CHAPTER THREE

1319 Words
SIENNA "Mas mabuti pa nga siguro kung magtrabaho ka. Mahirap dito saka nahirapan na ako sa inyo. Kaya sige sumama ka sa Manila. Total malaki ka na rin naman. Hindi ko na kayo kayang alagaan. Kailan ka ba aalis?" Walang ganang tanong ni Nanay nang nagpaalam ako sa kanya. Katatapos lang namin kumain ng hapunan kaya naisipan ko'ng magpaalam sa kanya. Malungkot ako'ng tumingin sa dalawa ko'ng Kuya dahil totoo nga ang sinabi nila na walang pakialam si Nanay at mas gusto pa na umalis kami sa kanyang poder. Hindi niya manlang tinanong ang tungkol sa graduation ko sa susunod na linggo. Kaya hindi na talaga ako maka akyat ng stage. Malungkot ako'ng tumingin sa kanya, ngunit parang walang pakialam si Nanay. "Kakausapin ko bukas si Aling Panyang Nay. Baka kapag malaman niya na pumayag kayo, ihahatid ako kaagad ng kaibigan niya. Para maturuan niya ako sa mga gawain sa bahay habang wala pa'ng klasi." Magalang na sagot ko kay Nanay. "Siya sige, ikaw ang bahala. Bukas pala maglaba ka muna bago ka pumunta kay Panyang. Noel, Roel bukas kailangan niyong ipa kilo ang palay. Bumili nalang kayo ng sampung kilong bigas. Tamang-tama iyan dahil sa susunod na araw mag-ani ulit kayo. Kailangan ko ng pera, namatay ang kilala namin sa kabilang baranggay kaya pupunta kami. Nakahihiya naman kapag wala ako'ng maibigay. Saka maglinis kayo dito bukas sa bahay. Huwag kayong pupunta kung saan-saan." Bilin ni Nanay sa amin. Kaya nagkatinginan kaming tatlo. Sayang kasi ang palay kapag ibenta dahil sobrang mura lang naman. "Nanay, sayang naman ho ang palay. Mura lang po kapag ibenta, pero kapag gawin nating bigas maraming bigas nang magagawa Nay." Reklamo ni Kuya Noel. "Nag rereklamo ka ba Noel? Sino ba ang masusunod sa bahay na ito? Kung ayaw niyo sa patakaran ko lumayas kayo dito. Mga wala kayong mga utang na loob. Iyon lang ang gusto ko, nag rereklamo ka na porket marunong na kayo?" Sigaw ni Nanay kay Kuya Noel. Hindi na sumagot si Kuya at mabilis na tinalikuran si Nanay. "Noel, bumalik ka dito. Lalaban ka na ba? Katulad ka din ng Kuya Tony mo, mga walang utang na loob." Sigaw ni Nanay kay Kuya Noel pero hindi siya pinansin ni Kuya. Deritso lang ang paghakbang si Kuya hanggang sa lumabas siya ng bahay.Tahimik lamang kami ni Kuya Roel na nakaupo sa gilid ng mesa. Katatapos lang kasi namin ng hapunan. Ako pa kanina ang nagluto kahit pagod ako galing palayan. Si Nanay napagod din sa kaka mahjong. Siguro na talo kaya galit. At kami naman ang nakita. Bumaling si Nanay sa amin ni Kuya Roel na galit na galit. Sigurado kami na naman ang pag buntungan niya ng galit. "Hoy kayong dalawa baka gusto niyo din sumunod kay Noel. Mga wala kayong utang na loob. Pagkatapos ko kayong palakihin at alagaan kapag kaya niyo na. Ang akala niyo kung sino na kayo. Ito ang tandaan niyo, wala kayo dito sa mundo kung hindi dahil sa akin." Sigaw ni Nanay sa amin saka tumalikod. Malakas na bumuntong hininga si Kuya Roel saka niyaya ako'ng sundan si Kuya Noel. Gabi na kasi baka kung saan pupunta si Kuya. Nang makita namin na sarado na ang pinto ng silid namin ni Nanay. Maingat kaming lumabas ni Kuya Roel sa bahay para hanapin si Kuya Noel. "Kuya alam mo pakiramdam ko, parang hindi tayo anak ni Nanay. Kahit nga kamag-anak natin parang ayaw sa atin. Matagal ko na talaga Kuya napansin na parang walang silang pakialam sa atin mula n'ong namatay si Tatay. Kaya sasama na talaga ako sa Manila Kuya. Sisikapin ko na makapag aral at makapag tapos para makapag trabaho." Saad ko kay Kuya Roel habang naglakad kami sa daan para hanapin si Kuya Noel. "Ganyan din ang pakiramdam ko bunso. Parang wala silang pakialam sa atin simula n'ong namatay si Tatay. Kaya kapag makaalis talaga ako dito, hinding-hindi na ako babalik dito. Parang wala tayong pamilya dito. Mas mabuti pa siguro ang ibang tao. Kaya kapag nasa Manila ka na, mag-ingat ka at palaging magdasal na maging maayos ang buhay mo duon. Hihingi ka ng address kay Aling Panyang kung saan ka sa Manila. Para kapag nandun na ako at makapag trabaho. Pupuntahan kita at bibigyan ng allowance. Hayaan na natin si Nanay total pinapaalis niya naman tayo. Baka nga tama ang sinabi mo na hindi niya tayo anak. Kasi napansin ko na hindi naman natin siya kamukha." Saad din ni Kuya. Kaya tumango ako sa kanya. Habang papalapit kami sa tindahan ni Aling Moning Nakita namin si Kuya na naka upo habang kausap si Aling Moning. Kaya mabilis ang mga hakbang namin para makalapit kay Kuya. Pagdating namin sa harapan ni Kuya. Umiiyak si Kuya habang kausap ni Aling Moning. "Ano ba iyan ang Nanay niyo. Parang hindi niya kayo mga anak kung ituring. Simula n'ong namatay ang tatay niyo, naging miserable ang buhay niyo. Kawawa talaga kayo, kaya ayaw ni Tony sa Nanay niyo. Malaki ang tampo ng Kuya Tony niyo sa Nanay niyo kaya pati tuloy kayo na damay." Kausap ni Aling Moning sa amin. Tahimik lamang kami dahil hindi naman namin alam ang sasabihin. Dahil kahit papano Nanay pa rin namin si Nanay. Nagtagal pa kami ng isang oras sa tindahan ni Aling Moning saka nagpasya na umuwi baka pagalitan na naman kami ni Nanay. "Kuya kunting tiis nalang, maka-alis din tayo sa poder ni Nanay. Hayaan na muna natin siya. Para hindi tayo pagalitan." Wika ni Kuya Roel habang naglalakad kami pabalik sa bahay. "Sinabi nga ni Aling Moning na tatawagan niya na bukas ang kanyang anak na padalhan na ako pamasahe papunta ng Zamboanga. Baka kung makapag usap sila bukas at magpadala ng pera aalis ako kaagad. Mag-ingat kayo dito. Roel kapag kayo nalang dito ni Enna huwag mo siyang pabayaan hangga't hindi pa siya nakaalis lalo na kapag mag-ani ng palay." Bilin ni kuya Noel kay kuya Role. "Opo kuya, mag-ingat ka duon." Tugon ni Kuya Roel kay kuya Noel. "Mag-ingat ka duon Kuya. Saka huwag ka'ng sumubok na uminum ng alak Kuya. Ingatan mo ang sarili mo duon. Pangako po mag-iingat ako sa Manila. Hindi ako gagawa ng ikapahawak ko. Sisikapin ko'ng makapag aral hanggang sa makatapos ako bilang nurse. At kapag nakapag trabaho na ako. Tutulungan ko kayo ni Kuya Roel. Pero huwag na sana kayong magtampo kay Nanay. Dahil kahit ganun ang ugali ni Nanay. Nanay pa rin natin siya, at wala tayo dito sa mundo kung hindi dahil sa kanila ni Tatay. Malay niyo, baka balang araw ma realize ni Nanay na nagkamali siya at maging mabuting Nanay siya para sa atin. Ang gagawin nalang natin Kuya, magdasal at maging matibay para sa ating sarili. Para maabot natin ang ating mga pangarap." Paliwanag ko sa dalawa ko'ng Kuya. Sumang-ayon naman sila sa sinabi ko. Nag-usap lang kaming tatlo hanggang sa dumating kami sa bahay. Sobra ang pag-iingat namin na hindi kami makagawa ng ingay para hindi kami marinig ni Nanay. Ngunit pagbukas namin ng pinto ganun nalang ang pagkagulat namin ng sinaboyan kami ni Nanay ng tubig. Pagkatapos tinapon niya sa amin ang aming mga damit. Laking gulat namin ng hindi mapigilan ni kuya Noel sa suntukin si Nanay. "Kuya Noel tama na po! Kuya Nanay natin iyan, Kuya." Sigaw ko habang umiiyak dahil parang biglang nawalan ng malay si Nanay sa tatlong sunod-sunod na suntok ni Kuya Noel sa kanya. Suntukin pa sana ulit ni Kuya Noel si Nanay ngunit hinawakan na ni Kuya Roel para pigilan. "Kuya tama na, baka anong mangyari kay Nanay. Baka mamatay siya at makulong ka. Kaya tama na Kuya." Sambit ni Kuya Roel. Mabuti at nakinig naman si Kuya Noel kaya hindi niya na sinuntok si Nanay. Umiiyak ako habang hawak ko ang kamay ni Nanay na walang malay. Binuhat ni Kuya Roel si Nanay at dinala sa aking silid. Kaagad ko'ng pinunasan ang mukha ni Nanay ng maligamgam na tubig para magising.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD