TOMMY "Parang baliw ka na, Tommy boy! Nagka jowa ka lang, ngumingiti ka nang mag-isa. Himala yata na mag-isa ka lang at hindi mo kasama ang prensisa mo." Napalingon ako sa aking likuran ng marinig ko ang boses ni Mat. Nakangiti siya papasok sa aking opisina. Habang ang kanyang dalawang kamay nasa loob ng kanyang pantalon. Katatapos ko lang ng operation kaya, nagpahinga muna ako saglit. Kunot noo ko siyang tiningnan saka binalik ang tingin ko sa aking cellphone. Tinitingnan ko kasi ang picture ni Quinn na nasa wall paper ko. Mag-isa lang ako ngayon dahil sinama ni Ate Haide at ni Mamita si Quin sa Mindanao. Gusto ko nga sanang sumama pero ayaw ni Ate. Girl bonding daw muna sila, pero kasama naman si Kuya Diego. Iwan ko ba kay Mamita, matanda na, gusto pa rin pumunta sa malayo. Kaya tuloy

