bc

Sexy Voice of a Gamer Goddess

book_age16+
19
FOLLOW
1K
READ
fated
dominant
badgirl
independent
self-improved
dare to love and hate
mystery
MMORPG
chubby
like
intro-logo
Blurb

Dione is an online Gamer. Not just an ordinary but an adept gamer.

Marami sa mga nakakalaro niya ay nabibilib sa lakas niya. Karamihan sa mga ito ay mga lalake at nagpapanggap na babae upang magpabuhat sa pag-aakalang lalake din siya. And when they ask to play with her on the next game, automatic na magdedemand siya ng "mic on". Karamihan sa mga player ay natatakot na mabuking at masabihan na, "Pre, ang harot-harot mo lalake ka pala."

But when they heard her voice ay tila mga natutunaw sa kilig at nabibighani sa ganda ng boses. Ano nga bang nasa likod ng magadang boses na ito?

Boses na misteryo sa karamihan ng mga lalake at pinagpapantasyahan pa ng iba.

O baka naman hanggang boses lang pala pero sa totoo matrona?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Boy's Fantasy
Isang misteryosong lalaki ang nasumpungan ni Dione na humahalik sa kaniya habang naglalaro ang mga kamay sa kaniyang dibdib. Madilim at hindi niya ito maaninag. Gustong tumutol ng isip niya ngunit gustong-gusto ng katawan niya ang makamundong ginagawa ng lalaki sa kaniyang katawan. Mabango ang hininga nito at napupuno ng amoy ng katawan nito ang paligid ng kaniyang kuwarto. A fresh masculine scent huh. Bahagya siyang nangaligkig sa lamig at napagtantong wala na siyang saplot. Paano nangyari 'yon? Saka sino siya? Pero imbis na maisatinig ito ay impit na ungol ang pinakawalan niya. Halatang nagustuhan ito ng kaulayaw at unti-unting bumaba ang kamay nito para paghiwalayin ang kaniyang mga hita. "I'm coming in Baby." Mapang-akit na tinig nito na habol ang hininga sa pagpapalang ginawa sa kaniyang katawan gamit ang mga labi. Pamilyar ang boses nito pero sino? At ganap na ipinasok nito ang p*********i sa kaniyang p********e. Ahhhhhh.... Malalim na hininga ang impit niyang pinakawalan. Noon niya lang ulit ito naramdaman. Nagsimulang gumalaw ang armas nito at labas pasok sa kaniyang ari. Ahhhhh... Naramdaman ni Dione ang pagtibok ng kaniyang p********e bilang senyales na nagugustuhan nito ang ginagawa. Napahawak siya dito. Paano ko nahawakan eh nasa ibabaw ko siya? Naputol ang pantasya niya ng magising na yakap ng isang bisig ang sarili. At ang isa ay nakakapit ng mahigpit sa kaniyang p********e. Panaginip! Sheeeet! At nanguyapit sandali dahil damang-dama niya ang pagtibok ng ari. Ilang saglit niyang pinisil ito. Tumigil ka na. Ahhhhhhh.. Hindi niya malaman ang gagawin. Huminga siya ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili. At inilapat niya ng kaniyang katawan sa malawak na kama. Ibinuka ang mga bisig at pinakikiramdaman ang tensiyon ng katawan na unti-unting nawawala. Limang minuto siyang nasa ganoong ayos ng bumangon siya at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Sakit ng puson ko sheeeet... Naiinis siya sa sitwasyon niya. At the age of 28 ay single siya. Bakit nagkakaganito ang katawan niya ngayon? Ganun siguro kapag naranasan mo na ang luto ng Diyos at matagal na nabakante ngayon. It's not her first boyfriend that took her virginity. Maybe pang-apat na ito sa mga naka relasyon niya and 19 na siya kaya nagpasiya siyang ibigay ito. Ito ang panahon kung saan hindi na bigdeal ang virginity ng mga babae. Noon siya natuto ng lahat. Doon niya natikman kung gaano kasarap ang luto ng Diyos. Oo aminado siyang minahal niya ito ng lubos. Ibinigay niya dito ang lahat, ang buong pagtitiwala, ang buong puso niya. Pero tumagal lang ng isa't kalahating taon ang kanilang relasyon. Ito pa mismo ang nakipagbreak sa kaniya. Hindi niya matanggap iyon. Sa dami ng lalake na nagkakandarapa sa kaniya, sino siya para gawin sa kaniya 'yon? Lakas makagwapo ah. Isang linggo siyang nagmukmok noon. Ultimo mga kaklase at kaibigan niya noong college ay hindi alam kung gaano kabigat ang kaniyang pakiramdam. Hanggang sa nagpasya siyang mag-move on. Ang mga walang kwentang tao ay hindi karapatdapat pagluksaan. Simula noon ay naging wais siya sa mga naging karelasyon niya. Nawalan siya ng gana pagdating sa s*x at tumatak sa isip nya na manggagamit lang ang mga lalake. So, natuto siya na patakamin ang mga ito. Maglaway ka pero hindi mo ko matitikman. Hanggang kiss at petting lang ang ibinibigay niya sa mga naging kasunod niyang karelasyon. At kapag naramdaman niya ng lumalalim na ito ay bigla niyang puputulin. Umuuwi siya para magsarili na lang since solo naman siya sa bahay na nirerentahan niya from her own allowance nung college siya. Afford naman dahil malaking magbigay ng allowance ang parents niya. Unica hija kaya ganon. Pero minsan inisip niya rin kung paanong magulo at masaya ang buhay kung meron siyang kapatid. Ano bang oras na? Bahagyang tumingin sa wall clock. 6:30 lang pala. Nakatulog pala ako pagkakarating ko kanina sa sobrang pagod. Ganito ang buhay niya ngayon, wala siyan karelasyon sa panahon ngayon at hindi na kinakaya ng demand ng kaniyang trabaho so nagpasya ito na focus na lang muna sa napiling career. Past 7 in the evening ng pumasok si Dione sa kanyang kuwarto. Nagawa na niyang linisin ang katawan sa maghapong nakakapagod na trabaho. Nakapagbihis na din siya at komportable na haharapin ang stress reliever niya. Ano pa nga ba? Eh 'di playtime na. Kinuha ang kaniyang headphones at isinuot. Inayos ang malambot na unan at nadapa dito hawak-hawak ang kaniyang cellphone na hindi man kamahalan pero masarap gamitin panglaro. Binuksan niya ang paboritong Game app at nag claim ng mga coins and gifts na everyday ay meron basta nagbukas ka ng app na yon ay may makukuha ka. Saglit na tiningnan ang mga online gamer. "Luh.. my invite? sino kaya to?" Nagchat siya dito gamit ang chat box ng laro. Ayaw niya kaseng basta basta sumama sa players na di niya kabisado ang Play at baka maubos lang ang stars nya. Mazekeen ang IGN(In Game Name) niya. Mazekeen: lods, sino ka nga? Anonymous: luh limot mo na ako agad? Mazekeen: sori lods sa dami kase ng nakakalaro ko hindi ko maalala kung sino ka don. Anonymous: nice sana ol famous Mazekeen: hindi naman lods, gusto ko lang naman na ung laro natin ay kahit hindi mag chat nagkakaintindihan. tamad kase ko mag chat kapag playing na Anonymous: ah sige ok lang.. next time na lang pa out na din ako eh. Matapos non ay naglaro si Dione ng mag-isa. 'Di ko naman kaylangan ng ka duo'. Wika ng mayabang niyang pag-iisip. Nagsimula na ang pagpili ng mga Hero at mga role. Limang hero kada team na may mga role na Core, Tank, Marksman, Mage/Support, at Fighter. Lahat ng Role ay kabisado niya. Kaya mas pinipili niya na siya ang huling pipili kase hindi lahat marunong mag-adjust ng position. Player1: Mazekeen anong hero mo? Mazekeen: Kahit ano! Player2: What position? Mazekeen: kahit ano wag lang dog style Player3: ? pumili na lang kayo dmi niyo sinasabi. yaan nio siya mag adjust Nakapili na ang mga ka-Team niya ng Hero. As usual, ako na naman ang tank. Mahiya naman sana mga to kung mga lalake to. At nagsimula na silang maglaro. Player1: tank pasama sa buff o kaya pa delay ng kalaban Okay. (Tugon ni Dione gamit ang premade response sa laro.) Tagilid ang laban. Gap na ang team nila Dione sa golds. Hirapan silang maka build. Player2: ang bobo kase ng core Mazekeen: wag niyong awayin. tower hug lang please. Player3: sakin kna lang tank. ako na lang bantayan mo. Mazekeen: oo nadalaw naman ako. kulang pa ba rotations ko nkkpagod dn naman to. Player4: pabayaan mo ung core bobo yan Mazekeen: tiwala lang. Unti-unti ng nauubos ang tore nila. Nag-Lord pa nga ang kalaban. Player4: defense lang.. Mazekeen: paki taymingan set ko. Player2: Bilis! Mazekeen: Timing lang. Trust me. Player 3: Core wag tatanga-tanga ha. Hintayin mo set ng tank. Matapos ma-def ng team ni Dione ang lord ay hindi tumigil ang kalaban sa pag atake. Dahilan upang makakuha siya ng Tiyempo at hulihin ang lahat ng ito sa isang set lang. Kasunod ay ang ultimate skill ng Marksman at Mage at pagpuntirya ng Fighter sa tank ng kalaban dahilan upang hindi nito madepensahan ang free hitter. At ang huli ang pagpasok ng Core na dahilan ng pag kaubos ng kalaban. Wipe out. Player2: Woohhh nice one Lodi! Player3: all mid. Player1: ako na def. Player4: dpat lang core. GG kami sau eh. Player1: Sori na uwu! Mazekeen: Nice one baby! Player1: tenk u At nabawi nila ang laro. Naipanalo nila ito. Player1: Followback Tank. Mazekeen: Maya na puno pa. Sumunod dito ay laro ay nahila si Dione ng Marksman kanina. Player2: bhe, pabuhat naman. Mazekeen: ? ako po papabuhat Player2: lakas mo kaya. Baby na kita? Mazekeen: baby agad? Player2: Need ko kaduo eh ung matigas. Sintigas mo. Uwu! Mazekeen: hakdog! Player2: payag kna baby, Uwu sasarapan ko para sayo. Mazekeen: open mic Player2: ? ahm.. ayoko mag lalag ako eh. Mazekeen: ayoko ng kaduo na naka off-mic. Player2: Baby naman eh.. wag na lika na. (pinagpapawisan baka mahuli na lalake siya.) Player2: ah.. ano kase..baka kase ano.. mahuli mo na may lawit ako.. nag-open mic na si Dione. Mazekeen: ano naman? barbie kba? Nagulat ang lalake sa kabilang linya. Parang dinuduyan sa ulap at napa-open mic na din. HotChick ang IGN nito. HotChick: hindi ah. ikaw naman kala ko kase lalake ka eh. (Mejo nahihiyang turan nito) Mazekeen: ah kaya ang landi landi mo. Kala ko tuloy bakla ka. HotChick: Alam mo na lalake ako? Mazekeen: oo wla namang ganyang babae nang pe flirt para lang magpabuhat. Lalake pa nag-iinsist na magbuhat kapag nalaman niya na may babae siyang kakampe. HotChick: Well sa kaso mo hindi ka naman pabuhat. Malakas ka pa sakin eh kala ko tuloy lalake ka. Tuloy lang ang usapan nila hanggang sa magsimula ang laro at makapili na sila ng hero. Mazekeen: So, nagpapanggap kang babae para magpabuhat sakin na akala mo lalake nga? HotChick: Nakakahiya man pero ganon. Mazekeen: Ahhhh... Ah.. bilisan mo mamamatay ako HotChick: sheeet.. wag ka sumigaw ng ganon Mazekeen: Bakit? eh sa maingay ako maglaro HotChick: Tumitigas ung ano. Mazekeen: luh! Ang kalat mo baka marinig ka nila HotChick: Hndi yan naka set naman na ikaw lang mkakarinig sakin Mazekeen: Pre wag ganyan laro lang ? ooohh.. bilisan mo ayan na.. Pasok! HotChick: Ayan na pinasok ko na! Ahhhh.. tira pa! Mazekeen: ughhh.. isa-isa lang.. Mesheket.. Ahhhhh Double Kill. Triple Kill. Maniac. HotChick: Nice Baby.. oHhhhh Mazekeen: yes Daddy... ouhmmm.. HotChick: isa pa Bhe tira! SAVAGE! Mazekeen: Uwooooohhh.. HotChick: Aannnnghhh.. Sarap mo! Mazekeen: haha.. landeeeee! HotChick: Baby isa pa next game. Mazekeen: hahahahaha yoko na ang halay mo HotChick: wag kang tumawa Baby nalulunod ako.. Mazekeen: Hala pre wag kaseng ganyan laro lang to pre. HotChick: May boyfriend kna ba? pwde ako na lang? Mazekeen: hindi ko feel magkajowa sa online. Ayos pre laro lng to. HotChick: Tinitigasan kase ako. Mazekeen: magagalit sakin ang freezer niyan eh. Bakit ka titigasan ano kba naman? HotChick: ang ganda kase ng boses mo. kahit 'yung sumisigaw ka sa laro pagdelikado ka na. Pakiramdam ko niroromansa kita. Mazekeen: lol! imagination mo lang yon. Walang halong kalandian ang pagsigaw ko noh! HotChick: Siguro nga hindi mo intensiyon. Gusto ko yan inusente. Mazekeen: luh kuya wag po! HotChick: uhhh.. kahit yang simpleng salitang yan na a arrouse ako. Mazekeen: Sige po kuya goodnight na po. At nag-out bigla si Dione. OMG! Manyak . . . My goodness! Ayoko na nga. Imbis na maglaro enjoy lang sana pagpapantasyahan ka pa. Ding! Isang tunog mula sa kaniyang cellphone ang humikayat sa kanya na hawakan itong muli. lsa itong chat message mula kay Ahron na suki niyang kalaro. "Laro tayo mam?" Mam kase alam nito na isa siyang guro. "Ayoko!" "Sungit naman mam. Ano bang nangyare sa'yo?" tanong nito na may halong pag-aalala. Tinamad naman magreply si Dione sa sobrang inis. Maya-maya ay tumawag na si Ahron. "Oh!" tugon ni Dione. "Ma...am . . . " tinig na may halong pag-aalala ang sambit ng binata sa kabilang linya. "Bakit nga!" iritadong tugon ni Dione. "Ang sungit mo naman! Napano ka ba?" "Naglaro ako! 'Yung huling kalaro ko m******s!" iritable niyang tugon. "Hala anong ginawa sayo?" alalang-alala na pag-uusisa nito. Ikinuwento ni Dione ang nangyare. Tawang-tawa si Ahron. "Mam! Kalma ka lang... naiintindihan ko naman siya bakit ganon eh. Intindihin mo na lang din. Matalino ka naman eh." "Intindihin ko na pati online games talamak.ang m******s?" sabay ikot ng mata at umirap na parang nandidiri. "Mam! tanda mo nung una tayong magkalaro? Liligawan pa sana kita non eh. Kaso masiyado kang prangka sinabi mo totoy pa ako, at teacher ka." "May problema ba don eh honest lang ako!" kasunod ang malalim na buntong hininga. "Mam, 'di ba ng sabihin mo na 28 ka na ayoko maniwala. Kase 'yung boses mo kala mo pang highschool." wika nito na halata sa boses na nakangisi pa dn. "Oo kase palibhasa 18 ka na pero 'yung boses mo pang trenta anyos na!" masungit na sagot ni Dione kay Ahron. "Grabe ka sakin! Hahaha. Pero seryoso mam kase ang cute cute mo talaga. Liligawan nga sana kita kaso ayaw mo sa bata." puno ng pang-aasar na turan nito. "Jusmio marimar sa 10 years na tanda ko sa iyo! Woi! Tigil-tigilan mo nga ako at mag-module kna lang." nanggigigil na bigkas ni Dione at halatang-halata sa boses na iniipit ang labi sa gigil. "Halika na nga mam laro na lang tayo akong bahala babakuran kita sa laro." panghihikayat ni Ahron dito. "Wait lang 'diba natin hihintayin si Ron?" Si Ronnie ang ka-trio nila na para kay Dione ay magkakasundo ang galaw nila sa Laro. Kaya kampante siyang kasama ang dalwang ito. "Tawagan ko lang mam ha. Stay put ka lang diyan." kalmadong wika ni Ahron. Magaan ang loob ni Dione na kalaro sina Ahron at Ronnie. Pakiramdam niya ay mga estudyante lang niya ang mga ito. Pero sa dalwang ito, si Ahron ang magiliw sa kaniya. Ramdam niyang tuwang-tuwa ito kapag kausap siya. Si Ronnie kase laro lang yon. Nang maghasik ng kalandian ang Diyos nagpayong ata si Ronnie kase sobrang immune nya sa ganong bagay. Talagang laro lang kaso minsan boring ito para kay Dione. Seryosong masiyado at hindi mo mabibiro sa laro. Kabaligtaran ito ni Ahron. Kaya para kay Dione balanse silang tatlo kung magkakasama. "Tara na Mam. Open na!" Chat ni Ahron na ang tinutukoy ay mag-open na ng laro. Then they start to play. Ahron uses the IGN D'Sauce and Ronnie uses Ronskie. Nagsimula na sila ng first Game. As usual, they talk while playing thru mic. D'Sauce: ano sayo mam? Mazekeen: any Ronskie: tank mam Mazekeen: ako na naman ang nakita niyo D'Sauce: alam mo namang offlane ako eh. Ronskie: oo ako core eh. Hindi ako mag core kung hindi ikaw Tank. Mazekeen: okay. Kapag ganito na Trio sila, malamang sa malamang na duo ang dalwa nilang kasama. Player1: Ganda ng boses ni ate. May bf ka na po? Player2: Baka pwede mag-apply. Deadma naman si Dione. D'Sauce: Woi! Wag kang epal diyan amin lang yan. Ronskie: hahahaha (no comment) As usual, para siyang patay na bata. Player1: Ay bakit umeepal kuya? Boyfriend ka po ba niya? Hindi makasagot si Ahron. Mazekeen: 'Wag mo patulan. Madidistract ka lang eh. D'Sauce: Epal eh. Alam mo naman mam baka pormahan ka eh. Player1: Bakit mam? Kalaro mo teacher mo? Mag module ka na lang uy! D'Sauce: Oo bakit? Astig kaya yan si mam, mas malakas pa yan lumaro sa'yo. Player2: Hala laro na. Tama na yan! Tigilan mo na pre at deadma naman sa'yo si Ate. Baka ganon tlga pag maganda. D'Sauce: Maganda talaga yan. Crush ko nga 'yan eh. Mazekeen: Wui Thamus wag kang maingay! (Thamus ang name ng main hero ni Ahron. At talaga namang malupit kaya madalas na Thamus lang din tawag ni Ronnie at Dione sa kanya.) Mazekeen: i-off mo ung audio wag kase all para di mo marinig. Player1: Damot naman ni ate, para san pa to kung 'di mo kami pakikinggan. Mazekeen: pakikinggan ko naman kayo. 'Yung kasama ko lang hindi makatiyaga sa inyo so pasensya na din. Saka laro lang tayo huwag 'yung dto pa kayo sa laro maglalandi. Player2: sori po! At nagpatuloy sila sa laro. Masayang naglalaro ang tatlo. Nagkukulitan, nagtatrashtokan, nantatrashtok ng kakamping hindi nila kasama. Routine na nila to. Hanggang sumapit ang alas dose ng hatinggabi. Ronnie: tulugan na mga pre. Dione: ok pre. goodnight! Ahron: aba mam. Pre na ang tawag mo samin ah. Dione: Ano naman? Palibhasa gusto mo Baby. Nice one baby hahahaha. Ahron: Uwoooohhh Ronnie: eeewww. Dione: Arte mo boss Ron. Samang sama mong lalake! Ano pa kaya kung gumwapo ka? Ronnie: si Ahron ini Eewww ko. Walang respeto naman kase mam. Dione: Yes Daddy! Ahhhh Ahron: hahahaha mam tama na nagagalit c Ron. Dione: ano ba nakilala naman niya ko makulit talaga ako maglaro. Ahron: Mam wag ka mag Yes Daddy pag may iba tayo kasama. Baka magtakbuhan kami sa cr. Ikaw din maiwan ka mag-isa. Dione: Anong meron sa cr? Ahron: wala mam. Nagagalit na si Boss Ron. Dione: wala naman sa kanya yon. Alam niyang makulit ako deadma lang yan. Ikaw lang naman tong mahalay eh. Ahron: Ay anong gagawin ko hindi ko mapigilan. Dione: Uminom ka ng Benditadong Tubig. Ronnie: Oo nga pre baka mawala yang init ng katawan mo. Ahron: hindi kaya lalong uminit at umapoy? Ronnie: eh d tama 'pag nag apoy ka matatalpog ka mamaya abo ka na lang eh 'di mawawala din init mo. Pugnaw na eh! Dione: Buti pa talaga c Ron. Ikaw Ahron ikaw tong pinakabata ikaw tong mahalay eh Ahron: Mam naman. Dione: hala out na! Pagkatapos non ay nag-out na siya. Ayaw na niya patagalin kase sadyang makulit c Ahron. May pasok pa naman siya bukas. Bumangon siya at uminom ng tubig. Sumagi sa kanyang isip ang sinabi ng kalaro nila kanina. Tigilan mo na pre at deadma naman sa'yo si Ate. Baka ganon tlga pag maganda. Lumapit siya sa full body size niyang salamin. Maganda ka nga ba? Ang taba mo kaya! Oh bakit? Pag-mataba ba pangit na? Sinipat niya ang kanyang Mukha. Madaming marka ng pimples na nakuha niya yata sa stress niya simula ng pandemya. Kung noon 'di bale ng mataba makinis naman. Ngayon mataba ka na panget ka pa san ka pa? Nahiga na siya matapos makainom ng dalwang baso ng tubig. Routine niya 'to para masiguro na magigising siya bukas para makapasok. Malaki ang nabago ng pandemya sa buhay niya. Tumaba siya ng tumaba. Tinagihawat siya. Hindi siya nagluluto sa bahay. Kapag nagutom nagpapadeliver na lang. Sobrang tinatamad siya kumilos sa dami ng ginagawa niyang trabaho. Gagawa ng module, magpiprint, mag i-stapler, sort ng module kase 10 subjects ang isang bata, then mangungulekta ng answer sheets, magsosort ulit, at magchecheck. Pagka check magsosort ulit. Ibibigay naman sa mga bata. Ni weekends niya hindi niya ma-enjoy. Although kumpara sa mga katrabaho niya, mabilis pa siyang nakakatapos at hindi nale-late pagbibigay ng module, grades, exam, answer sheet. May maririnig ka pa na 'Chill ka pa mam D! Nagagawa mo pa maglaro.' But deep inside hindi na siya masaya. Wala na siyang Social Life. Kung noon inuumaga siya sa inuman at party party kasama ng mga kaibigan. Ngayon wala ng ganon. Ni hindi niya alam kung makakapag-asawa pa siya. Wala na ata sa bokabularyo ng tao ang mag-asawa sa panahon ngayon. Paglapat ng likod niya sa kanyang kama ay hinawakan ang cellphone. Pinagmasdan ang mga throw back pictures kung saan campus heart throb pa siya noong High School. Ang sexy ko noon. Siksik na ngayon. Ang ilang pictures ay noong college siya. Noon 'yung panahon na kaliwa't kanan ang nanliligaw sa kanya. Na bagama't may pagkaboyish kung magdamit at may pagkarakista, hindi niya din alam kung anong meron at maraming lalakeng umaaligid sa kanya. Yes! Marami siyang naging boyfriend noon. Kapag napag-uusapan sa trabaho ng mga Marites niyang kasamahan kung ilan naging mga exes nila. Namamangha sila pag-sinasabi ni Dione na pito. Wala pa 'yung fling. Wala pa 'yung mga nagpiprisintang escort niya 'twing may lakad o niyayaya siya sa dates. Ilan sa mga iyon ay kaibigan lang ang turing niya pero alam niyang may pagnanasa sa kaniya. Ikaw naman kasi! Kapag nagsawa ka nilalayuan mo na! Ang bilis nga naman niyang magsawa noon. Sa mga ex din niya na isang pagkakamali ay madali siyang nawawalan ng gana at sinasabi ang mahiwagang kataga na 'Break na tayo! Ayoko na sa'yo. Hindi na kita mahal.' Lakas makaganda teh! Ganda yarn? Ano ka ngayon? Boses ka na lang? It's been 4 years since her last relationship. They broke up ng dahil lang nagsawa siya sa long distance relationship. Taga-Pangasinan ang ex niya at nakilala niya lang ito noong college siya. Nakasama niya ito sa isang conference for their course. Yes medyo parehas sila ng course although magkaiba ng school na pinapasukan. Nagtraining sila noon sa UP. Graduating na sila at boot camp iyon ng mga IT. Bachelor of Science Applied Mathematics with major in Information Technology ang course ni Dione. Kakaiba ano? May ganong program sa school na pinapasukan niya. At Bachelor of Science in Information System naman sa ex niya. May iba nga siyang boyfriend noon at selos na selos dito kase nararamdaman na gusto siyang pormahan. Napakaseloso naman ng boyfriend niya noon eh pero ang totoo siya pala ang nagloloko. Eto namang si IT guy ay patuloy lang na nagpaparamdam at nanliligaw sa kaniya noon. Noon una palihim kase nagseselos nga ang kasalukuyan niyang boyfriend. Pero hindi nagtagal sinagot niya din ito ng dahil nagloko nga ang boyfriend niya noon. At nakabuntis pa nga. To cut the story short, their course of her last boyfriend was both related to IT. Maybe kaya nahilig si Dione sa Games. Pangarap niya sana maging game developer eh. Ang nangyari kase nagturo na lang siya. Ayaw niyang tumira sa Manila kase ayaw niya ng maingay at mausok na paligid. Kaya nagresign siya sa first job niya. Magkalapit lang noon ang company na pinagtatrabahuhan nila so madalas silang magkasama noon. Pero nasawa siya sa maingay na siyudad. Dagdag pa na nagiging sakitin siya. Nagkaroon siya ng asthma siguro dahil na rin sa init ng temperatura sa manila then papasok siya sa trabaho na fully airconditioned. College pa lang siya ganon na ang routine dahil fully airconditioned din naman mga rooms nila. Then kapag naman nagkakasakit siya solo lang siya kasi hindi din naman basta-basta nag aabsent ang boyfriend niya noon, estudyante man sila o working na. Siguro dahil nagsisimula pa lang sila at parehas nagpapasikat for promotion. Then dumating ang time na sabay na namaalam ang magulang niya due to car accident. Doon niya narealize na hindi naman ganoon kaimportante ang success kung hindi mo naman nabibigyan ng time na makasama ang mga mahal mo sa buhay. At sa klase ng buhay meron sa city hindi mo mararanasan 'yon. Magiging busy ka lang hanggang sa mausisa mo matanda ka na, sakitin ka na, o namatay ka sa aksidente sa dinami-dami ng sasakyan sa Manila. Naghangad siya ng simpleng buhay. Magturo sa probinsya. Ang galing nga kase Math subjects ang hawak niya. Umasa siya na mag a-adjust ang boyfriend niya at maiintindihan ang goal niya. Pero tuwing makakabakasyon ito ay sa Pangasinan ito umuuwi. Katwiran nito ay gusto niyang makasama ang magulang at mga kapatid. May point naman ang ex niya doon. Kaso, 'Paano naman ako eh mag-isa na ako. Hayaan na nga baka nakatadhana akong tumandang dalaga'. Ayaw naman niyang tumira sa Pangasinan. Andito naman sa probinsya nila ang iba niyang relatives at mga pinsan. Mga kaibigan niya na andito pa din naman. Eh 'di diyan ka sa Pangasinan. Dito ko sa Quezon Province. Nagsawa si Dione sa ganung set-up at nakipagbreak. Hindi din naman masyadong tumutol ang boyfriend niya non. Maybe hindi naman talaga ako ang priority. Hindi umabot ng 3 years ang relasyon nila. Infairness, iyon ang pinakamatagal. Matagal na din siguro bago ito masundan. Before kase halos hindi naman siya nababakante kase kaliwa't kanan ang nagpaparamdam sa kaniya. Siya dn naman tong hindi masiyadong sineseryoso ang relasyon ng dahil ayaw niyang ma-attach masyado. Ayoko lang maulit na sila pa talaga makikipagbreak eh hindi ka naman kagwapuhan ui. Inis na naalala ang ginawa sa kanya ng ex nya na nakakuha ng virginity niya. Bahagyang naalala niya ang itsura nito. Hindi naman kaguwapuhan sa kanya pa talaga ako pumayag ano? Nagayuma lang yata ako ng hayop na 'yun! At tumunog ang kanyang phone.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The naive Secretary

read
69.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook