CHAPTER EIGHT

2533 Words
SIENNA "Good morning, miss nurse! Good luck sa first day. Pagbati galing sa amin ni Kuya mo Niel." Basa ko sa message ni Ate Dina. "Good morning beautiful nurse like me! Good luck sa first day sa work. Remember katulad ng mga oppa lang ang dapat magiging boyfriend." Bati sa akin ni Jenny at may kiss emoji pa sa dulo. "Good morning Ate nurse. Good luck sa unang araw sa trabaho. Kapag kabahan ka, isipin mo lang ang kapogian ko." Bati sa akin ni Vincent. May maraming tawa emoji pa sa dulo. Napangiti ako saka nag heart react sa kanilang message. Isa-isa ko din silang ni-replayan at nagpasalamat. Nagpasalamat talaga ako araw-araw sa panginoon na nakatagpo ako ng mga mabait na tao. Mabuti pa sila naalala ako'ng batiin at i-cheer up. Pero ang mga pamilya ko, kahit isa sa kanila walang may bumati. Alam naman ni Kuya Roel at Kuya Niel na naka graduate na ako. Pero Hindi manlang sila tumawag para batiin ako. Bumuntong hindi ako saka pinilig ang akin ulo para mawala ang lungkot na aking naramdaman. Ngayon ang unang ng araw ko bilang nurse sa Alfaraz Medical Center. Kaya dapat good vibes ang araw ko. Sana mabait ang head nurse at mga kasama ko. Pagkatapos ko'ng mag muni-muni. Nag unat-unat muna ako ng aking dalawang kamay saka bumangon sa kama. Dumiretso ako kaagad sa banyo upang maligo. Alas otso ng umaga kailangan nasa ospital na kame. Alas ng umaga na, kaya mabilis ang bawat kilos ko para hindi ako ma late sa unang araw ng aking trabaho. Kailangan ko'ng pagbutihan ang aking trabaho para hindi ma disappoint ang pamilya na tumulong sa akin. Mabuti talaga na napunta ako sa kanila. Pagkatapos ko'ng maligo at magbihis. Tiningnan ko sa salamin ang aking ayos. Napangiti ako habang nakatingin sa salamin. Nagpa ikot-ikot pa ako habang inaayos ang aking uniform. "Registered nurse ka na talaga Sienna Quinn Valliere." Kausap ko sa aking sarili habang nakatingin sa salamin. Pagkatapos kinuha ko na ang aking maliit na bag saka lumabas ng aking silid. Mabilis ako'ng nagtimpla ng kape saka ininit lang ang pagkain na natira kagabi. Kahit hindi pa gaano mainit ang kanin at ulam. Kinuha ko sa microwave saka inumpisahan kainin. Pagkatapos kong kumain hinugasan ko kaagad at mabilis nag toothbrush. Nang okay na ang lahat, lumabas na ako sa aking apartment. Nang masiguro ko na maayos ang pag lock ko ng apartment. Tiningnan ko ang relo na aking suit. Nang makita ko na alas siete y medya ng umaga. Nagmamadali ako'ng pumunta sa aking sasakyan. Pagpasok ko sasakyan bumyahe ako kaagad papunta sa aking trabaho. After 10 minutes nakarating na rin ako sa Alfaraz Medical Center. Nang maayos ko sa pag park ang aking sasakyan. Inayos ko din ang aking uniform saka lumabas na ng sasakyan. Dumiretso ako sa nurse station at pinakita ang aking id. At nagpakilala na rin. Mabait din na nagpakilala sa akin si nurse Alyana. "Good morning nurse Sienna. Welcome to Alfaraz Medical Center. Wait lang muna sandali. 8 am pa kayo ipakilala at i-welcome. May dalawa ka pa'ng kasama. Saka hintayin mo nalang si Head nurse May. Siya ang mag assets sa inyo. Umupo ka muna." Nakangiti na sabi ni nurse Alyana. Ngumiti at nagpasalamat ako muli ako sa kanya saka umupo muna. Maya-maya may dalawang nurse na papalapit sa amin, nagtanong din sila at nagpakilala. Kaya nagpakilala din ako sa kanila. Kaming tatlo pala ng bagong nurse. Si nurse Luna at nurse Mage. Nagkamayan kami saka nagbatian sa isa't-sa. Mabuti mabait sila kaya sigurado na magkasundo kaming tatlo. Maya-maya dumating ang aming head nurse. Magalang kaming nagpakilala isa-isa sa kanya. Mabait din siya na nagpakilala sa amin. Pagkatapos niyaya niya na kami sa convention hall para daw ipakilala kami at i-welcome bilang bagong team ng Alfaraz Medical Center. Pagpasok namin marami na rin mga Doktor at nurses. Nakayuko lamang ako habang katabi ko ang dalawa ko'ng kasama. Hanggang sa tinawag na kami ng isang nurse na umakyat stage. Nakasunod lamang ako kay nurse Luna at nurse Mage. Hindi ako tumingin sa unahan dahil medyo nahihiya pa ako. Kahit hindi ako nakatingin pakiramdam ko, may nakatingin sa akin. Pero hindi ko pinansin dahil wala talaga akong balak tumingin sa mga tao. Pagkatapos kaming e welcome. Nagpakilala kaming tatlo. May kunting salo-salo na hinanda sa amin bilang pa welcome kaya pagkatapos kaming batiin ng mga nurse at Doktor. Nag-umpisa nang kumain ang lahat. Habang kumain kami, narinig ko ang usapan ng katabi kong nurse. "Ang sweet talaga ni Dok. Mat at Dok Tom. Nakita namin silang dalawa sa hallway na naglambingan. Sayang talaga dahil hindi babae ang gusto nila. Sayang talaga ang kanilang mga lahi. Kung kakausapin ako ni Dok. Mat o Dok. Tom na anakan nila ako. Aba'y papayag talaga ako kaagad. Hindi na talaga ako magpa tumpik-tumpik pa." Narinig ko'ng sabi ng isang nurse na parang kilig na kilig. "Sayang talaga sila. Gwapo na, mabait pa. Kaya lang ayaw sa babae. Kaya never yata titikim si Dok. Mat ng babae. Saka parang mahal na mahal naman nila ang isa't-isa." Sagot naman ng isang nurse. Nagkatinginan lamang kami ni nurse Luna at nurse Mage saka nagpatuloy sa pagkain. Pagtapos simana na kami ng aming head upang i-orient sa unang araw namin sa ospital. Sinama kami ng aming head upang ikotin ang buong paligid ng ospital. Nakasunod lamang kaming tatlo sa aming head habang nakikinig sa kanyang mga sinasabi. Hanggang sa natapos din namin ang pag-ikot ng buong building ng ospital. Sakto alas dose ng tanghali kaya sinabi ng aming head na kumain muna kami ng lunch. Kaya pumunta kaming tatlo sa canteen upang kumain ng lunch. "Ang ganda dito anuh? Ang babait pa nila, lalo na ang head natin. Mabuti talaga dito ako nag apply." Nakangiti na sabi ni nurse Luna habang kumakain kami ng lunch. "Oo nga eh! Kanina habang nasa bahay ako, sobra ako'ng kinakabahan. Naisip ko na baka hindi mabait ang magiging kasama ko. Baka masungit ang head nurse at ang ibang mga nurse. Kasi nga private ospital. Pero n'ong nakilala ko na kayo at ang iba pa'ng mga nurse saka si head nurse May. Nakaginhawa ako ng maluwag dahil ang babait nilang lahat." Turan naman ni Mage. Ngumiti ako sa kanila dahil sang-ayun ako sa kanilang mga sinabi. "Ako din kanina, habang nasa bahay. Pinagdasal ko talaga na sana mabait ang makasama ko saka ang mag nurse dito. Mabuti talaga maga mabait sila. Lalo na si nurse May. Sana ang mga Doktor dito mabait din." Saad ko sa kanilang dalawa. "Diba narinig niyo kanina ang usapan ng dalawang nurse? Na gwapo ang Doktor ngunit bakla. Hindi naman nila sinabi na bakla. Pero sinabi nila na wala daw balak tumikim ang dalawang Doktor ng babae kaya matic bakla na sila. Na curious lang ako, kanina kasi may dalawang Doktor sa unahan nakaupo. Ang gwapo nilang dalawa, habang pinakilala tayo. Nakita ko na nagbubulong-bulongan silang dalawa. Nakangiti pa nga ang isang Doktor na parang nakaakbay sa isa. Tapos umalis ang isang Doktor, maya-maya sumunod naman ang isa. Napaisip ako, na baka silang dalawa ang tinutukoy ng dalawang nurse kanina sa convention hall." Pagkwento sa amin ni Mage. "Narinig ko nga din. Pero baka nasaya naman sila. Kaya hayaan na natin." Sagot ni Luna. Kime lang ako'ng ngumiti saka nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos namin kumain bumalik sa rin kami kaagad sa nurse station. Nagpahinga muna kami saka nagkwentuhan. "Nurse Sienna ano ang kinakain mo tuwing umaga at ano naman kapag lunch." Tanong ni head nurse May. Sinagot ko naman siya kaagad dahil naisip ko na baka gusto niya lang malaman. Ngumiti naman si nurse May saka sinabi na dito na daw kami bukas mag breakfast at lunch. Dahil daw continuation ng pa welcome sa amin. Nagpasalamat naman kami dahil sa kanilang mainit na pag tanggap bilang ka team nila. Nag-usap pa kami hanggang sa mag ala-una y medya ng hapon. Sumama kami sa Doktor para mag check ng mga pasyente. Bukas pa daw ang regular namin na trabaho kaya sumama muna kami sa Doktor na naka assign sa amin. Para bukas alam na namin ang gagawin. Naging okay naman ang araw naming tatlo. Mabilis lang namin natutunan dahil nga nakapag OJT na rin naman kami. Kaya kabisado na rin namin ang gagawin. Pagsapit ng alas singko ng hapon. Sinabi ni head nurse May na pwedi na kaming umuwi. Binigyan niya muna kami ng schedule para bukas, bago kami umalis sa nurse station. Nagpasalamat kaming tatlo sa mga kasamahan naming mga nurse at sa aming head. Pagkatapos magkasabay kaming tatlo lumabas ng ospital. Habang nakayuko ako dahil hinahanap ko ang susi ng sasakyan. Narinig ko na may binati si nurse Luna at nurse Mage. Hindi ako tumingin kung sino ang binati nilang Doktor dahil abala ako sa paghahanap ng susi. Alam ko na Doktor kahit ako tumingin dahil tinawag nila ito'ng Dok. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko ng marinig ko ang boses ng isang Doktor n'ong binati nila pabalik si nurse Luna at nurse Mage. Sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko na hindi ko alam kung bakit. "OMG! ang gwapo ni Doktor Tom at Doktor Mat." Wika ni nurse Luna na parang kinikilig. "Kung lahat ng mga Doktor kagaya ni Doktor Tom at Doktor Mat ka gwapo kahit day off ko. Papasok pa rin ako. Thank you Lord. Tama talaga ang naging desisyon ko na maging nurse at dito sa Alfaraz Medical Center mag trabaho " wika din ni Mage. Sakto naman nang makita ko na ang susi ng saksakyan kaya tumingin ako sa kanila. "Nurse Sienna hindi mo ba nakita ang dalawang gwapong Doktor? Ay oo nga pala, hindi ka pala bumati at tumingin sa kanila. Grabi ang hot at ang gwapo nilang dalawa Sienna. Parang gusto ko na kaagad magpatusok ng karayom nilang dalawa." Natatawang sabi ni nu nurse Mage. Kaya binatukan siya ni nurse Luna sa ulo. "Bruha ka, hindi ka pa nga nakapag umpisa sa trabaho. Kung ano-ano na ang sinasabi mo" Mataray na sabi ni nurse Luna Kay nurse Mage. Umiling lang ako sa kanilang dalawa, saka nauna na sa kanilang maglakad. Dahil parang nag day dreaming sila sa nakita nilang Doktor. Basta kasi lalaki ang pag-uusapan ekis sa akin. Wala talaga sa bokabularyo ko ang tumingin sa mga lalaki. "Grabi ka nurse Sienna. Ang bilis mo maglakad." Wika ni nurse Mage at nurse Luna nang naabutan nila ako sa labas ng opistal. "Kala ko jasi wala kayong balak umalis sa loob ng ospital. Para kayong mga temang nag i-imagine sa dalawang Doktor. Baka sila ang sinasabi kanina ng dalawang nurse na gwapong Doktor pero walang gusto sa babae." Sermon ko sa kanilang dalawa. Kaya nagkatinginan silang dalawa at tumili. "OMG, oo nga! Baka sila nga!" Magkasabay nilang sigaw. Mabuti nalang mga busy ang bawat tao sa paligid. Kaya ngumiti ako sa kanila at niyaya na silang umalis. Nag biso-biso muna kami bago kami naghiwalay. Dumiretso na ako sa aking sasakyan. Samantala si nurse Luna at nurse Mage magkasabay sa isang saksakyan dahil madaanan ang bahay ni nurse Luna bago ang bahay ni nurse Mage. Kaya sinasabay nalang ni nurse Mage si nurse Luna. Iyun kasi kanina ang pinag-usapan namin. Kweninto ko din sa kanila kanila ang buhay ko. Pagpasok ko sa aking sasakyan, handa na sana ako'ng buhayin ang makina ng sasakyan. Nang makita ko ang dalawang Doktor na lumapit sa sasakyan sa aking unahan. Na curious ako kaya tiningnan ko silang dalawa. Naisip ko bigla na baka silang dalawa ang sinasabi kanina ni nurse Luna at nurse Mage na binati nila. Gwapo nga sila saka mukha magka edad lamang kami. Parang may masaya silang pinag-usapan dahil nakangiti silang dalawa. Namilog ang mata ko ng biglang dumamba ang isang lalaking Doktor sa likod ng isang Doktor. "Ang gwapo mo talaga Tommy boy. Kaya love na love kita eh!" Narinig ko'ng sabi ng Doktor na nakasakay sa likuran ng isang Doktor. Napangiwe ako sa narinig dahil confirm nga na sila ang pinag-usapan ng dalawang nurse na Doktor na bakla. "Sayang ang lahi." Wala sariling bigkas ko. Pinilig ko ang aking ulo, dahil wala naman ako'ng pakialam kung lalaki o babae ang kanilang gusto dahil buhay naman nila. Ika nga, love is gender less. Basta walang inaapakan na ibang tao. Ang importante lang naman masaya at magmahalan. Pero ako wala sa isip ko ang magkaruon ng boyfriend o asawa. Pagpasok ng dalawang Doktor sa loob ng kanilang sasakyan. Binuhay ko na rin ang aking sasakyan para bumyahe pauwi ng apartment. Parang nagulat pa ang dalawang Doktor n'ong nakita nila ako na dumaan sa gilid ng kanilang sasakyan. Nagulat yata sila na may naka kita ng kanilang paglalambingan. Napangiti nalang ako saka pa kanta-kanta habang binabaybay ang daan papunta sa aking apartment. Pagdating ko sa aking apartment. Nagpahinga ako saglit para magluto ng dinner. Habang nakaupo ako sa sofa. Biglang pumasok sa aking isipan ang isang Doktor. Napangiti ako bigla na parang iwan dahil ang cute at ang gwapo. Sa tanang buhay ko, ngayon pa lang ako humanga sa lalaki. Kasi bakla pa, pinilig ko ang aking ulo para mawala sa aking isipan ang Doktor na bakla. Sayang talaga ang kanyang lahi. Pinilig ko ang aking ulo para mawala siya sa aking isipan. Nang nakapag pahinga na ako. Pumasok muna ako sa aking kwarto para magpalit ng aking damit. Pagkatapos lumabas na rin ako para simulan ang pagluto ng aking hapunan. Habang naghugas ako ng manok na balak ko'ng lutuin. Tumunog ang aking cellphone kaya. Nag punas muna ako ng kamay at tiningnan ko sino ang tumatawag. Pagtingin ko, pangalan ni Ate ang naka registered. Kaya sinagot ko kaagad. "Sienna pahingi ng pera. Baka may pera ka diyan. Kailangan ko bukas ng limang libo. Hintayin ko ng alas nwebe ng umaga bukas kung mayruon ka. Pero alam ko naman na may pera ka. Kaya padalhan mo ako bukas." Bungad ni Nanay ng sinagot ko ang tawag. Hindi manlang nag tanong at na ngamusta kung okay ba ako dito. Ang akala ko nagbago na siya sabi ni Ate Nene. Pero ganun pa rin pala ang kanyang ugali. Pinahiran ko ang aking luha na kusang lumabas sa aking mata. "Bukas Nay, send ko kay Ate Nene. Kamus...." Hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil pinatay niya na kaagad. Hindi manlang nagpasalamat. Malakas ako'ng bumuntong hininga saka binalik ang cellphone sa mesa. Pinagpatuloy ko nalang ang aking ginagawa hanggang sa matapos ko ang pagluluto. Kumain Ako kaagad dahil wala naman ako'ng hinihintay. Habang kumakain ako. Iniisip ko ang buhay ko nuon. N'ong mga panahon na bata pa kami, gumigising sa madaling araw para mag-ani ng palay. Minsan dalawang beses lang ako makapasok sa paaralan dahil pina pa-absent ako ni Nanay para magtrabaho sa tubuhan. Kahit hindi ko kaya, pinilit ko'ng kayanin dahil kapag wala ako'ng madala na sahod sa bahay. Pamalo ang sasalubong sa akin. Hindi ko mapigilan na tumulo muli ang aking luha. Habang iniisip ang mga mapait at mahirap na mga pinagdaanan ko nuon. Kasama si Kuya Noel at Kuya Roel. Nagpasalamat talaga ako sa panginoon na nakatagpo ako ng mga mabuting tao na tumulong sa akin para matupad ko ang aking pangarap na makapag tapos ng pag-aaral at maging isang ganap nurse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD