SIENNA
Nagising ako sa tunog ng alarm ng cellphone ko. Kaya kinusot-kusot ko muna ang aking mata saka ini-off ang alarm. Masigla ako'ng bumangon sa kama saka tumalon talon muna ng sampung beses bago pumasok na sa banyo para maligo. Alas otso ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon ang duty ko. Pagpasok ko sa banyo, kaagad na rin ako'ng naligo. Pagkatapos ko'ng maligo nagbihis muna ako ng pang bahay na damit saka lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng kape. Sinabi kahapon ni head nurse May na may free breakfast at lunch sa ospital kaya duon kami mag breakfast. Pagkatapos ko'ng maubos ang kape. Bumalik na ako sa loob ng kwarto para magbihis ng aking uniform. Nang okay na ang hitsura ko, lumabas na ako kaagad sa silid saka dumiretso sa labas ng bahay. Pagka lock ko ng pinto. Naisipan ko na maglakad dahil maaga pa naman at malapit lang ang ospital. Kaya nagpasya akong maglakad nalang papunta sa ospital. Habang naglalakad ako, pa kanta-kanta lang ako hanggang sa makarating ako sa harapan ng Alfaraz Medical Center. Bigla akong napatingin sa aking likuran ng may bumisina na sasakyan . Pagharap ko, binaba ng driver ang salamin ng bintana ng kanyang sasakyan. Nangunot ang noo ko dahil siya ang Doktor na nakita ko kahapon sa parking lot. Umayos ako ng tayo saka pormal na bumati sa kanya. Ito lang ang dibdib ko ang hindi normal sa pagtibok. Dahil katulad kahapon, sobrang bilis talaga ng pagtibok nito. Pinilit ko'ng pakalmahin ang aking sarili para hindi niya mahalata na kinakabahan ako. Tumikhim muna ako bago ko siya binati.
"Good morning Dok." Pormal na bati ko sa kanya. Ngumiti siya, kaya pakiraramdam ko. Namula bigla ang aking buong mukha. Hindi ko alam kung bakit ako nagkaganito. Wala naman ako'ng pakialam sa mga lalaki na makita ko. Pero ngayon parang iba sa pakiramdam. Pinilig ko ang aking ulo saka kime na ngumiti din sa kanya. Aalis na sana ako para dumiretso papasok sa ospital ng magsalita siya, kaya ang lintik na puso ko. Parang sasabog sa lakas na pagtibok dahil sa kanyang boses.
"Good morning Too! Nagmamadali ka yata nurse Quinn." Wika ng Doktor. Kaya bumaling ako sa kanya. Nagtaka ako kung bakit niya alam ang pangalan ko. Samantalang hindi naman ako nagpakilala sa kanya. Hindi ko alam ang aking naramdaman n'ong tinawag niya ako'ng Quinn. Parang gusto ko'ng umiyak na iwan. Unang beses na may tumawag sa second name ko. Kaya parang especial sa akin. Nang tumingin ako sa kanya, nahulaan niya yata ang nasa isipan ko kaya nagsalita siya ulit.
"I saw in your name plate." Nakangiti niyang sabi. Sabay turo ng name plate ko. Kaya tumango tango nalang ako. Napansin ko ang ang kanyang dalawang biloy sa pisnge ang cute niya at mas lalo siyang naging gwapo. Pero n'ong naalala ko na bakla pala siya. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
"Dok, hindi naman ako nagmamadali. Pero baka kasi dumaan ka, kaya mauuna na ako." Palusot ko sa kanya. Pero ang totoo gusto ko nag umalis dahil sa hindi ko alam kung ano ang aking naramdaman. Hindi ko na hinintay ang kanyang sasabihin muli ng mabilis ang mga hakbang ko papasok sa ospital. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya. Pakiramdam ko, nakatingin pa rin siya sakin. Malakas ako'ng bumuntong hininga saka dumiretso sa nurse station. Nadatnan ko si nurse Luna at nurse Mage na inaayos na ang kanilang mga gamit. Binati ko sila saka inayos ko na rin ang aking mga gamit. Nang okay na ang mga gamit namin. Pagkatapos namin mag log in. Nag-umpisa na kaming magtrabaho. Ang gaan lang ng unang araw namin bilang nurse. Ang bait ng mga Doktor at nurses. Parang lahat na nagta trabaho sa Alfaraz Medical Center ang bait kahit ang mga janitor. Pagsapit ng alas nwebe ng umaga. Narinig namin na pumunta na ang lahat sa convention hall para sa free breakfast. Kaya naghugas muna kami ng kamay bago pumunta sa convention hall. Pagdating namin marami na rin ang mga kasamahan namin na kumuha ng food pack. Kaya nagpila na rin kaminv tatlo. Kumaway pa kami kay head nurse May na nasa unahan kasama ang iba naming kasamahan. Mabilis lang naman makuha ng food dahil Lima ang nagbibigay sa amin. Nang ako na ang kukuha. Nagtaka ako kung bakit hindi ako pinakuha ng food na nakapatong sa mesa.
"Nurse ito po ang sa inyo." Sabi ng lalaki na nagbibigay ng pagkain. Kunot noo ako'ng tumingin sa kanya at sa mga kasamahan ko na parang nagulat din.
"Kuya, baka nagkamali po kayo. Hindi naman po ako nag order. Saka lahat ng mga kasamahan ko ito ang para sa amin." Nagtataka ko'ng sabi sabay turo ng pagkain sa mesa. Pero umiling lang ang lalaki.
"Para sa'yo talaga ito nurse Sienna. Hindi ako nagkakamali dahil may pangalan mo." Paliwanag ng lalaki saka tinuro ang nakasulat sa ibabaw ng food pack. Kaya napatingin ako kay nurse Luna at nurse Mage.
"Kunin mo na nurse Sienna. Para talaga sa'yo iyan kasi full name ba naman ang nakalagay. " Pa ngiti-ngiti na sabi ng dalawa na may panunukso'ng tingin sa akin. Kaya kahit naguguluhan man ako. Kinuha ko nalang at nagpasalamat. Marami na rin kasi ang nakatingin sa akin.
"Naol, may secret admirer kaagad sa bagong araw ng trabaho. Ang haba ng hair ni nurse Sienna." Pagbibiro ni nurse Luna nang makaupo na kami sa mesa. Ngumiti din si nurse Mage saka nag thumbs up. Napanguso nalang ako, saka binuksan ang styro para tingnan ang laman. Namilog ang mata ko ng makita na maraming pagkain ang laman. May bacon, hot dog, pancakes, fried egg, fried rice, may slice fruits pa. Napatingin din si nurse Luna at nurse Mage sa pagkain. Nagtataka talaga ako kung sino ang nagbigay nito sa akin. Nahihiya ako'ng ngumiti sa kanilang dalawa. Sapagkat ang sa kanila ay fried rice, dalawang hot dog, dalawang fried egg lang. Napatingin din ako sa iba, katulad din silang lahat. Sa akin lang ang naiiba. Kaya biglang kumabog ng husto ang aking dibdib na hindi ko maintindihan.
"Wow! Bongga. Kainin mo na nurse Sienna. Para talaga sa'yo iyan." Nakangiti na sabi ni nurse Luna. Hindi ko naman sila nakitaan na na-inggit sila. Kaya nag-umpisa na kaming kumain. Binigyan ko pa sila, dahil ang dami talaga. Sayang naman kung hindi maubos. Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain. Napasinghap ang lahat saka tumayo. Kahit si nurse Luna at nurse Mage. Nanlaki pa ang kanilang mga mata habang nakatingin sa aking likuran. Kaya tumayo din ako, saka tumingin sa aking likuran. Ganun nalang ang pagbilis ng t***k ng aking puso ng makita ko ang Doktor na nakita ko kanina. Kasama niya ang Doktor na boyfriend niya na nakangiti habang papasok sa convention hall. Hindi ko alam ang aking gagawin, kaya umupo ako ulit saka nagpatuloy sa pagkain. Gusto ko kaagad makatapos para maka labas na.
"Good morning Dok. Tom. at Dok. Mat. Breakfast po Dok." Narinig ko'ng sabi ng mga kasamahan ko sa loob ng convention hall. Ako lang ang hindi bumati dahil parang ayaw bumuka ng aking bibig. Napapikit ako bigla ng maramdaman ko na may tumabi sa akin. Narinig ko din ang malakas na pag singhap ng mga tao. Nag patay malisya ako, saka nagpatuloy sa pagkain.
"Hello nurse, can we join?" Narinig ko'ng tanong ng isang Doktor.
"Sure, sure Dok. Umupo kayong dalawa Dok." Magkasabay na sabi ni nurse Luna at nurse Mage. Pakiramdam ko hindi ako makahinga ng umupo sa tabi ko ang tinawag nilang si Dok. Mat. Nagreguduhan ang aking dibdib sa sobrang lakas na pagtibok. Kaya napalunok ako ng aking sariling laway bago tumayo.
"Good morning Dok. Ahm! Excuse me, mauna na po ako. Ahm! Gamit lang ako ng banyo." Pagsisinungaling ko. Pakiramdam ko kasi kapag magtagal pa ako sa loob ng convention hall baka sasabog na ang puso ko.
"Nurse Luna, nurse Mage. Mauna na ako sa inyo, hihintayin ko nalang kayo sa nurse station. Biglang sumakit ang tiyan ko." Pagsisinungaling ko ulit. Napansin ko na napa kunot ang noo ni Dok. Tom habang nakatingin sa akin.
"Are you okay? What happened to you? Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain." Tanong ni Dok. Tom na parang nag-alala.
"Okay lang ako Dok. Baka po girl thing kaya sumakit ang tiyan ko. Masarap po ang pagkain. Sige ho mauna na po ako." Magalang kong sagot saka umalis na. Hindi ko na hinintay ang kanilang sagot at umalis sa kanilang harapan. Malaki ang mga hakbang ko palabas ng convention hall. Napangiti ako sa mga nurse na dinadaanan ko hanggang sa makalabas ako ng convention hall. Biglang tumigil din ang pagtibok ng puso ko. Kaya dahan-dahan ulit ang paghakbang ko papunta sa nurse station. Hihintayin ko nalang duon si nurse Luna at nurse Mage. Ngunit bigla nalang ako'ng napatili ng marinig ko ang boses ni Dok. Tom sa aking likuran.
"I thought masakit ang tiyan mo? Bakit parang hindi naman? Saka ang akala ko, mag ba-banyo ka? Pero bakit hindi naman patungo sa banyo ang daan na pupuntahan mo. The wash room is in the right way. Bakit papunta ka naman sa kaliwa?" Nagtataka niyang tanong. Napaka kamot ako sa aking ulo dahil nabuko ako. Ngunit naka isip ako kaagad ng palusot. Kime ako'ng ngumiti sa kanya saka nagsalita.
"A-E Dok. Bibili kasi ako sa canteen. Tama sa canteen ako pupunta. Nakalimutan ko kasi ang ano. Ang ano Dok." Nahihiya naman ako'ng magsabi ng napkin. Kaya sana maintindihan niya. Tumango naman siya saka sinabi na pumunta na ako sa banyo. At hintayin ko siya sa loob. Napatingin nalang ako sa kanyang likuran habang papalayo siya. Napilitan nalang ako'ng pumunta sa banyo para hindi nila malaman na nagsinungaling ako. Naisipan ko na magtagal nalang ng kalahating oras sa loob ng banyo para hindi nila mahalata na nagsinungaling ako kanina sa kanila. Habang nakatayo ako sa loob ng cubicle. May kumatok sa labas. Ang akala ko gagamit din ng banyo kaya sinabi ko na pumasok nalang. Nanlaki ang mata ko ng narinig ko ang boses ni Dok. Tom sa pinto.
"Nurse Quinn saan ka banda. I bring you sanitary." Napatampal nalang ako sa aking noo. Sobrang nakahihiya talaga. Pero kailangan ko talaga pangangatawan ang pagsisinungaling ko.
"Lord sorry po! Isang beses lang naman." Lihim ko'ng dasal sa panginoon. Pagtapos lumunok muna ako ng aking sariling laway at dahan-dahan na binuksan ang pintuan. Nilabas ko nalang ang aking kamay.
"Dok." Nahihiya ko'ng sabi. Naramdaman ko nalang na may nilagay siya sa aking kamay. Isang plastic bag na maraming iba't-ibang brand ng sanitary. Kaya pakiraramdam ko, nag kulay kamatis ang buo kong mukha sa hiya. Ano nalang ang sasabihin ng naka kita na may dalang sanitary si Dok. Tom. Ngunit ng maalala ko na bakla pala siya. Naisip ko na baka normal nalang na may nakakita sa kanya na may dala siyang sanitary.
"I don't know kung ano ang ginagamit mo'ng brand. Kaya binili ko na lahat. Sige na, lalabas na ako." Wika ni Doktor Tom. Na guilty naman ako sa pagsisinungaling ko. Kaya sobrang hiya ang naramdaman ko sa aking sarili.
"Ahm! Dok. Maraming salamat po. Pasensya po sa disturbo. Sobrang nakahihiya po. Okay naman na ako nalang sana kanina ang bumili." Nahihiya ko'ng sabi.
"It's okay nurse Quinn. Sanay na rin naman ako bumili." Sagot ni Doktor Tom. Kaya napanguso ako dahil confirm ko talaga na bakla siya.
"Salamat ulit Dok." Pasalamat ko saka sinara ang pinto ng banyo. Narinig ko naman ang kanyang yabag palabas. Kaya ilang ulit ko'ng tinampal tampal ang aking mukha sa sobrang hiya.
"Kaloka ka Sienna. Sobrang nakahihiya ang ginawa mo. Unang araw mo sa trabaho. Palpak ka na kaagad at Malala nagsinungaling ka pa talaga." Sermon ko sa aking sarili.
"Bakit ba kasi naisipan mo'ng magsinungaling? Hindi ka naman ganyan dati, na kapag may ?akita ka'ng lalaki. Parang baliwala naman sa'yo? Balita ngayon tudo iwas ka kay Dok. Tom at bakit bumibilis ang pagtibok ng puso mo kapag nakita mo siya. Ano nga ba?" Tanong ng kuntrabida ko'ng utak. Kaya napangiwe nalang ako saka lumabas ng cubicle upang maghugas ng kamay. Hindi ko naman talaga gagamitin ang sanitary dahil sa katapusan pa naman darating ang period ko. Nang makahugas ako ng aking kamay. Naghilamos na rin ako saka inayos ang aking sarili para lumabas. Parang gusto ko muna mag invisible para hindi ko makita ang mga kasamahan ko.
"Bahala na." Sambit ko. Bit-bit ang plastic bag na may sanitary tumungo na ako sa pintuan ng banyo para lumabas. Ngunit pagbukas ko, napa-atras ako bigla nang makita ko si Dok. Tom na nakasandal sa gilid ng pintuan ng banyo.
Do- Dok." Nau-utal ko'ng sabi. Ngumiti siya saka tinaas ang kanyang kamay.
"Give me." Sambit niya saka kinuha ang hawak kong plastic bag.
"Your okay now? Masama pa ba ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang tiyan mo?" Nag-alala niyang tanong sa akin. Pilit ko'ng pinakalma ang aking sarili dahil ang bilis blis ulit ng pagtibok ng aking puso.
"Salamat Dok. Okay na ako Dok. Akala ko, umalis ka na Dok. Balita ka pa nandito?" Nahihiya ko'ng sabi.
"Hinihintay kita, baka may kailangan ka pa o you need help. Kaya hinintay kita. Let's go?" Tanong niya na nakangiti. Dahan-dahan naman ako'ng tumango saka sumabay sa kanya. Pakiramdam ko parang hindi ako makahakbang sa presinsya ni Dok. Tom. Sana lang talaga hindi niya mahalata na kinabahan ako.
"Bye the way. Gusto ko magpakilala sa'yo ng pormal." Pagkuwan na sabi ni Dok. Tom habang nasa gitna na kami ng hallway. Tumigil siya saka humarap sa akin.
"I'm Doktor Tom Alfaraz." Pakilala niya sa akin. Nanlaki bigla ang aking mata at napa O shape ang aking bibig sa sinabi niya na Alfaraz. Nahulaan niya yata ang laman ang aking isipan kaya nagsalita siya ulit.
"I'm the owner of this Hospital. Welcome to Alfaraz Medical Center." Dagdag na sabi ni Dok. Tom. Hindi ko alam ang sasabihin sa sobrang hiya. Kaya bigla nalang ako'ng tumakbo palayo sa kanya. Narinig ko pa na tinatawag niya ako at sinabi na mag-ingat daw ako baka madapa ako. Hindi talaga ako humarap sa kanya saka mas binilisan pa ang aking pagtakbo papunta sa nurse station. Mabuti nalang plot shoes ang aking suot. Parang gusto ko nalang bumuka ang lupa upang lamunin ako.