SIENNA Napahinto ako sa paglakad sa hallway dito sa opistal nang makita ko ang mga kasamahan ko na nakatayo sa unahan ko. Nakangiti silang lahat habang nasa likod nila ang kanilang mga kamay. Katatapos lang ng operation kaya sobrang pagod. Apat na oras ang tinagal namin sa loob ng operating room. Mabuti naging successful ang operation namin. Naunang lumabas si Tommy dahil may importante daw siyang gagawin. Kaya pagtapos namin maayos at malinisan ang lahat na ginamit namin. Nauna na ako'ng lumabas sa mga kasamahan ko sa loob. Ngunit heto, ngayon nagtataka nang unang lumapit sa akin si Luna saka binigyan ako ng isang pirasong red rose. Magtatanong pa sana ako ng lumapit din si Mage sa akin saka nagbigay din ng bulaklak. Hanggang sa sunod-sunod na ako binigyan ng mga kasamahan ko. Kahit s

