Chapter 9
Selos
"Good Morning."
Napatalon ako sa biglaang pagbati sa bandang likod ko. Natapon pa ng kaunti iyong tsaa na ginawa ko.
Ayokong lumingon kasi kilala ko kung sino iyon. Sino lang ba ang may epekto sa akin ng ganito?
"Hmm.. Are you avoiding me?"
Naramdaman ko sya sa tabi ko. Nakakapagtaka lang na may sarili naman syang pantry pero dito talaga sya sa pantry ng mga intern pumunta. Ayoko naman mag-assume na baka gawa ko kaya sya napadpad dito.
"Sinag.."
Kumalabog ang dibdib ko. This is the first time that he called me by my name. I had to calm myself. Hindi nya dapat malaman na ang lakas ng epekto nya sa akin.
Nahigit ko ang hininga ko ng bahagya syang lumapit sa akin para abutin ang creamer. Nasinghot ko tuloy ang pabango nya.
"S-sir.." Kinabahan akong lumayo sa kanya, mahirap na, baka may makakita sa amin. Ma-issue pa.
"What?"
Umiling ako at lumayo sa kanya dala dala ang mug ko. Pinanuod nya ang ginawa kong paglayo sa kanya. Pinasadahan ko naman ng tingin ang paligid. Busy ang iba pang intern sa kani kanilang ginagawa.
"How's your day?" Tanong nya matapos haluin ang kape na ginawa.
"O-okay lang naman." Sagot ko.
Inisang lagok ko na ang tsaa sa tasa ko at lumapit sa sink para hugasan iyon. As much as possible, kailangan ko ng makalayo kay Emoji. Masyadong maliit ang space ng pantry sa aming dalawa.
Pinakiramdaman ko ang bawat galaw nya habang hinuhugasan ko ang tasa. He's silently sipping his coffee. Isang white button down polo with longsleeves ang suot nya. Bahagyang magulo ang neck tie nya ang bukas ang tatlong butones, dahilan ng pag-ultaw ng kanyang dibdib mula doon.
Tahimik na nilagay ko iyong mug sa lagayan at nagpunas ng kamay. Napatili ako ng bahagya nya akong hapitin sa baywang at hinarap sa kanya. Naitungkod ko ng mabilis ang mga kamay ko sa dibdib nya.
"S-sir, a-ano po..." Kabadong kabado ako na baka may biglang pumasok sa loob at makita kami.
Yumuko sya upang magpantay ang mga mukha namin. Amoy na amoy ko ang mouth wash nya na hinaluan ng amoy ng kape.
"Drop the Sir." Mariin syang nakatingin sa labi ko. Sunod sunod naman ang naging paglunok ko.
"Sir, ahm. Sir Ej, baka po may--"
"Tangina." He growled before claiming my lips.
Nanlaki talaga ang mata ko dahil sa ginawa nya. I was stuck up with almost five seconds, kundi nya pa kinagat ang ibaba kong labi, hindi ako matatauhan at lalayo sa kanya. Ngunit hindi nya ako pinakawalan, madiin nyang hinawakan ang baywang ko. Yumuko syang muli at akmang aabutin ang labi ko nang bumukas ang pinto.
Mabilis pa sa alas kwatro na lumayo ako sa kanya. Binuksan ko ang ref para magmukhang may ginagawa ako.
"Oh! Hi Sir Eris."
Napapikit ako at mariing kinagat ang labi ko. Si Eli iyong pumasok.
"Hello," ani Emoji sa mababang tono.
"Pst, tabi jan. Kukuha akong mineral bottle." Hinila ni Eli ang braso ko.
Lumayo naman ako sa ref at inayos ang sarili ko.
"Sir, I hope you don't mind. May pantry po sa opisina nya, pero ba't dito po kayo nagkape?" Tanong ng mahaderang si Eli.
Sinara nya ang ref at uminom sa tubig nya.
"Naubusan ako ng stock. And I wanted to know what's the taste of your pantries coffee." Ani Emoji habang may ngisi sa labi.
Nag iwas naman ako ng tingin. Tumango tango naman si Eli pero duda kong hindi naman talaga to convince sa sagot ni Emoji dahil mamaya ay iintrigahin ako nito.
"I'll go ahead." Tinaas pa ni Emoji ang tasa ng kape nya. "Masarap ang las ng kape nyo dito." Sinabi nya iyon at sumulyap sa akin.
"Naku Sir. Parehas lang naman ng kape ang buong building." This time, nakangisi na si Eli.
"Is that so? Mas gusto ko dito." Naglaro ang kasiyahan sa mata ni Emoji. "Balik na ako sa opisina."
Napasandal ako sa sink nang makalabas na si Emoji sa pantry. Pero nalimutan kong nandito pa pala ang mahadera kong kaibigan. Pinukpuk nya ang bote ng tubig sa ulo ko.
"Aray naman!"
"Gaga ka teh! Anong nangyari? Hindi ako convince na naubusan ng stock ng kape si Emoji! Hello!" Iirap irap pa si Eli.
Kinamot ko ang noo ko. I took a deep breath.
"Huy! Nagmomol kayo ano!" Hyterical nyang sabi. "Dito talaga? Buti at ako lang ang pumasok!"
"Tangi! Hindi."
"Maniwala! Kahit kiss?" Tinaasan nya ako ng kilay at inamba ang bote ng tubig sa akin.
"Nagkiss lang. Iyon lang."
"Tangina ha." Usal nya. "Pwede naman sa ibang lugar. Ganyan ka ba kaganda at hindi maiwasan ni Emoji ang halikan ka?"
Hindi ako sumagot at iniwan nalang si Eli sa pantry. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako nagpatuloy sa mga ginagawa ko.
Sa mga sumunod na araw ay pinilit ko talagang iwasan si Emoji. Oo, promise. Pero dahil sya ang may ari ng hotel, mahirap sa part ko na iwasan sya. Naulit pa nga uli ang pagkakape nya sa pantry namin. Kilig na kilig naman ang ibang intern dahil nandoon sya. Noong minsan ay sinama nya pa si Sir Shinubo, iyong pinsan nya.
Habang si Eli naman ay panay ang convince sa akin na ang ganda ganda ko dahil talagang nag eeffort pa daw si Emoji na puntahan ako kaso hindi nagtatagumpay dahil talagang sinasakto kong kasabay ko ang mga ka-intern ko.
May time na naiwan kaming dalawa sa elevator. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, nagtangka syang halikan uli ako pero buti nalang at tumunog agad ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na ako. Ang akala ko pa nga ay hihilahin nya ako pabalik pero mabuti naman at hindi nya ginawa. That time, may meeting kasi sya at kailangan nyang magmadali.
"Huwag mo kayang isipin iyon. Hindi ka mahal nun." Rinig kong sabi ni Eli sa tabi ko. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Bakit ko naman iisipin iyon? Bahala pati sya."
"Asus. Bahala daw, pahalik naman ng pahalik." Aniya. Tinuro nya pa ako. "Huwag mong idadahilan sa akin na masarap humalik si Emoji dahil shitness, masarap daw talaga."
Inirapan ko sya. Siniko naman nya ako ng paulit ulit.
Pinatawag kaming lahat ng intern sa lobby dahil may kaunting ididscuss lang daw si Sir Earl sa amin bago umuwi. Pagkatapos namin magpalit ng damit ni Eli ay sabay na kaming nagtungo sa lobby.
Karamihan sa mga intern ay nandoon na. Andoon na din ang secretary ni Emoji at si Sir Earl. Pumili na kami ng mauupuan ni Eli. Nilagay ko muna ang body bag ko sa likod ko at komportableng naupo na.
"Okay. Lahat ba ay nandito na?" Tanong ni Sir Earl.
Gwapo talaga nito. Magkaiba sila ng kagwapuhan ni Emoji. Tanda ko pa noong bata ako ay palaging ako ang nagpeprisinta na tawagin si Kuya sa bahay ng mga Lausingco. Panay ang sulyap ko syempre kay Earl. Kaya ewan ko ba kung bakit kay Emoji na ako nahuhumaling ngayon.
"For the meant time guys, hindi na ako ang maghahandle sa inyo. Kasi magreresign na ako bilang manager." Ani Earl.
Madaming nagtanong kung bakit pero tikom ang bibig ni Earl sa kung anong dahilan nya.
"This is Dada, she's Eris Jon's secretary. Naipasa ko na sa kanya ang lahat ng form nyo." Tumango iyong Dada. "At si Eris Jon na ang magiging handle nyo. So guys, thank you for everything."
Panay ang pilit ng ibang intern kay Earl kung bakit biglaan ang pag alis nya bilang Manager ng hotel. May haka ako na baka nagkaroon sila ng alitan ng Daddy nya.
Perfectionist kasi si Elvis Lausingco. Makikita mo naman talaga sa aura nya iyon, at simula noon nakikita ko na kung paano nyang hinahandle ang mga anak nya para maging perfect.
Wala sa sariling napabaling ako sa entrance ng hotel. Mula doon ay may pumasok sa babaeng pixie cut ang buhok na itim na itim. Wearing a white halter body shaped dress with killer heels. Everyone's turning their head for her. I don't know but I think I saw her somewhere.
"What is she doing here?" Bulong ni Eli sa sarili nya.
"Sino nga iyon? Tanong ko sa kanya.
"That's Shaira Madrigal. Iyong sikat na artista ngayon." Sagot ni Eli. "Alam mo bang balita na sya ang dinedate ni Emoji ngayon."
Tumango ako at pinakatitigan iyong Shaira. She has the body of an hour glass with big boobs. Napayuko ako sa dibdib ko, malaki naman sya pero hindi kasing laki noong kay Shaira.
"Earl." Mahinhin ang boses nya noong tinawag nya si Earl.
Nahinto naman ang pakikipag usap ni Earl sa ibang intern at umayos ng tayo. Ultimo paglalakad ni Shaira ay may postura. Parang naglalakad lang sya sa isang runaway show at bidang bida sa paningin ng lahat.
"Hi, Shaira."
Sinalubong sya ni Earl at binigyan ng halik sa pisngi.
"What brought you here?" Nakangiti si Earl sa kanya.
"Where's Ej? I bet he's still here."
As if on cue, biglang bumukas ang elevator at niluwa niyon si Emoji na nakapamulsa sa itim ba slacks nya. Diretso ang itsura ng mukha nya.
"Ej!" Tili ni Shaira at nagmadali patungo kay Emoji.
Napalunok ako habang pinapanuod ang ginawa nilang paghahalikan sa harapan lang namin. Tumawa si Emoji at nilayo sa kanya si Shaira. Hinawakan nya iyon sa likod ng baywang.
Siniko naman ako ni Eli. Paglingon ko sa kanya ay nakamata sya sa akin.
"Huy."
Ngumiti ako sa kanya at binalingan uli ang harap. Kasalukuyan na silang nagpapaalam kay Earl.
"Iiwan mo mga intern mo dito?" Ani Earl.
"Madali lang to. Kakain lang kami sa labas." Sagot naman ni Emoji.
"Don't you want to come, Earl?"
Ngumiti si Earl. "I wanted to but I have an appointment."
"Kung maka-appointment ka naman. Si Strawberry lang naman ang kikitain mo."
"Kayo na?" Singit ni Shaira.
"Bestfriends lang daw sila." Ngisi ni Emoji sa kapatid. "We'll be going now."
Pumasada ang tingin ni Emoji sa aming mga nakaupo. Agad akong nag iwas ng tingin nang mahuli nyang nakatitig ako sa kanya.
"Mag iingat kayo. Huwag na kayong dumaan sa hotel." Natatawang ani Earl.
"Ulol ka."
Bumilang ako ng limang beses sa isipan ko bago ko sila pinanuod na lumabas ng Hotel. Nakapulupot ang braso ni Emoji sa baywang ni Shaira. May kung anong pumitik sa dibdib ko. Ano iyon? Ano ako? For fun?
I blinked twice and calmed myself. Pero wala, nagseselos pa din ako. Selos ng selos pero wala namang karapatan.