Chapter 21 Gulo Kanina pa ako nag iiscroll sa timeline ng f*******: ni Emoji. And I must say na baka pinaglilihan ko sya. From the eyes down to the chin. Bakit ang gagwapo ng mga Lausingco? Legal pa yun? Iyong mga babae naman, magaganda? Nasaan ang Hustisya? Nakaupo ako dito ngayon sa labas ng bahay namin sa Lucena. Isang linggo na ang nakakaraan nang makauwi ako. Talagang umiyak ako noon, pero ang alam ni Mama, namimiss ko sila hindi dahil buntis ako. Patago akong kumain ng pagkain na gusto ko. At kapag umaga, bibihira nalang akong dalawin ng morning sickness ko. Kaya kumpirmado kong buntis nga ako. Kinakatakot ko lang talaga ay ang pagsasabi nito kina Mama, lalo na't inaayos palang nila ni Papa ang gusot nila. Pinatay ko ang data connection at nilock ang cellphone ko. Alam ni Emoji

