SIENNA Pagpasok namin sa loob ng opisina. dumiretso ako sa aking mesa. Tahimik kaming dalawa na parang walang gustong magsalita. Hindi ko binigay ang para sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Baka hindi niya tanggapin at mapahiya lamang ako. Hindi ko kasi talaga alam kung nagagalit ba siya sa akin. Wala naman akong natandaan na ginawang masama o mali sa kanya. Habang inaayos ko ang mga papel sa ibabaw ng mesa narinig ko na panay tikhim ni Tom. Pakiramdam ko nakatingin din siya akin ngunit binaliwala ko lamang. Nag bisi-bisihan ako sa pagtingin ng mga papel sa ibabaw ng aking mesa. Hanggang sa binasag niya ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. "I'm sorry sa inasal ko. I'm just, I'm just....." Hindi niya na natapos ang kanyang sasabihin nang bigla nalang s

