KURT DE MERCEDES NANG NAKAUWI NA ako sa bahay. Pinadalhan ko ng mensahe si Ethan. Gusto ko lang ipaalam sa kanya ang naseksihan ko kanina. Mahal ko ang kaibigan kong si Kyro kaya nag-aalala ako sa nakita ko. Hindi ko mapaliwanag ang kaba na nararamdaman ko. Malaki ang posibilidad na wala lang iyong pagdurugo ng ilong ng kaibigan ko pero mas mainam na ang makasigurado. Gusto ko siyang pasamahan bukas kay Ethan sa hospital nang malaman kung ano talaga iyon. Hindi kasi ako mapakali. “Salamat sa info, Kurt. God bless. Matutulog ka na ba?” tanong niya sa akin. “Hindi pa. Ilalaro ko pa ang anak ko. Hinintay kasi ako. Hindi pa natutulog.” “Baka sinamay mo. Kaya hinahanap ka niya tuwing ganitong oras.” “Sa tingin ko, oo. Bumabawi kasi ako. Alam mo naman kapag oras ng trabaho. Focus talaga ako

