CHAPTER FOUR
Gamit ang flashlight sa cellphone ay pinasok ko ang gubat na walang kahit isang ilaw man lang sa paligid bukod dito sa hawak ko ngang mahinang flashlight. Ayos naman ang daanan, maraming puno sa paligid at mga d**o pero iyong daanan na pangtao ay tinabasan ng mga tumubong d**o. Hindi makati sa binti kahit naka-pencil cut skirt ako, ang problema ko lang ay ang lamok.
Mabuti rin hindi ako naniniwala sa multo at engkanto masyado, kung oo, malas si Buchoy.
“Buchoy? Buchoy?” parang ewan na sigaw ko, hoping na maririnig ng aso at tatahol tapos pwede na ako sumama sa team dinner.
Kaso lumipas ang ilang minuto, halos lamigin na ang legs ko sa simoy ng hangin. Kumakalam na rin ang sikmura ko sa gutom dahil kaunti lang ang lunch na kinain ko kaninang tanghali, wala pa akong hapunan ngayon.
“Pambihirang aso talaga ‘to. Very wrong timing naman maisipan gumala.”
Pagkatapos pa ng sa tingin ko ay dalawampung minuto ay napabuntong hininga na ako. Behave ka namang aso, stay alive ka na lang hanggang bukas, babalikan na lang kita kung nasaan ka man.
Paatras na sana ako para bumalik sa bungad ng gubat nang makarinig ako ng kung ano. Natakot ako bigla dahil baka may gumagawa pala ng milagro sa paligid at masaksihan ko pa.
Hindi ako gumalaw ng ilang segundo, pinakikinggan ko lang kung saan saka ako dadaan sa opposite na direksyon.
Pinatay ko nang dahan dahan ang flashlight. Nakarinig ulit ako ng ingay pero this time parang boses na siya ng lalaki at parang nahihirapan ito.
Nagpanic ako.
“M-May tao ba dito? Hello?” sigaw ko. “Kailangan mo ba ng tulong?”
Walang sumagot.
Pero may napansin akong nagliliwanag malayo sakinaroroonan ko. Kulay orange. Parang apoy na malaki na sinisinagan ang mga nakapalibot na puno, halaman at mga bato sa paligid niya.
Nanlaki ang mga mata ko, iniisip ang iba’t-ibang posibilidad at senaryo roon.
Hindi kaya may nasusunog na bahay doon? Kaso gubat ‘to, wala naman sigurong bahay dito. O baka may sinusunog natao? Crime scene?
Sinipat ko agad ang battery health ng phone ko. 6% pa naman.Kaya pa ipang-video o picture ng krimen, tapos ako mismo mag rereport sa publiko, tapos magiging susi pala ng imbestigasyon sa krimen.
Mapapatunayan ko na sigurong pwede ako sa trabaho ko kahit walang kapit na governor? Magiging maganda na ang pakikitungo sa ‘kin ng mga ka-trabaho ko?
Mabilis na tinakbo ko ang distansya papunta roon sa may sinag ng apoy.
Nag-eexpect ako ng patay na biktima at on the spot caught in the act na kriminal, bubuksan ko na sana ang camera para ivideo pero nang makita ko ang eksena roon.
Napaawang ang bibig ko at naihulog ko ang hawak kong cellphone. Agad kong sinundan ng tingin ang cellphone sa sahig saka pinulot.
Hindi pa pala ‘to bayad sa monthly, dyos ko.
Pagkapulot ko ng cellphone ay dahan-dahan akong lumapit sa... lalaking nag-aapoy ang buong kamao. Tapos ibinabato niya sa kalangitan ‘yong... apoy. Na parang bato, pero hindi, apoy ‘yon. Na galing sa mismong... kamay niya.
Nakahandusay ito at halos maligo sa sariling dugo. Mukhang may tama ang tagiliran niya at sobrang putla niya na.
Napanganga na naman ako. Hindi talaga maipasok sa kokote ko kung paanong... ano... bakit...
Ano ‘yon... bakit...
Umaangal ito sa sakit ng tagiliran at may binubulong. Parang galit na galit siya sa mundo.
“Bwisit na buhay ‘to! Dito pa yata ako mamamatay!”
Nanginginig na inopen ko ang camera, kinuhanan ko ito ng litrato pero narinig niya ang camera shutter sound at napalingon sa ‘kin.
Kumikintab ang mga mata niya, na parang may apoy rin doon. Sa takot ay nahulog ko na naman sa lupa ang cellphone ko, pero pinulot ko agad dahil hindi talaga nawawala sa isip ko na mahal ‘to at hindi pa fully paid monthly.
“A-Anong klase ka...”
“Umalis ka! Papatayin kita kapag hindi mo ‘ko nilayuan, gusto mong-“ naubo ito ng may dugo saka napangiwi sa mukhang kumirot na tagiliran. “Gusto mong... tustahin kita-“
Doon ko rin napansin na nakahiga sa tabi niya si Buchoy. Nag-aalala rin yata, jusko sa akin ka mag-alala aso ka! Baka matusta pa ang amo mo sa kagagawan mo!
Mukhang nakaramdam naman ang aso ni mama dahil mabilis itong lumapit sa ‘kin, binuhat ko ito agad.
‘Yong lalaki naman. Aakma palang siyang kikilos mula sapagkaka-handusay niya, pinipilit bumangon at nakaabot ang braso sa direksyon ko, ay matulin na ang pagtakbo ko paalis.
Pero hindi pa man nakaka-layo roon nang matisod na ako ng malaking punong-kahoy!
Napangiwi ako nang makitang nagkaroon ng gasgas ang tuhod ko pero hindi nawawala ang panlalamig ng mga kamay, panginginig sa takot na baka biglang bumangon iyong lalaki tapos habulin ako.
At imbis na ako ang makadiskubre ng krimen gaya ng plano ko kanina, baka ako pa ang maging subject ng krimen na ibabalita ng ibang reporter bukas!
Jusko naman!
“Madali naman ako kausap, hindi naman natin kailangan idaan sa dahas, aalis naman talaga eh!” nagpapanic na lumabas sa bibig ko habang pinipilit tumayo.
Tumalikod na ako para umalis pero narinig ko ulit siya.
“T-Tulungan mo ‘ko... bumalik ka,”
Mabilis na nilingon ko ang direksyon niya. Hindi ko siya natatanaw dahil maraming nakaharang na halaman pero rinig na rinig ko ang boses na galing sa kanya.
Humakbang ako ng isa pabalik sa direksyon niya pero napahinto rin. Paano kung patibong lang tapos bigla niya akong sunugin?
Mahigpit na itinikom ko ang mga labi ko saka humakbang naman palayo sa direksyon na ‘yon. Kung ganoon mabuti pang iligtas ko na ang buhay ko.
Pero paano kung kailangan talaga niya ng tulong? Paano kungpwede pa pala siya mabuhay sana kung tinulungan ko pero tinakbuhan ko?
Bumalik ako ng hakbang palapit sa direksyon noong lalaking may apoy apoy sa kamay. Pero teka... paano kung engkanto pala ‘yon na gusto lang pala ako makuha at gawing hapunan para sa mga anak at angkan niya?
Kaso may engkanto bang dinudugo sa tagiliran at naiinis dahil baka dito na siya mamatay gaya ng binubulong niya kanina.
Tao siya. Pero bakit... may apoy!
Naaasar na nasabunutan ko ang buhok ko mula sa anit!
Nakagat ko na rin ang mga daliri ko.
“What to do, what to do, Lord? Pahinging sign! ‘Yung hindi sana ako magkakasala at hindi rin ako mapapa-aga ng punta diyan sa tabi mo sa langit?” bulong ko habang nakangiwi at nakatingala sa langit.
Nagpalingon lingon ako sa paligid kung may iba pang tao para sana hingian ko ng tulong. Pero ang tanging bagay langna tinigilan ng paningin ko ay ang karatula na naka-kabit sa kahoy at nakatusok sa lupa.
LET’S PLANT TREES.
DO GOOD, DO IT NOW!
Napangiwi ako nang mapako ang tingin sa do it now.
Mariin na pinikit ko ang mga mata ko saka huminga nang malalim. Sige na, sige na! Bayani ako, eh. Mabait ako, eh.Tutulungan ko na!
Patakbong bumalik ako sa lugar na ‘yon, gising pa ‘yong lalaki, pero nakatitig na lang sa langit. Mukhang mamamaalam na sa mundong Earth.
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya, huminto sa paghakbang nang maingat din itong lumingon sa ‘kin. Pinagkrus ko kaagad ang dalawa kong daliri.
“T-Totoo ba... k-kailangan mo ng t-tulong?” mahinang tanong ko dahil sa nerbyos na hindi ako sure kung naintindihan niya pa.
“Obvious ba.”
Napaatras ang leeg ko saka nag-iwas ng tingin sa paligid. Hindi ineexpect ang natanggap na sagot.
Tao to, Lord, sure ako. Pilosopo eh.
“Okay na rin, atleast hindi engkanto na naghahanap ng hapunan.” Bulong ko pa. Ibinalik ko ang atensyon sa kanya. “Okay, mister fire, ganito. Tutulungan kita pero mangangako ka ba na hindi mo ako papatayin o tutustahin o iihawin?“
Kitang-kita ko ang pag-irap nito saka binalingan ulit ng tingin ang langit, pinikit ang mga mata. Nagtaas ito ng daliri sadireksyon ko, kinabahan agad ako at mariin na pumikit sa takot na baka barilin niya ako ng apoy gaya ng ginagawa niya kanina.
Pero pagdilat ko, naka-thumbs up ito sa ‘kin habang nakapikit.
Hinubad ko ang suot kong paboritong cardigan at mabigat ang loob na binalot sa sugat niya. Naawa agad ako dahil mukhang hinang-hina na siya. Wala na rin ‘yong mga apoy kanina sa mga kamao at buong braso niya.
Kinuha ko agad ang phone ko, mabuti na lang ay may natitira pang 3%.
“Wag mong... ikalat- ‘yang- picture,” nahihirapang pakiusap niya.
Tinitigan ko ito. “O-oo,” dumaing ulit ito ng sakit sa tagiliran kaya naalala ko ang dapat gawin.
“Tatawag ako ng ambulansya,” mabilis na nagtipa ako sa dial. Nauubos na ang battery percent at hindi nakikisama ang signal. Tatayo sana ako para maghanap ng signal pero hinawakan nito ang braso ko.
Tinignan ko siya habang kinakabahan. Ito na ba ang oras na mamamatay ako sa mga kamay niya at fire ang cause of death?
Pero mukhang hindi dahil sa hitsura niyang nakakaawa mas mukhang mauuna siyang mapunta sa kabilang buhay sa lagay niya.
“Anong... pangalan mo?” tanong nito sa nanghihinang boses habang nakapikit pa rin ang mga mata.
“Marikit.”
Dahan-dahan itong tumango saka nalaglag ang braso sa lupa. Nanlaki ang mga mata ko. Patay na ba siya?!
xxxx
HUMAHANGOS si mama na lumalapit sa direksyon ko nang malingunan ko siya sa corridor ng hospital. Napaka-ingay rin na akala mo ako ang nasa Emergency Room.
Si mama talaga, napaka-nerbyosa.
“Suskomaryosep santisima mahabaging santo! Ano ka ba naman!” hysterical na bungad ni mama. Napatingin tuloy ang mga napadaang nurse.
“Aray ko naman po, mama!” angal ko dahil hinampas ako nito sa balikat pagka-lapit. “Bakit ba, mama? Sabi ko naman po kasi sa call pumunta ka sa hospital pero sasabihin ko rin dapat na hindi ako ang naospital kaso binaba mo na po ang tawag,”
Iyak pa rin ng iyak si mama habang hinihila paminsan ang buhok ko. Masakit talaga, promise.
“Grabe ang nerbyos at kaba na naramdaman ko sa pinag-gagagawa mong bata ka! Ano ba naman kasi bakit ka nandito! Dyos ko!”
Napanguso ako. “Ma, sorry na. Eh hinanap ko ‘tong ampon natin,” tinaas ko sa pagitan ng mukha namin ni mama ang nawawala niyang anak na aso. Kinuha niya rin agad iyon saka mahigpit na niyakap.
Kita mo na. Ako yata ang ampon dito.
“Tapos po may nakita rin kasi akong lalaking...” sasabihin koba na nag-aapoy ang mga kamay? Engkanto? “na ano, ma... nag-aapoy ‘yung ganito niya,” tinuro ko ang mga braso at kamay ko.
Naguluhan si mama sa pinagsasabi ko saka hinampas naman ang noo ko. “Gumagamit ka ba ng pinagbabawal na droga ha!”
“Mama naman?!” nahihiyang nilingon ko tuloy ‘yong mga nakarinig na pamilya ng ibang pasyente malapit sa ‘min.
‘Wag nawa maniwala kay mama, sa beauty kong ‘to mukha ba ‘kong gagamit ng pinagbabawal na gamot?
“Imposible sa katotohanan ‘yang mga pinagsasabi mong bata ka ano bang-“
“Basta, ‘ma! Huwag mo na lang muna alalahanin ‘yon, may tama rin sa tagiliran ‘yong lalaki ng bala kaya tinulungan ko po.”
“Baril?! Bala?!”
“Opo, ‘ma-“
“Hay dyos ko mahabagin! ‘Wag ka makikialam sa ganiyan! Paano kung may kaaway na sindikato ‘yan tapos tinulungan mo n-“
“Ma? Mas mahalaga pa ba ‘yon? Ang importante ligtas ‘yong tao.”
Kinurot ako ni mama sa tagiliran kaya napa-hakbang na talaga ako palayo sa kanya.
“Umalis na tayo! Mahilig ka magpaka-bayani masyado, akala ko ba pagiging reporter ang pangarap mo!” sermon ni mama habang hinahatak ako palabas ng hospital.
Gusto ko rin tuloy umagree kay mama, balak ko yata palitan ang pambansang bayani knowing na pwede niya akong saktan ng apoy apoy niya pero binalikan ko pa.
Nilingon ko ang Emergency Room, ang tanging nahagip na lang ng mata ko ay ang palad niya na puno ng dugo.
Sana makaligtas siya para hindi naman mapunta sa wala ‘yong mga effort ko pati pagkurot ni mama sa tagiliran ko.
xxxx
KINABUKASAN ay nakatulala lang ako sa harap ng desk ko sa opisina. Pinag-iisipan ko pa rin ‘yong nangyari kagabi.
Halos hindi ako nakatulog dahil doon.
Takot na takot pa nga akong buksan ‘yong gallery ng cellphone ko. Pero nang silipin ko kanina ay halos tumalon na naman ang puso ko palabas sa dibdib ko. Kuhang kuha sakamera na nag-aapoy ang mga braso niya.
Sobrang linaw.
Hindi rin nagdudugo ang mga braso niya kahit may apoy. Parang normal lang. Parang kandila lang na may apoy at walang kahit anong dugo maliban sa tagiliran niya na may tama ng bala ng baril, gaya ng sinabi ng doktor sa ‘kin kagabi.
“Paano kapag pinost ko ‘to sa publiko?” bulong ko sa kawalan. Sisikat na ba ako? Magkakaroon ng big break satrabaho ko? Mapo-promote na ba ako? Magugustuhan na ba ako ng lahat?
Madidiskubre ako?
“Ipost mo na!”
“Ay apoy!” gulat na react ko sa bagong dating na nagsalita. Si Martina sino pa ba. Nakangisi itong umupo sa harap ng desk niya.
“Alin ba ‘yan ha, baka picture ng jowa mo o new profile pic ba ‘yan?” biro niya pa.
“Wala ngang jowa, eh,” biro ko pabalik saka nag-ayos ng mga papel sa lamesa ko.
“Eh ano ba ‘yang kanina mo pa pinag-iisipan nang malalim kasi?”
Binalingan ko siya ng titig saka pinalobo ko ang mga pisngi ko. Hindi ko rin alam kung dapat kong sabihin sa kanya. Parang hindi kasi tama kapag pinost ko?
Hindi kasi normal ‘yon, paano kung sinisikreto niya pala ang powers niya sa public? O baka halimaw siya na kailangan i-expose sa public para ma-warningan ang lahat?
Dilemma.
“May ipapakita ako sayo.”
Napa-arko ang kilay ni Martina sa narinig.
“OH MY GOD!” reaksyon niya nang ipasilip ko sa kanya ang litrato, kinuwento ko rin ang nangyari kagabi kasi pinagkakatiwalaan ko siyang hindi niya iisiping gumagamit ako ng pinagbabawal na gamot!
Naagaw ng sigaw niya ang pansin ng mga katrabaho namin saloob ng silid, may isang boss din kami rito sa loob kaya nahiya ako bigla.
“Pasensya na po kayo,” paghingi ko ng paumanhin agad. “Martina naman, ‘wag kang maingay kung pwede.” Bulong ko.
Tinakpan niya ang bibig niya saka umiling, “Sis, nakakatakot ‘yan ‘wag mo ipopost kahit ano mangyari, okay? Hindi ko kayang hindi magreact diyan!” bulong ang ginawa niya pero parang pasigaw. Nag-oover-react na si Martina pero kahit sino naman, hindi ba?
Hindi normal iyong lalaki.
Hinatak ako ni Martina palabas ng silid saka kami nag-usap sa hallway. “Alam mo i-share it mo sa ‘kin ‘yan. Gusto ko ng remembrance!”
“Huh? Bakit, akala ko ba natatakot ka,” natatawang tanong ko. Ang unpredictable talaga nito.
“Kaya nga pero minsan lang makakita ng ganyan tapos napicturean mo pa nang ganyan ka-lapit. Kung ako nga sayo dapat hindi mo iniwan sa ospital, dapat ininterview mo!”
“Nag-aagaw-buhay na siya kagabi. Hindi nga ako sure kung buhay pa ngayon.”
Natahimik si Martina. “Sige, ang payo ko na lang sayo... sundin mo ‘yong sinabi ng guy sa ‘yo. ‘Wag mo na lang ipost. For safety purposes.” Aniya pagkatapos ipasa ang litrato sacellphone niya gamit ang phone ko.
Okay.
LUMIPAS ang halos isang linggo, buhay pa naman ako. Very safe. Wala namang sindikato na nagalit sa ‘kin ngayon dahil may niligtas akong lalaking nag-aapoy noong nakaraan.
Masaya sa pagta-trabaho, full energy pa rin akong nagrereport bawat araw. Pinipilit ko talaga mag-improve sa bawat araw na lumilipas.
“Good job, Ms. Marikit Trinidad,” nakangiti ang isa sa big boss namin habang binabati ako sa kalagitnaan ng meeting namin. Napunta sa akin ang tingin ng lahat ng katrabaho kong reporters, ang iba ay nakangiti pero halatang hindi naman talaga natutuwa.
I’m sorry, pinipilit ko naman patunayang kaya ko mag-improve nang walang kapit kay tita Miranda.
Gusto kong ma-commend pero bakit parang nakakahiya ma-commend ng mga boss ko dahil sa mga iisipin nila?
“Thank you po, boss, willing to learn po ako everyday dahil pangarap ko po talaga itong job ko ngayon.” Sagot ko na lang.
Napataas ang noo ng mga big boss ko habang nakangiti. “We know that, Ms. Trinidad. We definitely know that. Hindi nagkamali si Gov. Miranda War sa pagrekomenda sa iyo.”
Nagsalita pa ulit ang isa pang big boss namin. “’Nga pala, pwedeng humingi kayo ng tips dito kay Ms. Marikit, maybe she can share the secret. Tapos pwede ring kayo naman magpalitan ng way to improve?”
Nagtanguan ang mga big boss na kasama namin sa meeting.
Nagsalita naman ang head namin, “Martina, close ka kay Ms. Marikit, seek advices from her para same kayong nag-lelevel up.” Masayang sabi nito kay Martina. “Am I right? Tulungan tayo rito,”
Nagpalakpakan ang lahat sa mga susunod pang napag-usapan pero parang wala na sa mood si Martina pagtapos ng meeting.
“Punta tayo doon sa bagong gawang restaurant, Martina. Try lang natin, payday naman kahapon.” Masayang pag-uumpisa ko pagkalabas namin sa meeting room.
“Pass muna, sis. Parang wala akong gana kumain ngayon, medyo diet din kasi ako.”
Nabunggo pa ako noong katrabaho naming kalalabas lang din, grupo sila at lumingon sa ‘kin pagkalagpas. Base sa tingin na iniwan nila sa ‘kin mukhang sinadya ‘yong bunggo.
Naalis tuloy ‘yong ngiti na suot ko kanina pagkalabas ng meeting room. Sabay naming nilakad ni Martina ‘yong hallway palabas ng building. Habang nag-aabang ng jeep salabas ay hindi ko napigilang mapa buntong hininga.
“Bakit?” tanong ni Martina.
“Wala lang, feeling ko ang toxic na dito sa workplace ko.”
Mabilis lang na sinipat ako ng tingin ni Martina saka nagbaling ng atensyon sa mga dumadaan na jeep, “Toxic pa ‘to sa ‘yo? Ikaw nga ang bet ng mga boss natin. Joker ka ba, sis.”
“Hindi naman sa bet. Nagkataon lang ‘yung bati kanina, ‘no. Pero sa tingin mo, sis, hindi ko ba talaga deserve? Ginagawa ko naman lahat para mag-improve tyaka iprove rin na may ibubuga rin ako kahit hindi walang pangalan ni tita Miranda.” hindi siya umimik, nakaabang lang sa mga dumadaan na jeep. Masama yata ang mood nito.
Pagkatapos ng ilang segundo ay humarap siya sa banda ko. “Sa tingin mo, hindi ba namin ginagawa ang lahat para mag-improve at ma-promote rin? Ang tagal na namin dyan nag-wowork pero ikaw palagi ang nakikita.”
Napaawang ang bibig ko sa mga sinabi niya.
“Well, don’t get me wrong wala akong inis sayo di kagaya ng iba- I mean lahat ng ka-work natin.” Seryosong aniya.