Chapter 23 Paglilihi Nakatanga ako kay Emoji habang nilalapag nya ang mga dala nyang pagkain sa lamesa. Tinext ko talaga sya para sabihing gusto ko ng ganitong pagkain. Iba iba ang dala nya. Dalawang buwan na ang tiyan ko. Sp far, thankful ako na hindi na masyadong inoopen up ng parents nya ang tungkol sa kasal. Siguro nakuntento nalang din sila na ganito nalang. Ang sa akin, hindi ko naman ipagdadamot ang bata. Sa nakalipas na mga araw, ayaw ko man aminin pero hinahanap hanap ko ang presensya ni Emoji. Sabi ni Mama, sya daw pianglilihihan ko bukas sa pineapple bits na nasa lata. Hindi mabubuo ang araw ko kapag hindi ako nakakakain noon. "May check up ka ngayon?" Tanong nya. Tumango ako at pinagpatuloy ang pagkain. Hindi na din ako masyadong naglalalabas ngayon, baka matsismis ako.

