Chapter 22 Pag-uusap Pagmulat ko, bumungad sa akin si Ate. "Sinag, fix yourself. Nandyan ang mga Lausingco. Gusto nilang makipag usap." Kulang ang sabihing kamuntikan na akong mahulog sa kama. Whaat? What? It's been three days since that incident, ang akala ko pa naman tuluyan na nila akong hahayaang buhayin ang bata ng kami lang ng pamilya ko. Nakaalis na si Ate sa kwarto ko pero heto ako't nakahilata pa. Hindi ko kasi alam kung lalabas ako. Eh kung magkunwari nalang kaya akong masama ang pakiramdam para may dahilan akong makawala sa kanila? Godness! Tumayo ako at agad na nakaramdam ng hilo. Buti naman at nakikisama ang anak ko sa akin. Hihiga na sana uli ako kaya lang kumatok na naman si Ate. Napairap nalang ako. Sinuklay ko ang buhok ko at hinagilap ang tsinelas ko. Ni hindi ko

