KABANATA 12

2519 Words
12. Simula nung nakaraang linggo, na nakita dito sa trabaho ko na hinawakan ako ni Sir Heath sa baywang ay parang lahat yata ay galit na sa'kin. Simula nun ay parang nag-iba na ang tingin nila. Wala naman akong paki dahil wala naman silang nagawa sa buhay ko, why should I bother because of them? I'm not obliged to say and explain that to them. Ang mga desisyon ko sa buhay ay sa'kin na lang. Sir Heath doesn't know about that. Hindi ko na rin na dapat pang ipaalam dahil baka ano pa ang isipin niya. Ngayong umaga ay nasa site kami para tignan ang project niya. Engineer talaga 'to si Sir Heath pero mas pinili ang pagiging bussiness man na nasa linya pa rin ng engineering. I wear a hard hat bago kami pumunta ng site kasama 'yung ibang Engineers na ka-sosyo ni Sir Heath. Mabuti na lang nakapag-sunscreen ako, ang init pa rin pala kahit alas-tres na ng hapon! I'm just taking down notes everything they said. Pinagpapawisan na yata ako kahit medyo malakas naman ang hangin. Nang mapansin ni Sir Heath na nagpupunas ay nadi-distract siyang tumingin sa'kin habang nagsasalita kaya tinigil ko. Ba't parang kasalanan ko pa na nahihinto siya sa pagsasalita niya dyan? Tsk. Maya maya pa ay hindi ko na talaga kaya kaya pumunta muna ako sa likod at dun nag-punas ng pawis. Hassle naman kasi naka-sleeves pa 'ko at slacks. Heto kasi ang sabi niyang suotin ko, akala ko naman may other conference. 'Yun pala ay surprise visit sa bago niyang project. "Akin na," a voice suddenly comes. Nagulat ako kaya ka-muntik ko nang mailaglag ang panyo! Si Sir Heath pala. Kinuha niya sa kamay ko ang panyo. "This is already wet." Wet? Ang alin? May kinuha siya sa loob ng suit niya. Puting panyo rin pala. Naka-kunot noo siyang nakatingin sa'kin at aambang na pupunasan ang noo ko. "W-wait, Sir. Ako na po," I almost got a heart attack nang idampi niya ang panyo niya sa noo ko at simulang punasan 'to. "Ako na Sir." "Tsk," tinapunan niya ako ng tingin at binalik sa pagpupunas ng noo ko. "Your sweat making me drool." "Sir, baka ma-issue. Ang dami pa naman nila," mahina kong sabi. "Baka–" "Wow, what a sight, Heath!" Sabi nung isang Engineer at tumawa. "You're really caring for your fiance. That's good. The rumors are true enough." Lalayo na sana ako pero hinawakan ni Sir ang batok ko. "'Wag kang malikot," he said. Buong mukha ko ay pinunasan niya pati na rin ang batok ko. Nang matapos ay inabutan niya 'ko ng tubig at humarap na dun sa ibang Engineer. "Of course I have to take care of her. It's just a give and take, Sir." "Really? So, she's taking care of you so well?" Tanong nung matandang Engineer. "She really is. Shall we continue?" Napakagat na lang ako ng labi. Hindi ko alam kung kikiligin ako o mangangamba dahil hindi siya nag-deny tungkol sa kumakalat na issue na engaged na siya at dinagdagan pa niya ngayon. Tsk! Wala na talaga! We continue to visit their site until almost 5:30pm. Nag-usap pa sila sa loob ng opisina at nag-close ng deal para sa mga gagawin tungkol dun. Nandito na kami sa sasakyan niya at wala ang driver. His drivers aren't around from the day we back here from Davao. Dati naman ay kasama namin ang drivers niya at sila ang naghahatid sa'min sa tuwing may visit sa site pero ngayon, siya na lang ang nagda-drive sa sarili niya. Nakakaawa nga dahil minsan ay pagod na pagod na siya. Bakit kasi kailangan niyang alisin 'yung mga driver? "Change your clothes, Annie," biglang sabi niya nang matapos kong isuot ang seatbelt. "Basa ng pawis 'yan." "Ayos lang po. Pauwi na rin naman na Sir." "Change your clothes or you'll get sick." "Ayos nga lang po. Wala naman po akong pamalit pati," sagot ko. "Alis na tayo Sir." Kaso may kinuha si Sir Heath sa likuran na damit at binigay sa'kin. "Wear that," sabi niya at tinuon sa labas ang tingin. Tinignan ko naman ang damit at isa 'to sa mga polo ni Sir. Inamoy ko pa– ang bango! Grabe. "Sir, uhm, labas muna kayo?" "No way. I clapsed now my seatbelt. Just wear the clothes, Annie," masungit niyang sabi. "Edi, hindi po ako magpapalit hangga't nandyan kayo." "Nasa labas ang tingin ko." Umiling ako kahit hindi niya nakita. Nakakahiya 'no! Tinignan niya ako at sinamaan ng tingin pero tinanggal niya ang seatbelt at lumabas na ng sasakyan. Ang laki pala nitong polo ni Sir. Tinanggal ko na ang sleeves ko at sinuot ang polo. Mas malamig nga sa katawan. Parang na-preskuhan ako dahil dito. Inayos ko rin ang mahaba kong buhok, kumuha na din ako ng kaunting pulbo at nilagyan ang likod ko. Nang makita ko sa salamin na ayos na ay binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan. Pumasok na siya at pinasadahan ako ng tingin. I saw him smirked. Sus, hindi na lang aminin na na-gandahan siya sa'kin na makitang suot ang polo niya. "Well, I am, Annie," bigla niyang sabi at binuhay ang sasakyan. Shit! Ayan na naman, I always voice out ang iniisip ko kapag siya ang kausap ko! "You look good with my polo and I can see your bra. It's f*****g making me hot." Para akong nabilaukan sa sinabi niya. Agad kong tinakpan ang hinaharap ko gamit ang bag ko! s**t! Nakakahiya! Nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Nang maihatid niya ako sa condo ko ay agad akong tumakbo matapos magpaalam sa kaniya. Gosh! Nakakahiya, Annie! Nang makadating ako sa condo ko ay halos habulin ko na ang hininga ko habang nakasandal sa likod ng pintuan. Tingin ko ay wala akong lakas na makita si Sir Heath bukas dahil dito! Ba't naman kasi hindi ko napansin na masyadong manipis ang polo at matingkad naman ang kulay ng bra ko! I rolled my eyes. s**t! Hahakbang nasa ako papuntang sala pero may doorbell kaya tinignan ko sa peep hole kung sino. Si Sir Heath pala! Agad kong tinakip muli ang bag ko sa harapan ko bago siya hinarap. "S-sir, bakit? May nakalimutan po kayo?" I asked. Medyo magulo na ang buhok ni Sir Heath ngayon. "Yeah, I forgot this," in a swift move hinawakan niya ang magkabilang panga ko at siniil ng halik. He's kissing me now na naging dahilan para mabitawan ko ang bag na nakatakip sa harap ko. I'm shocked with this kiss of him. Segundo lang ang tinagal nun pero ang paghawak niya sa panga ko ay naroon pa rin. Sa bilis nga ay nakamulat pa rin ang mata ko! "You're making me crazy," angil niya sa mahinang boses. Pinatong niya ang kaniyang noo sa noo ko. I can smell his breath from this. You're making me crazy, too, Sir Heath. Sobra. Again, he kiss me but this time I respond. I kiss him back and he's starting to lick me with his playful tongue! I still don't know what to do but he managed me. Bumaba sa batok ko ang kamay niya. He's kissing me hungrily and I'm kissing him back! Natigil kami nang biglang may tumawag sa cellphone niya. Nakakunot noo niyang kinuha 'yun sa bulsa niya at sinagot. "Rev," his cold voice after he answer the call. "Alright. Be there after 15 minutes." Binalik niya sa bulsa at tumingin sa'kin. "I'll go now. Take a rest," sabi niya at naglakad na pabalik ng elevator. Tska lang ako natauhan nang wala na siya sa paningin ko. What was that? Did he just go here and suddenly kissed me? Hindi ako makapaniwalang ganoon nga ang nangyari. Wala ako sa wisyong bumalik sa loob ng condo. Ano 'yun? Kapag gusto niyang pumunta dito at halikan ako, gagawin niya na lang basta tapos iiwan ako ng ganun ganun lang? Alam kong mali na I kissed him back but did he just left me dumbfounded? I groaned to my own frustration! The alarm clock ring and I stood up. Umaga na naman para mag-trabaho. I checked my phone and to my surprise, may text pala si Gab. Gab: Syd, we're here near sa BGC! Sunod ka, baks! Ang daming pogi na gusto akong iuwi, sasama ba 'ko?! LOL. Isa 'yun sa mga text niya. Maaga ako natulog kagabi dahil sa pagod kaya hindi ko na namalayan na nagte-text pala siya. Habang nasa shower ay naalala kong hindi na pala ako nakakalabas tuwing gabi kaya I decided na ayain ang pinsan kong si Nerys para mag-saya mamaya. Nang matapos na akong mag-ayos ay dumiretso na 'ko sa office. Papasok ako sa elevator nang tawagan ko si Nerys. "Hello, Rys?" ["Yep, hello, Syd!"] "Are you free tonight?" ["Hmm, wala naman akong ibang gagawin mamaya. Why?"] Sasagutin ko na sana si Nerys kaso may humabol sa elevator. Tingin ko ay iba na agad ang araw ko. Bumilis ang t***k ng puso ko nang makitang si Sir Rev ang humabol. ["Hello, Syd? Dyan ka pa?"] Napapitlag na lang ako nang maalalang kausap ko pala ang pinsan ko. "O-oo. I'll just call you later, Rys. Okay?" Sabi ko. ["Weird pero sige. Take care!"] Binaba ko ang cellphone ko Kung sinu-swerte ka nga naman. Makakasabay ko pa 'tong pinsan ni Sir Heath na si Sir Rev sa elevator at kami lang ang sakay. Pinindot niya ang sumunod na floor kung saan ako bababa. Just great! "Good morning, Anniesyd," bigla niyang sabi kaya medyo nagulat ako at medyo natawa siya. "G-good morning too, Sir Rev." "Sir? You'll be my cousin's wife and you call me Sir? Nakaka-flatter pero Rev will be fine," sabi niya. "Sige po." Hindi ko na kayang sundan ang usapan namin mabuti na lang ay tumawag si Sir Heath. ["Anni–"] "Hello love! Good morning!" I smiled. Sana makuha niya agad 'tong inaasta ko! Nakakaloka naman! ["What?"] "Where are you? Malapit kana ba, love? Sabi ko naman kasi sa'yo dapat hindi mo na dinaanan sila Mommy. They were fine naman." ["Anong–"] "Ay, love, I tried baking your request cupcakes pala. 'Di ba sabi mo, nagustuhan mo 'yung katulad kay Mom? I have there sa condo, daanan na lang natin later." ["Wow. So, you bake now?"] "Don't be surprise, love!" I fake laughed. "I tried cooking some dishes na nga rin para once we got married, I'll be your best cook slask proud wife." I can see from the reflection that Sir Rev creased his forehead. Napatikhim siya habang nakikinig sa'min. "Sige na, love. Paakyat na 'ko sa trabaho," sabi ko nang makitang palapit na ang floor ko. "I love you." ["W–"] Hindi ko na natapos ang sasabihin niya ay agad ko nang binaba dahil tumunog na ang elevator. "Have a great day, Sir Rev," I greet him at lumabas na ng elevator. Dali dali akong pumunta sa cubicle ko at sinalampak ang ulo. "Hoy, baks! Anyare?" Tanong ni Gab. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Tingin ko ay magpa-palpitate ako dahil dito. "Tinext kita, sabi ko sumunod ka sa'min!" "Nakatulog na kasi ko. Napagod sa site kahapon kasama 'yung mga bigatin na Engineers," sagot ko at umayos na ng upo. "Tsk. Hindi ako sure kung secretary ang inapplyan mo o yaya, baks!" Biro niya. Nagtawanan na lang kami. Nagsimula na kaming mag-trabaho at ilang minuto ang nakalipas nang dumating si Sir Heath. Dumaan siya sa harap ko at ngumisi. I mentally roll my eyes. Ngisi ka pa, e, halos mawalan na 'ko ng kahihiyan kanina sa elevator! Bumalik kami sa pagkakaupo at pagta-trabaho nang makapasok si Sir Heath sa opisina niya. "Himala, hindi lukot ang noo ni Sir-Init!" Sabi ni Gab. "Ngumisi pa nga bago pumasok ng opisina." I shrugged and then continue to work. Tsk! Kung hindi ko lang naman nakasabay si Sir Rev ay hindi ako magpapanggap at magsasabi ng I love you, no! Sinabi ko lang naman dahil baka magduda siya! "Annie, to my office," pagtawag ni Sir Heath. Dinala ko ang mga papeles na kailangan niyang pirmahan. I knocked and then pumasok na. "Sir, heto po ang mga kailangan niyong pirmahan," pag-bungad ko at inilipag sa lamesa niya ang mga papeles. Nawala sa mukha niya ang maliit niyang ngiti. "What? Sir, again? You called me love earlier," he hissed and then hold his pen. "Nakasabay ko po si Sir Rev kanina sa elevator kaya po ganun." "What? Rev? He was here?" Medyo masungit niyang tanong. Tumango ako sa tanong niya. Hindi pa rin ako maka-limot sa ginawa niya kagabi! Hindi naman pwede na pupunta siya condo at hahabulin ako para halikan. Wala naman 'yun sa pinag-usapan namin tungkol sa pagpapanggap ko bilang fiance niya. "So, the I love you from you was because of that?" He asked. Tumango ulit ako at wala sa mood na tinignan siya. "Oh, I see." Sinimulan na niyang basahin at pirmahan ang mga papeles na binigay ko. Hindi na 'ko nagsalita. "Thank you, Sir," sabi ko nang matapos niyang pirmahan. Kinuha ko na ang mga papeles at agad na lumabas. Pagbalik ko sa cubicle ay tinuon ko na lang ang sarili at atensyon para sa trabaho hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras at alas kwatro na. I rested my back and reached for my phone. Umalis si Sir Heath kaninang 1 pm dahil may aasikasuhin daw na deal kasama ang iba niyang pinsan. Hindi na 'ko sumama dahil tambak ako ng gawain kanina. I dialled my cousin's number. "Rys." ["Yep, Syd?"] "Sorry I need to cut the call kanina. Tatawag kasi si Sir Heath." ["Ayos lang naman, ano ka ba. Saan ba tayo mamaya para makapagsabi ako kay Aidan."] "Wow, sana all may pagsasabihan," biro ko at narinig ko ang tawa niya. ["Sa Sir Heath mo magsabi ka, tutal fake fiance mo naman!"] We both laughed. We agreed to party later sa the island kaya inaya ko na din si Gab. "Baks!" sigaw ni Gab. "San ka galing? Bigla bigla kang nawawala!" Sabi ko. Ang ingay na sa paligid at masyado nang lumalalim ang gabi pati ang alak namin. "Dyan lang sa tabi! May bigla bigla kasing nagtatanong ng pangalan ko tapos the next thing I know, we're making out na!" Tumili pa siya. "Ingat ka, Gab, ha," paalala ni Nerys sa kaniya. "Oo naman! Sige na, let's cheers and enjoy!" We drank our beers and dance to the music. May mga nakakikita na 'kong kakilala ko and they were asking where I went dahil matagal tagal na rin nung huli kong punta dito. I just answered them that I was busy at work which is really true. Nerys and I started to dance from the loud music and the beers we're holding. Gosh! I missed this kind of party! Mabuti na lang ay pinayagan ni Aidan si Nerys ngayon. "Rys, kanina pa tayo dito pero walang lumalapit sa'kin. Pangit ba 'tong suot ko?" I asked with a drank me. "No, of course not. We're both pretty tonight. Siguro ay dahil doon sa boss mo kaya hindi ka nila malapitan," she mouthed to look behind me and when I did, I saw Heath.. looking directly to me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD