Surprise

1233 Words
Bumuntong hininga si sir Baste then he looked at me very sincerely. "Basta, Jane. Maging kayo man o hindi ni Tristan, I want you to stay in this company no matter what. Soon I will let him take over my position and pagnangyari na iyon, please help my son. Lubos ang tiwala ko sa kakayahan mo at sa katapatan mo kaya aasa ako sa iyo.." malungkot nyang sabi. Hearing those words from sir Baste, mixed emotion ang naramdaman ko. Masaya dahil soon magkikita na kami ni Tristan at makakasama pa sa trabaho, pero at the same time nag aalala dahil pakiramdam ko may ipinapahiwatig si sir. "M-may problema po ba sir?" tanong ko sa kanya. Mas nangibabaw ang pag aalalang nararamdaman ko kaysa maging masaya. Bakit nya sinasabi ang mga ito? "Nothing, iha. Sinasabi ko lang ito kasi sooner or later mangyayari naman talaga pag umuwi na si Tristan," nakangiti nyang tugon sa akin pero my instinct is telling me that he is definitely hiding something, and nababahala ako. He is like a father to me. Naging napakabuti ng family nila sa amin mula pa sa lolo ko na naging katiwala ng pamilyang Alejandro noon. Sabay lumaki ang Tatay ko at si Sir, at itinuring niyang parang isang kapatid si Tatay, despite of pagkakaiba ng estado nila sa buhay. Kahit maraming rin namang ibang anak-mayamang kaibigan si Sir, di pa rin nagbago ang pakikitungo nya kay tatay. Until tumuntong na sila ng sekondarya, dun na sila nagkahiwalay dahil tumira na ang pamilya nila Sir sa syudad para dun sya mag aral. Hangang pareho na silang nagkaroon ng kani-kanilang sariling pamilya, si Sir nagkaroon ng dawalang anak na lalaki si Tristan at Cedric, at si Tatay naman ay dalawang anak na babae, ako at ang kapatid kong si Joy Martina. "Sir, makakaasa po kayo na mananatili ako dito, kasama mo at ni Tristan." nakangiti kong sabi sa kanya. "Kung anong meron ako ngayon ay dahil po sa kabaitan nyo sa amin, lalo na po sa akin ." dugtong ko pa. "Hahaha, you're very humble, bata ka..." sagot naman ni sir. " Kaya ka nandyan sa pwesto mo dahil magaling ka at deserved mo yan!" sabi naman nya. "Sobrang thankful ako kasi kahit isa ka sa mga nag-top sa board exam ng mga CPA ay mas pinili mong dito sa akin magtrabaho. Alam ko rin na marami kang natanggap noon na offer galing sa mas malalaking kumpanya para doon magtrabaho pero nandito ka.." sabi pa niya. Hinawakan ko ang mga kamay ni Sir na may ngiti sa aking labi, "Sir mas thankful po ako dahil nandyan kayo para sa akin lalo na nung binigyan nyo ako full scholarship noong nag college ako. Pinag-aral nyo ako sa kilalang university dito sa syudad hanggang nakapag-take ako ng board. Pangarap ko po talaga maging CPA at kayo po ang nagbigay sa akin nun.. " sabi ko. "Hahaha, naku bata ka, baka magka-iyakan pa tayo nito," sabi ni sir bilang pagputol sa kadramahan namin. Sa totoo lang nangingilid na rin ang luha ko.. "Ah, oo nga po!" pag sang-ayon ko rin . Kinalma naming pareho ni Sir ang aming mga sarili. Maya-maya ay lumipat ito sa kanyang table kung saan nandoon ang maraming folder na nakapatong. " Anyway, " sabi nya habang umuupo sa kanyang swivel chair. Inabot nya sa akin ang isa sa mga folders na nasa harapan nya. "That was the reason why Elena was here earlier." pagpapatuloy nya. See? sabi na eh, di ko man tanungin, sasabihin nya pa rin sakin! " Nakarating sa akin na nagkaroon ng problema yung advertisement project na pinahawak nya kay Kidd.." Si Kidd Mendoza ay anak ni Maam Elena. Katulad ng nanay nya, pakitang - gilas to the max din sya kay sir. Pero mukhang pumalpak yata sya this time, haha. "Masyadong mataas ang expences nila para sa simpleng project na iyon. Exceeded na sa proposed budget nya. Pwede mo bang i check personally ang mga records nila?" "Sure po. No problem." sagot ko habang binubuklat ang mga files na binigay ni sir. "Pero I need your memo na papakuha ko sa department nila ang mga record books at receipts kahit on going pa yung project. Baka po kasi sabihin nila na nakikialam na naman po ako at nagmamagaling para magpalapad ng papel sa inyo." "Actually, nasabi na nga iyan kanina ni Elena, haha.. " "Po??!!" nagulat ako sa narinig ko. " Yes, kaninang tinatanong ko sya about the issue ay itinanggi nya ito. Sabi nya everything is doing well at sinisiraan lang daw sila. At ikaw ang tinukoy nyang maaaring gumawa nito..baka daw gumagawa ka lang ng storya para siraan sila.." patawa-tawa pang sabi ni sir. Anak ng tinapa naman oh, naiisip ko palang, nangyari na pala! Ako na naman pala ang villain dito nang wala akong kaalam-alam! "Sir, hindi po ako ang...." I tried to defend myself pero pinutol nya ang sinasabi ko. " Hahaha, dont bother explaining, iha. I know it was'nt you. Kaya nga ako nainis din kanina kasi nandadamay pa sya ng iba. Meron akong mga tao sa paligid na di nila alam na nagmamanman sa mga ginagawa nila." Sa sobrang gulat at inis ko samahan pa ng gigil na talaga ako ay di ko namalayang rumihistro na pala ito sa mukha ko! At kitang-kita yun ni sir Baste! "Hey, Jane, haha relax. Ang lalim na ng kunot ng noo mo oh. Di ko na lang sana sinabi yun.. nasira ko pa tuloy ang mood mo.."sabi ni sir. I calmed myself at nag nagpakawala pilit na ngiti. " Sorry po sir, nagulat lang po talaga ako sa paratang ni Maam Elena.."sabi ko. "Ayaw mo pa kasing ipaalam sa kanila na anak ka ng kababata ko at kilala na kita mula pagkabata at hindi lang basta isang empleyado ko dito. Hindi ka na sana nila pag iisipan ng kung anu-ano." sabi ni sir. "Sir, gusto ko po kasi na hiwalay ang personal na buhay at trabaho. Gusto ko po na kapag nandito ako sa trabaho, ituring nyo po akong ordinaryong empleyado nyo. At isa pa po, kahit ipaalam man natin o hindi, meron pa rin po silang masasabi. Kaya okey na po itong ganito.. " napakamot na lang ako ng ulo na pangiti-ngiti. Tumayo si sir at lumapit sa akin. "Okey, okey.., if that's what you want pero expect mo pa rin na ipapatawag kita paminsan-minsan dito sa office ko para samahan akong mag lunch ha.." sabi ni sir habang umaakbay sakin. Alam ko ang ibig nyang sabihin.. pag namimiss nya ang mga anak nya ay ipinapatawag ako. At hindi ko ipagkakait yun. Kung sa ganoong paraan ay maiibsan ng presensya ko ang pagkasabik nya sa mga anak nya, bakit ko tatanggihan? "Syempre naman po sir, sino ba naman po ang tatanggi sa free lunch, haha" sagot kong pabiro. Tinignan ko ang oras sa relo ko at pass 1:00 na. Napahaba pala kwentuhan namin sir. "Balik na po ako sa office ko sir," sabi ko. "Thank you po for the sumptious lunch!" "You're welcome. Thank you rin for your time iha.." sabi ni sir. Palabas na sana ako nang muli syang nagsalita. "And by the way, I have a surprise for you!" Napatigil ako sa paglalakad at humarap kay sir. "Wow, a surprise po?!" sabi ko ng kunwari ay excited. Tapos unti- unti kong binago yung expression ko.." but sir, you know I dont like surprises..hehe".
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD