SIENNA "I love you and I miss you baby!" Sambit ni Tom habang nakapulupot ang kanyang kamay sa aking baywang. Kararating lang namin galing sa Mindanao. Nagulat ako pagpasok ko sa aking kwarto dito sa mansyon ni Mamita nasa loob na si Tom na nakaupo sa aking kama. Kaya pagpasok ko niyakap niya ako kaagad. Alas nwebe ng umaga na, ang akala ko nasa ospital na siya. Pero nandito pala siya na kwarto ko. Nakasuot lang siya ng sando at short. "Tom, bakit nandito ka? Akala ko nasa ospital ka? Hindi ka ba pumasok. Saka baka makita ka ni Ate Haide at Mamita na nandito ka sa loob ng kwarto. Nakahihiya, baka ano ang sasabihin at isipin nila." Gulat ko'ng sabi sa kanya. Kahit may relasyon kasi kami nahihiya pa rin ako kapag pumasok siya dito. Kahit nga yakapin niya ako, ayaw ko kapag may makakita s

