SIENNA "Anong sinabi mo kanina Dok?.Totoo na hindi ka ano..ano.?" Nahihiya ko'ng tanong n'ong naalala ko ang kanyang sinabi. Ngayon lang nag sink in sa isipan ko ang sinabi niyang hindi siya bakla. Ang nasa isipan ko kasi kanina na baka magalit siya dahil nahimatay ako. Kaya nang bumalik na ako sa aking tamang pag-iisip. Sobrang hiya ko sa aking sinabi. "Ang tanga mo Sienna. Nakarami ka na ngayong araw." Sermon ko sa aking sarili habang pa kamot kamot sa aking ulo. Gusto ko'ng kutusan ang aking sarili dahil buong araw na katangahan ang ginawa ko. Unang araw pa ng aking trabaho. Narinig ko si Dok. Tom na mahinang tumawa kaya tumingin ako sa kanya. "Na ano? Bakit hindi mo masabi ng maayos?" Pa ngiti-ngiti na tanong ni Doktor Tom. Kime ako'ng ngumiti saka nag-iwas ng tingin sa kanya. Sak

