Chapter 20

2369 Words
Chapter 20 Positive The following days was a blast. Kung saan saan kami pumunta ni Ej. Ultimo bawat sulok ng Baguio ay pinuntahan namin. Madami na din akong nabiling mga pasalubong para kina Auntie, at Mama. Three days lang kami kasi may unexpected meeting si Emoji bukas kaya sinulit na namin ang last day namin ngayon. I feel so free, pakiramdam ko, teenager kami tapos magsyota kami, ganun. Pero asa pa ako diba? Nagsesex lang kami, hanggang doon lang iyon. Tumatawa ako habang papasok kami sa loob ng kwarto. Naalala ko kasi iyong pag iwan ko sa kanya kanina habang nasa Strawberry Farm kami. Umihi lang ako saglit tapos pagbalik ko pinalilibutan na sya ng mga bakla. Noong una nga hindi ko inakalang mga bakla iyon, ang gaganda kasi tapos dinaig pa ako sa pwet at dibdib. Nagliwanag iyong mukha nya noong nakita nya ako. Agad nga syang lumapit sa akin at hinalikan ako sa harapan ng mga bakla. Shookt ako, pero natawa ako kasi tinulak lang sya noong isang bakla tapos sabi. "Kuya naman eh. Ako nalang dapat iyong hinalikan mo at hindi ramdom girl." "She's my wife." Ani Emoji na halata na ang pagkainis. Natawa ako at hinila nalang sya. Pinakwento ko sya kanya iyong pakay sa kanya ng mga bakla. Aba'y inaaya daw syang mag inuman at maghotel. Humagalpak ako ng tawa kaya inis na inis sya. "Ano? Naalala mo na naman." "Sorry. Hindi ko kasi lubos maisip kung anong meron kayong magpipinsan at lapitin kayo ng mga bakla." Pinunasan ko ang luhang namuo sa gilid ng mata ko dala ng pagtawa. "Gwapo kami, wala silang magagawa." Humalukipkip ako at napailing. "Gwapo tapos..." Sabi ko sabay pakita doon sa hinliliit ko. "Hindi ako jutay, alam mo yan." "Maliit na mataba?" Tumawa na naman ako. Paulit ulit kong pinakikita iyong hinliliit ko sa kanya. Ngumisi sya at dahan dahang kinalas ang sinturon nya. Tinaasan ko sya ng kilay. Pero noong hinubad nya iyon at walang tinira, napatili na ako at tatakbo sana kaya lang ay mabilis nya akong nahila sa baywang ko. "Joke lang. Oo na, Daks ka na." Pilit kong kinakalas ang mga braso nya sa baywang ko. Umupo sya sa kama habang nasa kandungan ako. Hindi ko naiwasang mapaungol dahil sa pagtatama ng kaibigan nya sa bandang puwitan ko. "Ej, pagod na ko." Bulong ko. Napaisnghap ako nang sinapo niya iyong akin. Nilingon ko sya pero mas ngumisi lang sya at walang kahirap hirap na hinarap ako sa kanya. "I want you now." Aniya sa paos na boses. Napalunok ako at parang may sariling isip na hinubad ang shorts ko at panty. I let him took over me that night again and again. Kinabukasan ay sabay kaming naligo pero binawalan ko sya. Mahapdi kasi at ayokong mapagod dahil aalis na kami ngayon. Palakad lakad ako sa harapan nya habang nag aayos. He was silently watching me. Nang matapos kami ay isa isa na nyang nilagay iyong mga dala namin sa back seat ng pick up. Nagpasalamat kami doon sa lalaking caretaker. Tahimik kami sa biyahe. Medyo mabilis ang pagpapatakbo nya dahil around one pm ang unexpected meeting nya. Tinanaw ko ang likod dahil paunti unti ng nawawala iyon sa paningin ko. Ilang saglit pa ay sinarado ko na ang bintana at binuhay ang aircon. "Ej, ibaba mo nalang ako sa sakayan." Sabi ko sa kanya pero hindi sya nakinig. Doon pa din nya ako binaba sa tapat ng bahay nina Auntie. Tinulungan nya akong kunin ang mga pinamili ko. Pinigilan ko sya at kailangan nya ang enerhiya para sa meeting nya. "Kaya ko na. Ang seryoso mo masaydo." Natawa ako sa pagkakakunot ng noo nya. "Parang ayoko na pumunta sa meeting." Sabi nya. Mabilis ko syang hinampas sa balikat. "Hoy! Kailangan ka dun. Bilis na." "Magkikita ba tayo mamaya?" Tanong nya pa. "Ewan ko. Bahala na." Napilit ko din syang umalis na. Ang alam ko kasi talaga urgent iyon dahil makikilala na ang bagong model ng Lausingco Hotel. Iyon iyong nabasa ko sa email nya. Binigay ko kina Auntie iyong mga pasalubong ko at pagkatapos ay natulog lang ako. Nagising ako banda alas cinco na, nag aagaw na ang liwanag at dilim. Bumili lang ako ng Nonong's garlic chicken at nanghingi kay Auntie ng kanin. Patapos na akong kumain nang may kumatok. Baka si Liam lang. Sinubo ko ang thigh part nung manok bago ko binuksan ang pinto. Halos masamid ako nang dire diretsong pumasok si Emoji at naupo sa kama. "Oh, ngayon lang natapos ang meeting nyo?" Tumango sya at hinilot ang noo. Tumabi ako sa kanya. "Kumain ka na?" "Nanglibre iyong bagong model ng hotel." Aniya. "And that is Shaira Madrigal." "Oh. You're chikababes." Sinundan ko ng tawa iyon kahit sa loob loob ko, nakaramdam ako ng selos na agad kong sinantabi. "Hindi ko magets si Earl, bakit si Shaira? Madami naman jang ibang model?" "Baka payag syang mura ang bayad plus jerjer ng kapatid mo or ikaw?" Sinabi ko iyon ng pabiro. Hindi ako nakatanggap ng sagot sa kanya kaya nilingon ko sya. Matalim ang tingin nya sa akin. "I never take her to bed. Sya lang ang nag iinsist." "Okay..." Mabagal kong sabi. "Baka si Earl?" "I don't know." Matigas nyang sabi. "Ayokong pag usapan iyon." "Sigurado kang hindi mo sya naging ex?" Paninigurado ko. "Hindi." Mabilis nyang sabi. "Kasi kung hindi kita kilala iisipin kong ex mo si Shaira tapos binitin ka nya sa kama kaya ka bitter na bitter." Naiiling kong sabi. "Psh." Inis nyang sabi. Pinisil ko ang pisngi nya. "Manuod ka nalang. May mga bago akong dvd, hiniram ko kay Ate Maye." Tinuro ko iyong maliit na tv at dvd player ko doon sa sulok. "Maye? Iyong hot doon sa tapat ng bahay nyo?" Tinaasan ko sya ng kilay. "Hot?" "Yeah. I saw her nung paalis na ko dito last week. Damn, she was so hot." Binasa nya pa ang labi nya. Hinampas ko sya. "May finaceé na yun. Gago." Tumawa ako sa nalukot nyang mukha. "Papaisa lang sana ako." "Abay gago ka!" Mas tumawa ako at niligpit na ang mga kalat ko. "Manuod ka na lang jan." Tumayo ako at nilapag sa lababo ang mga pinggan. Bumalik ako sa lamesa para ayusin ang natirang manok. "Iba gusto kong gawin." Nilingon ko sya. "Gusto kitang kainin." "Gago Ej!" Humalakhak sya. "Bilis na. Kdrama nalang panuodin natin." "Seryoso. Gusto kitang kainin." "Ano ba! Tumigil ka." Ako na ang nagsalang ng papanuodin namin. Pagkatapos ay naupo ako sa tabi nya. "Ano yan? NBSB? Taena, ang corny." Sabi nya. "Maganda yan. Not your typical lovestory, may twist yan." "Ano? Mas interesting pa ata kapag kinain kita." Mabilis kong sinubo sa kanya iyong hawak kong laman ng manok. "Ang gago mo talaga." Natahimik naman sya noong nagsimula na ang palabas. Paano, maganda iyong bidang babae. Noong nasa kalagitnaan na kami ay nasigaw sya sa gulat dahil iyong babae pumapatay na. Oh diba, ganda ng twist. "Ang bobo ng concept." Aniya. "Tss. Manuod ka nalang." Sinuway ko sya. Tumahimik naman sya at inintindi ang pelikula. Pinatay ko din matapos namin manuod, ayaw na daw nya at walang kwenta. "Sinag.." "Oy." Seryoso sya habang humihithit sa vape nya. "Nagkaroon ka na ng boyfriend before?" Seryosong seryoso ang tono ng boses nya. Hinugot ko ang plug ng tv at naupo sa tabi nya. "Once palang pero hindi nagtagal." Sagot ko. "Hindi ko nga din alam kung naging kami ba, kinantyawan lang kami sa inuman noon." Tumango sya at humithit sa vape nya. Kumalat ang usok at ang amoy ng strawberry flavor sa buong kwarto. Muli akong pumapak ng manok sa tabi nya. Tumunog ang cellphone nya, sinilip nya iyon bago inis na pinatay ang tawag. "Who's that?" "Shaira." "Oh, namimiss ka na agad?" Biro ko pero sinamaan nya ako ng tingin. "Joke lang, seryoso masyado." Binugahan nya lang ako ng usok. Hay naku. "Pero alam mo, bakit hindi mo itry with Shaira? I mean, single naman kayo pareho diba? Walang magagalit." Pasimple kong tinapik ang dibdib ko. I'm okay. "Ikaw, hindi ka magagalit?" Nagsalubong ang kilay nya. "Ba't naman ako magagalit? Hindi mo naman ako girlfriend. We're just friends." Kibit balikat ko. Sige lang, Sinag. "Who f****d? Friend who f****d?" Aniya. Pumalakpak ako. "Exactly! Kaya ipersue mo na si Shaira. Basta siguraduhin mong malinis sya ha. Kundi hindi mo na ito.." Tinapik ko ang gitna ng binti ko. "..matitikman." Humahaklak pa ako. "She's a model, maybe she was used by a lot of men?" Sinuntok ko sya. "Oy! Below the belt ka na! Kahit papaano, you should know how to respect Shaira kasi babae din sya. And you, my mga pinsan kang babae diba?" Nilapag nya ang vape nya sa lamesa at tumabi sa akin. Pinulupot nya ang braso nya sa baywang ko. Binalewala ko iyon at pinagpatuloy ang pagkain ng manok. Kundi nya pa kakagatin ang daliri ko, hindi pa ako titingin sa kanya. "Ano? Ang clingy natin ah." Ngumisi lang sya. "Sabihin mo sa kin kapag may manliligaw ka na ha." Pinunasan ko ang kamay ko ng tissue. "At bakit?" "Para alam ko kung kailan ako titigil." Aniya sa mababang boses. Napanguso ako. "Wish mo na may magkagusto sa akin." "Bakit wala ba? Maganda ka naman." Ay anak ng. Namula tuloy ang pisngi ko. "You blushed." Mangha nyang sabi. "Malamang. You said I'm beautiful." "Totoo naman ah." Sabi nya pa. I bit my inner cheeks to stop me from smiling. Leche Emoji. Galing mong magpa-fall. "Wala kang nagugustuhan?" Tanong na naman nya. "Ba't ang daming tanong?" "Just answer it." "Wala." Kasi ikaw gusto ko. "Pero madami akong crush." "And Earl is one of them?" "Yup." Tumango pa ako. Mas hinigpitan nya ang yakap sa akin. "Ako, hindi mo ako naging crush?" Nanliit ang mata nya. I chuckled. "Dati. Noong bata pa ako." Amin ko. "Remember when you kissed me? That's it. Pero mabilis lang nawala iyon." Tinawanan ko ang reaksyon nya bago ko pinulupot ang braso ko sa batok nya. Tinawid nya ang distansya ng labi namin at mainam na hinalikan iyon. I closed my eyes and kissed him back. *** Pagmulat ko ng mata ko ay agad kong sinapo ang bibig ko. Nasusuka na naman kasi ako. Maluha luha na ako habang sumusuka pero wala na namang nalabas. Sinapo ko ang tiyan ko matapos kong sumuka. Baka gawa lang nung kinain ko kagabi, hindi kaya panis na iyon? Pero hindi, dalawang linggo na akong ganito. Kung miminsan nga, nahihilo nalang ako o di kaya'y tinatamad kumilos. Nasisigawan na naman ako ni Sir. At ngayon nga, tanghali na pero nandito pa din ako sa kwarto ko. Humilata ako sa kama ko at wala sa sariling napatingin sa mini calendar doon. Ewan ko ba pero napabalikwas ako ng tayo dahil haloa maalala ko na dapat may menstration na ako ngayon pero wala pa. Binilang ko sa isip ko ang araw at kaagad kong nasapo ang bibig ko. No! It can't be! Sinilip ko uli ang calendar doon. Almost two weeks na din simula ng mag-baguio kami ni Emoji. At parang may bumbilyang pumitik sa isipan ko. s**t! Hindi sya gumamit ng condom!? Oh my god! Pinaypay ko ang sarili ko at nagpaikot ikot. Posible bang buntis ako? O hindi? O dala lang ng katamadan ko ito? Juskoo! Anong gagawin ko? Mabilis akong naligo, nagbihis at pumunta sa pinakamalapit na botika. Dalawang pt ang binili ko, magkaibang brand. Panay ang dasal ko na sana negative. Ano nalang sasabihin ko kay Emoji? Paano ko sasabihin kina Mama ito? Pinagpapawisan ako habang nakatingin ako sa dalawang pt na nasa lababo. Halos mapatalon pa ako dahil may kumatok sa pinto. Binuksan ko at bumungad si Auntie. "Oh, akala ko masama ang pakiramdam mo kasi hindi ka pa lumalabas." "Okay lang po ako. Nalate lang ng gising." "Ginawan kita ng lomi. Kumain ka na ha." Tinanggap ko iyon at nagpasalamat na. Nanginginig na nilapag ko iyong bowl sa lamesa ko at bumalik sa lababo. Halos takasan ako ng dugo nang makita ko na ang resulta ng dalawang pt. Positive. Kinuha ko iyon at hindi makapaniwalang tinitigan. Buntis ako. Naupo ako sa kama. Shit! Paano na to? Ang tanga, Sinag. Ba't di ka nag ingat! s**t! Si Emoji kasi, hindi gumamit ng condom! Jusko. Paano na to? Hindi ko makain iyong lomi na binigay ni Auntie kakaisip. Magpapacheck up ba ako o hindi? Pero minsan hindi tama ang nalabas sa PT. Kinuyom ko ang kamao ko at naghanda na. Ipapasa ko na iyong resignation letter ko lay Sir Grant ngayon, tapos uuwi ako ng Lucena. Pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Mama especially kay Emoji. Ang tanong, matatanggap nya ba ito? "Anong dahilan?" Iyong ang tanong ni Sir Grant matapos nyang mabasa ang resignation letter ko. "Ano po.. Kailangan po kasi ako ng Mama ko ngayon." "But I need you too, Sinag." Tila pagod nasabi ni Sir Grant. "Pasensya na po Sir." Marahang tumango si Sir Grant. "Incase na magbago ang isip mo, pwede kang bumalik uli. Tatanggapin kita because I love how you work, Sinag." "Thank you po sir." Matapos kong magpaalam sa opisina ay kina Auntie naman. Naiintindihan nila ang gusto ko, pero hindi ko pa din nasabi na buntis ako. Wala akong lakas ng loob. Ba't kasi ang tanga tanga mo, Sinag! Buong maghapon lang akong makahilata sa kama at malalim ang iniisip. Hinawakan ko ang tiyan ko. Buntis ako. Buntis talaga ako. Tumunog ng malakas ang cellphone ko. Emoji's Calling... Hinayaan ko iyon hanggang sa mamatay ng kusa. Umulit ng umilit. Pitong missedcall. Emoji: Are you busy? Call me when you read this. Napaluha ako. Ewan ko na. Ano ba tong pinasok ko? Maingat naman ako diba? Bakit hindi ako naghanda? Huminga ako ng malalim at pikit mata na pinindot ang number ni Mama sa cellphone ko. Umabot ng tatlong ring bago sya sumagot. [Hello, nak? Musta? Napatawag ka? Natanggap na namin ang padala mo.] Kinagat ko ng mariin ang labi ko para hindi kumawala ang hikbi ko. "Ma, uuwi na po muna ako. Ayos lang ba?" [Oo naman. Namimiss ka na namin. Kailan ba?] "Bukas po agad, Ma." [Osya, mag iingat ka ha. Ipagluluto kita ng paborito mo.] Nilayo ko ang cellphone sa akin at umiyak na talaga. Mama, sorry po.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD