The dark past of young master.
"Son, this is Liam. Anak siya ni Malcolm." Si Malcolm ay kanang kamay ni Vernon Argañoza. Na namatay sa operasyon ng Mafia na pinamumunuan nito. Oo! Vernon is a Mafia boss that deals with advance gadgets and weapons. Pinasok ang production site at muntik ng mabaril sa engkwentro si Vernon. Inakala niyang wala ng buhay ang isa sa mga espiyang naghandusay sa kanyang paanan kaya tumalikod na ito at lumakad palayo. Kasabay niyang naglalakad si Malcolm na hindi mapuknat ang paningin sa mga nakahandusay na ito. Maagap naman na nakita ni Malcolm ang isa na bahagyang kumibot at inangat ang baril. Mabilis na bumunot si Malcolm ng baril at sinubukan niya itong kalabitin ngunit wala ng bala ito na nagamit sa katatapos lang na engkwentro kaya iniharang na lang ang sarili. Sa dibdib ni Malcolm dumapo ang bala na dahilan ng pagkamatay nito at hindi na umabot sa ospital.
"Anak dito na muna satin siya titira kase walang ibang titingin sa kanya. Puwede mo siyang ituring na kapatid." Malumanay na paliwanag ni Vernon sa anak.
"Hello! Ako si Henrick." nakangiti ang inusenteng pitong taong gulang na paslit. "Ilang taon kna?"
Nakayuko si Liam at hindi mawari kung natatakot o nahihiya ito. Nagtago ito sa likod ni Vernon.
"He was same as your age. Sige na Liam, h'wag kang matakot. Kakampi mo kami." Banayad na tinig para mawala ang pag-aalinlangan niya sa sitwasyon. Ilang beses na sinabi ng kaniyang ama na huwag basta-basta magtitiwala sa kung kanino. Si tito Vernon mo lang ang tanging taong pinagkakatiwalaan ko. Sariwa pa sa alaala ni Liam ang tinig ng kaniyang ama. Wala siyang kaibigan at hindi nakikihalubilo sa mga batang kaedaran niya. Pero mas matured ang kaniyang pag-iisip at sa murang edad ay tinuruan siya ng kaniyang ama kung paano mamuhay ng mag-isa. Sanay siya na hindi sa lahat ng pagkakataon ay kasama niya ang kanyang ama. Namatay ang kaniyang ina noon sa panganganak kaya wala siyang nakagisnang ina. Madalas na ang matandang si Aling Toyang ang sumisilip sa kaniya at naglalaba ng mga damit niya o minsan ay pinagluluto siya. Hindi ito masiyadong nagtatagal kase alam nito kung anong klaseng trabaho meron ang kaniyang ama. Ilag ito sa kanila, naaawa lang siguro sa kaniya ito kaya matiyagang pumupunta sa bahay nila. Hindi siya normal na pumapasok sa eskwelahan. Pumupunta lang siya dito kapag mag-eexam. Sa bahay lang siya nag-aaral. Eto ang set-up na naipakiusap ng kaniyang ama sa kaniyang guro. Gayong kinder pa lang naman siya. Matiyaga siyang tinuturuan ng ama na bumasa at sumulat, magbilang at simpleng bawas at dagdag. Routine nila iyon tuwing umaga bago umalis ang kaniyang ama. Umuwi ito sa gabi na tulog na siya. Pero sa umaga ay ito ang gumigising sa kanya para mag-almusal at maligo. Kasunod nito ay ang oras nilang mag-ama. Maikling oras lang iyon pero napaka-importante para sa kaniya. Alam niya kung anong klaseng trabaho meron ito pero hindi siya natatakot dito. Ramdam niya ang kalinga nito kahit madalas itong wala.
"Uy Liam, halika na." Naputol ang alaala ni Liam ng bahagyang hilahin ni Henrick ang kaniyang braso. Napakainusente ng mga ngiti nito at hindi mo aakalaing tagapagmana ng isang Mafia Boss.
"Sa... san tayo pupunta?" Gulat na tanong niya dito.
"Ang sabi ko kay Daddy, don ka sa katabi ng kwarto ko matutulog so sasamahan kita don. Nasaan ang mga gamit mo?" Inusenteng tanong nito.
Isang bag lang ang hawak nito kaya nagtataka si Henrick. "Ah... Ahm.. sabi ni tito Vernon ito lang daw ang dalhin ko eh." Laman nito ang mga importanteng papeles kagaya ng PSA at certificates sa pinanggalingan niyang paaralan. "Sabi ni tito ito lang daw ang importante." May isang photo album doon na mga larawan niya habang siya ay lumalaki kasama ang kaniyang ama.
.
"Henrick, bukas tayo mamimili ng gamit niya. Samahan mo na siya sa kuwarto para makapag pahinga. Maglaro muna kayo para makapagadjust na siya dito sa bahay. Huwag kayong mag-aaway ha? Maging matalik kayong magkaibigan." Bilin ni Vernon bago sila iwanang dalawa.
Pagbungad sa silid ay nagkaron ng galak sa puso ni Liam at nabawasan ang lungkot ng pangungulila sa ama. "Tara pasok ka na. Sa'yo lang itong silid. Iyong kalapit nito sa bandang kaliwa na nadaanan natin kanina ang kwarto ko. Kapag nalulungkot ka puwede mo kong puntahan doon." Nakangiting pahayag ni Henrick dito. Samantalang si Liam ay nangingilid ang luha sa hindi akalaing may pamilya siyang uuwian sa kabila ng nangyari sa ama.
"Oh! Bakit ka umiiyak? Ah... hindi ko alam kung paano ko pagagaanin ang loob mo. Ang alam ko lang, si tito Malcolm ay matalik na kaibigan ng Daddy. Ikaw, hindi ko lang ituturing na kaibigan. Ituturing pa kitang kapatid. Masaya ako may kalaro na ako palagi."
"Wala ka din bang ibang kalaro o kaibigan?" Sambit ni Liam pagkatapos na punasan ng mabilis ang mga mata.
"Meron, sa school madami pero ang sabi ng Daddy huwag akong masiyadong magtiwala eh. Sabi niya nga kay Tito Malcolm lang siya nagtitiwala bukod sa mga kasambahay namin dito. Saka samin ni Mommy kase kami daw ang pinakaimportante sa kaniya." Paliwanag niya dito.
"Parehas tayo, iyan din ang sabi sakin ng papa ko na kay Tito Vernon lang daw siya nagtitiwala. Ang pinagkaiba natin, ako papa ko lang ang meron ako. Hindi ako nagstay ng matagal sa school. Pumapasok lang ako kapag exams. Sa bahay lang ako nag-aaral at wala akong kakilalang ibang bata maliban sa'yo. Saka wala akong mama, namatay siya panganganak sakin so solo ako sa bahay. Si aling Toyang naman ay saglit lang napunta sa bahay para mag-maglaba, maglinis, at magluto. Pagkatapos non naalis na siya agad." Mahabang paliwanag niya.
"Luh! Bakit ganon?" gulat na tanong ni Henrick sa kausap.
"Takot siya samin eh." kibit balikat na sagot nito.
"Si Aling Toyang? Bakit naman siya matatakot? Saka bakit exam ka lang pumupunta sa school?" inusenteng tanong nito.
"Kasi sabi ni papa, pag nagstay ako ng matagal sa labas delikado. Si Aling Toyang takot siya kay papa."
"Hala, bakit eh ang bait kaya ni Tito Malcolm, alam mo ba isang beses wala si Mommy at Daddy siya palaging naghahatid sundo sakin sa school saka binabantayan niya ko don minsan. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Basta lagi siyang nakabantay sakin. May isang lalake nya dati lumapit sakin tinatanong ang pangalan ko bigla niya kong binuhat at isinakay sa kotse sabi niya kakain daw kami sa labas." Inusenteng kuwento ni Henrick dito.
Liam: Sino daw 'yung lalaki na lumapit sa'yo sabi ni papa?
Henrick: Hindi ko alam. Hindi ko tinanong kase nawala na sa isip ko kase inabutan ako ng chocolate ni tito non kaya nalimutan kok na. So, bakit matatakot si Aling Toyang? Sobrang bait kaya ni Tito Malcolm.
Saglit na nag-isip si Henrick. Wala yata itong alam sa mundong ginagalawan ng kanilang mga ama.
Liam: Natatakot siya kase sa work ni papa.
Henrick: Anong nakakatakot don eh bodyguard lang naman siya ng Daddy ko. Kanang kamay sa negosyo.
Liam: Buti nakakapasok ka sa school. (Paglihis niya sa usapan.)
Henrick: Oum, si Daddy at Mommy naman ang naghahatid sa'kin eh. Madalas si Daddy kasama si Tito Malcolm pero may naiiwan sa school 'yung yaya at driver ko. Halos 2 to 3 hours lang naman ako sa school eh.
Liam: oo kase kinder pa lang naman tayo. Pano pag grade 1 na anong sabi ng Daddy mo eh maghapon na sa school.
Henrick: Hindi ko alam wala naman siyang nababanggit don eh.
Liam: Asan pala ang mommy mo?
Henrick: Nasa kuwarto niya. Nandoon lang siya madalas maghapon. Kaya nga madalang lang siya sumama kay Daddy paghahatid sakin sa school eh.
Liam: Bakit ganon?
Henrick: Kapag nasa mood siya sumasama siya samin sa labas pero kapag wala andito lang siya sa bahay. Weird noh? Eh kaso, artist siya. Nagpe-paint siya madalas. may separate room siya bukod sa room nila ni Daddy meron siyang sariling room tapos ang daming painting.
Liam: Ah, ok naman siya sayo?
Henrick: Oo, weird lang talaga saka parang walang kaibigan si mommy eh. I don't see her talking to others ang hanging out with them unlike Dad. Siguro dahil nasa business world si Daddy at si Mommy may sariling mundo. Pero kapag wala siya sa mood magpaint she cooks for me and Dad o kaya minsan out of town kami or sila lang ni Daddy nagde-date. hehehe
Para kay Henrick normal lang ang buhay nila. Siguro dahil nasanay na ito saka marami siyang nakikita at nakakahalubilong tao sa manisyon at sa paaralan. Kung sabagay may bodyguards ito at yaya na puwede sa kaniyang magbantay hindi niya katulad. Pero kung tutuusin kaya din naman ng ama niyang magbayad eh, ýun nga lang takot si Aling Toyang kase alam niyang gangster ang papa niya. Kuwento ng papa niya na talamak na pusakal siya noon hanggang sa nakilala niya si Vernon. Simula daw noon umayos ang buhay niya hindi kagaya noon na parang hinahabol palagi ng pulis. Lumaki kase ito sa sindikato at tinuruang magnakaw sa kalye.
Ilang katok ang narinig nila.
"Señorito. Bumaba na daw po kayo para sa hapunan." Naulinigan nilang tinig sa labas ng pinto.
"Halika na baba na tayo. Okay ka na ba diyan. Hindi ka pala nakapag bihis, panay ka kase tanong eh. Gusto mo pahiramin muna kita?" Kamot sa likod ng ulo habang binabanggit ang mga katagang ýon.
"Bumaba na muna tayo mamaya na lang ako magbibihis, salamat ha?"
"Basta ikaw bro. Hehe." Pilyong ngiti nito habang naglalakad na palabas ng silid. Unti-unti ay napapanatag na si Liam kasama ito.
Nagulat si Liam sa malaking mesa sa dining Area. Nasa kabisera si Vernon at sa bandang kanan nito ay may isang magandang imahe. Mukha ito ng diyosa at nakangiti sa kanilang dalwa ni Henrick. Ito marahil ang mommy nito.
Henrick: Hi mommy. (Humalik ito sa pisngi pagkalapit dito.) Namiss kita.
Althea: Andito lang naman ako sa bahay ah.
Henrick: Oo pero busy ka sa mga babies mong iba. (Ang tinutukoy ay ang mga paintings nito.)
Althea: Nagtatampo ka ba?
Henrick: Hindi naman ineexplain ko lang bakit kita miss.
Althea: How about your friend hindi mo ba siya ipapakilala sakin? (Nakangiti ito at nakatingin kay Liam. Nasabi na ni Vernon ang sitwasyon kaya pinilit nito na makaharap nila ito sa hapunan.)
Henrick: Ay! Mommy siya si Henrick ang bago kong kapatid.
Althea: Wow naman 2 days lang naman ako nagkulong sa kwarto paglabas ko may kapatid ka na agad.
Bahagyang nahiya si Liam dito pero hinawakan siya nito sa kamay. "It's okay son, you can sit beside Henrick. Bahay mo na rin ito. By the way, I'm Althea. You can call me mommy if you want." Napakainusente ng ngiti nito. Kaparehas na kaparehas ng kay Henrick. Pero ang mata nito ay malamlam samantalang ang mata ni Henrick ay nakuha nito sa ama, malalim at mabangis. Nagkataon lang siguro na bata pa ito kaya hindi mo iindahin ang bangis na dating ng mga tingin nito. Nababawi ng inusenteng ngiti na namana nito sa ina.
"Halika na Liam, meron ka bang ibang gustong kainin? Okay lang ba sayo ang mga nasa hapag?" Si Vernon naman na nakangiti rin.
"Okay na po ito Tito. Maraming salamat po sa pagkupkop sakin dito." Kiming ngiti ang ganti niya.
Vernon: Ipapaasikaso ko bukas ang adoption papers so kakailanganin ko ang mga documents na dala mo kanina.
Liam: Ah.. Ahm, okay lang po ba kung may sabihin ako about diyan?
Vernon: Oo sige wala namang problema.
Liam: Thankful po ako na kinupkop niyo akol. About sa adoption wala naman pong problema, mapalad nga ako andiyan kayo eh. Pero gusto ko po sana na dalhin ko pa rin ang apelyido ni papa. Hindi naman po sa ayaw kong maging anak niyo, ituturing ko po kayong pamilya at susuklian ko po ng katapatan ang pagkupkop niyo sakin. Pero ayoko pong mawala sa pagkatao ko ang papa ko kahit ang apelyido na lang niya na nagiisang alaala niya sakin bukod sa mga litrato. So kung okay lang po na Tito Vernon at Tita Althea na lang ang itawag ko sa inyo.
Vernon: Hijo, hindi mo kailangang suklian ng katapatan ang pagkupkop namin sa'yo. Hindi ka katulong so don't bother all the expenses that you have while here. Alam mo ba na may malaking pera na iniwan sa bank account mo ang iyong ama. Andito ka kasi bata ka pa at natatakot akong mapariwara ka kung walang ibang titingin sayo. Sa adoption kung tumatanggi ka ayos lang naiintindihan ko pero hindi ka katulong dito tatandaan mo yan. Señorito ka na din sa bahay na ito.
Liam: Ahm, ayoko po maging señorito hindi po ako sanay. Pero sobra-sobra naman na po ang natatanggap ko galing sa inyo. Pero gusto ko lang pong i-klaro. Maituturing ko po kayong pamilya dito. Pero ayokong burahin sa pagkatao ko kung saan ako nagmula at malaman ng mga tao na ako ay kinupkop niyo lang. Ayoko ko pong makihati sa mamanahin ni Henrick. Gusto ko po na kung paano si papa sa inyo tito Vernon, ganon lang din ako kay Henrick.
Malungkot na ngiti ang tinugon nito. "Naaalala ko lang ang ama mo saýo. Ganyang-ganyan ang ugali. Kung ano ang iyong nais walang magbabawal sayo. Hala sige na kain na. Bukas Hon labas tayo kasama ng mga bata sasama ka ba?"
"Ahm, sige pero bukas lang ha? Alam mo namang ayokong lumalabas eh. Ahm, Liam pagpasensyahan mo na ako ha? May pagka-anti social saka weird. But don't think na ayoko kayong maka-bonding. Minsan kase kapag pinasok ng hangin ýung kokonte ko hindi mo ko mapapatigil pagpipinta." Paliwanag ni Althea dito.
Inubos muna ni Liam ang laman ng bibig bago nagsalita. "Okay lang po tita nakuwento na po sakin ni Henrick ang hoby niyo."
"Hmmm.. huwag ka sana magsawa sa pakikinig sa kadaldalan ni Henrick ha?" Pagbibiro na tugon nito. "Sabik kase sa kapatid yan eh. Hindi naman na ako puwedeng magkaanak. Anyways, huwag na nating pagusapan 'yon. Kain lang ng kain anak tingnan mo si Henrick napakagana kumain hindi naman tumataba."
"Mommy, I loose a lot of energy that's why." Katwiran naman nito.
"Energy? Hindi ka naman masiyadong naglalaro palagi ka na lang sa library." Ang totoo ay sakitin ito. Resulta siguro ito ng aksidente na nangyare kay Althea noong pinagbubuntis siya nito. Kulang sa buwan si Henrick ng ipinanganak dahil nawalan ng preno ang kotseng minamaneho noon ni Vernon kasama si Althea. Walang malay si Althea noon at kritikal ng dumating sa ospital. Inoperahan siya para mailabas ang bata. Ginawa lahat ng mga doctor para maisalba ang mag-ina dahil halos magwala na si Vernon sa ospital. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanila. Hindi niya sigurado kung may nagsabutahe ng break ng kotseng minamaneho niya. Ito rin ang dahilan kung bakit lalong na aloof si Althea sa mga tao. Hindi na ito kagaya noon na kinukulit si Vernon na manood ng sine at kumain sa labas. Kaya natuto rin ito magluto at mas gusto na lamang na sa bahay sila kumakain. Ang pagpipinta na noon niya pa hilig ay lalong napagtuunan ng pansin kaya sandamakmak na paintings na ang nagawa nito. Minsan ay nagpapa eexhibit si Vernon para kahit papano ay mabawasan ang mga paintings ng asawa niya. Madalas na nasosold-out ang mga paintings ni Althea pero hindi alam ng mga kakilala ni Vernon na asawa niya ang gumawa nito. Ilag si Althea sa mga tao at ayaw na ipaalam identity niya. Nagkapobya ito sa aksidenteng nangyari noon na hindi mabigyang linaw sa imbestigasyon kung sinadyang i-tampered ang break ng kanilang kotse.
Mabilis na lumipas ang anim na buwan at nakapag adjust na si Liam. Mabuti ang trato ng pamilya Argañoza sa kaniya at namuhay sila na parang isang masayang pamilya. Tuwing Sabado ay may private lesson sila Henrick at Liam kay Eddie na isang Martial Arts Master. Halos dalwang taon na silang nagsasanay at kakikitaan na ng resulta ang galaw ng dalawa.
Isang Sabado matapos ang private lesson ay kinausap ni Vernon si Eddie.
Vernon: Kumusta ang mga bata?
Eddie: Matalas ang pakiramdam ni Liam. Matalino at mabilis siyang matuto.
Vernon: How about Henrick?
Eddie: Hindi ko siya makakitaan ng passion. Mukhang hindi niya gusto ang martial arts. Parang ginagawa niya lang ito kase kasama niya si Liam. They're like twins you know. Hindi man sila magkamukha pero magkasundong magkasundo. Ýun nga lang magkaiba ang hilig.
Vernon: Alam mo ang dahilan kung bakit kaylangan nilang matuto at magsanay. Hindi habang panahon ay nandito ako. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mapagkakatiwalaan ang mga bodyguards na nagbabantay sa kanila t'wing nasa labas sila. I wanted them to live their life as a normal kid. Pero kaylangan kong masiguro ang kanilang kaligtasan. Look, hindi alam ni Henrick ang nature ng trabaho ko.
Eddie: Why don't you try to talk to him? Matalino ang anak mo mauunawaan ka niya.
Vernon: Susubukan ko.
Pinagisipan ng mabuti ni Vernon kung paano niya kakausapin si Henrick. Alam niyang dapat malaman nito ang katotohanan. Nagpasiya siyang kausapin ito ng Biyernes ng gabi at baka sakaling kakitaan ni Eddie ng pagbabago sa private lessons na gagawin ng susunod na araw.
Naririnig niyang nagkakatuwaan si Liam at Henrick sa silid. Marahang katok ang ginawa ni Vernon sa kuwarto nito.
Henrick: Come in...
Bahagyang bumukas ang pinto ng kwarto at sumilip siya dito.
Vernon: Son, can I talk to you in private?
Henrick: Ako po ba Dad? O si Liam?
Vernon: Ikaw anak, hiramin ko muna Liam ha? Sumunod ka sa Library Henrick.
Henrick: Bro, wait lang ha. You can stay in my room.
Liam: Sige, dito lang ako.
Agad namang sumunod si Henrick sa library.
Vernon: Anak maupo ka, may ipapakita ako sayo.
Ilang larawan ang inilatag nito sa lamesa.
Vernon: Ayan ako nung bata ako. Mga katorse anyos yata ako niyan.
Henrick: Payatot mo pala dati Daddy. (Nakangising sambit niya habang tinitingnan ang ilang larawan.) Sino itong batang babaeng kasama mo Dad? (Ang tinutukoy ay ang batang babaeng bahagyang nagtatago sa likuran ni Vernon.) Bakit parang pamilyar?
Vernon: Siya ang Mommy mo.
Nanlaki ang mga mata ni Henrick.
Henrick: Wow! Cute, so that's how your love story begin?
Vernon: No anak. Bata pa lang kami ng Mommy mo ay magkasama na kami sa ampunan. Mailap talaga ang mommy mo sa mga tao, 4y/o yata siya ng mapadpad siya sa ampunan. Samantalang ako ay walong taon na noon wala pang nakakapusong mag-ampon sa akin. Hindi sumasama ang mommy mo sa kahit na sinong bata. Halos isang taon na siya doon pero wala pa rin siyang kalaro. Alam mo ba kung bakit at paano ko siya nalapitan?
Marahang iling ang ginawa ni Henrick habang masusing nakikinig sa Ama.
Vernon: Nagdrawing ako ng bulaklak sa lupa kase wala akong magawa noon sa hardin eh katatapos lang ng ulan. Malambot ang lupa at pumulot ako ng stick, naguukit ako sa lupa noon ng bigla siyang nagsalita nasa likod ko siya noon eh.
Althea: Turuan mo ko niyan.
Nagulat ako noon eh kase ang liit ng boses niya siyempre batang-bata pa siya noon. Pero umiling ako kase magdudumi siya eh.
Vernon: Bakit dito, puwede ka namang magdrawing sa papel. Halika doon tayo sa salas.
Vernon: Hinakot ko ang mga putol-putol na pangkulay na naipon ko at naghanda ako ng papel. Ibinigay ko iyon sa mommy mo at nagulat ako hindi ko siya tinuruan humawak ng pangkulay pero tuluy-tuloy ang kilos niya. Alam mo bang naipinta niya ako ng oras na iyon. (Nangingiti na kuwento ni Vernon sa kausap.) At alam mo rin bang hindi pa siya marunong magbasa at sumulat. Nauna pa siya magpinta kesa pag-aralan ang pagbasa at pagsulat.
Henrick: Wow! Mommy is a gifted child.
Vernon: Yeah! Kaya sabi ko sa sarili ko aalagaan ko ang batang ito. Hindi ko naman akalaing lalaki siyang magandang dalaga. Anyways, hindi doon nagsimula ang lahat. Makalipas ang ilang buwan ay pinasok ng mga hindi kilalang tao ang ampunan at kinuha kaming mga nandoon. Sindikato ang mga ito anak. Sindikatong nagbebenta ng mga bata.
Henrick: Whattt? Anong ginagawa sa mga bata?
Vernon: Kung anu-ano, merong ibinebenta ang lamang loob, 'yung iba ay tinuturuang magnakaw o mamalimos, merong binebenta at ginagawang katulong o kaya ginagawang babaeng bayaran sa casa.
Henrick: How unfortunate Dad... How about you, saan kayo napadpad ni Mommy?
Vernon: Sa sindikato kung saan inuutusan ang mga batang mamalimos, magnakaw, maging runner o tagahatid ng delivers like drugs. Takot na takot ang mommy mo noon at sobrang bata pa niya. Noong una namamalimos lang kami, anim na taon siya at ako naman ay sampung taong gulang pa lang. Anong magagawa ng mga paslit sa lansangan? Doon na kami lumaki, noong labing dalwang taong gulang ako ay gumagawa ako ng paraan para hindi kami magnakaw. Napapasabak ako sa street fights at pustahan. Tuwing uuwi kami ay iyak na iyak ang mommy mo kase puro sugat ako. (Iiling-iling at nakangiting nagkukwento ito.)
Henrick: Parang ang hirap ng kalagayan niyo noon Dad, pero bakit parang natutuwa ka pa?
Vernon: It's already in the past. Ang cute kase ng mommy mo eh. Saka balewala sakin ang mga sugat at pasa basta nakikita ko siyang ok. Isa pa, ang mga karanasan ko noon ang nagturo sakin para maging matibay at malakas. Dalwang taon pa ang lumipas at napadpad kami ng mommy mo sa ibang lugar at mas nakakatakot doon. Tinuturuan nila ang mga bata na maging assassin. Napasama ang mommy mo kase palagi ko nga siyang kabuntot sa mga street fights pero ang pakay lang ng mga taong kumuha samina ay ang mga batang batak ang katawan sa pakikipaglaban. Hindi ko na alam kung paano ang gagawin sa mommy mo noon. Natatakot akong malayo siya sa'kin kaya pinakiusapan ko siyang magtiis nag konting panahon at susubukan naming tumakas.
Henrick: Anong ginawa niyo Dad?
Vernon: Nagtraining kami, proper training ng martial arts at paghawak ng mga deadly weapons. Kapag ready na ang mga bata ay binibigyan na ng mission, so nasa sa'yo nang kapalaran kung uuwi kang buhay, sugatan, o sa mission ka na mamatay. Napilitan ang mommy mo magtraining kasi hindi namin alam ang gagawin sa mga bata kung hindi susunod sa routine ng training eh. Inis na inis siya alam mo ba? (Tatawa-tawa ang ama niya. Habang si Henrick ay namamangha sa sinasabi at reaksyong ng ama.)
Henrick: Dad, why are you laughing? Eh nakakatakot na nga ang sitwasyon niyo.
Vernon: Ang cute niya kase, ayaw niyang nadidikit sa mga tao lalo at pawisan. Kaya nga ang galing niyang umilag sa mga atake eh. Look hindi siya ganon kagaling sa martial arts pero magaling siyang tumakas. Hindi din malaman ng trainors ano gagawin sa mommy mo eh. Kahit sa training tawang-tawa ako sa kanya at ang mga kasama namin. Ang mga nakakalaban niya naman ay nasasaktan ng dahil sa sariling kagagawan sa sobrang galing ng mommy mo umilag.
Si Henrick naman ay naaaliw sa ama at parang naiimagine niya ang mga sinasabi nito.
Vernon: Ang nagpabago sa sitwasiyon namin ay nakalaban ko ang pinakamalakas noon sa batch namin. Nanalo ako ngunit pagkatapos noon ay pinatawag ako ng Leader ng organisasyon. Matanda na siya si Rogelio Argañoza.
Henrick: Argañoza? Why you we have the same surname?
Vernon: Because, he adopted me. Dahil wala siyang tagapagmana. Wala siyang anak at hindi niya mapagkatiwalaan ang mga tao na kaniyang hinahawakan, palibhasa ay may mga edad na kaya may kanya-kanyang desisyon at pag-iisip. Natatakot siyang isa sa mga ito ay tirahin siya patalikod.
Henrick: In short, inampon ka niya.
Vernon: Oo, pero ang kundisyon na hiningi ko ay hindi kami maghihiwalay ng mommy mo. Pumayag naman siya, mabait ang lolo mo anak. Pinag-aral niya kami kahit home study. Kapag nakausap mo siya at nakabonding, hindi mo iisipin na siya ang leader ng organisasyon na hinahawakan niya na nagtetrain ng mga batang assassin. Patuloy ang training namin pero hindi na kami kasama ng iba. Solo na lang kami ng mommy mo at may private Sensei kami. Minsan ay nanonood ang Lolo mo at tuwang-tuwa din siya sa mommy mo kung paanong umiilag lang siya sa mga atake ng kalaban niya. Ramdam ko na tinuring niya kaming anak. Kaso halos limang taon lang namin siyang nakasama kase inatake siya sa puso. Isa sa mga tauhan niya ang nagtraydor sa kaniya. Si Martin Montefalco.
Henrick: Anong ginawa niya Dad?
Vernon: Kinalaban niya ang grupo at pinatakas ang mga bata. Pagkatapos noon ay nagtayo siya ng sarili niyang organisasyon.
Henrick: Then? Anong nangyari sa inyo ni Mommy?
Vernon: Tinuruan ako noon paano hawakan ang organisasyon kaya may alam ako kung paano maka survive. Kaso natatakot na ako noon na ituloy ang nasimulan ng papa at isa pa... inaalala ko ang mommy mo. Malaking pera ang iniwan ng papa sa pangalan namin ng iyong ina. Naghanap ako ng ibang tauhan kaya ko nakilala ng tito Malcolm mo. Dinukutan niya ko noon eh kaso pumalag ako at nagpambuno kami, siyempre nanalo ako kase may proper traing ako eh samantalang siya ay laking kalye. Naawa lang ako kase, naalala ko noon ang sitwasyon namin ng mama mo. So kinausap ko siya at kinaibigan, nailayo ko siya sa sindikatong humahawak sa kaniya. May ilan siyang kakilala na naisama namin kaya nakapangalap ako ng tauhan. Kaso iba na nga lang ang negosyong pinasok ko. Ang production ng mga advance weapons and gadgets pero inayos ko ang lahat para maging legal ang business anak kaso matagal ang proseso lalo at nanggaling ka sa illegal na organisasyon at ang mga kasama ko ay mga hindi nakapag aral. Ang ilang empleyado sa opisina ay hindi alam ang nature ng business natin. So sa ngayon ay production lang ang deals ng business natin. Ang mga kliyente ay private security agency. Kung ano mang klaseng business meron ang mga kliyente ay labas na ako don. Basta, nagpoprovide lang ang company natin ng mga orders nila. Gusto kong umiwas sa trahedya anak dahil ayokong mawala kayo ng mommy mo sa'kin. At siyempre si Liam. Meron lang mga bagay na nangyayari na hindi natin kontrolado. Meron pa ring nag-iinteres sa buhay ko anak. Maraming business partners na tinanggihan ko kase ayokong ma-involve sa kanila. Umiiwas ako sa ilegal nilang gawain. Merong mapilit pero lahat ay ginagawa ng mga tauhan ko para maprotektahan ang pamilya natin. Sa ngayon ay hindi ko alam kung sino ang kalaban natin. Kaya gusto kong matuto kayo ni Liam ng martial arts. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya ko kayong protektahan. Kayong dalwa ang magkatuwang hanggang paglaki. So sana anak, seryosohin mo ang Lessons niyo kay Eddie tuwing Sabado. Ang Sensei mo ay isa sa mga napagkakatiwalaan ko ngayong nawala na si Malcolm. Although bago lang siya, napabackground check ko na siya kaya panatag ang loob ko na siya ang nagtuturo sa inyo ni Liam.
Henrick: Sorry Dad, I didn't know. Dad, I have a question. Don't you ever think to revenge on about lolo's death? That guy Martin, do you know him personally? Or have you heard any of his name?
Vernon: Ayokong maghiganti, walang maidudulot na mabuti yon at dadami lang lalo ang kaaway mo. About Martin, ni minsan ay hindi kami nagkaharap ng personal. Minsan siyang naipakilala samin ng mommy mo pero iniiwas kami ni Papa sa mga tauhan niya. Marahil ay ayaw niya kaming ma-involved. Siguro kung hindi siya agad namatay at nanatili ang business ng lolo mo baka nakaharap ko siya. I heard nagtayo siya ng training school for martial arts. I'd read that he died long time ago at ipinagpatuloy ng anak niyang si Marco ang business.
Tatlong putok ang pumutol sa usapan nila na nagpayuko sa kanilang mag-ama. Agad siyang tumakbo payakap dito.
Henrick: Dad.... Si Mommy? Si Liam?
Sumenyas ang ama na huwag maingay. Iginiya siya sa isang book shelves at may kinuhang libro doon. At biglang kumibot ang Shelves at kinabig ni Vernon upang bumukas ito ng tuluyan.
Vernon: You stay here inside. Ito ang switch para makalabas ka. Please stay as long as hindi pa ako dumadating. Pero kapag natagalan na hindi pa ako bumabalik, you decided to leave here quietly but please keep this secret place closed. Magagamit mo ito someday.
Henrick: Dad, posible bang hindi ka na makabalik? Sila Mommy pano?
Vernon: I'll do everything to be alive and bring them to you. But for now, I want you to be safe so please son do as I told you.
Henrick: Dad, I'll wait for you. (Ito na lang ang mga katagang nabitawan ni Henrick bago ito yumakap sa ama at tuluyang magpaalam.)
Vernon: I love you son.
Iyon lang at isinara na nito ang lagusan. Wala siyang naririnig na kahit na anong ingay na nanggagaling sa labas. Protektado ang silid na iyon. Pero takot na takot si Henrick. Pakiramdam nito ay hindi na niya makikita ang ama niya. Nag-aalala siya sa mommy niya at kay Liam.
Please stay alive bro, mom... dad... God please spare us.
Kasunod ng maikling dasal na iyon ay tumuloy-tuloy ang mga likido na kanina pa nagbabadya sa mga mata ng musmos na si Henrick. Tahimik at walang paghikbi pero hindi maawat ang tuluy-tuloy na pag-agos ng mga luha nito na parang bukal ng tubig. Lumakad siya para maghanap ng mahihimlayan at isinubsob ang mga mukha. Ayaw niyang umiyak dahil walang maidudulot ito. Gusto niyang kumilos pero paano? Anong magagawa ng isang batang katulad niya sa ganitong sitwasyon? Hindi niya namalayan kung gaano siya katagal na nakasubsob sa couch na nasumpungan sa silid na iyon hanggang sa nakatulugan na niya ang posisyon na ito. Marahil ay sa pagod ng isip at sa pagod ng puso sa takot sapagkat walang kasiguraduhan kung anong bukas meron siya matapos ang gabing iyon.