Chapter 4

2270 Words
Napalunok ako at tiningnan siya. Ipinakita ko ang aking killer smile. Wala pang nakakaligtas sa aking killer smile. Kahit ang mga tambay sa kanto at biyudo naming kapit-bahay handang magpatiwakal para lang sa ngiti ko. Tinaasan lamang niya ako ng kilay. Lalo ko pang nilakihan ang aking ngisi. “Hindi kita type,” aniya. Kaagad na napakurap-kurap ako at napahinga nang malalim. Lumapit siya sa akin at tiningnan ako. “Kung hindi mo babayaran ang utang mo, puwede naman kitang maging tagakuskos ng libog ko eh,” sambit pa niya. Kaagad na napangisi naman ako. Iyong ngising pati ang pinakamaliit na balahibo sa puwet mo tatayo. “Ano’ng kuskos ba ang gusto mo bossing? Tamang-tama at malinis itong kuko ko,” sambit ko. Bentahe na rin iyon sa akin kasi manikyurista ako. “Tonta!” singhal niya sa akin. Kaagad na napakunot noo ako. Lalo lamang siyang nagmukhang bulldog sa paningin ko. “Eh kung patayin na lang kitang putang-ina ka?” sabi niya. Kaagad na itinaas ko ang aking dalawang cute fingers. “Sige na nga, dahil malaki ang utang ng bwesit kong amain lalagyan ko na lang ng low, moderate, high. Depende na lang sa kung ano ang gusto mong lebel ng kuskusan,” wika ko. Napapikit siya at hinilot ang kaniyang sintido. “Tubol!” tawag niya sa kaniyang tauhan. Nagkukumahog na pumasok naman si Tubol. “Bakit boss?” tanong nito. “Ilayo mo sa akin ang babeng ‘to. Isinumpa ang babeng ito. Bibigyan na lang kita ng dalawang araw na bayaran ang utang mo. Kung hindi mo iyon mababayaran, gagawin kong kolateral ang kapatid mo at ilalagay ko sa listahan ng mga call girl,” banta niya sa akin. Kaagad na nanlaki ang mata ko sa narinig. Ang swerte naman yata ng abnoy na ‘to. “Iyan ang huwag na huwag mong gagawin. Kapag ginawa mo iyan bubunotin ko lahat ng bulbul mo sa katawan. Sisimulan ko sa gitna ng itlog mong hindi pantay papunta sa buhok ng ilong mo,” sagot ko. Napahawak naman si Bogart sa mukha niya at ngumisi. Akala mo naman kabilang siya sa mga oppa na nakikita ko sa mga palabas sa TV. “Magbayad ka na lang V,” anito at humithit sa tabako niya. “Buhatin mo ako paupo sa lamesa,” utos ni Bogart kay Tubol. Kaagad na tumalima naman ito. Muntikan pa itong mahulog nu’ng basta na lang itong bitiwan ni Tubol. Pinipigilan ko na lang ang tawa ko. “De puta!” singhal nito. Napahawak pa sa dibdib niya ang unano. Napahawak naman ako sa mukha at napailing. Gusto kong tumawa pero pinipigilan ko lang. Tumayo si Bogart kaya ngayon ay halos magkasingtaas na kami. Humithit ito ulit at ibinuga sa aking magandang mukha. Kaagad na napaubo ako sa naamoy. Amoy septic tank. “Tandaan mo ang sinabi ko, V. Alam ko kung saan nakatira ang pamilya mo,” banta niya. Huminga ako nang malalim at hinigit lahat ng lakas kahit na halos hindi na ako makahinga sa baho. “Babayaran ko sa susunod na araw pangako ko ‘yan,” wika ko kahit na problemado na ako kung saan kukuha ng pera. Tumango naman si Bogart at napaupo nang malunok ang mainit na aso. “Lintek!” mura niya at tila hindi na makahinga. Kinuha ko kaagad ang baso sa gilid at ibinuhos sa mukha niya ang lamang tubig. Mukhang epektib naman kasi hindi na mukhang maligno ang olopong. “Bakit mo ako binuhusan?” galit na singhal niya sa akin. Kung tutuusin kung wala lang itong bodyguard puwede ko naman siyang ibalibag pinipigilan ko lang. Mahirap na makasuhan ako ng child abuse. “Eh ‘tado ka pala eh, alangan namang e-mouth to mouth kita. Ang suwerte mo naman yata. Papayag lang ako kung ize-zero mo ang utang ng amain ko,” asik ko. Kaagad na natawa naman siya at bigla ay sumeryoso ang mukha. “In your dreams,” aniya. Kaagad na napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. “Spell mo nga,” hamon ko sa kaniya. Nawala naman ang ngiti sa mukha niya. “Kumuha ka nga ng Granada, kaya kong buhatin at paputukin iyon,” utos ni Bogart kay Tubol. Mabilis ang kilos na umalis naman ako sa loob ng opisina niya. Lintek na unanong ‘yon. Ang liit pero ang lakas ng koneksiyon. Hindi pa gumana ang charmos ginamos ko. Inis na napapatid ako ng lata sa gilid ng daan. Hindi ko na tuloy alam kung saan kukuha ng ganoon kalaking pera. “Lord, kunin niyo na lang po ako. Grabe na po itong pinagdaanan ko. Mukhang ang cause of death ko nito, utang na hindi akin. Bwesit talagang Mandong iyon, kapag makita ko iyon imumudmod ko iyon sa kili-kili ni, Bogart.” Tagktak pa ang pawis ko sa aking magandang mukha nang makarating sa salon. Wala pa nga akong maayos na tirahan may problema na naman. Mukhang no choice na ko kung hindi ang kumapit sa sperm cell ng mga bilyonaryo. Kay sa naman makita ko ang mga kapatid kong pinagpiyestahan ng mga bwesit na maligno. Huwag na lang, ako na lang. Papasa na yata akong santa ng mga utang dahil sa kabaitan ko. Kung hindi lang para sa mga kapatid ko nunkang babayaran ko ang bwesit na Bogart na ‘yon. Kinabukasan ay hindi na ako nag-isip pa. kung mag-iisip pa ako kawawa na ang aking malamang utak. Kakarampot na lang ang natitirang laman, sasagarin ko pa ba? Huwag na lang. “Nakapagisip-isip na ako, Ryle,” ani ko sa bakla. Napapalakpak naman ito. “Very good,” nakangiting sagot niya. Parang mas masaya pa ang hukluban. “May porsyento ka no kaya ang saya mo?” tanong ko sa kaniya. Napairap naman siya. “Kahit wala, masaya na ako dai. Kawawa ka naman kasi, sa lahat nu’ng mga nangyari sa buhay mo hindi naman puwedeng ganito na lang lagi. Deserve mo rin makatikim ng kaginhawaan,” wika niya. Kaagad na napataas ang kilay ko sa sinabi ng bakla. “So, magkano nga?” tanong ko ulit. Napaikot naman ni Ryle ang mata niya. “Fine, twent-percent lang naman,” sagot niya. Nagkibit balikat naman ako. Sinasabi ko na nga ba eh. Huwag na ako ang lokohin dahil alam ko lahat ng kalakaran ng negosyong pangpanot. “Dalhin mo agad ako mamaya. Kung ano’ng requirements sabihin mo agad at nang makapasa ako,” saad ko sa kaniya. “Maligo ka ulit girl, at pupunta tayo ngayon din. Saktong maraming client,” anito. Kaagad na tumango naman ako. Mukhang magagamit ko na ngayon ang aking pangmalakasang Avon panty at bra. Nag-sale kasi nu’ng nakaraan. Siyempre naman dapat may naitabi rin akong bago no. “Huwag kang mag-aalala, kukuskusin ko ang singit at kili-kili ko,” sambit ko sa kaniya. Kaagad na parang nasuka naman siya. “Tukmol na ‘to, walang libag singit ko huwag kang ano,” sambit ko. Inikutan niya lang ako ng mata. Ang feeling ng hukluban. Akala mo naman ikinaganda niya. Huwag na sanang bumalik ang mata. Kinagabihan nga ay pumunta kami sa isang building na paupahan. Pumunta pa kami sa pinakasulok ng second floor bago naming nakita ang mapanuring mata ng babaeng payat. “Siya na ba?” tanong nito. Ngumiti naman si Ryle at pinapasok kami sa loob. “Pangalan,” kaagad na tanong sa ‘kin ng babaeng may pixie cut na buhok. “A-ako po?” ani ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay. “Alangan namang ang kasama mo? Sino ba ang mag-a-apply?” malditang saad niya. Napangisi naman ako nang tipid. “Vanessa P. Macaraeg po,” sagot ko. “Ang bantot naman ng apelyido mo, at least na lang binawa sa mukha mo,” komento niya. Kaagad na naikuyom ko ang aking kamao. Lintek na ‘to! Kaagad na hinawakan naman ni Ryle ang kamay ko at inilingan. “Ilang taon ka na?” “Twenty-eight na po,” sagot ko. Tinaasan niya ulit ako ng kilay. Napaikot ko ang aking mata. Alam ko namang ang ganda ko at ang bata pa tingnan hello? “Mukha ka na kasing treinta,” aniya. “Aba’t,” “Huwag na V, kailangan mo ng pera remember?” bulong sa akin ng bakla. Ang sarap na kasing sungalngalin ng babaeng ‘to. “May boyfriend?” “Wala,” “May kasalpukan?” “Wala nga akong sasakyan, hello?” sagot ko. Natigil naman siya sa pagsusulat at inis na tiningnan ako. “Kung may s*x life ka raw ba?” mahinang bulong sa ’kin ni Ryle. Kaagad na napailing ako. “Puwede naman po kasing gamitin ang s*x bakit salpukan pa? Siyempre wala, never been kissed. Never been touch. As in V, virgin,” sagot ko. Nagpatuloy naman siya sa ginagawa niya. “s*x?” “Spelling ba?” tanong ko. “Ay tonta!” mura niya. “Gender, sexuality,” anas niya at handa na yata akong batuhin. “Obvious naman pong babae ako ‘di ba? May nakita ka bang itlog na laylay sa ibaba ko?” ani ko sa kaniya. Nawawalan na rin ako ng pasensiya sa kaniya. Pinaikot niya lamang ang kaniyang mata. Ilang sandali pa ay nag-print na siya at ibinigay sa akin iyon. “Hintay kang bruha ka, kung may pi-pick up sa ’yo,” aniya sa ’kin. Ngahintay pa kami ng ilang minuto. “Sinuwerte ka nga namang talipandas ka!” aniya at nag-print ulit. Inilagay niya iyon sa isang folder at ibinigay sa akin. “Contract mo ‘yan, si Mr. Suave ang kliyente mo. Ayusin mo at mayaman iyan,” saad niya. Kaagad na nasira ang mukha ko sa narinig. Hindi naman sa jina-judge ko siya pero parang ganoon na nga. Tinanggap ko naman ang folder. Ilang sandali pa ay may ibinigay siyang cheque sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita ang two-hundred thousand doon. “Paunang bayad pa ‘yan, Ms. Macaraeg. Kapag natupad mo lahat nang nakasaad sa dokumentong iyan paniguradong isa ka rin sa magiging mayamang pota sa buong Pilipinas,” aniya. Natigilan naman ako. Sandali akong natigilan at napaisip. Ano pa nga ba ang itatawag sa ’kin kung hindi pota naman talaga. “High-end ka namang pota kaya huwag kang mag-drama riyan. Kung ako sa ‘yo, paibigin mo na lang ang kliyente mo para asawahin ka, nang sa ganoon hindi ka matulad sa ibang aplikante rito,” aniya. Kung sana ganoon lang kadali. Hello? “Oh, sige na, layas na. Bukas pala susunduin ka na. mag-iwan ka ng address mo rito para alam nila kung saan. Please lang, huwag mong iwan ang utak mo,” bilin niya. Napairap naman ako. “Huwag kang mag-aalala kakalungin ko utak ko,” inis kong wika. Ilang panlalait pa ang natanggap ko at umalis na kami ni Ryle. “Nakakabwesit namang interviewer ‘yon,” ani ko kay Ryle. “Hayaan mo na, at least naman may pera ka na. Solve na ang problema mo girl,” nakangiting wika ni Ryle. Talaga nga namang totoo ang sinabi niyang easy money. “Thanks, bakla ha,” wika ko. kaagad na napangiti naman siya. “Totoo talaga iyong sinabi ko girl na naawa ako sa ’yo. Alam kong medyo labag ito sa kalooban mo pero ito lang kasi ang kaya kong maitulong sa ‘yo,” sambit niya. Napangiti naman ako. Siyempre dahil may pera na ako kakain na kami sa pangmayamang kainan. Charmos! Sa night market lang dami kasing tuhog-tuhog doon. Nang makauwi na kami ay hinati ko naman ang pera. Dahil sa matagal akong mawawala dahil ayun sa kontrata sasama ko sa kliyente ko anywhere he goes. Sana all talaga si Mr. Suave dahil birhen pa ang baby maker niya. Ang bango-bango ko pa, ano pa kaya ang hahanapin niya sa ’kin? Maaga pa lang ay pinuntahan ko na si Bogart at talagang nanghingi ako ng resibo at katibayan na paid na ako. T’saka pinuntahan ko na rin ang eskuwelahang pinapasukan ng aking mga kapatid para i-fully paid ang kanilang mga whole year na bayarin. Iyong sobra ko namang pera ay in-invest ko sa business. Para naman pagbalik ko may naipundar ako dahil sa pagiging mapagparaya ko. Katas ng utang at katas ni Mr. Suave. Pagbalik ko sa salon ay nakita ko ang isang magara at itim na sasakyan. Nilapitan ko iyon at napailing. “Ang kinis at ang kintab,” manghang saad ko. Inilapit ko ang aking mukha at nanalamin. Ngumisi ako at tiningnan ang aking maputing ngipin na pantay-pantay. “Ang ganda mo, V,” puri ko sa aking sarili. Ilang sandali pa ay bumaba ang pangmayamang windshield ng sasakyan. Tumambad sa akin ang matandang mukha na may bigote katulad nu’ng kay Mr. Suave. Kaagad na nanlaki ang aking mata. Diyos ko! Ako sanay gabayan. Napakapangit nitong aking kaharap ngayon. “Ikaw ba si, V na Vanessa?” tanong niya. At least naman pala mabango siya. Mahinang napatango naman ako at alanganing tiningnan siya. Ngumiti siya at inabot ang kaniyang kamay. “Mr. Suave,” aniya. Alanganing tinaggap ko naman iyon. “Tayo na at naghihintay si boss sa ’yo,” wika niya. Kaagad na napakunot-noo ako. “Sinong boss?” takang tanong ko. “Pasok na lang po,” anito. “Teka lang pala, kukunin ko lang ang mga gamit ko,” sambit ko sa kaniya. Umiling lamang siya. “Sakay na po at magagalit na ang boss ko kung magtatagal pa tayo,” aniya. Imbis na magreklamo pa ay pumasok na lang din ako. Tinext ko na lang din si Ryle na sana ay itago niya ang aking mga gamit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD