Chapter 6

1787 Words
 Lumabas na kami ng kuwarto at kahit kinakabahan ay tinitikis ko na lang. Pumasok kami sa loob ng kuwarto kung saan lulan iyong lalaki kaninang pogi.   “Alala ko sa ‘yo ha. Ag inisin si, Otin Uter,” wika niya. Kaagad na kumunot ang noo ko.   “Ha?”   “Anga ka! Bobo!” singhal niya sa akin. Naramdaman ko pa ang malakas na pagbuga niya ng hangin papunta sa mukha ko. Napapikit ako at tiniis ang kakaibang amoy.   “Ano ingin-ingin mo ha?” tanong niya sa akin. Mabilis na inilihis ko ang tingin sa kaniya at umiling-iling. Napatingin ako sa itaas ng kuwarto at may nakalagay na Martin Luther Vasiliev the king. Sa tingin ko ay iyong sinabi niyang Otin Uter ay Martin Luther. Kaagad na napangisi ako. Pasasaan pa’t maiintindihan ko rin itong mga pinagsasabi niya. Nilingon ko siya at nginitian.   “Handa na ako,” sambit ko. Tinitigan niya lang ako at kumatok nang tatlong beses sa pinto at basta na lang akong pinapasok. Hindi na rin siya pumasok pa. Kaagad na napahawak ako sa aking dibdib nang makita ang lalaking topless. Nakasuot ito ng pantalon at nakapaa lang. Nakaupo sa pahabang couch at tumutungga na naman ngayon ng wine habang nakatitig sa akin. Pasimple kong hinigop pabalik ang laway kong bahagyang nahulog sa gilid lalo pa at kitang-kita ng dalawang mata ko ang napakaganda niyang katawan. Sa tingin koy eight pack abs itong kaniya. Napalunok ako nang makita ang mabuhok niyang puson pababa.   “What the f-ck are you staring at?” maldito niyang tanong sa akin.   Napalunok ako at umiling.   “Tumabi ka sa ’kin,” utos niya. Mabilis na tumalima naman ako sa utos niya at nginisihan siya. Tinaasan niya lang ako ng kilay.   “Idiot,” mahinang aniya. Kaagad na napataas ang kilay ko.   “Bad ‘yan,” sabat ko.   Hindi makapaniwalang tiningnan niya lang ako.   “Masama ang magmura magagalit ang langit,” dagdag ko pa.   “Damn, hell, w***e, stupid, retarded, bullsh-t, shi-t!” saad niya na ikinalaki ng mata ko.   “Who the hell are you to tell me what’s good or not? You are my slave, my w***e my, hoe,” malamig niyang saad. Pakiramdam ko ay umabot hanggang spinal cord ko ang kalamigan ng boses niya. Tila hindi nga niya nagustuhan ang pagsabat ko.   “S-sorry,” matabang kong wika. Nainsulto ako sa sinabi niya pero pasasaan pa? Eh talaga namang bayaran akong pota.   “Do you think sorry is enough?” aniya sa ‘kin. Ang mga mata niya ay matalas at palaging galit. Kahit na nakaliliyo iyon at asul na asul ay siyempre hindi puwedeng magpadala ako. Lalo pa’t sa gilid may kuwarenta y singkong kalibre ng baril. Tila isang pagkakamali ko pa at lagapak ang byoti ko.   “Drink,” aniya at ipinakita ang kaniyang malademonyong ngiti. Napatingin naman ako sa wine niya na sa bote pa lang sobrang mahal na. Mabilis na kinuha ko iyon at tinungga. Masarap iyon subalit gumuguhit sa lalamunan ko ang init.   Nakatingin lamang siya sa akin habang tinutungga ko iyon. Nang matapos ay nginisihan ko siya. Tinaasan niya lang ako ng kilay at hindi ko na rin siya sinaway pa nang ngisihan niya ako.   “You are aware that…that wine has fifty percent of alcohol content, right?” tanong niya sa akin. Natigilan ako at nginisihan siya.   “Alcohol? Ano’ng brand? Cashino o green crosh?” nakangiti kong tanong sa kaniya. Umiling naman siya sa akin.   Ilang saglit pa ay parang nahihilo na ako. Umiikot na ang aking paningin. Napatingin ako sa kaniya na nakatitig lang sa akin. Ang mga mata niya ay parang patalim sa sobrang talas. Napalunok ako nang tumayo siya at nilapitan ako. Hinawakan niya ang aking baba at kahit na nahihilo ay sinalubong ko ang kaniyang tingin.   Nakatitig lamang siya sa aking labi. Mamula-mula iyon kaya lalong nakakatakam. Sinadya kong dilaan ang labi ko. Wala pang kalahating segundo ay naramdaman ko na kaagad ang kaniyang labi. Ang dila niya ay pilit pinapasok ang aking bibig. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa aking dibdib kaya napaigik ako sa sakit. He took advantage at kaagad na nilamutak ang aking bibig. Pakiramdam ko ay may kung anong dumaan sa aking likod nang sipsipin niya iyon.   Kamuntik na akong mawalan ng hininga kaya’t malakas na itinulak ko siya. Napaubo ako at huminga nang malalim. Pakiramdam ko ay nawala ang aking kalasingan. “Bullsh-t!” mura niya nang malakas. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya at namumulang mata. Gumagalaw pa ang kaniyang Adam’s apple.   “Ang sherep humalik! Nakamamatay,” mahina kong ani at tiningnan siya. Itinaas ko ang aking damit at ipinakita ang aking maumbok na dibdib. Bigla ay nakita kong napalunok siya at nawala ang pagkakunot ng kaniyang noo. Instinct ko lang na ipakita iyon. Hindi ko naman alam na kakalma siya. Ibang klase.   “Get out,” matigas niyang saad at tinalikuran ako.   “H-huh?”   Ilang saglit pa ay kinuha niya ang kaniyang baril at kinasa iyon t’saka itinutok sa ‘kin.   “I said get out!” singhal niya. Nanlaki naman ang mata ko kaya mabilis na lumabas ako ng kuwarto niya. Nang maisara ay kaagad na nanlaki ang aking mata at napahiyaw.   “Ahh!”   “Abe ka na ha! No kala mo akin ha? Ulto? Ukha ba ako ulto ha?” singhal ni Bisonga. Napahawak naman ako sa dibdib ko na ikinataas ng kilay niya.   “Ukha mo akin na ala ako ib-ib? Sheyt ka! Igil na ako sa ‘yo ha,” inis niyang saad. Kaagad na napakamot naman ako sa ulo ko.   “Akit bra lang suot mo?” tanong niya sa ’kin.   “Bakit? Gusto mo ba? May balance pa ‘to sa Avon kung gusto mo puwede kong ipa-assume sa ‘yo,” sagot ko sa kaniya.   Mabilis na tumakbo ako nang kinuha niya ang kutsilyo sa tagiliran niya at hinabol ako. Hawak-hawak ko ang aking dibdib dahil tumatalbog iyon. Letsugas na matandang ‘to makakapag-jogging ako nang wala sa oras.   Ilang sandali pa ay nakasalubong ko si Mr. Suave. Kaagad na nagtago ako sa likod niya.   “Anong kaguluhan ‘to?” tanong niya. Nanlaki rin ang mata niya nang makita si Bisonga na may hawak na kutsilyo. Nang makita siya ng matanda ay kaagad na tumigil ito at ginawang baton ang kutsilyo t’saka kumendeng na akala mo naman ay sobrang ganda niya tingnan. Parang papatay na ito nang makita niya ang kamay kong nakahawak kay Mr. Suave.   “Bisonga,” mahinang tawag sa kaniya ni Mr. Suave. Ngumiti naman ito at tila kinikilig.   “Shwave,” aniya. Napairap naman ako.   “Ang sabi ni, boss umuwi ka muna sa inyo at magpaalam nang mabuti dahil may nakita siyang wanted sa daan kanina. Nakapaskil pa ang mukha mo,” ani Mr. Suave.   “Talaga?” tanong ko. Hindi ko naman alam na may maghahanap sa akin, no? Hello? Napangiti naman ako. Kahit papaano ay may nakaalala pa pala talaga sa akin.   “Ag ka ngiti riyan. Ala mo naman, indi sila alala sa ‘yo. Mga utangan mo iyon,” ani Bisonga. Kaagad na napatigil ako at napataas ang kilay.   “Isang araw lang mayroon ka, kailangan makabalik ka rito bago mag-alas sais ng gabi. Kapag na-late ka automatic breach of contract na iyon. Iyong pa-advance niya sa ’yong hundred K ay kukunin niya,” saad ni Mr. Suave. Napalunok naman ako at talagang ginigipit ako ni pogi.   “Utang,” inis na wika ni Bisonga at iniwan na ako ng dalawa. Napatingin naman ako sa suot kong bra at bumalik sa kuwarto ko. Maaga ako bukas para bayaran lahat ng kailangang bayaran. Nakalimutan ko naman kasing bayaran ang iba ko pang utang. Lalo na ang mga product sa ibat-ibang company na pinapautang ko. Eh siyempre under iyon sa pangalan kong maganda. Pagod na napahiga ako sa malambot na kama. Kaagad na tinupok naman ako ng antok.   Maaga pa lang ay umalis na ako ng mansion ni Luther. Sumakay na ako ng traysikel papunta sa lugar namin kung saan nakikitira ako kay baklang Ryle. Kaagad na nawindang ako sa dami ng nakapaskil na mukha ko. Ginawang wanted hindi missing.   “Mga walang hiya!” singhal ko at pumasok sa loob. Kaagad na nilapitan ako ni Ryle.   “Bruha! Bakit basta-basta ka na lang umalis? Hindi ka man lang nagpapaalam. Ako ang ginugulo rito ng mga agents mo,” ani Ryle. Napakamot naman ako sa aking sintido.   “Sorry na, andiyan pa ba ang bag ko? Nandoon kasi ang listahan ko sa mga may balance pa sa mga pinautang ko,” sagot ko sa kaniya. Tumango naman siya at kinuha iyon. Na-miss ko ang aking kasamang sling bag. Medyo maitim na sa gilid dahil sa wala na iyong laba. Magkahalong basa ng ulan at pawis ang nandoon kaya nanunuot ang sama ng amoy. Kinuha ko lang ang notebook ko at nagpaalam na kay Ryle.   Una kong pinuntahan si Aling Bebang na may balance pang 240 dahil sa kinuhang butt padding at isang set ng panty XL size.   “Naku! Bakit ngayon ka lang naningil? Kahapon nagpadala ang anak ko mula abroad, alam mo bang bente mil iyon?” aniya sa ‘kin. Kaagad na tinaasan ko naman siya ng kilay at bored na tiningnan.   “Talaga? So nasaan na nga?” ani ko.   Ngumisi siya at tinapik ang aking balikat.   “Iyon na nga, kahapon siya nagpadala. Ibinayad ko na rin sa iba kong utang. Bali, ang sa iyo sa susunod na lang kung puwede?” aniya sa napakalambing na boses. Nakagat ko ang aking labi at pinipigilan ang sariling singhalan siya.   “Aling Bebang naman, hindi naman siguro lingid sa kaalaman mong ipinaskil na ang byoti ko kahit saan. May trabaho ako pero in-excuse ako para masingil ang mga utang niyo sa ’kin. Kapag talaga ako nainis ipapatawag ko kayo sa baranggay. Total naman ako ang nagpautang eh makikipagtabla na lamang ako,” saad ko. Ang tagal na nitong utang niya ha. Kung sa 5/6 ito siguradong malaki na ang anak.   “Eh kasi limang daan na lang itong pera ko. Pambili na lamang namin ito ng bigas,” sagot niya.   Nahigit ko ang aking hininga.   “Sa susunod na balik ko rito, kung wala pa rin kayong pambayad malilintikan talaga kayo sa ’kin,” banta ko sa kaniya. Tiningnan lamang niya ako at nginisihan t’saka makailang beses na tumango.   “Oo, pangako,” sagot niya.   “Naku! Huwag na po kayong mangako Aling Bebang pangatlong balik ko na ‘to. Nakatatlong pangako na kayo. Baka sa palagi niyong pangako makabuo na ako ng bahay,” inis kong saad at iniwan na siya. Nakakainis. Kakarampot na nga lang ang pera ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD