"Oh, Jane. halika pasok." yaya sa akin ni Sir Baste wearing all smiles na malayong - malayo sa seryosong mukha niya kanina nang kaharap ang ka-aalis lang na bisita.
"Sir Baste..!" nahawa na rin ako sa ngiti ng boss ko. Lumapit ako sa kanya kung saan naka upo sya sa receiving area ng office nya.
"Haha, I almost forgot the time! naabutan mo pa tuloy si Elena dito", sabi nya habang hinaahaplos ang batok..
I restrained my self to ask kung ano ang pinag usapan nilang dalawa kanina. Ayokong mag mukhang usisera sa mata ng boss ko. Kahit gustong - gusto ko rin sanang malaman kung bakit ganun na lang ang pagiging hesitant ng babaeng iyon na umalis kanina. Pero alam kong eventually, kusa ring sasabihin ito ni Sir sakin. Hehe, kabisado ko na kaya si Sir!
I just smiled and said, " Okey lang naman po Sir, its almost twelve pa lang naman. Mukhang ako lang po talaga ang napa-aga ng pag punta dito , hehe".
"Excited na po ako mag lunch eh!" dugtong ko pang pabiro kaya't lalong natawa si boss.
Pinindot nya ang intercom connecting to Anne. "Wala pa ba yung food na inorder mo?" tanong nya.
" Nasa baba na daw po sir, iaakyat na po dito" , narinig kong sagot ng kausap.
" Oh nandyan na pala sa baba! Makaka-kain yung excited mag lunch! " sabay tingin sa akin. Sinabayan ko na lang sya sa pagtawa. Ganito kami pag magkasama privately, lagi akong inaasar!
"I'll prepare the table po." sabi ko at tinungo ang pantry para kumuha ng mga utensils. I cleared the center table at nilapag ang mga kubyertos. Naghanda na rin ako ng tubig para sa aming dalawa.
Sakto rin na kumatok si Anne sa pinto at pumasok na ang delivery boy. ako na ang kumuha ng mga pagkain at inayos sa lamesa.
Tinulungan din ako nito iayos ang mga pagkain. Pero ramdam kong mabilis ang kilos nito. Tinignan ko sya ng naka taas ang kilay na ibig sabihin bakit sya nagmamadali. Sinagot ako ng pabulong " Bilis kasi, ang kupad eh, late na ako!"
Ah, haha oo nga pala i forgot her lakad!
Tumalikod na sya at palabas na sana ng pinto ng magsalita si Sir. " Anne, join us na nga pala mag lunch.. marami namang pagkain oh." yaya nya. Pero pilit na ngiting sumagot si Anne, " Thank you sa invitation Sir pero may kasama na po akong kakain at naghihintay na po sya sa akin, hehe.." Tapos tumingin sa akin ng naka- ngisi, " At saka kulang pa po kay Jane ang mga yan, Sir, haha" .
Grr!! naka ganti ang loka! haha
"Ah, ganun ba, e di dapat pala good for 5 ang pina order ko, haha. ok Anne, sige you may go now, enjoy." gatong pa ni Sir.
Naku!! naatake ako dun ng walang kadipe- dipensa ah! Two versus one !
"Lets eat," sabi ni sir. "favorate mo ang sea foods diba?"
Nakakatuwa talaga, pati food preference ko alam ni Sir!
"sobra sir, haha" sagot ko at nag umpisa na kaming kumain.
Stir Fry Squid with Oyster sauce, Creamy Garlic Buttered Shrimp, Sauteed mix veggies, and Corn and Crab soup... delicious foods na nakalatag sa harapan ko, ugh.. how can I resist??
Nangalahati na kami sa pagkain ng magsalita si Sir Baste, " I'm full, just continue eating, iha. Ubusin mo yan."
"Parang konti pa lang naman po nakain nyo..,"
sabi ko, kasi parang ako lang naman talaga ang kumain sa mga nabawas sa pagkain.
" Tama na sa akin to, alam mo naman iha pag nagkaka- edad na, kailangan nang i-observe ang diet. Mahirap na magkasakit lalo na at wala ang mga anak ko dito sa Pinas..And no need to hurry ha, take your time dyan, chew your food properly." sabi nya habang pinupunasan ang kanyang bibig.
Looking at Sir Baste, sa edad nyang 52 napaka bata pa niyang tignan. Matikas pa ito at gwapong- gwapo pa rin. Sa kanya nagmana ng looks si...
"Jane, you're staring at me kanina pa, haha di mauubos yang pagkain kung tititigan mo lang ako!"
Naputol ang nasa isip ko nang nagsalita si Sir. Omg! nakakahiya!
Pero mabilis akong naka-isip ng idadahilan ko, " Sir, sorry po ah pero how about ihanapan ko po kayo ng mag aalaga sa inyo? or si Maam Elena na lang kaya?" patawa-tawa kong tanong habang itinuloy ang pag subo ng pag kain.
Thirteen years nang yumao si Maam Amara, ang napakabait at napakagandang na asawa ni Sir Baste. At after nun, di na muling nag asawa si sir.
"Si Elena ay kababayan at malayong kamag anak ni Amara at mandito sya sa kumpanya dahil lang din sa pakiusap ng asawa ko noon. That's why Im keeping her and her son... teka, imbis na ako ang ihahanapan mo ng partner, ba't di na lang ikaw ang mag- boyfriend na, ha?" biglang bawi nyang tanong sa akin.
Di ako agad nakasagot sa sinabi nya dahil kasusubo ko lang ng pagkain, puno pa ang bibig ko kaya tanging sunod-sunod na iling lang ang naisagot ko.
"Siguro, inaantay mo lang talaga ang anak ko kaya hanggang ngayon wala ka pang ipinapakilala sa akin na boyfriend mo, ano? " sunod na tanong nya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya at muntik pa akong mabulunan!
"Sir naman, bakit naman napunta sakin ang usapan??" tanong ko after kong makainom ng tubig para na-clear ang lalamunan ko.
"Diba crush mo na si Tristan ko since mga bata pa kayo? " dugtong pa nya na lalong ikinalaki ng mata ko!
See? I told you, hindi lang lunch ang dahilan ng invitation nya dito sa office nya kundi ang asarin at tuksuhin ako tungkol sa anak nya!
Anak nyang kababata ko, at anak nyang thirteen years ko nang hindi nakikita!
"Sir, naman, sino may sabing crush ko sya?" tanong kong kunwari ay naiinis.
"Haha, ang Tatay mo! Oh, wag mong sabihing nagsisinungaling ang Tatay mo? haha! dugtong pa nya.
Magkababata din si Tatay at si Sir. Katulad namin ng anak nya.
Kalapit ng bahay namin ang ancestrial house ng mga Alejandro noon na ginawa nilang resthouse.
"Eh sir..!! matagal na po yun! At saka for sure di na ako kilala nun. Kahit siguro magkita ulit kami, hindi na ako papansinin nun! And for sure ulit, may girlfriend na yun dun sa London!" sabi ko habang feeling ko ay nakakain ako ng maraming sili dahil ramdam ko ang pamumula ng mukha ko sa hiya. Para naman kasi akong nasa "hot seat" nito!
Kahit lagi nang ginagawa ito ni Sir, di ko pa rin nagagawang hindi mag blush sa ganitong sitwasyon.
Dahil ba guilty ako?
Tumayo na ako at nagsimulang ligpitin ang mga pinag kainan namin para sana mahinto na itong topic na ito. Pero bigo ako, bigo!!
" Siguradong di ka nya talaga mapapansin at makikilala dahil dyan sa ayos mo, haha. You made yourself look like a manang na dahil sa sobrang subsob mo sa trabaho." dagdag pa nya.
"Sir, kung talagang itinuring nya akong friend, kahit anong ayos at itsura ko, makikilala nya ako!" I pouted my lips while saying this.
" Okey, okey, haha wag ka nang sumimangot dyan. Pero iha, to be honest kung may ipapakilala sana sa akin na girlfriend si Tristan, gusto ko sana ikaw.." sabi nya tapos tumungo, " pero di kita ma-ireto sa anak ko dahil hanggang ngayon hindi pa rin kami in good terms.. galit pa rin sya sa akin.." malungkot nyang sabi.
Biglang nag bago ang atmosphere sa loob ng kwarto, I can see sadness in sir Baste's eyes.
"Since that day na nag decide akong ibenta ang resthouse sa Bulacan 13 years ago, lumayo na ang loob nya sa akin. Dapat nakinig na lang ako sa gusto nya para di sana kami ganitong mag ama ngayon.." saad nya at damang-dama ko ang lungkot at panghihinayang sa boses niya.
Nilapitan ko sya at nginitian, "Sir, maayos din ang misunderstanding sa pagitan nyo ni Tan-tan. Alam ko pong mahal kayo ng anak nyo.. siguro po kailangan nyo lang talagang makapag usap.." sabi ko. "At wag nyo na pong problemahin yung reto sir, haha", pagbibiro ko para mapasaya naman ang amo ko kahit papano.
"Sapat na po sa akin na makikilala pa rin sana nya ako pag nagkita kami , haha! ". nakangiting sabi ko sa kanya.
Sa totoo lang hindi ko rin naman talaga alam kung itinuring ba akong kaibigan ni Tantan noon. Tantan ang tawag ko sa kanya. yun ang tawag sa ng mga yaya nya sa kanya dati kaya ganun na din ang tawag ko. Mabait sya, laging nagshahare ng laruan at foods na meron sya pero hindi sya yung tipong pala salitang bata. Hindi sya pala tanong. Makikita mo lang ang mood nya sa mukha nya. Pala ngiti naman, pero di talaga pala kibo. Lagi lang syang nakatitig sa akin. Di ko alam kung anong nasa isip niya.
Na syang kabaliktaran namin noon! Ako yung makulit, yung maingay, yung magulo at laging nagyayaya sa kanya na mamasyal sa paligid ng resthouse nila. Ako lang yung laging kumakausap sa kanya.
Every summer at christmas break sila pumupunta sa Bulacan, at napakasaya ko sa mga panahon na iyon. Makikita ko at makakalaro na naman si Tantan. Until nangyari ang dahilan ng paglayo ng loob ni Tantan sa daddy nya.. at ang umpisa din ng hindi na namin noon pagkikita pa...noong namatay ang mommy nya na si maam Amara.