CHAPTER SIX

1484 Words
SIENNA "Kung may kailangan ka, huwag kang mahiya na tumawag sa amin huh! Alam mo naman na parang anak ka na namin. Good luck sa'yo bukas. Sana bawas-bawasan mo na ang maging mailap sa lalaki. Sige ka, baka maging matandang dalaga ka niyan. Sayang ang lahi mo, ang ganda mo pa naman" Pagbibiro ni Ate Dina. Hinatid nila ako sa apartment na tutuluyan ko. Ayaw ko nga sana dahil nahihiya na talaga ako sa kanila. Pero pilit nila na kumuha ako ng apartment. Dalaga na daw ako saka malayo ang bahay nila sa ospital na pag ta-trabahuan ko. Isang buwan mula n'ong nag graduate ako. Nagpahinga lang ako ng isang linggo saka kumuha ng board exam. Sobrang saya ko talaga na nakapasa ako kaya isang (RN) REGISTERED NURSE na ako. Labis-labis ang pasalamat ko sa pamilya De Guzman. Dahil kung hindi sa kanila hindi ko ito matutupad. Bukas na ang simula ko sa pagiging nurse sa isang private hospital. " Alfaraz Medical Center" pag apply ko, dalawang araw naka tanggap ako ng email na kailangan ko nang mag submit ng lahat na mga documents ko. Isang araw matapos ko'ng ma send sa email ang mga documents ko. Natanggap ako kaagad. Kaya sobrang swerte ko talaga. Binigyan pa ako ni Ate Dina ng sasakyan, second hand lang pero ang ganda. Bumili sila ng bago, kaya ang dating sasakyan nila binigay nila sa akin. Marunong din naman ako mag drive at may driver license na rin ako. Grabi talaga, hindi ko sukat akalain na ganito ang magiging buhay ko pagdating ko sa Manila. Kaya gagawin ko ang lahat masuklian ko ang kanilang kabutihan. Si Vincent at Kuya Niel pa ang naghakot ng aking mga gamit. Kailangan ko daw mag relax para bukas fresh ako sa unang araw ko bilang nurse. Malapit lang ang ospital sa apartment ko kaya hindi hassle. "Maraming salamat talaga Ate Dina. Napaka bait niyo talaga sa akin. Pangako po mag-iingat ako saka pag butihan ko ang trabaho ko. Pero Ate sino ang katulong mo sa bahay? Kapag nandito na ako? Baka mahirapan ka? Saka okay lang talaga kahit hindi na ako mag apartment." Nahihiya kong sabi. Nag-alala kasi ako na wala siyang katulong sa mga gawain sa kanilang bahay. "Dalaga ka na saka may trabaho ka na. Hindi mo na kailangan mag trabaho sa bahay. Saka marunong na si Jenny at Vincent. Huwag mo na kaming isipin. Basta kung may kailangan ka, alam mo naman ang bahay. Saka alam ko naman na kayang-kaya mo ang trabaho mo. Kaya nga tinulungan ka namin dahil may tiwala kami sa'yo. Kung may problema huwag ka'ng mahiya na lumapit sa amin. Saka enjoy mo lang ang trabaho mo. Malay mo magka boyfriend ka na." Natatawang sabi ni Ate Dina. "Enna, kung kasing gwapo ng lalaki sa nakita ko sa restaurant. Aprove kaagad sa akin. Pero kung hindi siya katulad ng mga oppa, kailangan tingnan ko muna para ma rate ko from 1 to 10." Natatawang sabi ni Jenny. Bumaling sa kanya ang kanyang Mama saka tinaasan siya ng kilay. "Bakit kailangan mo pang i-rate? Kung magustuhan ni Enna at ayaw mo. Ayaw na rin ni Enna ganun ba? Saka saan mo nakita ang gwapo? Ikaw Jenny umayos ka, bawal muna ang boyfriend habang nag-aaral ka pa. Gayahin mo si Enna na nakatapos lang ng pag-aaral walang naging boyfriend. Kaya umayos ka Jenny." Sermon ni Ate Dina. Pa kamot kamot naman si Jenny sa kanyang ulo. "Si Mama ang ikli lang ng sinabi ko. Pero ang haba na ng speech mo. Gusto ko lang naman i-rate at kilatisin. Malay mo lolokuhin lang pala si Enna kaya mas mabuti na tingnan muna natin" Naka ngiwe na sabi ni Jenny. "Ma, si Ate ako na ang bahala mag check din ng magiging boyfriend niya. Kung hindi ko gusto ekis siya kaagad." Natatawang sabi ni Vincent pagpasok niya sa apartment habang buhat ang box na may mga libro. "Hoy, sin.... Vincent huwag ka nga KJ diyan. Akala ko ba hindi ko nakita nuon kung paano mo titigan ang babae na kasama ng oppa sa restaurant. Parang gusto mo nga lapitan. Simula pumasok sila sa restaurant at lumabas nakasunod ang mata mo." Pambubuko ni Jenny. Napanguso naman si Vincent saka lumabas. Kaya ngumiti kaming tatlo. "Kayong magkapatid ang kukulit niyo." Sambit ni Ate Dina. Ngumiti lang kami ni Jenny saka pinagpatuloy namin ang pagluluto. Dito kami kakain ng lunch. Nagluto ako ng sinigang na baboy na paborito ni Vincent. Nag prito ng manok si Jenny at gumawa si Ate Dina ng mango graham. Sakto pagka luto namin pumasok si Kuya Niel at Vincent kaya naghanda na kami sa mesa. Nang matapos namin ihain, si Jenny ang nag lead ng prayer, pagkatapos nag-umpisa na kaming kumain. "Enna tandaan mo ang sinabi ni Ate mo Dina. Kung may kailangan at problema ka, huwag ka'ng mahiya na tumawag sa amin o pumunta sa bahay. Saka kapag mag manligaw sa'yo kailangan muna namin makilatis. Hirap na kapag loko-loko ang magiging boyfriend mo. Ang bait mo pa naman kaya hindi ka pwedi lokohin. Tandaan mo na parang anak ka na namin. Kaya nandito lang kami naka suporta sa'yo. Sa inyo ni Jenny at Vincent. Saka mag-ingat ka dito. May tiwala kami sa'yo. Kumplito na ang groceries mo at laman ng refrigerator. Kasya na sa'yo ng isang buwan hanggang dumating ang sahod mo. Saka kapag nakasahod ka, bumili ka ng mga gusto mo. Deserve mo'ng i-treat ang sarili mo. Huwag mo kaming alalahanin. Masaya kami na nakatulong kami sa'yo." Sabi ni Kuya Niel habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain. Kaya hindi ko maiwasan umiyak. Ramdam ko ang totoong pagmamahal nila sa akin. Ramdam ko pa ang kanilang sincere na pagtulong nila sa akin kaysa sa pamilya ko. Tumayo si Jenny saka niyakap ako. "Maraming salamat Ate Dina, Kuya Niel. Sobrang swerte ko na napunta ako sa inyo. Alam niyo naman ang tungkol sa buhay ko. Kaya sobrang nagpasalamat ako sa kabutihan at tulong niyo sa akin. Jenny maraming salamat dahil tinuring mo ako'ng kapatid. Hindi ko naramdaman na na-inggit ka sa akin dahil sa mga binibigay ng mga magulang mo sa akin. Maraming salamat talaga. Mula n'ong una ako'ng dumating sa bahay niyo. Tinulungan mo ako, lahat na mayruon ka binigyan mo ako. Maraming salamat. Vincent maraming salamat sa kabutihan mo sa akin. Hinding-hindi ko kayo makalimutan. Hindi ako naging nurse kung hindi dahil sa inyo." Mangiyak ngiyak ko'ng sabi sa kanila. Nagpupunas din sila ng kanilang mga luha. "Ano ba iyan! Bakit tayo umiiyak? Dapat maging happy tayo, dahil may nurse na tayo." Nakangiti na sabi ni Ate Dina habang nagpupunas pa rin ng luha. "Ang drama niyo kasi." Sambit ni Vincent na naluluha din. "Pasensya, tears of joy lang. Alam mo naman Enna na gusto talaga kitang maging kapatid. Mabait ka sa akin, kaya mabait din kami sa'yo. Salamat din sa mga tulong mo sa amin. Basta nandito lang kami. Saka promise mo ang mga kagaya ng oppa lang ang pwedi mo'ng maging boyfriend. Saka kailangan ako ang unang maka-alam. Nagtatampo talaga ako kapag si Mama ang mauna maka-alam na may boyfriend ka na." Naka ngiti na sabi ni Jenny. "Hoy na bata ka, bakit ikaw ang dapat unang makakaalam? May alam ka na ba tungkol sa pag bo-boyfriend? Ako ang dapat mauna maka-alam Enna. Pabayaan mo si Jenny." Sungit-sungitan na sabi ni Ate Dina kay Jenny. "Enna, hayaan mo Sila. Sa amin mo ni Vincent sasabihin. Dahil mga lalaki kami. Alam namin kung manloloko o hindi. Si Ate mo Dina at Jenny. Hitsura lang naman ang tinitingnan nila kung gwapo o hindi. Hindi sila tumitingin sa ugali." Sambit ni Kuya Niel. "Kaya pala gwapo ka pa, kasi sa mukha mo si Mama tumingin ng nanliligaw siya sa'yo." Natatawang sabi ni Vincent. "Si Mama mo ang nanligaw sa akin nak..Patay na patay kaya mama niyo sa akin dahil sa ka gwapohan ko." Pa ngiti-ngiti na sabi ni Kuya Niel kaya napangiti kami ni Jenny. Pero si Ate Dina masama ang tingin kay juya Niel. "Talaga ba na patay na patay ako sa'yo sweetheart?" Tanong ni Ate Dina. "Yes sweetheart." Pa ngiti-ngiti na sagot ni Kuya Niel. "Pwes sa labas ka matutulog ng isang buwan. H'wag na huwag kang tatabi sa akin." Mataray na sabi ni Ate Dina kay Kuya Niel. Kaagad naman na inakbayan ni Kuya Niel si Ate Dina saka hinalikan sa ulo. "Sweetheart naman hindi na mabiro. Mga anak ang totoo ako talaga ang patay na patay sa mama niyo. Muntik na nga ako magpaka matay n'ong balak ako hiwalayan ng mama niyo. Mabuti nalang pinakasalan niya ako. Isang taon pa nga ako nanligaw sa mama niyo." Wika ni Kuya. Kaya hindi namin mapigilan tumawa ng malakas. Kaya tuloy parang mga baliw kami dahil pagkatapos namin umiyak, tumawa naman kaming at patuloy na nagbibiruan. Lihim ako'ng nagpasalamat sa panginoon na napunta ako sa mga mabuting pamilya at tinuring ako'ng parte ng pamilya nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD