Chapter 8

1719 Words
Chapter 8 Huli I have dark circles around my eyes. Paano, hindi agad ako nakatulog dahil sa tuwing pipikit ako, iyong pangyayari kagabi ang nakikita ko sa balintataw ko. Kaya ng ending, ayun, puyat na puyat ako. Buti nalang at inayos ni Mama iyong mga gamit ko para diretso alis nalang ako mamaya. Tulala ako sa hapag kainan namin at parang tanga na hawak hawak ang labi ko. I can't stop thinking about the kiss Emoji and I shared. Kapag naaalala ko iyon ay bumibilis ang t***k ng puso ko. Isa pa iyong sinabi nyang gusto nya ako. But at the back of my mind, hindi ko din maiwasang hindi maniwala. What if sinabi nya lang iyon kasi... Natigil ang pag iisip ko ng hinilamos ni Ate ang palad nya sa mukha ko. Sinamaan ko sya agad ng tingin. "Ano ba!" "Kumain ka na kaya. Kanina ka pa tulala jan." Sabi nya pa. "May problema ba?" Tanong naman ni Kuya. Umiling nalang ako at nagsimula ng kumain. Kinagat kagat ko pa ang pang ibaba kong labi dahil weird man isipin pero pakiramdam ko damang dama ko pa din ang labi ni Emoji sa labi ko. Ay jusko, ano ba ito. "Ma, si Sinag ang creepy." Ani Ate. Tinaasan ko sya ng kilay. Sinulyapan naman ako ni Mama. Ngumiti ako agad. "Inggetera ka talaga." Asik ko sa kanya. Nang matapos kaming mag-almusal ay agad akong naligo para mabilis na makapag ayos. Mamaya lang ay nandito na si Elizabeth. Isang simpleng grey v neck shirt at leggings ang sinuot ko tyaka iyong white vans shoe ko. Ipinaikot ko iyong buhok ko kaya tumalsik ang basa niyon sa loob ng kwarto. Hinayaan kong naka-lugay iyon habang nag aayos ako ng kilay ko. "Nandyan na si Eli. Bilisan mo daw." Katok ni Ate sa kwarto ko. "Oo, saglit lang pakisabi." Tinapos ko na din agad ang pagaayos ko ng sarili ko. Sinakbit ko ang body bag ko at ang back pack ko. Isang sulyap ko sa salamin bago ako tuluyang lumabas ng silid. Pumalakpak si Eli nang makita nya ako. "Finally!" Inirapan ko sya at lumapit na kay Mama. Hinalikan ko sya sa noo at binatukan ang dalawa kong kapatid. Nagpaalam na din si Eli kina Mama at sabay na kaming lumabas ng bahay namin. Ngayon, babalik na kami sa Maynila para sa ojt. Lumakad na kami ni Eli palabas ng compound. "Hindi uso ang suklay sayo?" Tanong nya at pinasadahan ng kamay nya ang mamasa masa ko pang buhok. "Eh, nagmamadali ka na diba?" Sumulyap ako sa bahay ng mga Lausingco noong mapadaan kami ni Eli doon, automatiko ding napadako ang mata ko sa grahe nila at agad akong nakaramdam ng pag iinit ng pisngi ko. Bumukas ang gate nila kaya napatabi kami ni Eli. Dinumog ng kaba ang dibdib ko sa kadahilanang baka si Emoji ang lalabas sa gate, pero ganoon nalang ang pagbagsak ng balikat ko dahil iyon ay ang Mama nya, na may kasamang bata. Ngumiti sya sa amin ni Eli kaya ngumiti din kami pabalik. "Taray, nginitian ka ni Mama." Siniko pa ako ni Eli. Inismidan ko nga. "Ssh. Marinig ka, nakakahiya." Huminto kami sa labasan para maghintay ng tricycle. At habang nakatayo kami doon ay sinusuklayan nya ako ng buhok. "Nga pala, pag dating natin doon sa Maynila. Magpakita naman daw tayo kay Rain. Nagdadrama." Sabi ko. "Oo, nasabi sakin." Patuloy sa pagsusuklay sa buhok ko si Eli. "Sabi ko, sunduin nya tayo sa babaan ng bus." Tulad ng dati, inabot ng apat at kalahating oras ang biyahe patungo sa Maynila. Nandoon nga si Rain sa babaan ng bus, tinotoo ng bruha ang pagsundo. "Balita? Wala ka pang pasok?" Tanong ko sa kanya matapos naming magbeso beso. "Papunta na nga ako dun, kaya lang syempre, gusto ko kayong makita." Inakbayan nya kami. "Next time nalang tayo magbonding. Mej malelate na ako." "Kasi ba't tinotoo mo pa ang pagsundo. Binibiro lang naman kita." Singit ni Eli. "Namimiss ko na nga kayo. Ang kulit ha." Hinatid namin si Rain sa sakayan ng jeep patungo sa pinag-o-ojt-han nya. Matapos noon ay naghiwalay na din kami ni Eli para umuwi sa kanya kanya naming tinutuluyan. Pasado alas dyes na ako nakarating sa bahay nina Auntie. Pagpasok ko sa loob, si Liam lang ang naabutan ko. "Oh, Ate. Kumain ka na? Kamusta biyahe?" Tinulunga nya ako sa dala kong gamit. "Ayun, nakakapagod. Sina Auntie?" "Nasa trabaho." Sagot nya. "Ipagluluto ba kita?" "Huwag na. Ako nalang." "Eh pagod ka, Ate." Aniya. Tinapik ko ang braso nya. "Pakilagay nalang nitong bag ko sa kwarto ko. Ako na bahala magluto." Tumango sya at agad na tumalima. Nagtungo naman ako sa banyo para umihi muna, naghugas ako ng kamay ko at nagtungo na sa kusina. Century tuna nalang ang niluto ko na hinaluaan ko ng itlog. May saing na naman kaya ready to eat na. Salo kami ni Liam sa pagkain. At nang matapos ay sya na ang nagpresintang maghugas. Pinabayaan ko nalang para makapagpahinga na ako. Matapos kong magpalit ng komportableng damit ay nahiga na muna ako sa kama. Dinukot ko sa bag ko ang cellphone ko at binuksan ang lockscreen. May tatlong message na dumating. Isa kay Mama. Tinatanong lang kung nandito na daw ba ako bahay. Nagreply lang ako ng oo. Iyong dalawa naman ay galing kay Emoji. Ngumuso ako, bago ko binuksan iyong message. Emoji: Hey. Emoji: Aalis ka na agad? Nagpasya akong huwag nalang sagutin dahil wala na pala akong load. Magpapaload nga ako mamaya pagkatapos kong magpahinga. Nilapag ko lang iyong cellphone ko sa sidetable at nakatulugan ko na ang pagod sa biyahe. Ginising lang ako ni Auntie bandang hapon para magpasamang mag-gtocery ng stocksa bahay. Naghilamos at toothbrush ako tyaka nag ayos ng sarili. Lutang pa ako dala ng pagkakatulog nang makarating kami sa super market ni Auntie. Ako ang nagtutulak ng push cart habang sya ang naglalagay ng mga kakailanganin doon. "Gusto mo ng biscuit?" Tanong nya pa sa akin. Tumango ako at tinuro ang butter cookies na nasa harapan namin. Kinuha nya iyon at nilagay sa push cart. "Wait, wala pa pala akong mga satinary napkins at itong yakult ni Liam." Sabi nya habang binabasa ang nasa listahan. "Dito ka lang, ako nalang ang pupunta doon." "Sige po." Mabilis na naglakad si Auntie palayo. Napabuntong hininga ako kasabay ng pagkulo ng tiyan ko. Aww, gutom na pala ako. Pinukol ko ng tingin iyong butyer cookies na nasa push cart at mas lalo lang kumalam ang sikmura ko. Inis na iniwas ko ang tingin ko doon at pinasadahan ng tingin ang paligid. Asan na ba si Auntie? Baka napasabit pa. Napailing ako kasabay ng pagtama ng mata ko sa isang bulto ng tao na nakatayo malapit sa pwesto ko. Infront of him is his push cart while his elbows is crossed againat his chest. Naka-muscle tee shirt sya kaya halos mamutok ang mga biceps nya aa braso. Kitang kita ko doon ang tats nyang EJ. Napalunok ako nang mapasadahan ko ng tingin ang mukha nya. Agad na nagtama ang mata naming dalawa. The side of his lips lifted with an amusement smirked. He's amuse that I'm checking him out, I guess? Napaayos ang tayo ko nang itulak nya ng bahagya ang push cart palapit sa pwesto ko. Hindi nabubura ang ngisi nya habang ako ay pinagpapawisan na ng malapot dito sa kinatatayuan ko. He stopped walking but never stopped eyeing me. Pakiramdam ko napakainit ng pisngi ko, isama mo pa na naalala ko ang nangyari sa pagitan namin kagabi lang. Wala sa sariling napatingin ako sa mapula pula nyang labi. Ang labi na nakalapat lamang sa akin kagabi. s**t, tama na Sinag. Mukhang tanga. Napaigtad ako dahil naramdaman ko ang hawak nya sa gilid ng baywang ko kumurap ako at humarap sa kanya. "Excuse me." He whisphered huskily. What the f! Umipod ako ng konti, hindi naalis ang kamay nya sa gilid ng baywang ko. I can almost smell his minty fresh breath. Sunod sunod ang paglunok ko sa ginawa nyang pagpisil doon bago pinakawalan ng kamay nya ang baywang ko. Hinawakan ko agad ang push cart para hindi ako mabuwag sa kinatatayuan ko. Narinig ko pa ang bahagya nyang pagtawa sa nakitang reaksyon ko. Inabot nya ang dalawang bote ng pickles nasa nakapwesto lang pala sa likod ko. Damn it. "Are you alone?" Kapagkuwan ay tanong nya gamit pa din ang mababang boses. It took me seconds to collect my voice. Damn, ano bang nangyayari sayo, Sinag? "N-no. I'm with m-my Auntie." Sagot ko. Nilapag nya ng maingat ang dalawang bote ng pickles sa push cart nya habang tumatango. "I see." Paos na paos ang boses nya at hindi ko alam kung bakit halos kapusin ako ng hininga dahil sa boses nya. Are you seriously crazy, Sinag? Iimik pa sana sya kaya lang ay bigla akong tinawag ni Auntie. Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan ko. "I'm sorry. May nakita kasi akong kaibigan doon." Hinging paumanhin agad ni Auntie sa akin. "It's okay po." Natawa sya at nilapag na ang mga dala sa push cart namin. Pag angat nya ng tingin ay doon nya palang napansin si Emoji na nakatayo malapit sa amin. Kumunot ang noo ni Auntie habang nakamasid sa gwapong si Emoji. Kinagat ko naman ang pangibaba kong labi. "I'll be going, see you around." Paalam pa ni Emoji sa akin. Napalunok talaga ako. Marahas na binalingan ako ni Auntie at tinaasan ng kilay. "Kilala mo?" Tipid akong tumango. "Siya po iyong may ari ng Lausingco Hotels." "Baka anak ni Elvis. Kaya pala kamukha." Tatango tango pa si Auntie. Nagtungo na kami sa counter ni Auntie. Habang nagbabayad sya ay lihim akong napasinghap dahil katapat lang namin si Emoji. Yumuko sya kasabay ng pagiling at pagngising muli. Namula talaga ako. Ang gwapo nya kasi doon. Iniwas ko nalang ang mata ko sa kanya. At kahit hindi na ako nakatingin ay ramdam ko ang pagtitig nya sa akin. "Let's go. Dalhin mo na yan." Siniko ako ni Auntie. Agad naman akong tumalima. At dahil malandi ako, sumulyap pa ako sa pwesto ni Emoji. Kamuntikan pa akong mapatalon kasi nakatitig din sya sa akin. Dala ng hiya ay mabilis kong iniwas ang tingin ko uli. Nang makalayo kami ay palihim kong pinagalitang ang sarili ko. Nakakahiya ka, Sinag. Huling huli na tinititigan mo sya. Ano ba!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD