Chapter 15
Leave
Paglabas ko sa banyo ay agad na sumalubong ang mariin nyang pagkakatitig nya sa akin. Napalunok ako at inayos ko ang sarili ko.
Humiga sya at pumikit. Nakapagpalit na sya ng damit pero ang temperatura sa loob ng kwarto ay hindi pa din humuhupa o baka sa akin lang?
"Eris Jon.." Dinutdut ko ang balikat nya. "Huy, uuwi na ko."
Hindi sya sumagot. Hay naku naman, tinulugan nya ba ako? Inulit ko ang pagdutdut sa balikat nya, sa pangatlong ulit ko ay mabilis nyang nahigit ang braso ko at hiniga ako sa tabi nya.
He locked me between his legs.
"Eris ano ba!"
Natawa sya at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Napa-atras ang ulo ko dahil mabilis nyang nailapit ang mukha nya sa akin.
"Can you let me sleep for a moment?" Ang mababa nyang boses na nakakahalina.
"Pero, uuwi na ko. Matulog ka nalang dito." Dinikit nya ang dulo ng ilong nya sa akin. "Ej..."
"Mabilis lang. I'm really sleepy."
Kahit naman anong gawin ko, wala akong kawala kasi nakakulong ako sa bisig nya. Ilang saglit pa ay naramdaman kong maayos na ang paghinga nya tanda ng mahimbing na ang tulog nya.
Sinamantala ko na iyon para matitigan ang mukha nya. Ang mukha nyang may matangos na ilong at malalim na mga mata kapag nakamulat. Para syang anghel kapag ganitong tulog pero kapag gising, hindi mo mawari kung ano ba talaga sya. Gwapo si Emoji, walang tapon. Siguro nga noong nagpaulan ang langit ng kagwapuhan ay sinalo nilang magpipinsang Lausingco. Iba ang lahi eh.
Ngumuso ako. Bakit ba ako nahulog sa isang ito? Eh si Earl dapat ang crush ko?
Hinimas ko ang kilay nyang makakapal at konti nalang magsasalubong na. Umungot sya at hinigpitan ang pagkakayakap sa baywang ko.
Sabi ni Eli, tigilan ko na daw ito dahil wala naman akong kasiguraduhan na mamahalin din ako pabalik ni Emoji, tyaka s*x lang daw habol nito sakin. Dinepensahan ko ang sarili ko. Hindi naman s*x siguro, pero tanggap ko naman na hindi nya ako magagawang mahalin pabalik. Ang sakin lang, habang binibigyan nya ako ng attensyon, ay yayakapin ko nalang ito at ihahanda ko naman ang sarili ko kapag dumating ang oras na baliwalai na nya ako. Sa ngayon, go with the flow muna, bahala na.
Alam ko din na katangahan itong pagpayag ko sa ginagawa namin pero masisisi nyo ba ako?
Hindi ko na halos namalayan ang oras at nakatulog na din ako. Nagising lang ako ng may naramdaman akong dumadampi sa leegan ko. Nagmulat ako at nabungaran ang silid kung nasan kami ni Emoji. Mahigpit pa din syang nakayakap sa akin habang panay na hinahalikan ang leeg ko.
Kinusot ko ang antok sa mata ko at lumayo sa kanya. Nilingon nya ako gamit ang mapupungay nyang mata.
"Uwi na tayo." Sabi ko. He nodded.
Kumalas sya sa akin at tumayo na. Tumayo na din ako at sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri ko. Paglingon ko sa kanya ay mataman syang nakatingin sa akin pababa sa dibdib ko. Tinakpan ko iyon agad dahilan ng pagkakatawa nya.
Kinuha ko ang bag ko at sinuot na ang sapatos ko. I can sense him eatching me as I wore my rubber shoes. Nang matapos ako ay tumuwid ako ng tayo. He's ready to go.
Pinauna nya akong lumabas ng kwarto at pagkatapos nyang isara ang pinto ay agad syang humawak sa baywang ko. Nilingon ko ang kamay nyang nakahimlay sa ibabaw ng gilid ng tiyan ko. Hinayaan ko nalang iyon doon at hindi na umapela pa.
Tahimik kaming dalawa nang makasakay na kami ng sasakyan nya. Nakamasid lang ako sa bintana at inaabsorb ang kadiliman.
Emoji don't dare to talk, marahil ay kulang pa ang tulog na nagawa nya. Kinagat ko ang pangibaba kong labi ng makitang malapit na kami sa compound kung saan kami nakatira pareho.
Hininto nya ang sasakyan sa may tapat ng simbahan. Alam ko namang ayaw nyang may makakita sa aming magkasama, maging ako din. Mahirap na at baka ma-issue kaming dalawa.
"S-salamat. Baba na ko." Sabi ko sabay bukas sa pinto. Madilim naman kaya walang makakakita sa akin na bumaba mula sa sasakyan ni Emoji.
Hindi ko na sya sinulyapan pa nang maisara ko na ang pinto. Dire diretso akong naglakad papasok sa loob. Nagkagulatan pa kami ni Eli na kababa lang ng tricycle.
Niyakap ko sya. Buti naman at may idadahilan ako kay Mama.
"Oy! Kakauwi mo lang? Saan ka galing?" Dinuro nya ako.
"Ikaw din! Kakauwi mo lang." Sinilip ko pa ang wrist watch ko. "Pasado alas otso na."
Naglumikot ang mata nya. "Dyan lang. Eh ikaw?"
Naglumikot din naman ang mata ko. Muli, naalala ko na naman iyong naganap sa amin ni Emoji kanina! Jusko po! Patawarin pa kaya ako ni Eli kapag naikwento ko na sa kanya?
"Mamaya ko na ikekwento. Magpalit na muna tayo ng damit. Tyaka kapag tinanong ni Mama kung magkasama tayo, sabihin mo oo ha!" Hinalikan ko ang pisngi nya at pumasok na sa bahay namin.
Tinanong lang naman ni Mama kung saan ako galing. Tulad ng plano, sinabi kong naaliw kami ni Eli at nag gala pa kami sa mall kaya inabot ng gabi ang uwi namin. Kumain lang ako at nagpalit ng damit bago ako lumabas uli dahil tinatadtad na ako ng text ni Eli. Mamaya ko nalang huhugasan ang nga plato.
Naabutan ko sya sa labas ng tindahan na may katabing red horse. Naku, naglalasing na naman si Ateng. Naupo ako sa tabi nya at dumampot doon sa boybawang nya.
"Kwento na." Aniya na parang naiinip na.
"Pagkatapos ko nagkwento, ikaw din!" Pinanliitan ko sya ng mata.
"Wala namang bago." Irap nya pa.
Nagsimula na akong magkwento sa kanya. Iyong tipong kaming dalawa lang talaga ang nakakarinig sa pinag uusapan namin.
"Gaga ka!" Sabi nya sabay sapok. "Nakakaloka! Bakit ba sumama ka jan sa Emoji na yan!"
"Kasi... alam mo naman na namiss ko sya."
Nasapo nya ang noo nya. "Jusko ka. Eh paano kung hindi nya na-control ha! Patay ka!"
"Eli naman. Syempre, hindi nya pa din nagawa."
"Dahil sabi mo virgin ka pa at hindi pa ka pa handa!" Pinukpuk nya iyong cellphone nya sa noo ko. "Layuan mo na nga yang si Emoji. Wala ka naman mapapala jan. Ikaw ang talo."
"Ang sakit mo magsalita."
"Aba dapat lang para naman matauhan ka! Kaibigan kita at hindi ko gusto na nagpapakatanga ka jan kay Eris Jon Lausingco!"
Mabilis kong tinakpan iyong bibig nya. Geez, ang ingay nya. Buti wala masyadong tao sa paligid namin.
"Kaya Sinag ha! Kapag talaga nalaman kong sumama ka uli jan naku. Kalimutan mo ng kaibigan mo ako."
Ngumuso ako. "Grabe ka naman, Eli. Eh kung dati nga pinupush mo ako."
"Dati yun!" Madiin nyang sabi. "Dati iyon no! Kasi masaya ka. Pero alam naman natin pareho na temporary lang iyang pagbibigay nya ng attensyon sayo. Kapag nakuha na nya ang gusto nya, wala na."
Natahimik ako. At some point, tama naman ni Eli. Pinoprotektahan nya lang ako.
"Opo. Alam ko na."
Niyakap nya ako sa baywang.
"Concern lang naman ako be. Sorry kung iba ang dating sayo. Ayoko kasing masasaktan ka."
Pinisil ko ang braso nya. "Alam ko yun. Salamat kasi naging kaibigan kita."
Hinalikan nya ang pisngi ko.
"Pero magkwento ka din." Sabi ko.
Napaismid sya pero nagkwento pa din naman.
***
Isang linggo ang nakalipas mula nang magkasama kami ni Emoji sa hotel. Nagtetext at nagcha-chat pa din sya pero tinatatagan ko na ang sarili ko. Ayokong magalit sa akin si Eli pero minsan hindi ko din mapigilan.
Tulad ngayon, natawag sya. He was asking me where am I. At magkita daw kami. Hindi ako sumasagot pero sadyang makulit sya.
Ako:
Busy ako.
Emoji:
Busy pero narereject ang tawag ko at nakakapagreply.
Hindi ko na sya nireplyan pa at inabala nalang ang sarili ko sa paggawa ng resume. Naisipan ko kasing maghanap nalang muna ng trabaho dito hangga't di pa sinasabi ni Auntie na kukunin na nya muna ako.
Tumigil din naman sya na pinagpapasalamat ko dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at replyan sya uli.
Sumunod na mga araw ay wala namang magandang nangyari. Bahay lang ako at gumagawa ng mga gawaing bahay. Nagpasa na din pala ako ng mga resume at inaantay ko nalang ang tawag. Sana lang ay matanggap ako kahit wala pa akong working experience halos.
"Tatawagan ka nalang namin. Sana ay pumayag iyong boss ko."
"Salamat po uli."
Tumayo na ako at tumango bago lumabas sa opisina. Napabuntong hininga ako.
Nang tuluyan na akong makalabas ng resto ay sinilip ko ang wrist watch ko. Four pm palang. Napapagod na akong magpalakad lakad, siguro ay uuwi nalang muna ako.
Bago umuwi ay dumaan muna ako doon sa hilera ng mga streetfoods. Nakaramdam na kasi ako ng gutom.
Masagana akong kumain doon. Ngayon ko lang din halos naramdaman ang pagod simula kanina. Uminom ako ng palamig bago ako dumighay. Natawa pa nga ako sa sarili ko. Nakakahiya.
Nagbayad ako at inabot ang sukli. Pagpihit ko sa harap ay halos mapatalon ako dahil sumalubong sa akin ang mariing tingin ni Emoji katabi ang pick up nya. Napaiwas ako ng tingin sa braso nyang namumutok na. Suot nya lamang ang muscle tee nya at tokong pants, nakatsinelas lang din sya.
Ngumiti ako sa kanya at lumihis ng daan. Napamura pa ako dahil mabilis nya akong nahila sa braso ko.
"Avoiding me... again?" Kunot noo nyang sabi.
Pinunasan ko ang bibig ko dahil baka may dumi pa iyon bago umiling sa kanya.
"Oh yeah? Make me belive then."
"May.. ano may pupuntahan pa ako." Sabi ko.
Napangisi sya. "I was following you. You're done for today."
Namilog pa ang mata ko. Why would he follow me? Ang paasa talaga ng lalaking ito. Nakakainis. Di ko pa nalilimutan iyong nabasa kong comment nya sa picture ni Shaira na halos lumuwa na ang s**o. Tss.
"Ah, uuwi na din pala ako."
He eyed me. Iniwas ko ng mabilis ang mata ko.
"You are avoiding me."
"What if I am?" Hamon ko.
Umiling sya at umangat ang sulok ng bibig. Looks like he was amaze. I don't care.
"What did I do?"
"Wala. Can you please let me leave?"
"I'm taking you home." Aniya. Napairap ako at talagang pinakita ko sa kanya iyon. "Annoyed?" He chuckled.
"Kasi ang kulit mo. Let me leave, peacefully."
Mas lumawak ang ngisi nya. Sumilip sya sa casio watch nya.
"Can I have some of your time?"
Pilit kong sinisiksik sa utak ko ang sinabi ni Eli. Kaya ang ending umiling ako. Bumagsak ang balikat nya dahil sa pagiling ko.
"I understand." He said. "Atleast, can I drive you home?"
You're always driving me crazy, Eris Jon.
"Ej..."
"Kahit ihatid nalang kita pauwi. I just wanted to see you before I leave again." Napatitig ako sa kanya.
"Saan ka pupunta?"
"China. Hongkong. Australia."
"Huh? Bakit?"
"Business meeting." Sagot nya na parang wala lang.
"How long?" God Sinag! Stop asking!
"Six to nine months, maybe?"
"Ganon katagal?"
"Gonna missed me?" He teasingly said.
Umismid ako. "No. Why would I?"
"Because I will be missing your lips, baby." Aniya ng walang patumpik tumpik.
Hinampas ko ang bibig nya. Natawa naman sya dahilan para mapalingon sa amin ang mga tao na dumadaan.
"C'mon. Let's take you home."
Hindi na ako umimik at nagpatianod nalang sa kanya. Tahimik ako dahil iniisip ko na mawawala na naman sya ng matagal. Pero dapat wala na akong pakialam doon kasi basta dapat wala na.
Napaayos ang upo ko ng huminto mismo ang sasakyan nya sa harap ng bahay nila. May inabot sya sa parang drawer doon sa ilalim ng dashboard. It was a box, he handed me that. Kumurap kurap pa ako.
"Open it when you got home."
Nilingon ko sya. Why are you doing this to me, Ej?
Bumuntong hininga sya at nilapit ang sarili nya sa akin para siilin ako ng mababaw na halik sa labi. He even open the door for me. Natauhan ako at mabilis na bumaba.
"Bye, take care always." Aniya sa paos na boses.
Tumango nalang ako at mabilis na naglakad palayo. Nang makaliko ako ay sumandal ako sa pader at binuksan ang binigay nya sa akin. It was an angklet, walang design na kung ano pero mahahalata kong elegante sya. Napanguso ako. Bakit ba ginagawa ni Emoji to sa akin? Ano bang purpose nya? Anong gusto nya? Pinapaasa nya ako. Nakakainis.