha? aniyang pumihit palabas..pero pinigilan siya nito sa kamay.
"kuya salamat ha..pati ikaw nadamay.. alam kung hinahanap na ako ni inay ngayon. at galit na galit na siya..salamat at nandiyan ka.
kahit anung pigil niya sa sariling wag itong tingnan dahil naakit siya dito pero hindi niya magawa.. nag landas ang uhaw niyang mga mata sa mukha nito pababa sa mga labi ng dalaga.. gustong gusto niyang angkinin iyon na parang pag mamay ari niya kaso hindi niya kayang isipin nito na sina samantala niya ang kahinaan nito. tama na ang minsang nakaniig ito.
"walang anuman via.. basta para sayo.. nakangiting turan niya na ginamit ang nickname nito.. na agad tinanggal ang mainit nitong palad na nagbibigay ng init sa buong kalamnam niya.
napangiti narin ang dalaga kahit na alam niyang marami pa silang kakaharaping problema.. alam naman niyang maliban sa kanya wala na itong maasahan pang iba.
agad siyang umalis. nag renta siya nang sasakyan para madala lahat nang mahalaga niyang gamit.. gusto niyang maging komportable si lavenia sa pag tulog kaya priority niya ang higaan at portable fan. wala narin siyang budget para bumili pa nang mga gamit. kailangan niya narin palang humanap nang trabaho kundi pariho sila magugutom ng mahal niya..uo na realize niya na mahal ito. hindi na kailangan ng mahabang panahon para pag isipan pa ang kakaibang damdamin niya para dito,sapat na ang isang linggong hindi siya mapakaling iniisip ito,
"kain na tayo kuya? aya ni lavenia sa kanya. sa wakas natapos narin sila sa pag aayos sa luob nang bahay. sakto lang sa dalawa ang maliit na apartment nila..maliit na sala, maliit na komidor at maliit na kwarto, para lamang silang bagong mag asawa..at nakikiliti siya sa isiping iyun. sa buong buhay niya hindi siya nangarap lumagay nang tahimik hanggang sa dumating ito sa buhay niya..
sa lapag sila kumain dahil wala silang lamesa, hindi niya na iyun dinala dahil madaliblang iyun palitan. paper plate lang din ang gamit nila sa pag kain at nakakamay,ganun man hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdan.. ngayon lang siya nakontinto nang ganito.
"pag pasinsyahan mo na ang kuya mo ha..wala pa akong trabaho kaya tiis muna tayo.. hinging paumanhin niya dito.
"sanay ako sa hirap kuya jeff baka nakakalimutan mo. siya nga pala pwedi makigamit ng phone tatawagan ko lang si ate faye para di siya mag alala sakin. alam kung hinihintay niya na ako ngayon sa bahay..
"okay..pero di kaya mas lalo siyang mag alala kapag nalaman niyang nandito ka at kasama ako..
"hindi ko naman sasabihin sa kanya na kasama kita.. nakangiti nitong tugon
"uo nga naman diko naisip yun.. pabulong niya.
pagkatapos nilang kumain tinulungan niya itong mag ligpit.. saka ito tumawag sa kapatid.
"hello ate faye nakitawag lang ako sa kaibigan ko..uo ate okay lang ako,.saka ko nalang ipapaliwanag sayo pag nagkita tayo..okay bye.
saglit lang nag usap ang dalawa at inabot agad sa kanya ang phone. umiiyak nanaman ito. at marahil namimis ang kapatid.
"nahiwalay na nga si ate nicky samin, pati si ate faye malalayo narin sakin. siguro kung naging iba ang kapalaran ko hindi to mamngyayari sakin. iyak nito..
napa buntong hininga siya habang tinititigan ito na umiiyak,. gusto niya itong yakapin pero di niya magawa.. isa siya sa mga dahilan kung bakit nasadlak sa ganito ang buhay ni lavenia, ganun man wala siyang pinag sisisihan dahil naging daan iyun para makilala niya ito at kaya siya masaya ngayon..
"ayaw ko nang babaeng umiiyak sa harapan ko..kaya pwedi tumahan kana. dapat maging matatag ka alam mo kung bakit, dahil sa mga susunod na araw mas marami pa tayong pag dadaanang problema, maliwanag ba? galit galitan niyang sabi dito.
"pasinsya kana.. nadala lang ako sa sitwasyun.. hinging paumanhin nito na nag pahid ng luha.
tumayo siya at kinuha muli sa kwarto ang jacket at iniabot dito.
"isuot mo yan lalabas tayo kailangan mo bumili nang damit mo, ayaw kong mamaho ka.. siryusong saad niya.
"hindi na kailangan, ipapakuha ko nalang kay ate faye ang ibang gamit ko. ayaw ko naring pumasok sa school.
"hindi pwedi..kailangan mong pumasok sa school bukas, hindi mo ba alam kung gaano ka importante ang edukasyon. tingnan mo ako wala akong deploma kaya hindi ko alam kung anong trabahong nag hihintay sakin. bata kapa kaya dapat tapusin mo ang pag aaral mo kung gusto mong manatili sa poder ko.. aniya dito sa mababang boses.
napasimangot ito sa sinabi niya.. pagkuway tiningnan siya mula ulo hanggang paa..
"bakit dika nalang kasi nag artista gwapo ka naman pwedi ka ding model.. duon hindi na kailangan ng deploma kundi mukha lang at katawan. siryuso ito sa sinabi.
napangiti siya sa tinuran ni lavenia.
"sipsip karin ng konti noh, nangingiti niyang hinatak ito palabas nang bahay para makaalis na sila.
inalalayan niya itong makasakay sa motor niya matapos suotan ng helmet.
binili niya lahat nang kailangan ni lavenia upang hindi na nito alalahaning bumalik pa duon sa bahay nito para sa mga gagamitin sa school maging sa sarili.. at sa mga kulang pa nilang gamit sa bahay.
"matulog kana..pagtataboy niya sa babae pag karating nila..
nagpasalamat ito saka tumuloy na ng kwarto. siya naman tinawagan ang kaibigan dahil kailangan niya nang trabaho bukas mismo. may binubuhay na siya kaya kailangan niyang makahanap agad nang mapag kakakitaan. sasagutin niya na lahat ng pangangailangan ni lavenia maging sa pag aaral nito lalo na at nasa poder niya na ito.
"hanep bruh saan kaba nag tatago at ang tagal mong hindi nag paramdam. bungad ng kaibigan niyang si asher.
"wala lang..siya nga pala baka may trabho kang pweding ibigay sakin.. kailangan ko kasi nang pera.
"para kanino kay gabriel dallas nanaman?
"uo bruh, kay gabriel padin..yung dati kong utang na naitalo ko sa sugal..malas kasi bwesit. naiinis niyang sabi.
"may alam ako bruh, madali lang to,,.one time,big time.magpupuslit kalang nang droga papuntang ibang bansa. pag balik mo milyonaryo kana.
"pass ako, gusto ko nang matinong trabaho bruh yung hindi dilikado ang buhay ko..sawa na ako mag tago..
"teka..ikaw ba talaga iyan jeffrey?? natatawa itong di makapaniwala..
"takti naman..mayrun ba or wala? naiinis na siya.
"shelax lang bruh, syempre meron mababa lang ang kitaan dito. okay lang ba sayo?
"kahit tagahatid lang nang dyaryo or tagalinis nang kubeta pwedi na..aniya.
ang lakas nang tawa nito sa tinuran niya.
isa si asher sa malapit niyang kaibigan. mas maswerte lang ito sa kanya dahil nag karuon ito ng mayamang pamilya.
ang tutuo takbuhan niya ito sa mga pangangailangan niya na hindi naman matanggihan ng kaibigan. magkasama din sila sa lahat nang kalukohan pati narin ang pag susugal at pambababae, mas matino lang ito nang kunti sa kanya dahil hindi ito nalulong sa sugal tulad niya. dahil sa tuwing makikipag break sa kanya ang mga nagiging nobya niya ay dito niya iginigugul ang uras.. duon niya rin nakilala si asher matapos itong pag tripan at nagawa niya itong ipag tanggol. simula nuon naging close sila..
negusyante ang ama nito at may ari nang isang factory nang appliances.. dito nang gagaling ang ibinibeyahe sa ibang bansa. matagal na siya nitong inaalok pumasok sa trabaho kahit kargador lang kung gugustuhin niya kaso nuon malaki ang kinikita niya kay gabriel sa pag babantay nang casino nito. siya ang taga gulpi sa mga sira ulong nang gugulo sa luob nang casino, at bilang katiwala nitong tauhan malaki din ang natatanggap niya reto buwan buwan na isang araw niya lang nilulustay sa ibat ibang babaeng gusto niyang ikama.
subra siyang nag pakasaya sa buhay niya nuon nang kalakasan niya pang kumita.. at ngayon nakakarma na siya sa mga nagawa niyang mali nuon. ngayon niya napagtanto na mahalaga ang pera na dapat hindi ito nilulustay sa mga walang kwentang bagay..bagkos ipunin ng sa ganun kapag dumating ang araw na mas higit mo na itong kailangan ay may mapag kukunan ka. isang mahalagang bagay na ngayon niya lang napag isip-isip, ngayon lang kung kilan tutuo na siyang nag mamahal.
"kailangan nang tao ni dad sa bodega, mag babantay kalang naman sa mga trabahador dun sa mga natutulog sa uras nang trabaho..anu payag ka? pag kuway ani asher.
"payag ako..send mo nalang sakin ang address. mag rereport ako bukas..
"good,,sasamaha kita bukas duon para personal mong maka usap si dad, nga pala punta tayo sa bar mamaya may ipapakilala ako sayong chicks.. pag iiba nito ng usapan.
"pass ako bruh,.tangi niya.
"tumatanggi ka sa sexy,maganda and fresh. kinakabahan ako sayo baka bukas makalawa mag pa alam kana bilang single? natatawa nitong sabi.
"siryuso ako asher, gusto kung magbago para sa babaeng mahal ko...
"kung ganun pwedi ko ba siyang makilala? bigla akong ma curious.subramg ganda ba neto?
"uo naman.,pero paalala ko lang akin na siya ha.. may diin niyang sabi.
natawa ito,
"okay bruh. so panu magkita nalang tayo bukas.
"sige bye..
matapos itabi ang phone ay sinulyapan niya ang pinto ng kwarto kung saan naruon ang dalaga, marahil ay tulog na si lavenia..
marahan siyang tumayo saka pumasok sa luob upang silipin ang babae , nakahiga na nga ito at tulog na tulog na..
lihim siyang napangiti.
"goodnight lavenia.. bulong niya saka kumuha ng unan at kumot at isinapin sa sahig.. kahit malapad ang kama hindi siya pweding tumabi dito baka hindi niya mapigilan ang sarili. wala padin siyang lakas ng luob na sabihin ang nararamdaman para dito, mas gusto niyang mag fucos ang babae sa pag aaral neto. siya ang tatayo bilang ama at kapatid ni lavenia para makatapos ito ng pag aaral pinapangako niya iyon.
CONTINUE....