Another Surprise?

1089 Words
"Haha, we'll see kung ayaw mo nga ba tong surprise ko sayo," sabi nya . "Is that a bussiness trip abroad po ba.. or,... oh no! baka naman po demotion yan sir ha?" pabiro kong sabi. "Malalaman mo sa Monday!." sagot din nya with all smiles. Nginitian ko nalang din sya dahil alam kong wala akong mahihintay na sagot sa tanong ko. "There, sana lagi kang naka ngiti, anak. Mas bagay sayo. Para lagi kong makikita yang dimples mong ayaw mong palabasin, hahaha!" patawang sabi pa nya. Eto na naman kami!! "Sir talaga oh, hindi naman sa ayaw kong palabasin, mahiyain lang po talaga yan, hahaha." sagot ko habang nahkakamot ng ulo. " Sige, po sir. Aalis na po ako. See you on monday na lang po haha!" "Okey, see you.". sagot nyang kumakaway at tuluyan na akong lumabas sa office nya. Sa labas ay nandoon na rin si Anne sa desk nya. Kahit isiningit ang pakikipag date ay nakabalik din naman sya on time! "How's your lunch, bes?" tanong ko habang papalapit sa kanya. Nag hand gesture lang sya ng "okey" at "approve" dahil kasalukuyang ngumunguya ng chocolates ang loka! May pa chocolate na naman ang bebe nya! "Haha, Sige enjoy mo yang chocolates mo!" sabi ko at tumuloy sa paglalakad. "Wait, Juanie!" habol nya sa akin kaya napahinto ako. Nang makalapit sa akin ay biglang hinila ang buhok ko kaya natanggal ang pagka-bun ng buhok ko. Nanatili namang naka pony tail parin kahit lumaylay ang waist lenght kong buhok! "Ouch, ano ba, Aning?! sabi ko. Imbis na sumagot ay pumunta sa harapan ko at binuksan pa ang suot kong blazer at in-unbotton ang dalawang butones ng blouse kong panloob! "Really, huh?" angal ko. "Wag mong ibabalik yan until makapasok ka sa office mo!" "At bakit..?" "Basta.. Mas maganda ka pag ganyan!" Napa- face palm na lang ako sa ginawa ng kaibigan ko. Eto na naman kami!! " Look, Aning.. una, hindi ko kailangang mag mukhang maganda okey? At pangalawa, alam ko kung ang tumatakbo dyan sa kukote mo!" sabi ko sabay turo sa gitna ng noo nya. "Aray naman!, haha, dyan ako bilib sayo eh, napakatalino mo talaga! Akalain mong nabasa mo ang nasa isip ko" sabi nya habang inaayos ang buhok at damit ko. Maya-maya pa ay dinukot niya ang bulsa ng blazer ko at inilabas ang hankie ko at agad na ipinunas sa labi ko para mabura ang lipstick ko! "Ayan..., ok na. Remember , galing ka sa office ni President Sebastian Alejandro. Let them use their wild imagination. hahaha! "Luka-luka ka talaga! kaya di ako tinitigilan ng makakating labi eh! I need to go, marami pa akong gagawin.." sabi ko habang itinataas ang folder na bitbit ko. "Ohh.. and that is..??" "An assignment from sir!" "Ano nga yan?" "Wag mo nang alamin... di mo rin naman maiintindihan!" "Wow, edi ikaw na ang magaling!" sabi nya. Normal na naming conversation ito, yung walang matinong pag uusap! "Haha..bahala ka dyan, Alis na ako!" sabi ko habang naglalakad palayo at iwinawagayway ang folder na hawak ko. Pagpasok ko ng elevator ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Mukhang okey naman ang itsura ko pero I really still prefer my usual look. Kung hanggang kailan, hindi ko alam. Pagtunog ng bell ng elevator, ihinanda ko na ang sarili ko and nag shift to "work mode" na ulit . As expected, nasa kani- kanilang table na ang lahat, and as expected din, nakatingin ang lahat sa akin . I saw their different reactions habang naglalakad ako papunta sa office ko. Halata sa mga mukha nila ang pagtataka sa ibang itsura ko pag balik galing opisina ni sir Baste. Tama nga si Anne, may nabuo na ngang "akala" sa mga isip nila! Nag sipag-bati pa rin naman ang lahat pero parang singaw sa ilong pero I don't care. Basta ako, papasok na ng opisina ko! "Good afternoon, Maam JM.." bati ni Tere. I responded with a nod. Baka kasi himatayin pa ito pag magsasalita pa ako . Pero muli syang nagsalita ng medyo pabulong. "M-maam, nandito po si Mrs. Mendoza kanina pag kaalis nyo po para mag lunch..." nag - aalangang sabi nya. Kumunot na naman ang noo ko sa sinabi niya . Ohh.. so after pala naming mag-encounter kanina sa taas, dumiretso pala dito ang matanda! "Come with me inside.." sabi ko at nauna na akong pumasok sa loob . Di muna ako tumuloy sa aking table kundi inantay ang pag pasok ni Tere. Na-curious din ako sa kung anong ginawa ni Elena dito sa 5th floor. Ang Marketing ay nasa 3rd floor. Maya-maya ay pumasok na si Tere. "Why was she here?.. " tanong ko, di ko na rin napigilan ang sarili kong magtanong. " Nagulat din po kami nung pumunta sya dito, maam. Sabi nya po habang nasa harap ng pinto ng office nyo na malapit na daw pong magkaroon ng bagong Department Head ang Accounting.." salaysay nya habang naka tungo. Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Tere . Ano kaya ang pinagsasabi ni Elena? May binabalak ba sila againts me? Mukhang kailangan kong maging alert at mag ingat. Baka meron silang gagawin na makakasira sa akin. Lumakad ako papunta ng table ko. Pero nanatili pa rin akong nakatayo. "Yung lang ba ang sinabi nya..?" di ko na naman napigilan ang sarili kong magtanong . Nakarami na akong salitang nasabi this time . Very unusual of me. " ..M-m-madami pa po maam, p-pero.. di ko po kayang ulitin ang mga salitang sinabi nya...s-sorry po.." pautal - utal nyang sagot. Pinigil ko ang aking sarili dahil alam ko ang ibig sabihin ni Tere . Siguradong puro paratang na salita ang mga sinabi nya . At malamang masasakit na salita iyon kaya ayaw nyang ulitin . Pinilit kong itago ang kanina ko pang pinipigil ba galit ko dahil ayokong makita ni Tere na affected ako sa ginawa ni Elena. I took a deep breathe, then I said "thank you" to Tere and then she left. Naiwan akong rumbled ang iniisip. Kanina lang, sinabi ni Sir Baste na meron syang surpresa sa akin . Now may sinabi rin si Elena na nagpa surprise nga sa akin.. Ano kaya yung surpresa ni Sir?.. Ano kaya ang mangyayari sa Monday? .. Ano kaya ang ibig sabihin ni Elena sa sinabi nya..? May kinalaman kaya ito sa pinapagawa sa akin ni sir? Ang daming nabuong katanungan sa isip ko at sa totoo lang, na-apektuhan talaga ako at parang di ako makapag focus ngayon magtrabaho.. I think I'll call it a day...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD