SIENNA "Salamat Ate, ang dami naman ng binili mo sa akin. Di bali Ate kapag nakapag trabaho na ako, ako naman ang maglilibre sa'yo." Masayang turan ni Vincent. Pinamili ko sila ni Jenny ng damit at sapatos. Saka binilhan ko din silang dalawa ng bagong cellphone. Nagpadala din ako kay Nanay kahapon. Pero nagulat ako, nang sinabi ni Ate Nene na ipunin ko nalang daw ang sahod ko dahil may nag sponsor daw sa kanila na taga ibang bansa. Kaya may sapat daw sila na gastusin sa araw-araw. Nagpasalamat ako sa panginoon na malaki ang blessings na dumating sa pamilya ko. Kung sino man ang nag sponsor na mabuting puso. Sobra ako'ng nagpasalamat sa kanya. "Weeee, di nga! Sure ka ba na libre mo kami?" Kontra naman ni Jenny. "Ate Jenny, bingi ka ba? Sinabi ko si Ate Enna, hindi ka kasali." Natatawan

