SIENNA
AFTER 10 YEARS
"CONGRATULATIONS ENNA! WE'RE SO VERY PROUD OF YOU!"
"CONGRATULATIONS ENNA!"
"CONGRATULATIONS ATE ENNA."
Bati sa akin ng mga amo ko at ng kanilang anak. Ang bilis ng araw, linggo, buwan at taon. Sampung tao ako mula ng napadpad sa Manila para makipag sapalaran. Sa sampung taon ko dito sa Manila naging maayos naman ang buhay ko kahit papano. Naging maayos ang pag-aaral ko ng highschool hanggang college. Mga mabait ang amo ko at ang dalawa nilang anak. Parang naramdaman ko pa ang pagmamahal ng isang pamilya sa kanila kaysa sa totoo ko'ng pamilya. Ngayon graduate na ako ng college bilang nurse. Sobrang saya ko dahil natupad ko ang pangarap ko bilang nurse sa tulong ni Ate Dina at Kuya Niel. Parang naging magulang ko sila dahil sobrang bait nila sa akin. At parang kapatid ang Turing sa akin ni Vincent at Jenny. Sa sampung tao ko dito sa Manila marami din ang nagbago. Umuwi si Ate Nene sa probinsya namin na may kasamang Asawa. Sila ang kasama ni Nanay sa bahay. Si Kuya Roel naman nandito sa Manila pero malayo kami sa isa't-isa. Dalawang beses lang siyang dumalaw sa akin hanggang sa nag-asawa siya. Si Kuya Noel naman naging maayos naman ang buhay niya sa Zamboanga kasama ang kanyang asawa. Hanggang ngayon hindi pa rin sila nag-uusap ni Nanay. Balita ko kay Ate Nene naging mabait na daw si Nanay. Si Kuya Tony naman hanggang ngayon hindi pa rin kinausap si Nanay.
Naluluha ako na yumakap kay Ate Dina at Kuya Niel habang nagpapasalamat. Hinding-hindi ko sila makalimutan kahit anong mangyari. Kung hindi dahil sa kanila hindi ajo nakapag aral. Siguro kung hindi ako napunta sa kanila malamang nasa palayan pa rin ako nag trabaho. Dahil hindi ako nakapag-aral.
"Maraming salamat Ate Kuya, Vincent, Jenny. Kung hindi dahil sa inyo. Hindi talaga ako nakapag aral. Tatanawin ko talaga ito ng malaking utang na loob habang buhay. Maraming salamat po talaga sa kabutihan niyo sa akin." Umiiyak ko'ng sabi at taos pusong pasalamat sa kanilang apat.
"Deserve mo kung ano ka ngayon Enna. Mabait, masipag at may pangarap ka sa buhay. Kaya gusto ka namin tulungan para maabot mo ang lahat ng mga pangarap mo. Kaya sa halip na mag drama tayo. Hali na muna tayo. Kumain muna sa tayo para mag celebrate." Masayang turan ni Ate Dina.
"Tama, Enna. Masipag ka at maraming pangarap sa buhay kaya deserve mo'ng makapag aral. Kaya pwedi ka na mag boyfriend." Pagbibiro ni kuya Niel.
"Sweet heart, kailangan muna magtrabaho ni Enna bago ang boyfriend. Ang hirap ng panahon ngayon. May mga tao na kapag walang trabaho ang partner nila. Kapag malaman ng mga mata pobreng mga magulang ayaw nila. Kaya dapat Enna kilalanin mo ng mabuti ang lalaki at ang pamilya ng lalaki kung sakali may manligaw sa'yo. Ay oo nga pala, maraming nanliligaw sa'yo pero ayaw mo." Nakangiti na sabi ni Ate Enna. Namula naman bigla ang aking pisnge. Marami nga ang nanligaw sa akin. Pero sinabi ko na wala ako'ng oras sa mga lalaki. Sa katunayan malayo ang loob ko sa mga lalaki. Wala din ako'ng kaibigan na lalaki sa school. Kaya binansagan nila akong allergy sa mga lalaki. Hindi naman sa allergy ako sa lalaki o ayaw ko sa kanila. Mas gusto ko kasi mag pukos sa pag-aaral. Hindi ko sasayangin ang binigay na opportunity sa akin. Hindi din ako sumama sa mga gimik ng mga classmate ko kapag niyaya nila ako. Bahay at eskwelahan lang talaga ako. Dahil iniisip ko dati na hindi nga ako mahal ng pamilya ko, ibang tao pa kaya? Kaya ekis sa akin ang pakipag boyfriend. Naka pukos lamang ako sa school at trabaho sa bahay nila Ate Dina. Ayaw ko kasi mapahiya dahil tinulungan nila ako sa aking pag-aaral. Kaya gusto ko ipakita sa kanila na pursugido ako na makapag tapos ng aking pag-aaral. Para hindi naman masayang ang gasto nila sa akin. N'ong una nga nahihiya pa Ako sabihin sa kanila na gusto ko'ng maging nurse dahil mahal ang tuition at mga libro. Pero sinabi nila na tutulungan nila ko. Kaya nag-aral ako ng mabuti para hindi masayang ang pagpa aral nila sa akin.
"Congratulations ulit Enna. Sana all pwedi nang magka boyfriend." Natatawang sabi ni Jenny. Isang taon pa kasi siya sa college. Sinabi kasi ni Kuya Niel sa kanya na pwedi lang siya mag boyfriend kapag maka graduate na siya ng college. Magka edad lang kami pero ibang course kasi ang kanyang kinukuha. Kaya nauna akong maka graduate ng college.
"Si Ate may ka date ka nga, nakita ko kayo. Tapos sabihin mo kay Ate Enna na sana all." Pang bubuking ni Vincent kay Jenny. Bumaling si Jenny kay Vincent saka tinaasan niya ito ng kanyang kilay.
"Mama, papa, h'wag kayong maniwala kay sinto-sinto na 'yan. Kaibigan ko lang ang kasama ko, promise po." Saad ni Jenny, tinaas niya pa ang kanyang kamay na parang namumumpa. Sinto-sinto kasi ang tawag ni Jenny kay Vincent kapag mapikon. Napailing lamang si Ate Dina at Kuya Niel sa dalawa nilang anak.
"Jenny, Vincent nag-umpisa na naman kayo. Tapos mamaya kung may mapikon mag-away na. Basta Jenny no boyfriend muna. At tandaan mo na kapag may manligaw na sa inyo kailangan sa bahay. Ayaw ko sa daan o sa cellphone. Saka tigilan mo ang kakatawag mo sa kapatid mo na sinto-sinto. At ikaw naman Vincent huwag mo nang unahan ang Ate mo." Sermon ni Ate Dina. Magkasabay silang tumango at nagyakapan. Kaya ngumiti kaming tatlo.
"Oh, siya hali na kayo. Pumunta na tayo sa pina reserve ko'ng restaurant para sa celebration natin kay Enna. Kailangan niyang bigyan ng celebration dahil malapit na siyang maging nurse." Masayang turan ni Ate. Paulit-ulit ako'ng nagpasalamat sa kanila ni Kuya Niel. Kaagad na kaming pumunta sa sasakyan para pumunta sa restaurant na sinasabi ni Ate Dina. Masaya kaming nagkulitan ni Jenny at Vincent sa loob ng sasakyan hanggang sa restaurant. Sobrang ganda bg restaurant na parang mayayaman lang ang maka afford. Sobrang nahihiya na talaga ako, dahil okay naman kahit sa karenderya ang celebration o kahit wala na nga. Ang importante lang naman sa akin ay makapag tapos ako ng pag-aaral at makapag trabaho.
"Ate nakahihiya na talaga sa inyo ni Kuya. Maraming salamat talaga Ate. Kahit walang celebration sobrang saya ko na Ate. Ang pagtulong niyo ni Kuya sa aking pag-aaral sapat na po. Sobrang saya ko na po." Bulong ko kay Ate habang nakaupo na kami na naghihintay ng mga pagkain. Panay ang punas ko ng aking luha sa sobrang saya. Lihim talaga ako'ng nagpasalamat sa panginoon na hindi niya ako pinabayaan. Tinapik naman ako ni Ate Dina sa aking likuran. Habang nakangiti.
"Parang anak na ka na namin Enna. Kaya masaya kami para sa tagumpay mo. Masaya kami na nakatulong sa'yo. Tinulungan mo ako sa bahay, kaya tutulungan ka rin namin. Kaya sobrang saya at proud kami ni Niel sa'yo. Ipagpatuloy mo lang ang mga pangarap mo. Nandito lang kami handang tumulong sa'yo basta kaya lang namin. Kaya h'wag ka'ng mahiya magsabi sa amin." Wika ni Ate Dina. Panay ang pasalamat ko habang panay pa rin ang punas ng aking luha. Dahil ayaw talaga tumigil. Pagdating ng pagkain pagkatapos ko'ng magdasal nag-umpisa na rin kaming Kumain. Habang kumakain kami, may narinig ako'ng nag-uusap sa aming likuran.
"Kuya you're gay? Bakit hanggang ngayon wala ka pa'ng girlfriend? You like boys?" Narinig ko'ng tanong ng babae. Ang ganda ng kanyang boses kapag nagsasalita. Slang na pagkasabi ng English.
"Mara, nandito tayo sa Pilipinas. H'wag mo ako'ng ma english, english. Saka pakialam mo ba kung wala ako'ng girlfriend. Saka anong sinasabi mo na gusto ko ang mga lalaki? Nagpapatawa ka ba Mara? O baka itapon kita sa desyerto nang malaman mo na lalaki ako. Kaya sa halip na kulitin mo ako. Kumain ka nalang kaya? Para makauwi na tayo. Bakit ka umuwi dito? Bakit ba ako pa ang sumundo sa'yo sa airport?" Narinig ko naman ang sabi ng lalaki. Napangiti ako dahil ang cute lang nilang magkapatid. Kahit Hindi ko alam na magkapatid sila. Basi lang sa kanilang tawagan. Kaya nasabi ko na magkapatid sila.
"Enna lumingon ka. Ang gwapo ng lalaki. Ang cute parang oppa. Kaya lang narinig ko ang sinabi ng babae na gay siya. Kaya sayang ang kanyang lahi kapag gay nga." Bulong sa akin ni Jenny. Gusto ko sanang lumingon pero wala naman ako'ng interest sa mga lalaki o sa sinasabi ni Jenny na oppa. Kaya ngumiti nalang ako sa kanya at nagpatuloy sa pagkain.