KABANATA 13

2730 Words
13. I was stunned when I saw him. "Syd, ayos ka lang?" Rinig kong pagkausap sa'kin ni Rys pero ang atensyon ko ay na kay Sir Heath. He's wearing black polo shirt with opened two button that revealing his chest slightly. He's also holding a glass with liquor. His eyebrows shot as he look and sipped for his alcohol. "Powder room tayo, Rys," aya ko. Hinawakan ko na sa kamay si Nerys at dumiretso sa powder room at doon tumulala. "Ayos ka lang?" "Y-yeah," medyo hindi rin ako sigurado sa sagot ko at mukhang hindi rin naman satisfied itong pinsan ko kaya tumingin ako sa kaniya. "No. Actually, no. He's out there!" "And?" "And it makes me nervous, Rys! Alam mo naman kung bakit," Sumandal ako. Ngayon pa yata ako masusuka dahil sa kaba. "Akala ko ba, No feelings attach lang?" "Hindi naman counted ang kaba sa feelings." "Counted kaya 'yun. Bigla ka ngang napatitig sa kaniya nung nakita mo siya, e. Tapos ba't tayo pumunta dito after mo siyang makita?" "K-kasi I need to retouch?" I tried to convince her and smile sa mirror na malaki. "Hindi ka pa ba hinahanap ng jowa mo? Mabuti nga ay pinayagan ka pala." "Hindi naman mahigpit si Dan sa'kin. Sabi pa nga niya ay mag-enjoy daw ako ngayon na walang halong kaba na papagalitan pag-uwi," sabi ni Rys. Nag-retouch na rin siya. "I'm really happy that you found your partner-" "'Wag mong idugtong 'yang sana all mo dahil nasa labas naman 'yung long time crush mo," asar niya bigla sa'kin. Nagtawanan tuloy kami. "Hanggang crush lang 'to. Lilipas din," preskong sabi ko at tumingin sa sariling reflection sa salamin. Lilipas din, huh? Scam. "Nako, Syd. H'wag nga ako. Kilala na kita mula ulo hanggang talampakan, 'yang ganyan mo panigurado na 'kong hindi na 'yan ang real status ng feelings mo. Tactics mo na 'yang deny deny." I suddenly smile and look to her reflection. This girl really know the 95% of me and I couldn't imagine my life without Nerys. My life would be boring if that's the case. Mabuti na lang, we both lived to be a best of cousins. After in powder room, nag-decide na kaming lumabas at bumalik sa party. Hinanap din namin si Gab dahil baka kung ano-ano na ang nangyayari sa kaniya. Sobrang hyper pa naman nun kapag nakainom na. I was looking for Gab but I found Sir Heath's intensely eyes that looking into my soul. Grabe 'yung titig, parang tunaw kana maya maya. I managed to ignore him for a couple of minutes and still look for Gab. I called his phone but he's not answering. The drunk Gab I know was wreckless, he'll do what he wants so we really need to find him. "Syd, ayaw pa rin ba sumagot?" "Ayaw, e," muli kong dinial ang number niya. Gosh naman Gab. Sana naman nagsasabi ka kung nasan ka. Because we can't contact him, Nerys and I decided to go back where we are before kami magpunta sa powder room. Ilang minuto pa kaming naghanap sa kaniya. Medyo madilim ang paligid kaya nahirapan kami hanapin siya. Everyone is getting drunk as in! They are really hyped up already kasi it's almost past midnight, I guess. Umupo muna kami habang hinihintay na mag-reply si Gab o bumalik dito sa spot namin. Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Rys hanggang sa napatingin siya sa likod ko. "Bakit?" Nginuso niya ang nasa likuran ko kaya tinignan ko na rin- "S-sir Heath," Napatayo ako nang makita siya sa likod ko. "Bakit po?" Bago siya sumagot ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at paakyat sa pang-itaas kong damit. Nakasuot ako ng black tube, see through shirt and denim skirt. Ibang iba sa mga sinusuot ko kapag nasa trabaho. Tinignan mo ulit siya. "Sir Heath," pag-pukaw ko sa atensyon niya dahil nakatingin lang siya sa'kin. "Off ko naman bukas." Hinawakan ako ni Nerys. "Hi, you must be her boss?" nagsalita si Nerys at naglahad ng kamay. "I'm Nerys, her cousin." Doon lang naalis ni Sir Heath ang pagtitig sa'kin at kinamayan pabalik ang pinsan ko. "Heath," pagkilala niya. "I know you." "Oh, how come?" "Same universities in college and her buddy during college," sabi ni Sir Heath. Nagulat si Rys sa sinabi niya kaya napatingin siya sa'kin. "Alam niya ba?" Bulong sa'kin ng pinsan ko. I just shh her dahil kung saan pa umabot ang usapan namin dito. "Sir Heath, off ko naman bukas kaya nag-party na kami ng pinsan ko. Tapos naman na ang mga paper works and I already checked the emai-" "I'm not mad," pagputol niya sa'kin. "Did you enjoy here?" Hindi ko alam ang isasagot ko kaya napakagat ako ng ibabang labi. Dapat ko bang hindi sagutin 'yun? At bakit naman niya 'ko tatanungin ng ganun? "Annie, I am asking you. Did you enjoy here?" "Oo," medyo mahina kong sagot. "Nage-enjoy ako kasi wala akong trabaho na iniiisip." "Is that the reason why are you here? Because you had a lot of works?" Medyo himihigpit na ang hawak ni Nerys sa braso ko. "Oo-" "Then, I'll lessen your works." 'Yun lang ang sinabi niya at umalis na. Hindi ako makapaniwala na ganun ganun na naman niya 'ko alisan matapos kausapin. "Ano 'yun, Syd?" Biglang tanong ni Nerys sa'kin. Mukhang confused din siya sa nangyari. "Hindi rin ako sure," sabi ko. "Hanapin na lang natin si Gab para makauwi na tayo." Hinanap nga namin si Gab. Nakita namin siya dun sa crowd at pinapainom ng alak. Ang waisted niya kaya nagpasya na talaga kaming lumabas. While booking our ride may biglang pumara sa harap namin at alam ko na kung sino 'to. Binaba niya ang bintana at dumungaw. "Hop in." Tumingin sa'kin si Nerys na parang sinasabi na sumakay at sumabay na kami sa kaniya para hindi na kami mahirapan. Umiling ako kay Nerys pati kay Sir Heath. "No, Sir. We already booked naman na, sayang," sabi ko kaso nakita kong bumaba siya ng sasakyan. Mabuti na lang waisted si Gab. Si Sir Heath pa naman 'tong nago-offer ng ride pauwi. Tumabi siya sa'min and then he crossed his arms on his chest. "Uwi na kayo, Sir Heath." "I'll wait with you," sagot niya. Si Nerys naman parang pinipigilan na ang matawa kaya napabuntong hininga na lang ako. Hawak namin si Gab sa magkabilang kamay para suportahan siyang 'wag malaglag. Medyo may malay naman siya pero hindi niya dinidilat ang mata niya. Grabe kasi lumaklak ng alak! Akala mo walang bukas. Nang makita ang sasakyan namin ay naglakad kami paharap at pinara 'yun. Nang huminto ay binuksan ni Sir Heath ang pinto sa likuran at inuna namin si Gab. "Baks, ang gwapo nung isa don," sabi ni Gab bigla. "Hala, si Sir-Init ba 'yan?" Ang daldal kahit lasing! Napakunot ng noo si Sir dahil sa narinig niya kay Gab. Sinabi ko na lang hindi dahil baka magalit si Sir kay Gab, mawalan pa ng trabaho. Papasok na sana kami ni Nerys nang harangin kami ni Sir Heath at tinulak palayo sa pinto ng sasakyan. Nagulat ako sa ginawa niya pero pinagtaka ko kung bakit niya sinarado ang pinto ng sasakyan, e, sasakay pa kami? Kinatok niya ang driver. "Paki-hatid. I'll track your car so I can see where you headed to. Your passenger is my employee, if something bad happens to him.. I am incharged so better do your work properly. You know who I am?" Ilang segundo pa ay umalis na ang sasakyan. Naunang maglakad si Sir Heath habang may tinatawagan sa cellphone niya. "Syd, sa kaniya ba tayo sasabay? Paano si Gab?" "Hindi ko rin alam pero mag-book kana ulit para makauwi na tayo, baka nag-aalala na sa'yo jowa mo," sabi ko kay Nerys at agad naman niyang ginawa. Hindi kami umalis sa kung saan kami naiwan ng sasakyan at nagawang paalisin ni Sir ang driver. Papalapit na si Sir Heath sa sasakyan niya nang lingunin niya kami kaya napaiwas ako ng tingin. Si Nerys ay busy sa paghahanap ng sasakyan namin pauwi. "Come on, Annie," pagtawag ni Sir Heath. Napatingin din tuloy ang ibang tao dahil sa pagtawag niya. "Hindi na Sir. We can manage naman, pwede rin naman kaming magpa-sundo sa boyfriend ni Rys." Nakita kong papalapit siya sa'min. "You'll disturb her boyfriend. I am now offering you a ride home, Am I not?" Sabi niya nang makalapit. "Come on, let's not waste time so you can rest already." "Nag-booked na si Nerys ng sasakyan namin. Right, Rys?" Tumingin ako sa pinsan ko kaso nakita ko ang pag-ngiwi ng mukha niya. "W-what?" "Wala pa 'kong ma-book. Walang car nearby, Syd." I heard Sir Heath's hissed. "Come on, Annie. You're both f*****g drunk. I won't let you ride with your estate." "Hindi naman na bago ang ganito, Sir. Kaya na namin-" "Hello, Dan! Oo, pauwi na kami. Wala lang ma-book na sasakyan. Oo, oo. Hintay na lang muna kami. 'Wag na! Hintayin mo na lang ako sa labas ng villa, okay?" Si Nerys habang may kausap sa cellphone niya. "Ha? No, no. I'm with Syd naman and.. her boss. He offered a ride but Syd refused it." "Really, Rys?" I almost feel betrayal. Grabe, pinsan ko ba 'to? Kino-konsensya ako? "Yep. Okay, bye bye. I'll be there in an hour, we will sent you the plate number." Binaba ni Nerys ang cellphone at tumingin sa kalsada na para bang walang nangyari. "Ano?" She asked. "Tumawag lang naman siya para kumustuhan ako. Ba't ganyan tingin mo sa'kin, Syd?" She even whimpered. "Fine!" Nauna akong maglakad papuntang sasakyan pero tumakbo si Nerys at umupo sa likod ng driver's seat. Tsk, parang bata. Papalapit na sana ako kaso bigla niyang sinarado. Napa-kunot noo tuloy ako. "Rys, buksan mo," sabi ko but she pointed the front seat. I heard Sir Heath chuckled. Pinagtutulungan talaga 'ko!? "Rys, ano ba?" I knocked at her kaso pumikit na siya at sumandal. Tinignan ko si Sir Heath, binuksan niya ang front seat. He looked away but I can see that he's smirking. Napabuntong hininga ako. Pumasok at umupo na 'ko sa front seat na katabi ni Sir Heath. Umikot na rin siya para makasakay na. He started the engine at bumiyahe na kami. Tahimik lang kami at medyo mabilis din ang patakbo niya dahil wala naman nang mga sasakyan. "Is she okay?" Sir Heath suddenly asked. I looked at Nerys. Nakahiga na pala siya sa upuan at mukhang tulog na. "Okay lang siya. At least ngayon, okay na siya," I almost whispered. Tumingin ulit ako sa bintana. Nerys and I grew up together. I saw her sacrifices and such's. Way back in Antipolo, we really had it each other kahit maliit na bagay. She was a more than a cousin to me, twin sister na nga kung tawagin kami noon sa bawat reunion ng pamilya. Kaakibat ng mga masasayang pinagsamahan namin, meron din naman 'yung mga hindi ganun ka-ganda. Nerys sacrificed a lot. Alam kong matatag siya at kinakaya niya but I also know that she's strong because of her family. She value the most the family and that is one thing in the lot of things we had in common. Family first. Tinuro ko kay Sir Heath ang daan papunta sa tinutuluyan ni Nerys hanggang sa makarating na nga kami. Bumaba ako at pinuntahan si Rys sa likod. "Rys, gising kana. Nandito na tayo sa bahay niyo," sabi ko kaso walang epekto. Nakita kong bumaba na rin ng sasakyan si Sir Heath. Dahil hindi ko nga magising, kinuha ko na lang ang cellphone niya at tatawagan na lang 'yung boyfriend niya. ["Rys–"] "Hello, Dan? Si Syd 'to." ["Uy, ikaw pala. Ayos lang ba si Nerys?"] "Oo, ayos lang naman but she passed out. Nandito na kami sa labas ng bahay niyo," sabi ko at yinakap ang braso dahil sa lamig. ["Sige. Pabalik na 'ko."] Binalik ko ang cellphone ni Nerys sa bag niya at tumayo sa gilid ng kotse. May kinuha si Sir Heath sa kotse niya. "Here," he handed me a jacket. "It's cold here." I nodded. Hindi na 'ko nag-inarte at kinuha na ang jacket. Ang lamig kaya! Anong oras na ba kasi. "They live here?" Bigla niyang tanong. Sumandal din siya sa kotse niya katabi ko. Tumango ako. "Sa kanila na 'yan. Si Dan kasi ilang taon ng lawyer, nakaipon at nakabili na ng bahay." Pinagmasdan ko ang bahay nila. Sana sa loob ng bahay na 'yan, hindi na natatakot si Rys. Sana maramdaman niya na kasama niya kami sa lahat ng bagay. "Do you want that too?" Ang alin? Hindi ko siya maintindihan kaya napatingin ako sa kaniya. He's looking to their house too. He was like examining it. His eyes are into the house which made me look again. "Do you want to have a home?" Nagulat ako sa tanong niya. Where's his question coming from? "A house feels like home," sabi niya. I can see on my peripheral vision na napatingin siya sa'kin. "I want that too, Annie." "M-meron naman po kayo niyan. Malaki nga ang pamilya niyo, e, kaya panigurado na your house felt like home." I get it when he said, a house feels like home. "Annie, I said; A house feels like home," pag-uulit niya. "What's your plan 3 years from now?" 29 na 'ko nun. At iniisip ko na sana bago man lang ako mag-30 ay may asawa na 'ko. "Hmm, nasa bahay Sir, probably taking care my future kids while waiting for my husband. Sana nga lang. Ayoko tumandang dalaga, e," I chuckled. "You won't be," saad niya. "Pero hindi ko naman pine-pressure sarili ko, Sir Heath. Nag-eenjoy pa rin naman ako ngayon." "Do you remember what I said when we're at Davao?" "Alin po dun?" "When I was drunk." Inisip ko ang nangyari sa araw na 'yun at binabalikan ko kung ano-ano ang mga sinasabi niya. "Sir–" Hindi ko natuloy dahil may nag-park na kotse sa harap namin. Tinignan ko at nakitang si Dan ang naroon. Bumaba siya. Umayos ako ng tayo at binuksan ang pintuan ng kotse ni Sir Heath. Tumabi sa gilid ko si Sir Heath nang makalapit si Dan. "Uy, pasensya na, Syd. Akala ko kasi dun sa labas ng village siya bababa," sabi ni Dan. "Akala ko kasi nag-taxi lang kayo." "Ayos lang. She passed out nung pauwi na kami. Ginigising ko kaso ang sarap ng tulog, e." "Rys, gising na. 'Yung resulta ng exam nandyan na," sabi ni Dan at si Nerys ay biglang napamulat. "Tara na." Tumayo si Rys at inakay ni Dan pababa ng kotse. Hinawakan ko na din sa kabilang braso dahil mukhang lasing nga talaga. "Nandyan na ba? Nabasa mo na? Ano resulta? Aidan? Ano sabi, Aidan?" Sunod sunod na tanong ni Rys kay Dan. "Hindi pa. Tara na, tignan na natin." Habang naglalakad kami papasok ay hindi ko alam kung anong exam ang tinutukoy niya dahil sa pagkakaalam ko, tapos na siya mag-masteral. Napatingin tuloy ako kay Dan. Napabuntong hininga at nag-salita. "Nag-exam siya ng NMAT. Gusto na niya kasing ituloy sa Medical School," Napahinto ako kaya naging dahilan para mapahinto rin si Dan sa paglalakad. "Pero sana 'wag muna natin ipaalam sa iba? Ayoko kasi ma-pressue si Nerys." Tumango ako. Gosh. Hindi ako makapaniwala na nagagawa ni Rys ang gusto niya. Itong pagdo-doctor niya, matagal na niya 'tong gusto. Nang maipasok na namin si Nerys sa loob ay nagpaalam na rin ako dahil anong oras na. Nakita kong naghihintay si Sir Heath sa labas ng kotse niya. "Sir Heath," sabi ko nang makalapit. "Ayos na 'ko dito. Magta-taxi or magbo-book na lang ako." Agad na kumunot ang noo niya nang tumingin sa'kin. Grabe, 'yung kunot! "I'll drive you home," sabi niya at naglakad papuntang front seat. Binuksan niya. "Hop in." Mukhang wala rin naman akong mapapala kung aayaw ako. Edi, sumakay na lang din. Tahimik ulit kami sa biyahe. Ang awkward naman yata namin ngayon? I was looking at the outside when he play the radio. He slightly volume it up. "Did you recall the thing I said?" Bigla niyang tanong. "Alin ba dun, Sir? Madami kasi atsaka medyo nakalipas na rin kasi, e." "How can you forget that?" "H-hala? Ang dami kaya nun, Sir Heath." "How dare you to forget 'gagawin kitang del Mundo'? Is that freaking hard to remember?" My jaw dropped. And my heart raced so freaking fast.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD