Chapter 16

2863 Words
Chapter 16 Stop Halos mataranta ako sa ginagawa ko. Paano, wala si Sir Grant dito sa opisina ngayon. Ano na? Si Sir naman kasi eh. Napabuntong hininga ako. Hinawakan ko pa ang batok ko dahil nangalay ata ako sa pagtapos noong report na pinasa sa akin para ipakita kay Sir Grant. Kung bakit ba naman kasi ngayon nya pa naisipang pumunta ng Lucena. "Sinag, ayos na ba iyong pinapa-check ko sayo?" Napaawang ang bibig ko. Ano? Ano nga ba iyon? "Ah, t-tatapusin ko na." "Ayos lang, hindi pa naman kailangan pero dapat ipakita mo na din kay Sir Grant para maipresent na." Tumango nalang ako at kinagat ang pang ibaba kong labi. "Sinag, magpahinga ka kaya muna." Naramdaman ko ang pag alala sa boses ni Jestoni. "H-hindi. Ayos lang ako. Para pagbalik ni Sir, wala ng problema?" "Sigurado ka? Masyado mong kinakareer." Nagthumbs up lang ako sa kanya. Natawa sya at tinapik ng marahan ang balikat ko. Tinuon ko ang buong attensyon ko sa trabaho na iniwan ni Sir Grant. Wala naman akong reklamo, kaya ko naman ang mga ito. Kundi pa tutunog ang tiyan ko ay hindi ko pa maiisipang huminto muna para kumain ng tanghalian sa oras na alas tres ng hapon. Bumuga ako ng hangin at sumandal sa swivel chair. Ngayon ko lang naramdaman ang ngalay ng leeg ko at ang pagmamanhid ng mga daliri ko. Tumayo ako para magtungo sa pantry ng opisina. Naisipan kong magluto ng pancit canton dahil iyon lang ang stock sa cabinet. Nagtimpla na din ako ang kape at nagtoast ng wheat bread. Matapos maluto niyon ay naupo akong mag isa doon sa may lamesa. Nagpatugtug din ako sa cellphone ko para naman magkaroon ng konting ingay sa paligid ko. It's been ten months. Sanay na akong palagi akong iniiwan ni Grant sa opisina nyang mag isa, although hindi tulad noong isang buwan ko palang dito, halos maiyak ako dahil natataranta ako sa dapat gawin, tapos ang sungit sungit pa ni Sir na akala mo ay babaeng dinadalaw lagi ng mens nya. Day by day, nakaka-adjust na din naman ako. Nasasanay na akong bigla nalang ako sisigawan ni Sir, hindi dahil hindi ko pa tapos ang pinagagawa nya, dahil ganun daw talaga sya. Iyon ang usap usapan ng mga empleyado nya. Ang sabi pa ay iniwan daw si Sir ng dati nyang girlfriend at hindi pa nakaka-move on. Pero lumipas ang mga araw ay nagiging maayos na uli si Sir, bihira nalang syang sumigaw at hindi na palaging galit. Haka ko nga dahil iyon kay Ma'am Amanda. Iyong teacher na naging tutor ni Matthew, hindi naman sa tsismosa pero pakiramdam ko si Ma'am Amanda iyong dating girlfriend ni Sir. Kasi, iba nyang tignan si Ma'am Amanda, iyong parang nangungulila ba. Basta ganon, tapos nagiging soft si Sir kahit galit ang mukha. Naisip ko nga, galit lang sya pero mahal nya pa talaga si Ma'am. One time, papunta ako dapat sa bahay ni Sir Grant, pero nahinto iyon dahil narinig kong nag aaway sila. Pinagpaliban ko nalang iyon. At ngayon, sinundan ni Sir si Ma'am Amanda sa Lucena. But it's not my story to tell. Sana lang magkaintindihan na sila, para hindi na ako nahahaggard sa mga naiwang trabaho ni Sir Grant. Matapos kong kumain na inabot talaga ako ng halos isang oras dahil dinama ko pa ang bawat pagkain ko. Bumalik na ako sa pagtatrabaho. Kaibigan ni Auntie iyong nagpasok sa akin dito, nagpasalamat nga ako na kahit wala akong masyadong work experience ay tinanggap ako dito, dahil siguro nakita nila na nakapag-ojt ako sa sikat na Hotel dito sa Maynila. Hindi ko pa tapos iyong trabaho pero tapos na ang oras ko sa opisina. Bukas ko nalang ito tatapusin dahil pagod na ang mata ko. Medyo mahapdi na sya kakatitig sa monitor ng computer. Sinave ko na ang dapat isave at pinatay ang computer. Inayos ko na din iyong mga papel sa ibabaw ng lamesa ko. Nagwalis ako ng konti bago ako nagpasyang umuwi na. Kokonti nalang ang nasa labas na mga tao, nagpaalam ako sa kanila. Nagjeep lang ako pauwi para hindi hassle sa pamasahe kapag nagtaxi pa ako. Pagod ako pag uwi, pinaghanda pa ako ni Auntie noong nakauwi na ako. Nakakahiya pero dahil si Auntie ito, tinapon ko ang hiya ko. Pagkatapos kong kumain ay nakipagkwentuhan lang ako kay Auntie saglit at naghalf bath tyaka diretso tulog na ako. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pero mas maaga pa ding na gising si Auntie para ipaghanda ng almusal si Uncle. Sabay kaming nagalmusal na may kasamang kwentuhan, naligo na din ako at nagayos. Nagpaalam ako kay Auntie na puro bilin sa akin, tinawanan ko nalang sya. Nagulat pa ako dahil pagpasok ko sa opisina ay nandoon na daw si Sir Grant, well. Mabuti naman no, I wonder kung nagkaayos na ba sila ni Ma'am Amanda. Pero ayoko na din usisain iyon no. Tulad ng palagi kong ginagawa tuwing umaga kapag nandito si Sir ay pinagtitimpla ko sya ng kape. Kumatok ako ng dalawang beses sa pinto ng mismong opisina nya. "Good Morning Sir." Inangat nya ang tingin sa akin. Gwapo talaga nitong si Sir Grant, kahit nagsusungit. Nilapag ko sa lamesa nya ang kape. "Thank you." Aniya. "Anyway, tapos na--" "Tapos na, Sir. Kahapon pa po." Tumango sya. "Pakidala nalang dito lahat." Sumaludo ako. Lumabas na ako at tinipon ang mga kailangan nyang papel. Buti nalang pala at inayos ko na ito kahapon, ito pala ang una nyang kailangan. May sikreto ako, actually. Alam nyo bang nagpakasal si Sir at Ma'am Amanda nang palihim? Pero syempre, sikreto iyon ah. Kinilig nga ako, kasi kung makikita mo, bagay na bagay sila. Ang rinig ko, iyon ang kapalit sa pagbibigay ni Sir sa isa nyang kumapanya. Ang tsismosa ko ba? Narinig ko lang kasi talaga iyon. Medyo kokonti na ang gagawin ko dahil nandyan na naman si Sir Grant. Bandang tanghalian ay bumukas ang elevator at nakita kong lumabas doon si Matthew, iyong pamangkin na parang anak na din ni Sir Grant, may dala iyong brown paper bag kasama ang yaya nya. "Hi Matty!" Bati ko sa kanya. Kahit hirap nagawa nyang kawayan ako. Aww, this kid is so cute. Kung hindi ko kilala talaga si Sir Grant, iisipin kong anak nya to at hindi pamangkin, kasi kamukhang kamukha nya. Pero nakita ko na ang Nanay nitong si Matthew, ang sabi nya si Sir Grant ang pinaglihihan nya noong pinagbubuntis nya palang ang bubwit na ito. "Si Papa ko?" Tanong nya sa akin. "Tamang tama ang dating mo, Matty. Kailangan kang makita ni Papa mo para mawala ang stress nya." Ngiting ngiti ako kasi ang cute cute talaga ni Matty. "Papasok na po ako.." Paalam nya. "Ay sige lang, go." Nilahad ko pa ang pinto sa kanila. "Halika ka na, Matty. Ako na ang magbibitbit nan." Aniya noong yaya nya. Umiling si Matty at sya na mismo ang yumakap sa brown paper bag. Pinagbuksan naman sya ng pinto noong yaya nya. Kumulo ang tiyan ko dala ng gutom. Nilock ko muna ang computer at kinuha ang bag ko. May natanggap pa akong text galing kay Eli at Rain. Inaaya nila akong kumain ng lunch. Syempre, pinagbigyan ko sila. Miminsan nalang to dahil pare pareho kaming busy sa aming mga ginagawa. Si Rain, hindi na din nya natuloy ang paggiging flight attendant at humanap ng trabaho pansamantala. Doon sya sa Lausingco Hotel, bilang isa sa receptionist. Habang si Eli lang ang matyagang nakapag aral at ngayon ay nag-oojt pa din sya sa Lausingco kaya palagi silang nagkikita ni Rain. Tinext ko nalang na magkita nalang kami sa fast food na madalas naming kainan lately kapag nagkikita kita kami. Medyo malayo nga iyon sa opisina ni Sir Grant pero maiintindihan naman siguro nya kung malelate ako pagbalik dahil madami akong nagawang trabaho na. Sumakay ako sa mrt para mas mabilis akong makapunta doon. Ayon doon sa dalawa ay malapit na daw sila. I won't mind, aantayin naman nila ako, I'm sure of that. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid habang nakapila ako dito sa bilihan ng card. Minsan lang naman ako mag-mrt kaya hindi ko na kailangan bumili ng beep card, iyong pang sibgle journey nalang ang binibili ko. "Sa edsa po." Inabot ko ang twenty five pesos doon kapalit noong card. Pumihit na ako at sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nabangga ako. "I'm so sorry po." Nakayuko ako, pumikit pa ako bago inangat ang mukha ko. I was frozen upon seeing him here. Nakauwi na pala sya? Well, it's been ten months already, Sinag. But what will you expect? Na maaalala ka nyang itext man lang para ipaalala na nakauwi na sya. Kumurap sya then he smiled. I stop right there. Sa nakalipas na sampong buwan, ni minsan hindi sya nangamusta. Pero sino ba naman ako para magdemand diba? I'm just a nobody. Actually, limot ko na sya. De seryoso, limot ko na sya. And I thought hindi ko na sya makikita pa uli pero mapaglaro nga naman ang tadhana. "Sorry uli." Umalis na ako doon dahil nakaramdam din ako ng ilang at maraming nakapilang tao. Minadali kong tinap ang card kasi naririnig kong sinigaw nya ang pangalan ko. Napamura pa ako sa isipan ko kasi wala pang tren. Kaya kailangan kong maghintay saglit. Naamoy ko ang pamilyar na amoy ng pabango nya sa kanan ko. Teka nga muna? Diba may sasakyan sya, so bakit sya sumasakay sa mrt? And wait a second, stop Sinag. Wala kang karapatang itanong yan sa isipan mo. He's just Emoji for pete sake's. "Sinag." My world automatically stop right after he mention my name. Tumalon naman ang puso ko sa kaalamang naaalala nya pa pala ako. Slow motion akong humarap sa kanya at hilaw na ngumiti. He smiled. "Oh, I thought you don't remember me." Mapakla akong natawa. What the. Stop Sinag! Mukha kang tanga! "Funny. I still remember you." Paos ang boses nya na medyo mababa. "How are you, anyway?" "Fine. Ikaw?" Ngumiti ako. "Stress. Haggard." "And why? Where's your car?" Inis na pinasadahan nya ng daliri nya ang buhok nyang medyo basa gawa marahil ng pawis. "Tumirik sa gitna ng highway so I have no choice to ride this damn mrt." Aniya. Tumango ako. Dumating na ang tren kaya halos magsiksikan ang mga tao papasok. Thankful ako na nakapasok ako ng safe, pero napamura na naman ako dahil may tumulak sa akin at naglanding ako sa dibdib ni Emoji. He carefully wrapped his arms on the back of my waist. Nag init ang pisngi ko at tumayo ng ayos. "Pasensya, may tumulak eh." Ngumisi lang sya. "It's okay." Nagsiksikan pa ang mga bagong sakay kaya mas lalo akong napalapit kay Emoji. Napalunok pa ako ng maramdaman ko kung gaano ako kalapit sa katawan nya. Parang tanga na nagflashback sa isipan ko ang mga nangyari noon. Pinilig ko ang ulo ko dahilan para mauntog ako sa baba nya. "Naku, sorry." He moaned, "Be careful." Shocks! Sinag, ano ba! Nakakahiya ka. Tahimik kami buong biyahe. Nararamdaman ko ang bawat paghinga nya dahil masasabi kong ang lapit nga nya sa akin. Hindi nagtagal ay narating na namin ang destinasyon namin. Inantay ko munang bumaba iyong mga nagsisiksikan. Naramdaman kong humawak syang muli sa baywang ko. Hindi din naman nakatakas sa pandinig ko ang mga papuri ng mga babae kay Emoji. Well, I won't blame them. Gwapong gwapo ang itsura ni Emoji sa white button longsleeve shirt na bukas ang dalawang butones at hindi maayos ang pagkakalagay ng neck tie nya. Nakasabit sa braso nya ang grey coat nya, marahil ay tinanggal nya dahil nga mainit sa pilipinas. At kahit pawisan, hindi mo maaayawang tabihan itong si Emoji, dahil humahalimuyak ang bango na hinaluan ng pawis. Nakalabas kami ng safe. Inayos ako ang blazer ko at ang laylayan ng pencil cut skirt ko. Humiwalay na sya sa akin. Nginitian ko sya. Sabay kaming naglakad na dalawa pagkatapos ihulog ang card na dala doon sa machine. Kasalukuyan na kaming naglalakad palabas ng mrt station. "Will I get to see you again, Sinag?" Tanong nya. "Hmm.. Let's see then." Sagot ko. "Ingat ka, dito na ko." Tumango sya. Kumaway ako at tumalikod na habang hindi mapuknat ang ngiti sa labi ko. After ten months, nakita ko na uli si Emoji. Still no doubt, kumakabog pa din ang dibdib ko kapag nakikita sya. *** Nag aya si Eli na magbar dahil patapos na daw ang ojt nya at uuwi na sya ng Lucena. Mamimiss ko ang bruha na ito, manlilibre daw sya pero nag ambag pa din kami ni Rain. Isang linggo ang nakalipas simula ng magkita kami ni Emoji sa Mrt. Naikwento ko naman iyon sa dalawa, panay lang nila akong tinukso na baka daw bumalik na naman ang chuvenes ko kay Emoji. Hindi ko nalang sila pinansin. At oo, nagkakachat na uli kami. Wala namang kaso, baka plain friendship lang ang gusto nya. It's fine, I won't mind. Masaya naman ako. Tatlo lang kami, pero masaya kami sa aming table. Madami dami na ang naiinom nila. Habang ako ay chill lang dahil may pasok pa ako bukas. May presentation si Sir at ako ang kasama nya. Tinapos ko na naman iyon para hindi na ako maaligaga pa. Sabay sabay kaming nag-shot ng nasa baso namin. Humalakhak ako kasi nagkanda ubo ubo si Rain. "Earl! Anong ginagawa mo dito?" Nanlaki ang mata nyang sabi. Kaya pala nasamid kasi nandito si Bestfriend nya. Uminom ako at nasamid dahil nakita ko ang mukha ni Emoji na katabi ni Earl. Bakit ba nakalimutan kong magkapatid sila. Naupo sila kasama namin sa table. Nilingon ko si Eli na sinusundot ako sa tagiliran. Lasing na sya pero nagagawa pa din akong tuksuhin. "Bakit kayong tatlo lang?" Ani Earl. "Last celebration kasi uuwi na si Eli sa Lucena. Mamimiss namin sya." Sagot ni Rain. Iniwas ko ang mata ko kay Emoji, he's staring at me. Napapalunok ako. "Bakit nandito din kayo?" Tanong ko kay Earl pero para dapat kay Emoji talaga iyon. "Nagkaayaan lang na magpipinsan. Tapos pansin ko ang noo nitong si Strawberry, masyadong malaki at pansin na pansin kaya nilapitan ko kayo." Natatawang ani Earl sabay dutdut sa noo ni Rain. "Hi Emo--Eris Jon. Long time?" Bati naman ni Rain kay Emoji. "Lasengga ka pa din." Kumento ni Emoji sa kanya dahilan ng pagtawa namin ni Eli. Hindi na kami umorder pa dahil hindi na din namin kaya. Nagkwentuhan nalang, pero si Eli, tulog na sa tabi ko. Si Earl at Rain naman ay may pinaguusapan habang may tinuturo sa kabilang banda ng bar. "Gusto mong ihatid na kita pauwi?" Napapitlag ako sa pagsalita ni Emoji. Nasa tabi ko na pala sya. "Ah, huwag na. Kaya pa naman namin." Ngumisi sya at nilingon si Eli. "You're friend is drunk. And it's past midnight now." "Seryoso, hindi na. Baka makaabala pa kami." "I insist." "Sige na be. Pahatid na kayo kay Eris Jon." Rinig pala ni Rain. "Eh ikaw?" Sinapak nya si Earl sa tabi nya. "Nandito ang alipin ko." Hinalikan nya ako sa pisngi at si Eli. "Mag iingat kayo. Hoy, Ej. Ang pagmamaneho ha." "Tyaka tol, bumalik ka. Hahanapin ka nina James Michael." Simpleng tango lang ang ginawa nya. Tumayo na ako at inalalayan si Eli, mabilis syang nakalapit sa akin at sya na mismo ang umakay kay Eli na nagsasalita. Puro english pa, jusko ka Eli. Nakakahiya ka kaya, tumahik ka nalang. "Why do earth have gravity? You know that, huh?" Ani Eli. "Why do earth have beautiful creature like you?" Sinundot nya pa ang pisngi ni Emoji kaya sinuway ko sya na kinatawa lang ni Emoji. Matapos nyang mailagay si Eli sa back seat ay pasakay na din sana ako doon sa tabi ni Eli kaya lang... "Gagawin nyo ba akong driver? Dito ka sa passenger seat." Aniya. Nakagat ko ang pang ibaba kong labi at naupo na doon. Tahimik lang naging biyahe, hindi ko alam pero pinagpapawisan ako ng malagkit. Tanging hilik lang ni Eli ang naririnig namin. Hindi na talaga nahiya ang babaeng ito. "Saan mismo iyong bahay nyo?" Tinuro ko sa kanya kung saan mismo. Dito ko na muna papatulugin si Eli at baka mayare na naman ng Ate nya. May sarili naman akong kwarto dito kaya ayos lang. Hindi ko na din iistorbohin pa sina Auntie at malamang tulog na iyon. Kinalas ko na ang seatbelt ko. Nahinto lang ang tangka kong pagbukas sa pinto ng hawakan ni Emoji ang siko ko. Nilingon ko sya, nagulat pa ako dahil sumalubong ang labi nya sa akin. It was a closed mouth kiss, pero s**t naman. Namiss ko eh. Akmang igagalaw na nya ang labi nya ng umungot si Eli at nalaglag sa pagkakahiga. Nataranta ako at mabilis na dinaluhan nya. Tumulong din si Ej. Nang mabuksan ko na ang pinto ng kwarto ko ay ako na ang umalalay kay Eli. "Salamat sa paghatid." Sabi ko pa. "Mag iingat ka sa pagmamaneho." Hindi ko na hinayaang tulungan nya pa ako kay Eli papasok sa loob dahil natatakot akong baka halikan na naman nya ako. He nodded softly before leaving. Bumusina pa sya bago tuluyang umalis na. Napabuntong hininga ako. Not now, Heart. Kailangan pa nating alagaan ang lasing na si Eli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD