SIENNA "Nurse Sienna, masama pa ba talaga ang pakiramdam mo? Namumula ka! Nakainum ka na ba ng gamot? Bakit hinihingal ka? Saan ka nanggaling?" May pag-alala na tanong ng head nurse namin pagdating ko sa nurse station. Hingal na hingal ako kaya hindi ako makasagot. Sobrang nahihiya talaga ako sa aking ginawa. Bakit ba kasi hindi ko alam na si Doktor Tom pala ang may-ari ng ospital na ito. Parang wala ako'ng mukhang ihaharap sa kanya kapag makita ko siya muli. Tumingin ako sa kanila saka pilit na ngumiti. Nakatingin rin pala sila sa akin na may pag-alala sa kanilang mukha. Lumapit si nurse Luna saka inalalayan ako'ng umupo sa upuan. Binigyan naman ako ni nurse Mage ng tubig. "Nurse Sienna, masakit pa ba ang tiyan mo? Uminum ka muna ng tubig." Wika ni nurse Mage. "She's having a monthly

