SIENNA
Maaga akong nagising kahit inaantok pa ako. Baka kasi pagalitan na naman kami ni Nanay. Nang magising siya kagabi, tahimik siya at hindi nagsalita kahit na kinamusta at nagpaalam ako sa kanya na matulog na. Hindi siya sumagot sa akin. Paglabas ko para kumuha muna ng tubig nakita ko sa labas si Kuya Roel nakaupo sa kusina. Sinabi niya na umalis na daw si Kuya Noel at duon matulog kay Aling Moning. Naawa ako kay Kuya Noel dahil gabi na umalis ka siya ng bahay. Hindi naman namin masisi si Kuya Noel kung ganun ang ginawa niya kay Nanay. Pero mali pa rin ang kanyang ginawa. Saglit na nag-usap kami ni Kaya bago ako bumalik sa kwarto namin ni Nanay at sinabi na umalis si Kuya Noel. Pero ganun pa din hindi nagsalita si Nanay. Pero napansin ko na may luha sa kanyang mga. Hindi na ako nagsalita pa at humiga nalang sa tabi niya. Pag-gising ko natutulog pa rin si Nanay. Nakita ko ang malaking pasa niya sa bibig at noo. Nakaramdam ako ng awa kay Nanay ngunit sumusubra na kasi kaya siguro hindi na napigilan ni Kuya Noel na suntukin siya. Maingat ako'ng bumangon para hindi magising si Nanay. Kailangan ko pa'ng labhan ang mga damit na tinapon niya kagabi sa amin. Paglabas ko ng kwarto, nasa kusina na rin si Kuya Roel at nagluto na ng almusal namin.
"Magandang umaga Kuya. Hindi ba bumalik si Kuya Noel?" Tanong ko kay kuya Roel nang makalapit ako sa kanya. Lumingon lang siya sa akin saka pinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Ang bango ng sinangag at pritong tuyo.
"Maganda ba mamaya ang umaga natin kapag magising si Nanay?" Natatawang tanong kuya Roel. Kaya napakamot na lamang ako sa aking ulo. Saka umupo sa upuan.
"May dala siyang mga damit kagabi. Iwan ko kung babalik pa siya dito bunso. Hali ka mag kape ka na. Nagluto na din ako ng almusal natin. Baka mamaya pagalitan na naman tayo ni Nanay dahil wala na dito si Kuya Noel. Pagkatapos nito kailangan ko pa'ng ibenta ang palay. Pagbalik ko tutulungan kita mag laba. Marami yata ang mga labahin lalo pa ang kagabi ang mga tinapon ni Nanay sa atin.
"Maraming salamat Kuya. Easy lang naman sa akin iyon Kuya. Isang banlaw lang ayos na." Natatawa ko'ng sabi. Kaya napangiti din si Kuya. Sabay na kaming uminum ng kape. Pagkaubos ng kape namin, nagpaalam si Kuya na ibenta muna ang palay. Plano ko din umpisahan maglaba sa likod bahay. Ngunit nagulat kami bigla ng magsalita si Nanay sa aming likuran.
"H'wag mo nang ibenta ang palay Roel. Saka 'di ba Enna ngayon ka pupunta sa bahay ni Panyang? Roel samahan mo nalang ang kapatid mo. Ako na ang bahala dito sa bahay, ako na ang magalaba. Kumain muna kayo bago umalis." Mahinahon na sabi ni Nanay. Kaya nagkatinginan kami ni Kuya dahil hindi kami makapaniwala sa sinabi ni Nanay. Mahinahon ang kanyang pagkasabi na parang nahihiya. Hindi katulad nuon na parang laging galit dahil sumisigaw sa bawat salita sa amin.
"Bakit parang nakakita kayo ng multo? Bakit nakatulala kayo? Bakit nakatingin kayo sa akin? Ito ba nag tinitingnan niyo?" Tanong ni Nanay habang tinuturo niya ang pasa sa kanyang mukha. Sabay kaming umiling ni Kuya Roel.
"Nay, nakapanibago lang. Nagulat kami sa sinabi mo. Maka may sakit ka ba Nay? Bakit ganyan ka magsalita? Saka totoo ba, na hindi ko na ibenenta ang palay? Totoo na maglalaba ka Nay?" Sunod-sunod na tanong ni Kuya Roel na parang hindi makapaniwala. Napaawang naman ang labi ko, at dahan-dahan na tumango sa sinabi ni Kuya Roel. Nag-iwas ng tingin si Nanay saka nagpaalam na pupunta ng kwarto. Nagkatinginan kami ulit ni Kuya dahil laking gulat talaga namin kung bakit biglang naging mabait si Nanay.
"Sana pala nuon pa siya sinuntok ni Kuya Noel." Sambit ni Kuya Roel habang nakatingin kay Nanay. Napangiwe naman ako sa sinabi ni Kuya Roel pero naisip ko din na baka nga, kung nuon pa sinuntok ni Kiya Noel si Nanay. Baka nga matagal nang bumait si Nanay. At naging ina sa aming magkapatid. Pinilig ko ang aking ulo, dahil mali pa din ang ginawa ni Kuya Noel.
"Tara na nga Kuya, kumain nalang tayo saka pupunta tayo sa bahay ni Aling Panyang. Bilisan natin, baka mag-iba ang isip ni Nanay mamaya at bumalik siya sa dati. Kaya kailangan na natin umalis kaagad. Puntahan muna natin si Kuya Noel at kamustahin. Kaya dali na kumain na tayo." Pagyaya ko kay Kuya. Mabilis naman na magsandok si Kuya ng niluto niyang sinangag. Kinuha ko naman ang tuyo na sinabit ni Kuya. Balak kasi namin kanina na mamaya na kumain. Pero sa sinabi ni Nanay kailangan namin magmadali baka mag-iba ang kanyang isipan at iba naman ang sasabihin. Mabilis kaming kumain ni Kuya Roel. Pagkatapos namin kumain, magkatulong din kami sa pagligpit at paghugas ng pinagkainan namin. Nang malinis na ang maliit naming kusina. Lumabas na kami ng bahay. Nakita ko pa si Nanay na nakasilip sa amin. Kaya ngumiti ako at kumaway kay nanay.
"Nay, alis na po kami. Salamat po Nay." Paalam ko kay Nanay na nakangiti. Hindi siya sumagot pero ayos lang, dahil hindi siya galit sa amin.
"Sana pagbalik natin Kuya ganun pa din si Nanay. Sana hindi na siya sisigaw pa sa atin. Sana tuloy-tuloy na ang pagbabago ni Nanay." Kausap ko kay kuya Roel habang naglalakad kami sa daan.
"Sana nga bunso. Baka na realize ni Nanay na mali talaga ang mga ginagawa niya. Sana talaga magbago na si Nanay. Dahil sinusunod naman natin ang lahat ng utos niya." Tugon ni Kuya Roel. Ngumiti ako kay Kuya. Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap hanggang sa dumating kami sa tapat ng tindahan ni Aling Moning. Nakaramdam kami ng lungkot ni Kuya n'ong sinabi ni Aling Moning na nakaalis na si Kuya Noel papuntang pantalan para pumunta ng Zamboanga. Nagpasalamat at nagpaalam na rin kami kaagad kay Aling Moning saka naglakad na papunta sa bahay ni Aling Panyang.
"Sana okay lang si Kuya Noel, Kuya. Sana lang maging maayos at safe siyang makarating sa Zamboanga. Sana makapag trabaho siya ng maayos at mabait ang mga kasamahan niya. Hindi manlang natin siya na yakap bago siya umalis." Malungkot ko'ng sabi kay Kuya Roel.
"Ipagdadasal nalang natin na ligtas si Kuya na makarating sa Zamboanga." Tugon ni Kuya Roel. Bigla kaming napahinto ng makita namin ang sasakyan ni Kuya Tony na dumaan lang sa amin. Hindi manlang huminto para kamustahin kami.
"Ang demonyo dumaan. Ma bangga sana. Kapag magkapera lang talaga ako. Hinding-hindi ko siya kilalanin na kapatid. Mabait sa ibang tao, pero sa sariling pamilya hindi." Galit na sabi ni Kuya Roel habang nakatingin sa papalayong sasakyan ni Kuya Tony. Naka kuyom pa ang kanyang kamao at matalim ang tingin sa sasakyan. Malungkot ako'ng bumaling kay Kuya Roel at sinabi na hayaan nalang namin sila.
"Baka hindi niya ymtayo kapatid Kuya. Kaya hayaan mo siya. Balang araw darating din ang panahon na makilala niya tayo. Kailangan natin mag sumikap para makaahon tayo sa kahirapan. Kaya kumalma ka na Kuya. Malay mo maging milyonaryo ka sa huli at maging milyonarya din ako. Ipakita natin kay Kuya Tony na nag tagumpay tayo kahit walang tulong galing sa kanya. Pero tandaan mo pa rin kuya, kapatid pa rin natin siya. Kaya huwag magtanim ng galit sa kanya. Ang importante okay tayo." Paliwanag ko kay Kuya Roel. Tumango siya at niyaya na ako'ng maglakad muli. Habang naglalakad kami ni Kuya Roel, parang baliw kami ni Kuya dahil lahat ng madaanan namin sinasabi namin na kami ang may-ari. At kapag may dumaan na sasakyan sasabihin namin na nilagpasan kami ng sundo namin. Kapag may eroplano naman sa taas ng langit, sasabihin namin na naghahanap ang piloto namin kung saan mag la-landing. Kaya nawala ang lungkot namin naramdaman sa pag-alis ni Kuya Noel.
Pagdating namin sa bahay ni Aling Panyang sakto na sa bahay niya din ang kaibigan niya na naghahanap ng working student. Kaya pinakilala kami ni Aling Panyang sa kanya. Siya pala si Aling Donna na may pinsan sa Manila. Nang sinabi ko na pumayag na si Nanay. Sinabi niya na sa linggo niya na ako ihahatid sa Manila. Siya na lang daw ang mag-asikaso ng mga papelis ko sa school para makapag transfer ako sa Manila. Pagkatapos ipaliwanag ni Aling Donna ang gagawin ko sa Manila. Nagpaalam na din kami ni Kuya para umuwi ng bahay. Masaya ako na malungkot. Masaya dahil kahit papano makapag aral ako ng highschool. Nakaramdam ako ng lungkot dahil iiwanan ko si Nanay at si Kuya Roel. Sana lang makapunta din kaagad si kuya Roel sa Manila. Pagdating namin sa bahay, sinabi ko kay Nanay na sa linggo na ako aalis. Nag okay lang siya at hindi na nagsalita pa. Tino-totoo niya nga ang kanyang sinabi na siya ang maglalaba. Nakaluto na din siya ng tanghalian namin. Kaya sabay kaming tatlo na kumain.
Araw ng linggo kaya ngayon ang pag-alis ko papuntang Manila. Hindi na nga sumisigaw si Nanay at hindi na siya galit. Pero malamig pa rin ang pakikitungo niya sa amin ni Kuya Roel. Pero kahit ganun ayos lang sa amin. Paglabas ko ng silid, nakita ko si Nanay na nakatayo at malayo ang tingin. Si Kuya Roel nauna na sa labas dahil siya ang maghahatid sa akin sa bahay ni Aling Donna. Tumikhim ako, para magpaalam kay Nanay.
"Nay alis na po ako. Mag-ingat kayo dito Nay. Maraming salamat po." Magalang kong sabi kay Nanay saka yumakap sa kanya.
"Ang drama mo, sige na umalis ka na." Malamig na sabi ni Nanay. Ngunit napansin ko ang pagpunas niya ng kanyang luha. Kaya ngumiti ako sa kanya saka nagpaalam na lalabas na ng bahay. Alam ko na nagbago na si Nanay. Pero parang nahihiya pa rin siya sa amin. Siguro kasi sa mga nagawa niyang pagkakamali sa amin.
"Mag-ingat ka anak." Narinig ko'ng sabi ni Nanay habang humakbang ako palabas ng bahay. Kaya huminto ako saka humarap sa kanya. Ngunit mabilis ang mga hakbang niya papasok sa kwarto.
"Salamat Nay, mahal kita Nay." Sambit ko habang nakatingin sa kwarto ni Nanay. Hindi ko maiwasan na tumulo ang aking luha. Malakas ako'ng bumuntong hininga saka lumabas na nag bahay. Dito ako pinanganak at lumaki kaya mahirap para sa akin na umalis. Pero kailangan ko'ng gagawin makipag sapalaran sa ibang lugar para aking kinabukasan. Paglabas ko ng bahay, naghihintay na si Kuya Roel sa akin habang bit-bit niya ang bag na may laman na mga damit ko. Kunti lang ang dinala ko, dahil sinabi ni Aling Donna na may kasing edad ko daw ang anak ng pinsan niya kaya maraming damit daw na pinaglumaan. Sasabihin niya daw sa pamangkin niya na ibibigay sa akin.
"Maraming salamat Kuya. Mag-ingat ka dito Kuya. Alam mo naman ang address ko sa Manila. Kaya sana kapag makarating ka sa Manila puntahan mo ako. Maraming salamat sa lahat Kuya. Ikaw muna ang bahala kay Nanay habang nandito ka pa. Kapag alam ko na ang pasikot-sikot sa Manila. Pupuntahan ko si Ate Nene." Saad ko kay Kuya Roel habang naglalakad kami papunta sa bahay ni Aling Donna.
"Mag-ingat ka duon bunso. Kapag hindi mo kaya ang trabaho. Umuwi ka dito, saka huwag ka'ng magpa gutom at magpaka pagod. Kapag makapunta ako sa Manila, pupuntahan kita." Wika ni Kuya Roel sa malungkot na boses.
"Asahan ko iyan Kuya. Maraming salamat." Pasalamat ko ng buong puso. Parang gusto ko'ng umiyak ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Ayaw ko na maging malungkot at umiyak sa aking pag-alis.