Story By Reyzelle Palenzuela
author-avatar

Reyzelle Palenzuela

ABOUTquote
- Fun to be with - Single mom - i show my self on the way i wanna be and i don\'t care what people think about me. If you don\'t like me then same to you.
bc
Switch
Updated at Aug 6, 2023, 06:17
"Dad! I told you ayoko ng bodyguard." Matigas at matapang na tinig ng isang dalagita ang umaalingawngaw sa mansiyon ng mga Montefalco. "Alam mong hindi puwede anak." Malumanay ang tinig pero mauulinigan ang dignidad sa boses ng ama nito. Siya si Marco Moltefalco, isang multi-billionare business man. "Anak, alam mo naman ang kinamatay ng mommy mo hindi ba. Ang totoo ay nagmana si Danielle sa kanyang ama. Matapang, matalino, may paninindigan. Leader ng mafia si Marco Montefalco. Sa murang edad ay maagang namulat si Marco sa sindikatong pinatatakbo ng kanyang ama. Inampon siya nito ng mapabilang siya sa mga batang ibinebenta ng sindikato noon. Hindi gusto ng kanyang ama ang ganoong transaksiyon kaya pinakawalan nito ang mga bata dahilan upang tumiwalag ang kaniyang ama sa grupo. Dahil bago mapabilang si Marco sa mga batang iyon ay ulila na siya at walang ibang mapupuntahan. Nahabag si Martin Montefalco at kinupkop siya nito. Nagtayo ng bagong organisasyon ang kanyang ama. Kinakalaban niya ang mga sindikatong nandadamay ng mga menor de edad. Nagtayo ito ng martial arts school kung saan nagbibigay ng scholarship sa mga ulilang bata na nareretrieve ng sindikato at wala ng pamilyang uuwian. Katulong si Marco ay napalaki nila ng kaniyang ama ang paaralan at iba't-ibang sports ang tinetrain dito. Ang iba dito ay inilalaban sa larong pambansa at umaabot pa sa olympics. Hindi naglaon at pumanaw ang kaniyang ama pero napalago nito ang negosyo at nagtayo ng security agency kung saan dinedeploy ang mga well-trained na bata sa kanilang paaralan. Ang iba sa mga ito ay sumasama sa operasyon at oo marami silang nakalaban na grupo. Kasama si Marco sa operasyon at may ilan sa mga miyembro nila ang nasasawing palad. Noong una ay walang takot si Marco sa pakikipaglaban ngunit nagkaron siya ng takot simula ng makilala niya ang ina ni Danielle. Natatakot siyang madamay ito kapag nagkaron ng engkwentro sa mga sindikatong nakakabangga nila. At nangyari na nga ang kinatatakutan niya. Maagang naulila sa ina si Danielle. Isang reason kung bakit overprotective si Marco dito. Pero ewan niya ba sa batang ito at maliit na paslit pa lang ay tumatakas na sa mga bantay hanggang ngayong nagdalaga na ito. "Sabihin mo ang dahilan kung bakit ayaw mo ng bodyguard. Bigyan mo ako ng mabigat na dahilan na magpapabago ng pananaw ko." suko na ito. Alam niyang hindi ito titigil hangga't hindi niya ito nauunawaan. "Dad, I wanna live a normal life. Ayoko ung palaging may nakasunod sa'kin. Ayoko ng may nagbabantay sa kilos at galaw ko kase hindi ako makahinga. Wala akong tunay na kaibigan sa school. Ultimo teachers ko natatakot na yata sakin. Pakiramdam ko lahat ng sabihin at gawin ko walang puwedeng tumutol kase isang maling galaw lang nila pwede nilang ikamatay. Gusto kong maranasan kumilos ng normal. Hindi sa kinakahiya ko ang pinanggalingan mo Dad. I was thankful and proud to have a great father like you. At sa lahat ng nagawa mo kahit gangster ka ginagawa mo 'yung tama. Pero gusto kong mamuhay ng normal." Nangingilid ang luha sa mga mata ni Danielle habang pilit na sinasambit ang mga katagang ito. "Pero paano ko masisiguro ang kaligtasan mo anak? Natatakot akong pati ikaw ay mawala sakin." Halos sumuko na si Marco dahil alam niya na may katwiran ito at alam niyang isang malaking bagay na ipinagkait niya sa kaniyang anak ang mamuhay ng normal. "Dad, I can defend myself right. I was well-trained with your different maritial arts master." "Hindi iyon sapat at alam kong alam mo yan. Maraming bagay ang hindi natin kontrolado. Alam kong kaya mong lumaban sa sampung normal na tao pero mga beterano din at hindi natin kilala kung sino ang kalaban." "Okay fine. Papayag ako in my own terms." Matapang na wika ni Danielle. "What terms?", bahagyang nabigla na may halong pangamba si Marco. "Kung magkakaron ako ng bodyguard, gusto ko isa lang at hindi siya aastang bodyguard. He/She will act in a normal way. Paano? Magiging classmate ko siya at makikilala siya ng mga kahalubilo naming tao na bestfriend ko. In short, hindi dapat magkakalayo ang agwat ng edad namin. Lilipat ako ng school ayoko na sa school ko ngayon kase kilala na don ang image ko. Papayag ako na meron kaming isang kasamang adult pero driver lang at sa kotse lang siya maghihintay. Hindi niya kami susundan." Napapailing na lang si Marco dahil alam niyang mahihirapan siya dito. Sixteen years old si Danielle so posible na 18 ang maximum age na puwede niyang kuning body guard nito. Hahanapin pa niya kung sino sa mga scholars niya ang papasok sa kondisyon na gusto nito.
like
bc
Sexy Voice of a Gamer Goddess
Updated at Aug 1, 2023, 20:07
Dione is an online Gamer. Not just an ordinary but an adept gamer. Marami sa mga nakakalaro niya ay nabibilib sa lakas niya. Karamihan sa mga ito ay mga lalake at nagpapanggap na babae upang magpabuhat sa pag-aakalang lalake din siya. And when they ask to play with her on the next game, automatic na magdedemand siya ng "mic on". Karamihan sa mga player ay natatakot na mabuking at masabihan na, "Pre, ang harot-harot mo lalake ka pala." But when they heard her voice ay tila mga natutunaw sa kilig at nabibighani sa ganda ng boses. Ano nga bang nasa likod ng magadang boses na ito? Boses na misteryo sa karamihan ng mga lalake at pinagpapantasyahan pa ng iba. O baka naman hanggang boses lang pala pero sa totoo matrona?
like