SIENNA "Ang mga sweet na sinabi mo pala sa akin, si Kuya Diego ba ang nagturo sa'yo? Ganun ba Tommy?" Sungit-sungitan ko'ng tanong kay Tommy sa kabilang linya. Nag pout siya ng kanyang labi na parang bata. Naka vedio call kaming dalawa kaya kita ko ang kanyang reaction. Bumangon siya sa kama saka sumandal sa headboard. "Baby, hindi kaya! Sa akin puso nanggaling lahat ng sinasabi ko sa'yo baby saka totoo ang mga sinabi ko. Sinabi lang naman ni Kuya Diego na kailangan maging sweet ka sa babaeng mahal mo. At palagi mo'ng sasabihin ang mga sweet words. Iyun lang ang tip ni Kiya Diego. Maliban duon wala na. Alam mo naman na idol ko si Kuya Diego kaya humingi ako ng tip kung paano manligaw." Saad niya sa kabilang linya na parang nagpa pa-cute pa. Inirapan ko naman siya na kunwari hindi ako n

