KURT DE MERCEDES NANDITO KAMI SA mall ng anak ko. Ipinasyal ko siya dahil parang matagal-tagal na rin na nasa bahay lang siya. Gusto ko siyang malibang man lang at magkaroon din kami ng oras na kami lang dalawa. Mag-ama. Matapos namin maglaro sa playzone, dumiretso na kami sa paborito niyang food chain. Binili ko naman ang lahat ng itinuro niya dahil alam ko na lahat ng iyon ay kakainin niya. Kahit hindi mataba ang anak ko, malakas pa rin iyon kumain. “Dad? Is that, Tito Ethan?” biglang tanong ng anak ko. Sinundan ko naman ang tingin ng anak ko. Napangiti na lang ako nang makumpirma nga si Ethan nga na dating kasintahan ko ang nakita niya. Ang talas lang ng tingin ng anak ko. Sa daming tao na nandito sa loob, nakita niya ang Tito niya. Tumayo ako sa kinauupuan ko. “Than!” Napalingon

