SIENNA "Bye Ate, Kuya. Salamat sa libre." Natatawa na sabi ni Vincent. Pero hindi manlang tumingin kay Mara. Hinatid namin sila ni Jenny pagkatapos namin manuod ng sine, kumain muna kami ng dinner saka dito na dumiretso sa kanilang bahay. Bumaba muna kami ng sasakyan, sapagkat tinulungan ni Tom si Vincent na ilabas ang pinamili nila ni Jenny. May binili din ako kay Ate Dina at Kuya Niel. Hindi na kami pumasok dahil wala naman sa loob si Kuya Niel at Ate Dina. "Bye, Enna, Tom, Mara. Salamat sa paghatid. Nag enjoy talaga ako kasama kayo. Mag-ingat kayo sa daan." Wika din ni Jenny. "Bye Ate Jenny, Vince." Paalam naman ni Mara. Napansin ko na napalunok si Vincent ng kanyang sariling laway saka namula pa ang kanyang tainga. Pa simple naman siyang siniko ni Jenny kaya humarap siya kay Mara.

