Chapter 5

1069 Words
Nakasunod lamang ako kay Mr. Suave nang makababa kami ng kotse. Pumasok kami sa isang building na sobrang laki. May nakasulat pang ML Kings. Napanganga ako nang makita ang loob. Lobby pa lang sobrang ganda na. Tinaasan ko ng kilay ang babaeng receptionist dahil kung makatitig akala niya puwede niya na akong husgahan. "Dito po tayo," saad ni Mr. Suave. Kaagad na sumunod naman ako. Pumasok kami sa elevator at kaagad na namasa ang kamay ko sa labis na kaba. Deritsong nakatayo si Mr. Suave at seryosong-seryoso. Habang ako naman dito hindi magkandaugaga at halos hindi ko na maigalaw ang aking mga paa. Napahawak ako sa wall nang maramdaman ko ang pagtunog ng aking tiyan. Iba na ito. Sobrang pinagpapawisan ako nang malamig. Napatingin ako kay Mr. Suave at napaaray. Kaagad na kumunot ang noo ng matanda. "Okay ka lang ba?" tanong niya. Napapikit ulit ako at pilit na ngumisi. Ilang saglit pa ay lumabas na ang nakamamatay na boses ng demonyo sa aking puwet. Alanganing napatingin ako kay Mr. Suave na ngayon ay hindi na makapagsalita at nakatitig lang sa akin. Tila naengkanto sa nakikitang kagandahan ko. "Umutot ka," wika niya. Tumango naman ako at ngumisi sa kaniya. Alam kong tinitiis niyang huwag huminga dahil nakikita ko ang pagkuyom ng kamao niya at halos lumabas na ang litid niya. Napatingin siya sa number at isang floor na lang. Kahit ako ay napatakip na rin sa aking ilong. Letsugas talaga! Sumakto pang kumain ako ng kamote kanina. Nang bumukas ang elevator ay kaagad na napabuga ng hangin si Mr. Suave. Kitang-kita ko ang paghinga niya nang malalim. Napatingin siya sa akin. "Sorry po," ani ko sa kaniya. Ngumiti lamang siya nang tipid sa akin. Hindi ko rin alam kung okay lang siya. "Okay ka lang po ba?" tanong ko sa kaniya. Napapiksi siya at ilang beses na umiling. Nagtaka naman ako. Nang maging okay na ang pakiramdam niya siguro ay may ibinigay siyang alcohol spray. "Para saan po ito?" "Mag-disinfect ka, baka maamoy ni, boss ang amoy mo at ayawan ka," sagot niya. Kaagad na naiyak naman ako sa kabaitan niya. "Salamat po," nakangiti kong saad. Tumango lamang siya. Ilang saglit pa ay pumasok kami sa isang pinto. Naglakad pa kami ng dalawang minuto bago huminto sa isa pang pinto. Kumatok si Mr. Suave nng tatlong beses at tiningnan ako. "Huwag ka lang umutot sa harap niya walang magiging problema. Sundin mo lahat ng utos niya," bilin niya sa akin. Napalunok ako at naramdaman ko na naman ang pagtunog ng aking tiyan. Napatingin naman sa akin si Mr. Suave at tila alanganin. "Baka gusto mong uminom ng gamot?" tanong niya pa. Sa tingin ko nga ay kailangan ko ng uminom. Mahinang tumango ako nang marinig ko ang isng baritonong boses sa loob. Malalim at tila hinukay pa sa ilalim. "P-pasok na ako," alanganin kong saad. Napakamot lamang ang matanda sa ulo niya. Pagpasok ko sa loob ay nanlaki ang aking mga mata. Sobrang ganda at sobrang lawak. Natuon ang aking paningin sa lalaking nakaupo sa pahabang couch. May hawak na baso sa kanang kamay at umiinom ng rum. Sa lamesa ay may baril. Kaagad na nilukob ng kaba ang dibdib ko. "Come," utos niya. Mabilis na lumapit naman ako. Tumunog na naman ang bwesit kong tiyan. Pinasadahan niya ako ng tingin at natigilan ako. Letsugas! Napakagwapo niya at sobrang ganda ng mga mata. Umiigting ang panga at nagmamayabang ang kaniyang ilong. Napatingin ako sa mga daliri niya at mahina akong nanalangin. "Hanglaki ow em jii," ani ko. Kaagad na kumunot ang noo niya. "The hell!" mura niya at tinitigan ako nang masama. Kaagad na umayos naman ako sa aking pagkakatayo at ngumiti nang matamis. "Bisonga!" tawag niya. Kaagad na kumunot naman ang aking noo. Ilang segundo pa at may matandang babaeng nagkukumahog na lumapit sa amin. "Akit o Sher?" tanong niya. "Paliguan mo siya, bring her to my room if she's done," maldito niyang wika at tumungga sa alak niya. "Opo sher," sagot niya at basta na lang akong hinila. Narinig pa niya ang munting tunog ng tiyan ko. "Itsi ka! Aho utot mo!" saad niya at napatakip sa kaniyang ilong. "K-kanina ko pa kasi tinitiis ang tiyan ko. Ang sakit eh," sagot ko. Gustuhin ko mang huwag umutot eh sa nauutot talaga ako. Inirapan niya lang ako. Pumasok kami sa loob ng isa pang kuwarto at ako ay nahihilo na sa dami. "Asok ka! Ain ka yin ung usto mo," sambit niya. Kaagad na napangisi ako. Mabilis na nilantakan ko ang pagkain sa malaking lamesa. "Atay utom," komento niya. Inikutan ko lamang siya ng mata. "Inasabi ko ayo ha. Ag mo init ulo ko. Si Wave, obyo ko. Por years na ami. Ag mo akit, at atay ka akin," saad niya. Kaagad na natigil ako sa paglunok at pilit na iniintindi ang sinabi niya. "Ha?" "Ag ako ha ha. Abe ka! Indi ka tindi liwanag ko," inis niyang wika. "Ayo 'yan! Igo ka na. Aho ka na," saad niya. Napakamot naman ako sa ulo ko at kumuha pa ng paa ng letchong manok. "Atay utom!" singhal niya sa 'kin. Mabilis na nabitawan ko naman ang ulam at sumunod na sa kaniya. Pumasok kami sa malaking banyo. "Ubad!" utos niya. "Ha? Ayaw ko nga. Ito naman oh, kahit na bayaran ako V pa rin ako no. V as in virgin. V as in iyong bumubukaka na V," proud kong sambit. "Indi aman ako taka no. Angit-angit mo. Laki na edad mo ir-in ka pa rin. B in ako. B na untis. Ag na oa. Asok na at tub," utos niya ulit. Sumunod na lang din ako. Kaedad lang ni Mr. Suave si Bisonga. May katandaan na at may something sa pagsasalita nito. Hindi naman maliit ang dila niya at hindi rin siya ngongo. Nakatingin lang ako sa kaniya habang hinahanda ang mga hindi ko alam kung ano ang tawag basta mababango. "No ingin-ingin mo ha? Isip mo iguro ana anito ka rin aganda akin no?" untag niya. Kaagad na napangiti naman ako at napailing. "Iniisip ko lang na kapag nakaligo na ako mas mabango at maganda na ako kaysa sa 'yo," nakangiti kong wika. Kaagad na nagbago ang hilatsa ng mukha niya. "Itsi ka! Ung abanan lang atawan aban ib-ib ko," maldita niyang wika. "Aku! Igil mo o abae ka! Igil mo ko," inis niyang saad. Natawa na lamang ako dahil gigil na gigil na talaga siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD