TOM
"Good morning Dok." Bati sa akin ng mga Doktor na mga kasamahan ko, at mga nurse sa ospital pagpasok ko sa convention hall. Ngayon kasi magsimula ang mga bagong pasok na nurse kaya kailangan silang i-welcome. Tumango lang ako sa mga bumabati sa akin saka dumiretso sa upuan sa unahan. Nakaupo na rin pala ang kaibigan ko na isa ding Doktor. Nag fist bump kami saka umupo sa kanyang tabi. Ako ang tipong mabait ngunit hindi ngumingiti. Ayaw ko kasi bigyan nila kahulugan ang pag ngiti ko sa kanila. Iwan ko ba, dahil maraming babae ang gusto lumapit sa akin o mas tamang sabihin inaakit nila ako. Ayaw na ayaw ko talaga sa mga ganyang babae. Nakatatak sa isipan ko na ang gusto ko'ng maging girlfriend ay ang katulad ni Ate Haide at ni Nanay. Ayaw ko sa mga babae na sila mismo ang magpapakita ng motibo sa mga lalaki. Saka ayaw ko din makipaglaro sa mga babae. Ayaw ko din sa short relationship na kapag ayaw na hiwalay kaagad. Ang gusto ko kapag naging girlfriend ko na siya, siya na ang magiging asawa ko. Mula highschool hanggang naka graduate ako bilang Doktor. Wala ako'ng naging girlfriend..Hindi din ako nag attempt makipag fling o one night stand. Pakiramdam ko kasi kapag gagawin ko iyon parang mga kapatid ko lang na babae na pinaglaruan. Kaya ayaw ko ng ganyan dahil may mga kapatid din akong babae. Although may mga partner narin ang ang mga kapatid ko at mahal nila ang isa't-isa. Ayaw ko pa rin makipag laro sa mga babae. Minsan napagkamalan pa ako na bading ng mga kapatid ko. O nang ibang tao dahil bahay at hospital lang talaga ako. Hindi lang sila kundi ang mga kasamahan namin sa bahay. Ayaw nga ako payagan ni Ate Haide na tumira sa condo ko hanggang wala ako'ng ipakilala sa kanila na girlfriend. Dahil baka daw mag uwi ako ng lalaki sa condo. Hindi ko nalang din tinama sa kanila na hindi ako bakla. Mas gusto ko pa nga mapagkamalan nila ako'ng bakla para walang magka interest sa akin.
"Good morning everyone! Today we have 3 new nurses to be welcome in our team. Nurses please come in front of us." Wika ng emcee na isang nurse din. May 3 nurses na umakyat sa stage. Hindi ko alam, pero biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko sa isang nurse na umakyat. Siya ang panghuli na umakyat. Napaka simple lang niya at walang kahit na lipstick sa labi. Ang cute niyang ngumiti. Napalunok ako ng aking sariling laway habang titig na titig sa nurse. Parang ayaw ko'ng tumigil sa pagtingin sa kanya. Parang napako ang aking mata sa kanya.
"Dok, baka matunaw." Napaigtad ako ng bumulong si Mat. Patay malisya ako'ng bumaling sa kabila at hindi pinansin ang nakalokong ngiti ni Mat. Si Mat ang isang sa kaibigan ko alam niya ang ugali ko.
"Ikaw na ba si miss Right? Ikaw na ba ang love of his life? Ikaw na ba ang magbigay ng kulay sa puso ni Tommy boy." Pa kanta kanta pa ni Mat. Kaya bumaling ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Magsasalita pa sana siya ng magsalita ang head nurse na si Nurse May Reyes.
"Maligayang pagdating sa Alfaraz Medical Center. Kami ay napakasaya dahil kayo ay sumali sa aming team. Kami ay tiwala sa inyong lahat na magiging mahusay na nurse at magbibigay ng mahusay na pag-alaga sa ating mga pasyente. Kung may mga tanong o may kailangan kayo. Huwag kayong mag atubili na magtanong. Nandito kami para tulungan kayo sa lahat ng paraan. Binabati namin kayo at muli welcome to Alfaraz Medical Center." Wika ni Head nurse May sa tatlong nurse. Masigabong palakpakan ang maririnig sa loob ng convention hall. Dahil sa pag welcome nila sa bagong nurse. May kunting salo-salo din na hinanda para sa bagong tatlong nurse.
"Bro, baka may matusok na ang karayom mo sa dala-dala araw+araw. Huwag naman magpahata. Parang na love at first ka pa yata sa bago mo'ng nurse." Bulong na naman sa akin ni Mat.
"Tsssk! Dela Peña baka ikaw ang tusukin ko ngayon din ng hawak ko'ng karayom para tumigil ka. Ang ingay mo, masama ba'ng tingnan ang mga bagong nurses!? Syempre kailangan ko'ng tingnan para makilala ko sila." Palusot ko sa kanya.
"Hindi nga masama, pero sa isang nurse ka lang naman tumitingin. Hindi sa lahat." Bulong niya ulit sa akin. Sinamaan ko nalang ulit siya ng tingin saka inayos ko na ang coat ko para sana umalis. Pagtayo ko at akmang hahakbang na sana nang napahinto ako biglang nang nagpakilala ang mga nurse. Parang tumaas ang tainga ko habang hinihintay ang pagpakilala ng isang nurse sa kanyang pangalan. May name tag naman sila peo hindi ko mabasa dahil ayaw ko tingnan ulit baka makita na naman ako ni Mat.
"Good morning to my fellow nurses, to our head nurse, supervisor and to all the Doktors. I'm nurse Sienna Quinn Valliere. Thank you for the warm welcome in Alfaraz Medical Center. I promise to do my job and I will do my best to take good care of all the patient. Once again thank you so much." Pakilala niya sa lahat. Pakiramdam ko may mga paro-paro sa aking tiyan. Boses niya pa lang ang ganda na. Parang gusto ko siyang lapitan at magpakilala. Gusto ko sana siyang tingnan. Pero parang nakatingin sa akin si Mat. Kaya pilit kung huwag tumingin sa unahan.
"Huli pero hindi kulong! Namumula ka boy. Kaya don't deny bro." Natatawang sabi ni Mat. Inayos ko ulit ang coat ko saka mabilis na lumabas ng convention hall. Hindi ko na pinansin si Mat. Malaki ang mga hakbang ko palabas para pumunta sa aking opisina. Tang-ina lang, bakit ganito ang naramdaman ko. Unang beses ako'ng nakaramdam ng ganito. Sa bagong nurse ng ospital ko pa.
"Love at first ang Doktor namin." Narinig ko'ng sabi ni Mat. Mula sa aking likuran. Sumunod pala siya sa akin. May pagka tsismoso din ang hayop.
"Parang gusto ko na kaagad tawagan si Ate Haide at Tita Hailey para ibalita na inlababo na ang kanilang prinsipe." Dagdag na sabi niya saka sinuntok ng mahina ang aking balikat ng maabutan niya ako.
"Tigilan mo ako Dela Peña. Bakit ka sumunod? Bumalik ka nga duon saka asikasuhin ang mga bagong nurse. Bakit panay ang kulit mo sa akin? Sungit-sungitan ko'ng sabi. Pero parang walang pakialam sa sinabi ko
"Bakit ako ang haharap sa mga nurse mo?.Ikaw naman ang amo dito. Sa halip kasi na umalis ka, bakit kaya hindi ka bumalik at magpakilala sa magiging prensisa ng buhay mo..Bro kilala kita pati kulay ng utot mo. Kaya huwag ka'ng magkaila na na attract ka sa isang nurse. Kunsabagay kahit ako nag na attract din sa kanya. Ang simple niya at maganda kahit walang kahit anong kolorete sa kanyang mukha." Sambit ni Mat. Biglang nag-init ang ulo ko sa sinabi ni Mat. Kaya tinapunan ko siya ng nakamamatay na tingin. Pero ang loko napa suntok pa sa hangin.
"Oh s**t bro! Binata ka na talaga..Alam jo ang mga tingin mo'ng iyan. Tingin nagseselos. Don't worry bro I have a friend code. Ang kay Tommy kay Tommy lang." Nakangisi niyang sabi. Napailing nalang ako saka mabilis na humakbang para makarating sa aking opisina.
"Bro magsabi ka mamaya kay nurse May na may free breakfast at lunch bukas." Bigla ko nalang nasabi. Kaya ang loko malakas ulit na tumawa.
"Sabi ko na nga ba eh! Ang tinagurian na bakla at allergy sa mga babae inlababo na." Tinakpan ko ng mabilis ang kanyang bibig dahil marami ang nakarinig. Nagbulong bulingan naman ang nakakita sa amin. Dahil ang pagkakaalam nila may relasyon kami ni Mat. Ang gago kasi minsan niyayakap niya ako at kunwari halikan sa noo.
"Ang sweet niyo talaga Dok sa isa't-isa. Kaya lang, sayang ang lahi ninyo. Ang gwapo niyong dalawa. Sana kahit magkaanak lang kayo sa babae." Narinig namin na sinasabi ng mga kasamahan naming Doktor at nurse. Hindi naman ako nagagalit sa kanilang sinasabi dahil hindi naman talaga ako bakla.
"Soon magka baby din ako at si Tommy my love." Sagot ni Mat sa kanila saka tumawa. Kaya sinuntok ko siya sa balikat at iniwan sa lobby. Pagdating ko sa aking opisina. Sinabihan ko ang aking secretary na mag order ng breakfast at lunch para sa buong staff ng hospital. Saka ibahin ang para kay nurse Sienna. Inutusan ko siya na tanungin ni nurse May si nurse Sienna kung ano ang kinakain niya sa breakfast at iyun ang o-orderin para kay nurse Sienna. Nakatulala naman at umawang ang labi ng secretary ko sa aking sinabi. Magsasalita pa siya na parang may gustong itanong, ngunit tinalikuran ko na at dumiretso sa loob ng aking opisina. Pagpasok ko, bigla nalang ako'ng napangiti na parang iwan.
"Ganito ba ang love at first sight?" Tanong ko sa aking sarili.