SIENNA "Oy, girl! Anong meron sa inyo ni Dok. Tom? Magkakilala na ba kayo dati? Tanong ni nurse Luna sa akin habang inaayos namin ang aming gamit para sa aming ikalawang araw na trabaho. Kaming dalawa pa lang ang nandito sa nurse station. Nauna daw siya kay nurse Mage dahil may pinuntahan pa ito. Tumigil ako sa aking ginagawa saka humarap kay nurse Luna. "Hindi ko pa nakilala o nakita nuon si Dok. Tom. Dito ko lang siya nakilala. Nagulat lang din ako kahapon kung bakit bumili siya ng sanitary. Saka pag-gising ko nasa kama niya na ako. Mabait siya kaya siguro concern lang siya sa akin. O kung sino man siguro sa kanyang nurse ang nangyari katulad sa nangyari sa akin kahapon ganun din ang gagawin niya. Sobrang nakahihiya nga dahil unang araw ng trabaho ko ganun pa ang nangyari sa akin. Kay

