SIENNA "Baby Tommy masama ba ang pakiramdam mo? Mukhang masarap ang ulam mo ah? Sino ang nagluto? Kanina pag-alis namin parang wala naman nagluto ng adobong baboy? Saka bakit maaga ka'ng umuwi at bakit hindi na si nurse Enna ang assistant mo? May sakit ka ba?" Malambing na tanong ni Ate Haide kay Tom. "Ate, hindi na ako baby! Kaya huwag mo na ako'ng tawagin na baby. Nagugutom ako kanina kaya pumunta ako ng kusina para kumain. Nakita ko ito sa ibabaw ng mesa kaya kinain ko na. Medyo masama lang ang pakiramdam ko, kaya ayaw ko muna pumasok sa trabaho. Pero ayos lang ako Ate. Kaya huwag ka nang mag-alala sa akin." Sagot ni Tom kay Ate Haide. Alam ko'ng nagsinungaling lamang siya dahil baka nahihiya siya sa akin. O ayaw niya na talaga ako'ng kausapin. Parang gusto ko din sana siyang tanung

